Jema POV
Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang sayang nararamdaman dahil finally, nasa iisang bubong na lamang kami ngayon ni Deanna. Mabuti nalang dahil mabait ang nanay nito, kaagad na napapayag ko itong dumito na muna ako sa kanila.
Ngunit ang buong akala ko ay nasabi na nito ang bagay na iyon kay Denna, hindi pa pala. Nagulat ko pa yata ito ng sobra kanina noong marinig niya iyon mula sa akin. Well, hindi ko na kasalanan kung hindi pa pala nababanggit ni Aling Lucy sa kanya.
I've done my part, right? Mali ba ako? Sabihin niyo nga sa akin. Mali bang gustuhin at naisin na mas mapalapit ka sa babaeng gustong-gusto mo? Sa tingin ko, hindi 'yon masama. Kaysa naman sa bakuran pa siya ng iba diyan, uunahan ko na sila. Tama?
Mahirap na ngayon dahil, masyadong marami ang pumapantasya sa kanya. Bakit? Dahil isa siyang sikat na Volleyball Player, mula sa dati nitong pinag-aaralan hanggang sa Galanza University ay may mga taga hanga ito. Kaya nga ganoon na lamang ito kabilis tanggapin ng mga estudyante sa University. Dahil kung hindi? Malamang sa malamang eh nabubully na ito noong simula pa lamang ng pasukan.
Ngayon, walang humpay ang saya na aking nararamdaman dahil nasa harapan ko na si Deanna, habang kumakain kami ng aming hapunan, na niluto pa mismo at ipinaghain ni ALing Lucy. Tahimik lamang itong kumakain habang nakayuko at pilit na iniiwasang mapatingin sa akin.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti sa aking sarili. Alam kong nagwagi na naman ako. Kanina habang nasa University kami, hindi ko na agad mapigilan ang excitement na nararamdaman. Alam kong magagalit si Deanna at hindi ito papayag sa aking kagustuhan. Pero ano bang magagawa ko? Iyon lang ang naisip ko na mabisang paraan upang hindi na ito mawala pa sa aking paningin kahit na sandali.
"Jema, kumain ka lang ng kumain. Wag kang mahihiya." Wika ni Aling Lucy. Hayyy. Napakaswerte ko dahil napaka buti sa akin ng magulang ni Deanna.
"Oo naman 'ho." Pabirong sabi ko rito ngunit ang totoo ay busog na ako at kailangang kontrolado ko ang mga kinakain ko.
Napasulyap ako sa hindi parin nagsasalita na si Deanna. Halata mo na hindi parin ito mapakali dahil nandito ako sa kanyang harapan ngayon. "Ikaw?" Sambit ko rito habang naka tingin sa kanya. "Wala ka bang balak na kausapin ako?" Tanong ko pa dahilan upang salubungin nito ang mga titig ko.
"B-busog na ako." Sagot nito bago napatayo na mula sa kanyang kinauupuan at walang sabi na tinalikuran na ako at ang kanyang Ina.
Dahil tapos na ako sa pagkain ay kaagad na sinundan ko ito kung saang parte man siya ng kanilang bahay pupunta. Napahinto kami sa kanilang sala. Tahimik na pinagmamasadan ko lamang ito habang nagpapalipat lipat ang channel sa TV.
Lumapit ako rito at tumabi sa kanya. "Hindi ka ba masayang magkakasama na tayo rito sa bahay niyo?" Tanong ko bago napa pout pa.
Napailing lamang ito at hindi parin ako pinansin. Napahinga ako ng malalim bago mas inilapit pa ang aking sarili sa kanya. "Alright, sorry. Sorry kung hindi ko man nasabi sayo ng mas maaga. Sorry rin kung---
"Alam mo? Okay lang." Biglang putol nito sa akin ngunit mahahalata mo namang masama parin ang kanyang loob.
"Talaga?" Paninigurado ko pa. Napatango ito.
"Oo naman, ayos lang sa akin. Wala naman akong magagawa dahil nandito kana at pati na rin ang lahat ng kagamitan mo." Pagkatapos ay napatingin ito sa aking mga kagamitan na hindi ko pa naaayos.
Napahinga ako ng malalim ngunit mas pinili ko na muna ang hindi magsalita. Oo, spoiled brat ako, lahat ng gusto ko, nakukuha ko, lahat ng bagay na ano mang naisin ko madali lang abutin para sa akin. Pero bakit pagdating kay Deanna? Parang hindi madaling makuha. Ang hirap hirap niyang abutin. O baka dahil nasa simula pa lamang kami ng aming kwento kaya ganon.
