Chapter 11 - CHAPTER 11

"Do you like it?" Tanong ni Francis kay Reyann. Tinutukoy nito ang T-shirt na pasalubong niya sa dalaga.

"Gustung-gusto" Malapad ang pagkakangiting sagot ni Reyann. Kulay black kasi ang kulay ng t-shirt na isa sa paborito niyang kulay, at nakalagay sa likurang parte ng damit ang pangalan nya. "Alam na alam mo na talaga ang favorite color ko"

"You're always wearing black shirts and sando, kaya naisip kong magugustuhan mo yan" Nakangiti naring sabi ni Francis.

"Eh yung white sand? May dala ka ba?" Nakangiti paring tanong ni Reyann.

Bahagyang nawala ang ngiti ni Francis, buong akala niya ay hindi na maaalala pa ni Reyann ang tungkol sa white sand ng boracay.

"Wala akong dala, nagbibiro ka lang naman ng sabihin mo yun di ba?" Alanganing ngumiti si Francis.

Umasim ang mukha ni Reyann pagkarinig sa sagot ni Francis, gusto talaga niyang makita ang white sand ng boracay, matagal na niyang gustong makapunta sa boracay pero di niya magawa dahil sa laki ng magagastos niya.

"Iyon na nga lang ang magpapa-experience sa'kin sa boracay di mo pa sineryoso" Matamlay na sabi ni Reyann.

"Hindi kapa ba nakakapunta ng boracay at talagang kailangan ko pang ipagdala ka ng buhangin?" Naiirita nang sabi ni Francis, isa sa pinaka ayaw niya ang paminsan-minsang pagiging isip bata ni Reyann.

"Magrerequest ba ako ng ganon kung nakapunta na'ko di ba? Commonsense naman" Ani Reyann.

"What do you mean to say? Na wala akong commonsense? Eh ikaw anong tawag sa inaakto mo? You're acting like a kid!" Napabuga ng hangin si Francis. "Do you forgotten? Kilala ako ng marami, ano sa palagay mo ang iisipin nila kapag nakita akong nagsusupot ng buhangin dahil lang diyan sa childish instinct mo?"

"Wow! Edi Ikaw na ang sikat! Oo na ako na ang childish" Nagwalk-out si Reyann, hinayaan na lang ito ng binata upang hindi na humaba pa ang usapan.

Umuwi na lang si Francis sa sariling bahay, magsa-shower muna sya, sobrang init ng panahon dahil summer na.

*****

Pagbalik ni Reyann sa sala ay wala na si Francis, hindi na sana sya babalik sa sala matapos niyang magwalk-out sa naging sagutan nila ng binata, pero bigla niyang naalala ang bilin ni Mrs. Francia, ang Mama ni Francis, iniimbitahan sila nito na magdinner sa mansion mamayang gabi.

Kinailangan pang magpunta ni Reyann sa bahay ni Francis para masabi ang bilin ni Mrs. Francia, baka sumama ang loob nito kapag hindi nila pinagbigyan.

Hindi na nag-abala pang kumatok si Reyann, wala sa sala ang binata, tinignan nya sa kusina pero wala ito, umakyat sya sa second floor at tumuloy sa kwarto ni Francis, pumasok na sya sa kwarto ng hindi kumakatok, hindi nga sya nabigo, nadatnan nya sa kwarto ang binata.

"Pinapasabi nga pala ng mama mo-" Nahinto sa pagsasalita si Reyann ng bumungad sa kanyang paningin si Francis, wala itong damit pang itaas at tanging brief lang ang suot. Nanlaki ang mga ni Reyann, kitang-kita nya ang matipunong dibdib ng binata, napadako rin ang tingin ni Reyann sa bandang tiyan nito at bumungad sa paningin nya ang 6 pack abs ng binata, bumaba pa ang tingin ni Reyann, at hindi na nya kinaya ang sumunod na bumungad sa kanyang paningin, bigla nalang syang napatalikod ng makita ang nakabukol sa likod ng suot na brief ng binata. "Ba't kaba nakahubad?!" Sigaw ni Reyann, doon lang naagaw ang atensyon ni Francis.

Halos mapatalon si Francis dahil sa gulat at agad hinablot ang tuwalya at ipinantakip sa kanyang katawan. "Hindi kaba marunong kumatok?!" Singhal nito.

"Malay ko ba na nakahubad ka!" Wika ni Reyann. "Hihintayin na lang kita sa baba" Halos patakbong umalis si Reyann sa kwarto ni Francis.

Nang makarating si Reyann sa sala ay pinagpapawisan ito, hindi sya sanay makakita ng hubad na katawan ng isang lalake.

