Chapter 7 - CHAPTER 7

Nakalabas na ng ospital si Reyann, mabilis ang naging recovery nito dahil narin sa pag-aalaga ni Francis.

Paalis na sana si Reyann papunta sa race track, nagpa schedule siya ng laban ngayong gabi.

"Hep!hep! San ka pupunta?" Nasa terrace ng bahay niya si Francis ng mga oras na iyon.

"Kakarera" Maikling sagot ni Reyann.

"No! Di pa todong magaling yang sugat mo" Utos ni Francis.

"O.A kana! Magaling na sugat ko, tagal-tagal ko nang di nakakalaban" Reklamo ng tibo.

"Sige papayagan kitang makaalis, but in one condition" Anang binata.

"Ano?!" Iritadong tanong ni Reyann, ayaw na ayaw niya kasing may nakikialam sa kanya pagdating sa mga bagay na gusto niyang gawin.

"Sasama ako, I want to make sure na di mo aabusuhin yang katawan mo" Sagot ni Francis.

"Ano kamo?! Sasama ka? Wag na, mabobore kalang dun" Sa totoo lang ay ayaw ni Reyann na isama ang binata, makakadistract lang ito sa kanya.

"Really? E ba't ang sabi mo sakin dati mawawala ang stress ko dun" Ani Francis.

"Sinabi ko ba yun? Di ko ata natatandaan" Maang maangan na wika ng tibo.

"Jan ka lang, magbibihis lang ako, wag kanang magtangkang tumakas, di ko ibibigay ang isang buwan na sahod mo" Pananakot ni Francis.

"Ang lupit mo! Oo na sasama kana" Walang nagawa si Reyann kundi hintayin ang binata.

Ilang minuto lang ay nakalabas na ng bahay si Francis at bihis na ito, nakasuot ito ng Armani black fitted shirt na pinatungan ng brown leather jacket, guess jeans at nike gold high dunks rubber shoes. Tiningnan ni Reyann si Francis mula ulo hanggang paa, ang lakas ng dating ng binata sa suot nito, napadako ang tingin ni Reyann sa matipunong dibdib ng binata, napalunok na naman sya! Ba't ba apektado sya masyado sa matipunong dibdib ng binata? Ipinilig-pilig ni Reyann ang ulo upang iwaksi ang mga naiisip.

"Kuha ka ng extra helmet, angkas nalang ako sayo" Wika ni Francis kay Reyann.

"May kotse ka naman" Reklamo uli ni Reyann.

"May reklamo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Francis.

"Grabe 'to! Eto na nga kukuha na" Walang nagawa si Reyann kundi sumunod, takot nalang niyang di maswelduhan ng isang buwan, pandagdag din iyon sa ipon nya.

Pagkakuha ng helmet ay humarurot narin sila paalis.

"Hey! Slowdown! Wala kapa sa race track!" May kalakasang sabi ni Francis, sobrang bilis kasi magpatakbo ng motor si Reyann.

"Ang KJ mo talagang kasama!" Sumimangot si Reyann, wala na naman siyang nagawa kundi ang sumunod, binagalan niya ang pagmamaneho.

*****

Makalipas ang bente minutong biyahe ay narating na nila ang race track, namangha ang mga mata ni Francis pagkakita sa mga naggagandahan at halatang mamahalin na mga motor, napangiti din siya dahil marami rin ang naggagandahang mga babae sa lugar, umiiral na naman ang pagiging pilyo at playboy nya.

"Look who's here? Tagal mong di nagpakita" Anang maarte ngunit magandang babae kay Reyann.

"Nagpahinga lang ako" Wika naman ni Reyann.

"Hey, who's this handsome guy?" Tanong uli ni Megan kay Reyann.

"Francis Tan" Kusang loob na pagpapakilala ni Francis at inabot ang kamay sa babae upang makipagkamay. "Nice to meet you Miss?"

Walang pag-aalinlangang tinanggap ng babae ang kamay ni Francis, kinikilig pa ito. "I'm Megan, Megan Smith" Ubod ng tamis ang ngiti na sagot ng babae. "You look familiar" Pabebeng sabi ni Megan, inipit pa nito ang buhok sa tainga.

Napaismid naman si Reyann sa kaartehan at pagpapacute ni Megan. "Tss, nagpapacute pa, akala naman nya cute sya" Bulong ni Reyann at palihim na inirapan si Megan.

