Chereads / Play for you (Gawong Story) (COMPLETED) / Chapter 12 - Chapter 12: She's Back!

Chapter 12 - Chapter 12: She's Back!

Deanna POV

Abala na ang lahat para sa darating na exam. Kaya ito, puspusan na ang aming pag rereview at abala sa napaka daming quizzes. Pagkatapos kasi ng isang linggo, ay magiging abala na rin kami sa paparating na Volleyball Tournament. Kung saan makakalaban ng aming University ang apat na naglalakihang University dito sa Pilipinas.

At isa sa mga iyon ay ang dating University kung saan ako nagmula. Kung sana, hindi ako nag karoon ng isyu edi sana kabilang parin ako sa mga atleta na dati kong kasamahan mula roon.

At kung maitatanong man ninyo, natapos na rin ang isyu sa pagitan ni Ms. Garcia at ni Jema. Ngunit nagkaroon ng panandaliang tampuhan sa pagitan nito at ni Celine na siyang may pakana pala talaga ng nangyaring pagpapanggap ni Ms. Garcia.

Pero hindi naman iyon nagtagal dahil nagka ayos din kaagad ang magkaibigan. Sa ngayon, masayang nagtatrabaho parin si Ms. Garcia bilang aming Science teacher dito sa University.

Habang mas lalo namang naging mabuting magkakaibigan sina Jema at Celine, pati na rin ang iba pa nitong mga kaibigan.

Masaya ako para kay Jemalyn, dahil habang tumatagal ay mas nakikita ko ang kabutihang loob nito. Hindi lamang ito mayaman, nakikita ko rin mayroon itong matabang puso para sa ibang tao. Marahil nadadala lamang ito minsan ng kanyang pagiging pasaway kaya nakakagawa ng mga bagay na hindi nito inaasahan at sinasadya.

-----

Habang naghihintay kay Jema dito sa isang Coffee shop sa labas ng University ay palinga-linga lamang ako sa paligid.

"Ang tagal naman ng babaeng yon." Bulong ko sa aking sarili. Mahigit sampong minuto na akong naghihintay sa kanya eh.

Baka napahaba lamang ang pagkukwentuhan nilang magkakaibigan. Tama!

Hindi nagtagal ay muli kong ibinalik ang aking mga mata sa cellphone. At muling napa scroll roon.

"Excuse me. Ikaw ba si Deanna Wong?" Ang tanong sa akin ng isang staff dito sa Coffee Shop na lumapit pa talaga sa akin.

Kaagad akong napatingin rito at napatango narin. "A-ako nga." Sagot ko rito.

Napangiti ito sa akin bago inilapag ang mga pagkain mula sa tray na hawak sa lamesa na nasa aking harapan.

Mabilis akong napalunok ng makita isa-isa ang mga pagkaing nasa harapan. Mukhang masasarap at halatang mga mamahalin ang halaga.

Matatakam ka nalang talaga dahil sa amoy ng mga ito lalo na at nasa aking harapan na. Isa pa...muli akong napalunok ng mabagal, paborito ko kasi ang lahat ng ito.

"Enjoy your meal ma'am." Naka ngiting sabi nito at akmang tatalikod na sana ng pigilan ko siya.

"Teka Miss." Pag pigil ko rito. "H-hindi pa naman ako nakakapag order ha. Baka naman nagkakamali ka lang ng customer na napag serve-an." Totoo naman kasi. Hindi pa ako nakakapag order, ni hindi pa nga umiinit iyong pwet ko rito aking kinauupuan eh. Kahit 10 minutes na akong nandidito.

Kaya papaanong may pagkain na rito sa harapan ko ngayon. Napakamot ito sa kanyang batok bago napangiti ng alanganin sa akin.

"I ordered for us." Sabi ng isang boses. At ang boses na iyon ay mula sa kilalang kilala ko na tao.

Kaagad akong na patingin sa babae mula sa likuran ng staff. Nanlalaki ang mga matang nagka salubong ang aming paningin.

Halos mapatalon ako mula sa aking kinauupuan at patakbong sinalubong ito ng mahigpit na yakap.