*****

Nakabihis na si Francis ng bumaba ito sa sala, nakasuot ito ng puting sando at navy blue jersy short.

"Anong sasabihin mo?" Halos mapatalon sa gulat si Reyann ng magsalita mula sa likuran si Francis.

"Ba't kaba nanggugulat?!" Wika ni Reyann.

Napahinga nalang ng malalim si Francis. "Ano ba yung sasabihin mo at kailangan mo pang pumasok sa kwarto ko?"

Napansin ni Reyann na fitted ang sando ni Francis, bakat na naman ang matipunong dibdib nito, napaiwas siya ng tingin ng tumikhim ang binata.

"Bakit mo ba 'ko tinitignan ng ganyan? Pinagnanasaan mo ba ako?" Tanong ni Francis.

Napakunot noo si Reyann. "Asa ka! Ba't naman kita pagnanasaan? Hindi ka kasi dapat nagsusuot ng ganyan, ang halay tignan!"

"Anong gusto mong gawin ko? Ang init-init eh, alangan namang mag T-shirt ako! Dapat nga naka boxers short lang ako pag ganito kainit, kaya lang andyan ka kaya ganto suot ko" Wika ni Francis, umupo ito sa sofa dahil nangangawit na syang nakatayo. "Ang dami mong sinasabi! Ano bang sadya mo?"

Naupo rin si Reyann. "Iniinvite tayo ng Mama mo na magdinner sa mansion mamayang gabi, pumunta sya kahapon dito kaya lang wala kapa, ako yung inabutan nya dito, naglilinis kasi ako dito kahapon" Saad ni Reyann. "Hindi ka raw kasi sumasagot sa tawag nya kaya pumunta nalang sya dito"

Napapikit at napahilot sa kanyang sentido si Francis dahil bigla niyang naalala ang dahilan kung bakit maging ang tawag ng Mama niya ay hindi nya nasasagot. Nangungulit si Jessica, tawag ng tawag at text ng text kaya itinabi muna nya ang cellphone nya. "Can I borrow your phone?"

"Bakit?" Kunot-noong tanong ni Reyann.

"Tatawagan ko si Mama!" Sagot ng binata.

Kinuha ni Reyann ang cellphone niya, touchscreen din ang cellphone niya pero napaghuhulihan na sa uso, ibinigay nya kay Francis.

Kinuha naman ni Francis ang cellphone, pero bahagya siyang natawa ng makita kung anong unit ba ito. "Uso pa pala 'to?" Tatawa-tawang wika ni Francis.

Samsung galaxy j1 ang unit ng cellphone ni Reyann, taong 2015 pa ng unang nauso ito.

"Tatawag ka o lalaitin mo lang yang cellphone ko?" Inis na tanong ni Reyann.

"Eto na tatawag na" Natatawang wika ng binata. Idinayal na nito ang mobile number ng Mama nya, maya-maya lang ay kausap na nya ito.

"Ma we're not living together! Naglinis lang sya kahapon kaya sya nandito" Dinig ni Reyann na wika ni Francis.

Napakamot sa noo nya si Reyann, malamang ay iniisip ng Mama ni Francis na nagsasama na sila dahil nadatnan sya nito sa bahay ng binata. Ilang saglit pa ay ibinalik na ni Francis ang cellphone kay Reyann.

"6:30pm aalis na tayo" Wika ni Francis. "Ang galing ng ginawa mo" Nakangiting dagdag ng binata.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Reyann.

"Iniisip ni Mama na nagsasama na tayo sa bahay, at pabor sakin yon, iisipin ni Papa na totoo ang relasyon natin" Nangingiting saad ni Francis.

Napabuntung hininga naman si Reyann. "Hindi kaba nakokonsensya?" Tanong nito. "Niloloko natin ang mga magulang mo" Napayuko si Reyann.

"Hindi mo naiintindihan ang sitwasyon ko, kailangan ko 'tong gawin" Ani Francis, tumingin ito sa kanyang wrist watch. "4pm na, umuwi kana para makapag prefare ka"

"Sige" Tumayo na si Reyann, hahakbang na sana sya paalis pero biglang hinawakan ni Francis ang isang kamay nya.

"Maiintindihan mo rin balang araw kung bakit ko 'to ginagawa, hindi ako masamang anak, kailangan ko lang talagang gawin 'to" Seryosong wika ni Francis.

Nginitian nalang ni Reyann si Francis, hindi man nya lubusang naiintindihan kung bakit kailangan pang lokohin ni Francis ang mga magulang nito, alam niyang may mas malalim itong dahilan.

Itutuloy....