"I'm a freelance model, baka nakita mo 'ko somewhere, or maybe sa TV" Ani Francis, matamis ang pagkakangiti nito.

"Ah! Right! I remember, nakita kita sa party ng friend ko, model din kasi yung friend ko" Ani Megan at lumapit kay Francis at pumulupot sa braso nito na animo'y matagal nang magkakilala. "It's nice to see you here" Dagdag pa nito.

Hindi naman maipinta ang mukha ni Reyann sa nakikitang tanawin, parang tuwang-tuwa pa ang mokong na si Francis sa pakikipag harutan kay Megan. Kunsabay, playboy nga pala ito.

"Excuse me!" Pinaghiwalay ni Reyann ang dalawa, at siya naman ang pumulupot sa braso ni Francis. "Wag mo nga dikitan ang boyfriend ko!"

Nagulat si Francis sa inasta ng tibo, pero napangiti rin ito.

"What?! I thought..." Disappointed na wika ni Megan.

"Ano?! You thought na tomboy ako? At wala akong boyfriend?" Mataray na tanong ni Reyann, ewan ba niya, mula ng maospital siya ay tila may nagbago sa kanya, palaging tumatambay sa isip nya si Francis.

"Girlfriend mo sya?" Tanong ni Megan kay Francis. Umaasa na itatanggi ni Francis ang mga sinabi ni Reyann.

Bago sumagot ay hinapit ni Francis ang bewang ni Reyann upang mas magkalapit ang mga katawan nito.

"Yes, she's my girlfriend" Sagot ni Francis at tinignan niya ng makahulugan si Reyann at mas lalong lumapad ang pagkakangiti nito.

"O-ok..I'm sorry Reyann, di ko naman kasi alam" Ani Megan, halata sa itsura nito na dismayado siya. "I'll go ahead"

Tinanguan lang ni Francis si Megan, lumayo na ito sa kinaroroonan nila ni Reyann.

"Bitawan mo nga ako!" Singhal ni Reyann kay Francis, inalis nya ang kamay nito na nakapulupot sa bewang nya. "Manyak!"

Tatawa-tawa naman si Francis. "Nagseselos ka lang eh!" Pang-aasar nito kay Reyann.

"Baliw! Di ako nagseselos no! Niligtas lang kita" Ani Reyann, nag-iwas sya ng tingin sa binata. "Paano pag nalaman ng Papa mo na nambababae ka? Edi lagot ka!"

Nawala ang ngiti ni Francis, ba't ba nya naisip na nagseselos si Reyann, eh tomboy nga pala ito. "Fine! Saan ba 'ko pwedeng pumwesto?"

"Sumunod ka sakin" Sagot ni Reyann.

Sinamahan ni Reyann si Francis sa mauupuan nito, nakapwesto ang upuan niya kung saan makikitang maigi ang mga maglalaban sa race track.

"Iwan na kita, ako na ang susunod na lalaban" Paalam ni Reyann.

"Ingat ka" Ani Francis, ang totoo ay nag-aalala sya kay Reyann, hindi pa ito lubusang magaling.

Ilang saglit lang ay nakapwesto na si Reyann sa race track, ganon din ang kalaban nito, iginala ni Reyann ang mga mata, huminto ito sa kinauupuan ni Francis, napangiti siya, di niya expected na magiging inspirasyon pa pala ito sa kanya kesa sa unang hinala na makakadistract ito. Nagbigay na nang hudyat ang babaeng may hawak na flag, hudyat na maghanda na, itinaas nito ang dalawang flag na hawak, nagbilang ito ng tatlo, pagkatapos magbilang ay ibinaba na ang flag, magkasabay na humarurot ang magkalaban.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Reyann, nauuna ito kesa sa kalaban niya, malayo na ang agwat niya sa kalaban, naaamoy na niya ang panalo niya, sa kasagsagan ng pagpapatakbo niya ay nahagip ng kanyang paningin si Francis, may katabi itong babae at dikit na dikit ito sa binata, masaya ang mukha ni Francis at ng babae, nakaramdam na naman ng hindi maipaliwanag na inis si Reyann, nawala ang konsentrasyon nito sa pagmamaneho, huli na nang marealize niyang nawawala na siya sa daanan, bumangga ang motor ni Reyann sa gutter ng kalsada at tumilapon ito.

Napatakbo si Francis sa kinaroonan ni Reyann, kitang-kita nito ang pagtilapon ng babae, kasabay niya sa pagtakbo ang mga medics na nakaalalay sa racing field.