"Ponggay!" Masiglang pagbanggit ko sa pangalan nito habang nagyayakapan. Kapwa kami nag niningning ang mga matang tinititigan ang isa't isa pagkatapos.

"Miss me?" Pabirong sabi nito bago napa ngisi. Kaagad akong napatango.

"Sobra!" Wika ko rito. "Salamat naman at napadpad ka rito." Iginaya ko ito sa lamesa kung saan ako naka upo kanina.

Malagkit ako nitong tinignan sa aking mga mata bago tuluyang na upo sa silya na nasa aking harapan.

"Of course!" Naka ngiting sabi nito ngunit hindi parin inaalis ang tingin sa aming mga mata. "I've missed you. A lot."

Awtomatikong napa iwas ako ng tingin bago natawa ng mahina. "Papaano mo pala nalaman na nandito ako sa Coffee Shop na ito?" May pagtataka na tanong ko rito.

"Hmmmmm, from your fans?" Patanong na sagot nito. Napakunot ang aking noo. Anong ibig nitong sabihin?

"Nagtaka ka pa. Of course maraming humahanga sayo, kahit saan ka pumunta may mga kukuha ng litrato mo kahit na walang pahintulot mo. Kaya nalaman ko dahil sa mga post nila sa social media. So I drove as fast as I can para lang nakarating kaagad rito. Easy diba?" May pagmamayabang na sabi nito. Walang nagawa na napa iling na lamang ako sa aking sarili habang tinititigan ito sa kabuohan ng kayang itsura.

Sobrang na miss ko ang babaeng ito. Siya lang kasi talaga ang taong sobrang napalapit sa akin, sa nanay ko, pati na rin sa iba pang mga kamag-anakan namin at maging sa aming mga kapitbahay.

Iyon nga lang, nawala ito ng dalawang buwan para magbakasyon sa Cebu. At heto nga, nandito na siyang muli dahil katulad ko ay estudyante parin ito. Lalo na at atleta rin na kagaya ko mula sa University kung saan ako nang galing. At oo, isa siya sa mga magiging kakompetensya ko sa araw ng Tournament.

"Let's eat? Alam kong paborito mo ang lahat ng ito kaya tiyak na hinding hindi mo matatanggihan." Sabi nito bago napakindat pa sa akin.

Pakiramdam ko ngayon kusang nangamatis ang aking mukha dahil sa mga ginagawa niya.

Hindi naman siya ganyan dati ha. Busted at rejected pa nga ako noon sa kanya hindi ba? Kaya nanatili na lamang kaming magkaibigan, pero ngayon...para bang iba ang mga aksyon niya.

Para bang nag-fflirt? Tanong ng aking isipan. Napatango ako. Oo, tama. Parang ganon na nga. Sagot ko naman rito.

Pilit na inaalis ko sa aking isipan ang mga kakaibang aksyon ngayon ni Ponggay. Hanggang sa hindi nagtagal ay nagsimula na nga kami sa pagkain.

Habang kumakain ay nagkukwentuhan naman kami ng kung anu-ano tungkol sa mga nangyari at naging experience namin noon habang magkasama sa team.

Ang saya lang pala balikan lahat ng ala-ala kahit na alam mong hindi na muling mararanasan pa. Pero kahit na ganoon, masaya ako dahil naging bahagi kami ng buhay ng isa't isa. At masaya akong hanggang ngayon ay pursigedo parin ito na maging isang mas mahusay sa larangan ng Volleyball.

Tapos na kami sa pagkain at habang nagtatawanan pa ay bigla na naman itong napatitig sa mukha ko at sinabi ang mga katagang hindi ko inaasahan na maririnig mula sa kanya.

"Ano kaya ang feeling na maging girlfriend ka? Siguro, napaka swerte ko noon ano? Kaya lang sinayang kita."

Kita ko ang pagsisisi at sinsiridad sa mga mata nito.