"Jema..." Hindi ko maiwasan ang hindi muling mapatingin sa kanyang mukha. Hindi ko rin maitago ang kagustuhan na banggitin nito ang nickname ko. Parang ang sarap lang kasi sa tenga kapag naggaling na sa kanya. Kapag siya na mismo ang bumabanggit sa pangalan ko.
"T-tinawag mo'kong Jema?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito habang naka turo sa aking sarili gamit ang aking hintuturo. Doon ko lang na realize na I looked like stupid dahil naitanong ko pa talaga sa kanya ang bagay na iyon.
Hindi nito napigilan ang hindi mapangiti atsaka pabiro akong hinampas sa aking braso. "Sira! Syempre yun naman talaga ang pangalan mo, diba?" Nakangiting sabi nito. Ako naman, pilit na itinago ko ang aking mga ngiti para mas masilayan ko pa lalo ang kanya.
This time, siya na naman ang napahinga ng malalim. "Pasensya kana rin sa akin. Nabigla lang talaga ako sa desisyon mong dito na muna tumira sa amin. Hindi ba nag-aalala ang magulang mo sayo?" Tanong pa niya. Napailing ako.
"Pumayag naman si dad." Pagsisinungaling ko. Ngunit ang totoo ay sinabi kong kina Celine ako titira at hindi dito kina Deanna.
Sandali itong napatingin sa aking mga mata ngunit mabilis din naman niyang binawi iyon.
"Hindi ko maintindihan...gustong kong mainis sayo dahil sa ginawa mo. Sa totoo lang, ginulat mo'ko. Hanggang ngayon, ayaw parin magsink-in sa akin na dito kana titira sa amin. Pero.." Napahinto ito.
"Pero?" Tanong ko rito habang hinihintay ang kasunod nitong sasabihin.
"Pero bakit parang...nevermind." Kita ko ang pamumula ng kanyang mga pisnge na siyang dahilan kaya napangiti na ako ng tuluyan.
"You're blushing." Komento ko.
"Hindi 'no?" Kaagad na sabi nito bago napa yuko upang pagtakpan ang pamumula ng kanyang mga pisnge. Ibinuka nito ang kanyang mga labi ngunit walang words ang lumabas mula sa mga iyon. Halatang may gusto itong sabihin.
"May sasabihin ka ba?" Tanong ko sa kanya bago ito tinignan ng mataman sa kanyang buong mukha.
"Ahhh, itatanong ko lang sana kung bakit mo ba ito ginagawa?" Hindi sigurado na tanong nito sa akin. Napakunot ang aking noo dahil sa kanyang itinanong.
"I mean, hindi mo pa kami lubusang kilala. Isang liggo palang ang nakalipas simula ng magkakilala tayo, pero bakit parang sobrang laki na ng tiwala mo sa amin ng inay? Isa pa, hindi ka lang isang ordinaryong babae, na pupwede kahit saan. Isa kang mayaman at nagmula sa kilalang pamilya---
"Deanna, stop." Natatawa na putol ko sa sinasabi nito bago napahawak sa kanyang braso. Ang dami-dami na kasi niyang sinasabi akala ko naman isang tanong lang ang itatanong nito sa akin. Lumapit ako sa kanya, iyong ilang inches na lamang ang pagitan ng aming mga mukha.
Ang bilis bilis din ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pagdating kay Deanna, ganito kalakas ang tama ko. Simula pa noong unang araw na nakita at nakilala ko siya, I don't think kung naaalala pa niya ako. Hindi pa ako nakaramdam ng ganito sa kahit na sino mang babae, kay Deanna pa lamang.
"Una, ginagawa ko ito dahil gusto ko." Buong puso na sabi ko sa kanya dahil iyon naman talaga ang totoo. "At pangalawa, dahil gusto kong mas mapalapit sayo dahil...gusto kit--
"Deanna, anak." Kapwa kami nagulat ni Deanna ng biglang magsalita ang kanyang nanay mula sa aming likuran galing sa kusina. Awtomatikong napahiwalay ako mula sa kanya atsaka nagkunwaring nag cecellphone.
"N-nay." Utal na sagot naman ni Deanna bago napa iwasa ng tingin mula sa akin. Hindi ko na naman tuloy maiwasan ang hindi mapangiti na parang ewan. Cute!
Sinabi lang naman nito kay Deanna na mauuna na itong aakyat sa taas upang matulog. Dahil maaga itong papasok kinabukasan sa eskwelahan. Kanina ko lamang din nalaman na isa pala itong teacher sa isang Public School. Ngunit kahit na kapos sa pera, nakakatuwa dahil napa transparent nitong tao at masasabi mo talagang totoo.