"Reyann! Gumising ka!" Tarantang sabi ni Francis ng madatnan na walang malay si Reyann.

Nilapatan ng first aid si Reyann bago isakay sa stretcher, pagkatapos nito ay isinakay na siya sa ambulansya. Sumakay nadin sa loob ng ambulansya si Francis.

"Bakit ba lagi mo nalang akong pinag-aalala" ani Francis at hawak-hawak nito ang kamay ni Reyann.

*****

Mabilis nilang narating ang ospital, inasikaso kaagad ng mga nurse si Reyann sa ER. Kalahating oras din ang hinintay ni Francis bago lumabas ang doktor mula sa ER.

"How is she?" Balisang tanong ni Francis sa doktor ng lumabas ito galing ng ER.

"Hinihintay pa ang result ng CTscan ng pasyente, bukod sa mga galos at malaking pasa sa hita ay wala namang grabeng natamo si Miss Florante" Anang doktor.

"Thanks God!" Naibulalas ni Francis, sobrang pag-aalala na naman ang naramdaman niya ng mga sandaling maaksidente si Reyann.

"Paglabas ng CTscan result at wala namang nakitang hemorrage ay maaari ng maiuwi ang pasyente" Dagdag pa ng doktor.

Ilang oras din ang hinintay bago lumabas ang CTscan result ni Reyann, laking pasalamat ni Francis ng walang lumabas na negatibo sa resulta ng CTscan. Malaki ang naitulong ng helmet upang maprotektahan ang ulo ni Reyann.

"Makakauwi kana, walang negative result sa CTscan mo" Masayang balita ni Francis kay Reyann.

"Ikaw lang naman itong O.A eh" Malamig at walang reaksyong tugon ni Reyann.

"Sorry kung O.A ako, inaalala lang naman kita" Seryosong wika ni Francis

"Di mo'ko kailangan alalahanin, di ako bata na kailangan alagaan, sinabi ko na kasing wag kanang sumama sakin sa race track" Iritableng sagot ni Reyann.

"Bakit ba ang sungit mo? Ikaw na nga itong inaalala" Naiirita narin si Francis, pero mas pinili nito na wag ng patulan si Reyann. "Kaya mo naba? Uuwi na tayo"

"Magko-commute tayo?" Tanong ni Reyann.

"Ofcourse not! Habang natutulog ka kanina kinuha ko yung kotse sa bahay" Sagot ni Francis. "Wait for me, hihiram lang ako ng wheelchair sa nurse station"

"Wag na, kaya konang maglakad" tumayo na si Reyann. "Ouch!" Napaupo si Reyann ng naramdamang may masakit sa hita niya.

"Ang sabi ng doktor may malaking pasa ka daw sa hita, may nireseta nga siyang gamot para mabilis na mawala ang pamamaga" Paliwanag ni Francis.

"Anak ng tokwa!" Inis na bulalas ni Reyann.

Napailing nalang si Francis, lumabas na ito ng kwarto upang humiram ng wheelchair.

Pagdating sa bahay ay sinamahan ni Francis si Reyann hanggang sa kwarto nito, nang masiguradong okey na ito ay umuwi na din sa sariling bahay si Francis.

"Ano bang nangyayare sakin?" Tanong sa sarili ni Reyann, masyado siyang apektado kapag may ibang babaeng dumidikit kay Francis.

*****

Alas kuatro na nang madaling araw pero gising na gising parin ang diwa ni Francis, hindi parin sya makaget-over sa takot at kaba dulot ng aksidenteng nangyare kay Reyann.

Nawi-weirdohan na sya sa sarili mula nang nasaksak ang tibong kapitbahay. Sobra-sobrang atensyon na ang ibinibigay nya para dito, nung una ay inakala lang niyang nakokonsensya sya kaya sobrang nag-alala sya kay Reyann, pero ngayon ay iba na.

"Hindi ko sya pwedeng magustuhan, tomboy sya" Paalala ni Francis sa sarili. "Sh*t!" Isinubsob ni Francis ang ulo sa unan.

Dahil hindi makatulog ay bumangon nalang si Francis at nagtungo sa kusina upang maghanda ng almusal.

Gumawa siya ng chicken sandwich, sinadya nyang pasobrahan ang ginawang mga sandwich, dadalhan niya si Reyann.

Itutuloy....