Napa tikhim ako at kaagad na napaiwas ng tingin mula sa kanyang mga mata. "T-tapos na yon. Wag na nating balikan pa." Naiilang na sabi ko rito. Ngunit hindi ko na naman inaasahan ang sumunod na ginawa nito.

Iniipit lang naman nito ang iilang hibla ng aking buhok na nagkalat sa aking mukha sa likod ng aking tenga.

"Ikaw ang bagay na kapag sinayang ay kaagad ding panghihinayangan." Nakangiti na sabi nito sa akin.

"Haha.." Pilit na tawa ko rito dahil sobrang napaka awkward na ng aming sitwasyon.

"Ponggay, napatawad na kita. Alam ko nasaktan ako sa pang rereject mo sa akin noon, pero tapos na yon. Hindi mo na kailangan pang sabihin ang bagay na yan ngayon." Sabi ko rito habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata.

Pero sa loob ko, masaya ako na kahit papaano eh sinasabi niya ang mga bagay na iyon ngayon. Na nagsisisi siyang hindi nito tinanggap ang pag-ibig ko noon.

Iyon nga lang kasi minsan, kahit gaano mo pa kagusto ang isang tao, kapag alam mong hindi siya ang para sayo hinding hindi hahayaan ng mundo na ibigay siya para maging bahagi ng buhay mo.

Marahil isang aral din sa mga tao ang masaktan, iyong tanggapin na may dumarating sa buhay natin para samahan lamang tayo at pasayahin panandalian, hindi para samahan tayo hanggang dulo.

Malungkot itong napangiti sa akin. "I know." Tipid na sabi nito. "You've moved on."

"Pero huli na ba talaga na magsimula tayong muli? I mean...ako ang manliligaw. Hindi mo kailangan---

"Ponggay..."

"Okay fine. I was just kidding." Sabi nito habang nakataas ang dalawang kamay.

Napahinga ako ng malalim bago napatingin sa glass wall ng Coffee Shop. Ayaw kong may nasasaktan na tao. Pero kasi diba? Wala naman talaga itong nararamdaman para sa akin. Pero bakit ngayon...iba ang mga sinasabi nito?

Sandaling naagaw ng babaeng nasa labas ng Coffee Shop aking atensyon. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba at pag-aalala ng makita ko siya.

Kaagad akong napatayo at nilabas ito. Hindi na nga ako nag abala pang magpaalam kay Ponggay.

"Jema?" Galit ang mga mata na napatingin ito sa akin at animo'y nagbabadya sa pag luha. Sa halip na sagutin ako ay mabilis ako nitong tinalikuran.

"Teka nga sandali, galit ka ba sakin?" Concern na tanong ko rito. "Kanina pa kaya kita hinihintay----

"Jema wait. Please listen to me." Naputol ang aking sinasabi ng biglang sumingit si Celine mula sa aming likuran.

Kunot noo akong nagpalipat lipat ng tingin sa dalawa habang may kung ano mang tensyon ang namamagitan sa kanila.

Kusa na lamang nag walk-out si Jemalyn ng akmang hahawakan na sana siya ni Celine.

Napakamot ako sa aking batok. "Celine, a-ayos ka lang ba? Baka kasi----

Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakapagsalita ng tapos nang bigla rin itong nag walk-out at walang lingon likod na dire-diretso lamang sa pag lakad.

Frustrated na napahawak ako sa aking noo.

Ano bang nangyayari? Una, si Ponggay naguguluhan ako sa mga sinasabi niya at aksyon ngayon. Pangalawa, si Jema na hindi ko alam kung sa akin ba ito galit o kay Celine. Tapos pangatalo, itong si Celine, na halos paluha na ng makita ko.

Hays! Ang gulo.

Nagulat na lamang ako nang may biglang humawak sa aking kamay at basta na lamang akong hinila papunta sa kanyang sasakyan.

"Stop chasing people, Deanna. I-dadate nalang kita para mawala yang problema mo sa mga bago mong kaibigan." Hindi na ako umimik o nag protesta pa sa kanya.

Mukha ngang makakatulong iyon. Napaharap ako rito habang naka ngiti.

"Salamat Ponggay!"