Chereads / Play for you (Gawong Story) (COMPLETED) / Chapter 5 - Chapter 5: Sunday Morning

Chapter 5 - Chapter 5: Sunday Morning

Deanna POV

"Okay guys! That's enough for today." Pumapalakpak pa na sabi ni Coach sa amin. Habang nagliligpit na ng kanyang mga gamit.

"At wag na wag ninyong kalilimutan na sabihan si Ms. Galanza. I need her explanation by Monday morning. Kung wala at bakit hindi siya naka punta sa practice ngayon."

"Yes, Coach." Hinihingal na sang-ayon ni Bea bago na upo sa sahig.

Lahat kami ay basang basa sa sarili naming mga pawis. Bigla kong naalala si Jema, bakit kaya hindi ito nakapunta sa practice ngayon? Eh kanina lang naman ay magkausap kami ha. Ang aga pa nga niyang pumunta sa bahay para lang itanong sa akin kung may iba pa ba akong lakad.

Ang sabi niya pupunta siya sa practice. May nangyari kaya na hindi maganda sa kanya? Huwag naman sana.

"Ms. Wong." Pagtawag sa akin ni Coach. Kaagad na napatingin ako sa kanya. Nakangiting lumapit ito sa akin bago ako hinawakan sa balikat.

"Welcome ulit sa Team. Salamat dahil ang Galanza University ang napili mong paglipatan ng eskwelahan. Hanga ako sayo." Napangiti ako rito.

"Thank you rin ho Coach." Pagpapasalamat ko rito.

Napatango lamang ito sa akin. "Good job."

Iginala nito ang kanyang paningin. "You all did great today guys! Dahil diyan..maglilibre ako ng dinner."

Kaagad na naghiyawan naman ang magkakaibigan na sina Celine, Bea, Alyssa at Kyla.

"Kaya ka the best Coach eh." Tatawa tawang sabi pa ni Alyssa rito. Dahilan upang mapatawa rin si Coach sa kanyang sinabi at mapailing.

------

Dumating kami sa isang Restaurant malapit sa University. Dito kasi ang napili ni Coach na Restaurant para sa aming hapunan.

Habang naghihintay kami ng aming mga order na pagkain ay naisipan ko na, tawagan na muna si nanay para hindi ito mag-alala. At para narin makakain na ito ng maaga at hindi na ako hintayin sa aking pag-uwi.

Sandali akong nagpaalam sa aking mga kaibigan bago nagtungo sa Cr. Medyo maingay kasi kung mananatili lang ako dito sa aming pwesto. Baka hindi ako madinig masyado ng nanay.

Nakakailang ring pa lamang ito ng sinagot niya.

"Oh anak, nasaan kana?" Bungad nito sa akin.

Sinabi ko sa kanya na gagabihin na ako sa pag-uwi at huwag na akong hintayin pa. Na kumain na rin ito ng hapunan at magpahinga na. Alam ko kasing napagod din ito ngayon mula sa buong maghapon na paglilinis at paglalaba ng aming mga damit.

Kaagad na pumayag naman siya. At sinabing mag-iingat na lamang ako at wag kakalimutang i-take out siya ng pagkain. Ang nanay talaga oh!

Pagkatapos ng tawag ay pumasok na muna ako sandali sa isang cubicle na nandoon upang maka ihi. Medyo kanina parin kasi ako naiihi eh.

Ngunit wala pang ilang segundo mula ng naka pasok ako at ibaba pa lamang sana ang suot kong short, nang marinig ko ang galit na boses ni Celine habang nakikipag usap sa kanyang cellphone.

"My ghad Jema, hindi ka umattend sa practice only because of that girl? Magising ka nga!" Singhal nito sa kanyang kausap.

Teka, tama ba ako ng dinig? Si Jemalyn ba ang kausap nito?

Doon ko lang naalala ang sinabi nito kaninang umaga. Kaya siguro hindi ito naka attend ng practice dahil sa sinasabi nitong may date siya.

Sandaling natahimik si Celine. At hinintay na matapos ang kanyang kausap sa kabilang linya.

