Kasalukuyang nakahiga si Reyann sa sofa, makalipas ang sampung minuto ay bumangon sya't sinindihan ang stereo, wala pang limang minuto ay pinatay nito ang stereo at sinindihan naman ang TV. Hindi mapakali si Reyann, di na siya sanay na mag-isa, para sa kanya ay masyadong tahimik dahil wala ang presensya ni Francis. Kasalukuyang nasa out-of-town trip ang binata dahil sa isang photoshoot sa isang magazine, tatlong araw itong mawawala.
"itetext ko ba siya o hindi?" Tanong ni Reyann sa sarili. "Bakit ko naman siya itetext? masyado na'kong nasasanay sa presence ng ungas na yon! Namimiss ko tuloy siya" Napasabunot ng bahagya sa sariling buhok si Reyann sa isipin niyang iyon.
Hindi rin nakatiis si Reyann at dinampot ang cellphone at nagsimulang magtype ng text message.
To: English Boy
Musta ang byahe?
Pinindot ni Reyann ang send button, sinadya niyang iksihan ang text niya para hindi makahalata si Francis na namimiss niya ito.
Maya't-mayang tinitingnan ng dalaga ang cellphone
Ting! (text message tone)
Hindi magkandaugaga si Reyann sa pagdampot ng cellphone, kamuntikan pa itong malaglag dahil sa kasabikang makita kung sino ang nagtext, napangiti siya ng mag-appear ang pangalan ni Francis sa screen ng kanyang cellphone.
From: English Boy
Ok naman.
Napasimangot si Reyann, yun lang talaga ang reply ng mokong? Hindi man lang niya ito kinumusta.
To: English Boy
Ok, enjoy na lang.
Sinend ni Reyann ang text na nakasimangot parin.
Ting!
From: English Boy
I'm too busy, wala akong time para makapag enjoy.
Magrereply na sana si Reyann pero nagtext ulit si Francis.
From: English Boy
I got to go babe! I'll call you later, alam kong miss mo na'ko 😉
Napakagat labi si Reyann, masyado na bang siyang obvious? O binibiro na naman sya ng binata? Napahinga ito ng malalim bago magreply, at tanging OK lang ang inireply nito.
*****
Maganda ang mood ni Francis habang nagpo-photoshoot sila, nasa Boracay sila ngayon para magphotoshoot para sa cover ng isang sikat na magazine.Nagka inspirasyon siya dahil sa pagtetext sa kanya ni Reyann, feeling niya tuloy ay nasa paligid lang ito at nanonood sa kanya, kaya naman ginanahan siya lalo sa trabaho.
"Ok! Good shots! That's enough for today, pahinga kana Francis, bukas na ang continuation ng photoshoot" Anang photographer.
"Wait! Can we just finish it today? Kailangan kong umuwi bukas, may importante akong aasikasuhin" Wika ni Francis sa photographer.
"Ok, ang importante ay matapos ang photoshoot bago ka umalis"
*****
Nasa isang souvenir shop si Francis, pumunta siya rito pagkatapos niyang mag dinner, naisipan niyang ibili ng pasalubong ang tibong kapitbahay, kanina pa siya ikot ng ikot, hindi niya alam kung anong dapat bilhin, minabuti niyang tawagan nalang ito.
"Hello" Sagot ni Reyann sa kabilang linya.
"Hi babe!" Malambing na bati ni Francis.
"Babe mo mukha mo! Hoy ikaw ah, kinikilabutan na'ko sayo, daig mo pa ang sinasaniban, kung anu-anong pinagsasabi mo!" Iritang wikal ni Reyann.
"Gusto mo ba lagi nalang akong nagsusuplado?"
"Mas gusto ko na yun, kesa naman sa pa sweet effect, nakakasuka! Buti sana kung totoo" Wika ni Reyann sa kabilang linya.
"Sinusumpong kana naman ng kadaldalan mo! May itatanong ako, kaya wag ka muna magdaldal dyan" Singhal ni Francis, nauubusan talaga siya ng pasensya kapag masyado ng madaldal ang kausap nya.
"Ano?" Tanong ng dalaga.
"Anong gusto mong pasalubong? Kanina pa'ko nandito sa shop wala akong mapili" Wika ni Francis at iginala niya ang paningin sa loob ng shop.
"Kahit ano ok lang sakin, hindi naman ako mapili, ba't kasi kailangan mo pa akong ibili ng pasalubong?" Wika ng dalagang tibo.
"Ayaw mo? Sige wag na, aalis na'ko dito" Wika ng binata.
"Eto naman di mabiro, ibili mo nalang ako ng T-shirt" Malambing na sambit ni Reyann.
"Ok, yun lang ba?" Maikling wika ni Francis.
"Dalhan mo narin ako ng white sand" Dagdag ni Reyann.
"Tss.. Sinusumpong ka na naman ng kabaliwan mo" Napapailing na wika ni Francis.
"Seryoso ako, gusto ko ng white sand galing jan, para narin akong nakapunta ng bora nun!" Masigla paring sabi ni Reyann.
"Ewan ko sayo! Nababaliw kana naman" Ani Francis. "Got to go, ibibili pa kita ng T-shirt"
"Hoy! Sandali naman!" Protesta ni Reyann sa kabilang linya.
"What?!" Singhal ni Francis.
"Dala ka ng white sand pauwi" Pangungulit ni Reyann.
Napatirik ng mga mata si Francis, hindi nya masabayan minsan ang kakulitan ng tibo.
"No way!" Sagot ni Francis.
"Sige na please! Gusto ko lang makita ang itsura ng white sand ng boracay" Pangungulit pa ng tibo.
"Ang kulit mo! Bye na!" Pinindot na ni Francis ang end call. Kung hindi nya gagawin yun ay hindi titigil ang tibo sa kakakulit sa kanya.
Paglabas ng souvenir shop ay nag-ring ang cellphone ni Francis. Napakunot ang noo nito ng makita ang pangalan ng caller sa screen. "Yes Jess" Si Jessica ang tumawag, ang kasalukuyang fling ng binata.
"What those photos all about?!" Singhal ng babae sa kabilang linya.
"What photos?" Takang tanong ni Francis.
"Stop playing innocent Francis! You know what I mean!" Pabulyaw na wika ng babae.
Nailayo ni Francis ang cellphone sa kanyang tenga dahil sa sigaw ni Jessica. "Pwede ba Jess! Stop scolding me!" May kalakasang wika ng binata.
"Your recent post on facebook, what does it mean?" Tila naiiyak na tanong ni Jessica.
"Isn't it obvious? I'm in a relationship" Walang pag-aalinlangang sagot ni Francis.
"We're dating Francis! For pete's sake!" Bulyaw uli ni Jessica.
"Yes we're dating, pero hanggang dun lang yon Jess! You know from the very start, nilinaw ko sayo na gusto ko lang malibang at mag enjoy!" Bulyaw ni Francis, napahilot ito sa kanyang sentido, eto na nga ba ang ayaw nya kaya hindi sya nakikipag relasyon ng seryoso, ayaw nya ng komplikasyon at drama.
"But Francis" Mahinang bigkas ni Jessica, napahikbi na ito. "I'm inlove with you, mahal na mahal kita! I can't lose you"
Napailing nalang ang binata. "Stop this non-sense! I have to go, bye!" Pinatay na ni Francis ang tawag. Naglakad na ito pabalik sa hotel kung saan sya naka check-in.
Itutuloy...