Maswerte si Deanna sa kanyang ina. Bagay na hindi ko naranasan dahil bata pa lamang ako noong iniwan kami ng mommy. Hindi ko man lamang ito nakilala o kahit na litrato nito ay hindi ko pa nasisilayan. Ayaw din naman itong pag usapan pa ng daddy so bakit ko pa ipipilit hindi ba? Iniwan niya kami ng walang alinlangan.
Minsan, tama rin naman na huwag mo ng hanapin ang taong matagal ng nawala. Lalo na kung pinili nitong umalis mismo sa buhay mo. Wala na tayong magagawa doon. Wala na akong magagawa doon.
Pagkatapos mag-usap nina Deanna at Aling Lucy ay pinatay na nito ang TV. Sinabi rin nito na tutulungan na lamang niya ako na ayusin ang mga gamit ko. Bagay na sinang ayunan ko naman kaagad.
Pinagtulungan naming ipasok ang aking mga gamit sa maliit nitong kuwarto. Sandaling iginala ko pa ang aking paningin sa kabuuhan ng kuwarto. Hindi man ito malaki o kalakihan katulad ng sa akin, sa aming bahay, malinis at maayos naman na nakasalansan ang mga kagamitan na nasa loob.
Kaagad na gumuhit ang malawak na ngiti sa aking labi noong mapansin ang medyo makipot at may kaliitan nito na kama.
Nakita ko itong may kinuha mula sa loob ng kanyang maliit na closet, at inilabas mula doon ang kulay blue na tela na sa tingin ko ay kumot at isang mas makapal pa na tela. Napakunot ang aking noo. Para saan naman kaya iyon?
"P-pasensya kana, mukhang hindi tayo kakasya sa kama. Kaya dito na lang ako sa lapag matutulog." Sinasabi niya iyon habang inaayos ang kanyang hihigaan.
Mabilis na napailing ako. "No." Sagot ko rito. "Alam mo bang mas gusto ko na ganito kaliit ang kama mo?" Napahinto ito sa kanyang ginagawa at kunot noong napatingin sa aking mukha.
"Mas masarap 'yon sa pakiramdam dahil mayayakap kita. Diba ang saya lang." Pagkatapos ay itinaas baba ko ang aking kilay habang naka tingin sa kanyang mga mata.
Napalunok ito bago napangiti ng alanganin, animo'y kinakabahan sa aking mga sinasabi.
"M-maghuhugas na ako ng katawan." Pag-iiba nito ng topic at walang sabi na tinalikuran na ako para pumunta sa banyo.
Habang naghihintay na matapos si Deanna sa banyo ay inayos ko na rin muna ang aking mga gamit. This is our first night together, kaya hindi ko ito palalagpasin. Kahit na ayaw nito, tatabi at tatabi siya sa akin.
At sisiguraduhin ko iyon. Sabi ko pa sa aking sarili bago napangiti.
Nang matapos na ito sa banyo, ako na naman ang sumunod na naglinis ng katawan. Pa kanta kanta pa nga ako habang nasa loob ng banyo eh. Hindi ko kasi mapigilan ang hindi maging excited dahil abot kamay ko na lang ang taong gusto ko. Hindi ko na kailangang mag-alala dahil anytime na gustuhin ko man itong makita, ay nandiyan lamang siya.
Pagkatapos ko, ay muling umakyat na ako ng kanyang kuwarto. Nasa baba kasi ang kanilang banyo, hindi katulad ng iba na may sariling CR sa kuwarto. Ayos lang naman sa akin, pagdating kay Deanna, masyadong mahaba ang pasensya ko. At hindi ko kailangang umarte dahil nakikituloy lang ako sa kanila.
Isa pa, aarte pa ba? Eh bahay ito ng babaeng gusto ko, hindi ko naman puweding ipagiba nalang basta ang kanilang bahay para lamang palitan ng bago. Tama o tama?
Pagdating ko sa loob ng kuwarto ay naka patay na ang ilaw. Hindi na rin ako nag-abala pa na buksan itong muli. Kaya ko naman sigurong isuot ang aking gamit kahit na madilim, right?
Agad na sumampa na ako sa kama pagkatapos at nahiga na rin. Ngunit tila ba wala yata akong nakakapa na ibang tao sa aking tabi kung hindi ang unan at kumot lamang.
"Hmmmmm" Tanging na sabi ko bago napatingin sa ibaba at doon nga...nakita ko ang mahimbing ng natutulog na si Deanna. Ayaw talaga nito akong tabihan sa kama ha?
Well...bumangon akong muli mula sa pagkakahiga. Ako nalang ang tatabi sa kanya, mukhang mas masarap matulog ibaba eh. Sabi ko sa sarili atsaka napangiti ng tagumpay.