"We are all expecting you earlier. Kasisimula pa lang ng School Year, Jema. Kailangan ka ng team, kailangan natin ng teamwork, not your stupid reasons!" Pagkaraan ng ilang sandali ay nadinig ko na lamang ang pagdadabog nito at malakas na pagbagsak ng pintuan ng Cr dahil sa napalakas ang kanyang pagsara.

Ako naman, inayos ko na ang sarili at nagmamadaling lumabas mula sa loob ng Cr na iyon para makabalik na sa aking mga kasamahan.

Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili, kung bakit kanina pa ako hindi mapakali. At patingin tingin mula sa entrance ng Restaurant. Iyong pakiramdam na may gusto kang makitang tao at hinihintay mong dumating at masilayan ang mukha niya. Hayyy. Weird.

Isama mo pa na, bigla akong nanamlay noong malaman ko na hindi pala talaga makakarating si Jema kahit man lamang sa dinner namin. Agad na ibinaling ko ang aking isipan sa iba at sa aking mga kasamahan. Hayaan na nga, baka naman kasi mas importante ang ibang lakad niya.

Sakto naman ng maka upo ako ay dumating na rin ang mga pagkain na aming inorder.

Masayang kumain kami ng hapunan habang nagtatawanan pa. Maliban nalang sa isang tao na tahimik at bigla yata nawalan ng gana sa pagkain. Si Celine.

Ano kayang pinag-awayan nila ni Jema? Hindi ko mapigilan ang hindi mapa isip at mag-alala para sa kanilang dalawa.

Syempre, isa sila sa mga magiging kaibigan ko mula sa loob ng University at magiging ka Teammates ko na rin. Kaya tama lang na mag-alala ako, dahil mas okay parin iyong may masaya at maayos na samahan. Hindi ba?

------

Pagdating sa bahay ay naabutan ko ang nanay na mahimbing ng natutulog sa sofa sa aming sala, habang naghihintay sa akin.

Sandali ko muna itong ginising upang makapasok na sa loob ng kanyang kwarto. Pagkatapos ay nagtungo na rin ako sa aking silid at dumiretso sa banyo para makapag linis ng katawan. Kahit naman nakapag shower na ako kanina, hindi parin iyon sapat dahil sa amoy ng usok ng mga sasakyan.

Nang tuluyan na akong matapos ay magaan sa pakiramdam na humiga na ako sa aking kama bago napahikab. Napagod yata ako sa practice kanina. Linggo bukas, kaya kailangan kong gumising ng maaga para makapag simba.

Kinabukasan, maaga akong nagising para magsimba. Kapitbahay lang kasi namin ang Simbahan kaya nilalakad ko na lamang iyon. Ang nanay naman, mas maaga iyong nagigising kaysa sa akin. Syempre, mas maaga ring pumupunta ng Simbahan. Hindi man kami madalas magkasama sa pag simba, at least alam namin pareho na malugod naming pinagsisilbihan ang maykapal.

Pagkatapos ng misa ay naglibot muna ako sa aming barangay, nakagawian ko na kasi na sa tuwing linggo ay nakikipag kwentuhan ako sa aming mga ka barangay. Wala lang, pamparami lang ng kaibigan. Kahit mahirap kami at kapos sa pera eh, nagkakasundo at masaya naman.

Habang naglalakad ako pauwi sa bahay ay may nakita akong pinagkakaguluhan ng mga tao. Napakunot ang aking noo at nagtaka kung anong meron. Kaya dahil sa curiosity at gusto ko ring malaman kung anong meron ay, mabilis ang mga hakbang na nagtungo rin ako sa mga taong nag uumpukan upang alamin ang nagiging kaganapan.

Hindi pa man ako nakakalapit ng mapansin ko ang puting kotse na nakaparada sa harap ng aming bahay. Nasa gilid lang kasi ng kalsada ang aming bahay kaya pupwedeng paradahan iyon ng sasakyan.

Nakita ko ring pumasok ng bahay ang aking nanay na nang galing sa mga nag uumpukan na tao. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba. Baka kasi may nangyaring hindi maganda kaya mas binilisan ko pa ang aking mga hakbang.

Nang makarating na ako ng tuluyan roon ay hindi ko mapigilan ang hindi mapanganga sa nakita. Halos namutla na rin ako dahil sa hindi makapaniwalang si Jemalyn pala ang taong pinagkakaguluhan ng aming mga kapitbahay habang nakatayo sa harap ng lamesa na pinaglalagyan ng mga kakanin na paninda ng aking ina.

Kapag kasi ganitong linggo at maraming tao ay nagtitinda ang inay ng mga kakanin para kahit papaano eh, makadagdag sa mga gastusin.

At himala, dahil kung dati napapanis lamang ang paninda ng inay dahil sa wala halos bumibili, ngayon iilan na lamang ang natitira mula sa ibabaw ng lamesa.

Nang makita ako ni Jemalyn ay magiliw na napakaway pa ito sa akin. Napailing na lamang ako sa sarili bago mabilis na nagtungo sa kanyang harapan at hinawakan ito sa kanyang braso bago marahan na hinila papasok sa loob ng aming bahay.

"Anong ginagawa mo dito?" Kaagad na tanong ko sa kanya ng makarating kami sa loob, bago na meywang pa sa kanyang harapan.

Napangiti lang naman ito sa akin. Iyong tipong hindi man lamang nasindak kahit na konti. "I want to make it up to you."

Napalunok ako. "At para saan naman? Wala ka namang kasalanan sa akin ah." Diretsahang sagot sa kanya. "Alam mo bang pinag pipiyestahan ka ng mga kapitbahay namin? Atsaka..." Napa tingin ako mula sa kanyang ulo pababa. "Tignan mo nga yang suot mo, kulang nalang lumabas na ang kaluluwa mo sa ikli ng short mo."

Napahinga ito ng malalim. "Alam ko, kaya nga naubos kaagad iyong paninda ng nanay mo, hindi ba?" Pagdadahilan nito sa akin.

"Hindi ako sumipot kahapon kaya nandito ako, para bumawi sayo." Dagdag pa niya.

"Hindi naman na kailangan eh. Naiintindihan ko kung bakit hindi ka sumipot sa practice kahapon." Wika ko rito bago naupo sa sofa. "M-may date ka diba?"

Naupo rin ito malapit sa akin. "Hindi nga natuloy eh."

Hindi daw natuloy eh kaya nga siya inaaway ni Celine kahapon. Hmp!

"Ah basta. Please umuwi kana lang Jemalyn." Pagtatabuyan ko sa kanya. Napatayo itong muli.

"Bakit? Bawal ba akong pumunta dito? Mukhang hindi naman ha. Welcome na welcome pa nga ako sa nanay mo. Pero kung hindi okay sayo na nandito ako, sige aalis nalang ako." Sabi nito bago aalis na nga talaga ng hawakan ko siya sa braso, ngunit kaagad din na napabitiw dahil napatingin ito sa kamay kong nakahawak sa kanya, bago malokong napangiti.

"A-ang ibig kong sabihin, linggo ngayon. Wala tayong practice ngayon, walang pasok."

"Exactly. Kaya nga ako nandito. Gusto kong makilala ng lubusan si Deanna Wong, kung ano ba siya sa labas ng University." Napahawak ako sa aking noo. Ang kulit niya sobra!

"Spend your time with your family." Wow. English. Hahaha. Natatawang sabi ko sa loob ko.

Natahimik lamang ito bago napangiti sa akin ng malungkot. "Ayokoooooo.." Matigas na sambit nito. Hindi ko na ba talaga siya mapipilit? Hayy.

"Jemalyn, mabobored ka lang dito." Napalingon ako sa paligid. "Oh ayan yong tv, pwede kang manood na lang muna----

"Sa buong maghapon? No way! Tutulong ako sa pag gawa ng mga kakanin." Sabi nito bago nagsimula ng maglakad papuntang kusina at nilagpasan ako.

Magsasalita pa sana akong muli para sabihin na wala naman siyang alam sa mga gawaing ganon, nang tinawag na nito ang nanay habang iyong isa naman ay magiliw naman siyang sinalubong.

Hayyyy. Napapahinga na lamang ako ng malalim.

"Anong gagawin ko?" Tanong ko sa sarili. "Nagsama ang makulit kong nanay at si Jemalyn." Iiling iling na sabi ko sa sarili.