Habang nasa C.R, hindi malaman ni Reyann kung paano ba pakakalmahin ang sarili, hindi nya maintindihan ang sarili, dapat ay magalit sya dahil naisahan sya ni Francis, ninakawan sya ng halik! Pero bakit wala siyang maramdamang galit? Sa halip ay nahihiya pa sya.
"Lasing lang ako! Hindi ako affected, wala lang yon" Bulong ni Reyann sa sarili, binuksan nya ang faucet at sinimulang hilamusan ang kanyang mukha.
Ilang minuto din ang itinagal ni Reyann sa C.R bago nya napakalma ang sarili. Nang kalmado na siya ay lumabas na siya at bumalik sa terrace kung nasan si Francis.
"Tagal mo naman!" Wika ni Francis. "Come here, marami pa 'tong iniinom natin"
Pinilit ni Reyann na ngumiti, umupo sya ulit sa pwesto nya kanina bago sila magselfie ni Francis.
*****
Nang maubos nina Reyann at Francis ang beer ay nagpasya silang bumili pa sa tindahan dahil nabitin sila. Kapwa na namumungaw ang mga mata nina Reyann at Francis dahil sa kalasingan.
"Alam mo, kahit masungit ka lang, masaya karing kasama" Ani Reyann.
"Really?" Napapangiti namang tanong ni Francis. Sunud-sunod na tango naman ang isinagot ni Reyann. "I want to ask you one thing" Ani Francis
"Ano?" Gusto nang pumikit ng mga mata ni Reyann dahil sa kalasingan.
"Di kaba napapagod?" Tanong ni Francis.
"Bakit naman ako mapapagod?" Tanong din ni Reyann.
"Lagi ka nalang kasing tumatakbo sa isip ko" Di na napigilan ni Francis ang sarili, dala narin ng kalasingan ay nasabi niya kay Reyann ang nararamdaman, dinaan pa nito sa pick-up line.
"Pa pick-up pick-up line kapa diyan, nakikiuso ka ha" Dinedma ni Reyann ang sinabi ni Francis, dahil ang akala nito'y nang gu-goodtime lang ang binata.
"Hindi ako nakikiuso, and I'm not kidding also, I'm just saying the truth" Yumuko si Francis. "This past few days, you're always running inside my mind"
Napapanganga at di makapagsalita si Reyann sa mga narinig, kahit lasing na siya ay maayos parin ang kanyang pandinig, pinilit niyang wag magpaapekto sa mga sinabi ni Francis.
"Lasing kalang Francis kaya nasasabi mo yan, tama na 'to, pahinga na tayo" Sabi ni Reyann at sinimulang iligpit ang mga latang pinag inuman nila.
"Hindi ako lasing Reyann, I think I like you" Walang pag-aalinlangang pag amin ni Francis. Tila may humaplos sa puso ni Reyann, pero di siya nagpaapekto, sigurado bukas lang ay hindi na ito natatandaan ng binata.
"Ihahatid na kita sa kwarto mo, itulog mo na yan, antok lang yan" Inalalayan ni Reyann si Francis.
"Hindi mo ba ako pwedeng magustuhan dahil tomboy ka?" Prangkang tanong ni Francis habang akay-akay siya ni Reyann. Hindi sinagot ni Reyann ang tanong nito. "Babae ba ang gusto mo?"
"Ang kulit mo pala kapag lasing!" Inis na sabi ni Reyann. "Ang bigat mo pa naman"
Na out-of-balance si Reyann, dahilan upang mabuwal sila sa sahig, pumailalim si Reyann, nadaganan siya ni Francis.
"I like you" Halos nakapikit na ang mga mata ni Francis.
"Haish..ang bigat mo!" Itinulak ni Reyann si Francis, napahiga ang binata sa sahig. Tumayo si Reyann at sinubukang ibangon ang binata. "Bumangon ka nga jan, di ka pwedeng matulog dito"
"Dito ka lang" Hinila ni Francis si Reyann, napahiga ito sa ibabaw ng binata. "Wag kang umalis"
"Ay wala na! nananaginip na" Tumayo ulit si Reyann at sinubukang ibangon ang binata. "Tumayo ka muna please! Kahit sa sofa ka nalang matulog"
Pinilit bumangon ni Francis, susuray-suray silang naglakad patungo sa sofa. Dahan-dahang inihiga ni Reyann si Francis sa mahabang sofa.
"Madalas ka ring nakatambay sa isip ko Francis, pero hindi ko masabi kung gusto na nga kita. Isa lang ang alam ko, hindi babae ang gusto ko" Wika ni Reyann sa kanyang sarili. Kumuha ng kumot si Reyann at ikinumot sa binata, pagkatapos nito ay umuwi na sa sariling bahay si Reyann.
Nasa kanyang kwarto na si Reyann, nakahiga ito sa kama at diretsong nakatingin sa kisame, ang isang kamay nito ay inilagay niya sa tapat ng kanyang dibdib, kanina pa hindi normal ang tibok ng puso niya, sobrang bilis nito.
"May sakit na ata ako sa puso, naninikip ang dibdib ko" Wala sa sariling nasambit ni Reyann. "Kasalanan ito ng ugok na yun eh" Tinutukoy nito si Francis.
Sa tuwing kasama ngayon ni Reyann si Francis ay bumibilis ang tibok ng puso niya, at tuwing may dumidikit namang babae sa binata ay naiinis siya. Alam ni Reyann na humahanga na siya kay Francis, minsan narin siyang humanga noon sa lalake, pero hindi sa ganitong lebel.
"Hay Francis!! Aatakihin ako sa puso ng dahil sayo!"
*****
Mataas na ang sikat nang araw ng magising si Francis, napangiwi ito ng makaramdam ng pananakit ng ulo. Inalala niya ang mga nangyari kagabi, at nasapo niya ang noo nang maalala niyang nasabi niyang gusto niya si Reyann. Hindi naman niya itinatangging nagugustuhan na nga niya ang tibong kapitbahay, ang inaalala niya ay baka umiwas ito sa kanya. Bumangon si Francis at nagshower ng mabilis, at pagkatapos ay tinungo nito ang bahay ng kapitbahay upang magpaliwanag.
Nakatatlong katok si Francis bago magbukas ang pintuan ng bahay ni Reyann.
"Tagal mo naman magbukas ng pinto! Galit kaba?" Tanong kaagad ng binata kay Reyann.
"Galit? Hindi ah!" Pinilit ngumiti ni Reyann, hindi naman sya galit sa binata, nahihiya lang siyang harapin ito. "Lika tuloy ka"
Magkasunod na pumasok ng bahay si Reyann at Francis. Tumuloy sa kusina si Reyann, sumunod naman ang binata.
Napakunot-noo si Francis ng makita niyang cup noodles ang almusal ng dalaga. "You know what? That's not good to your health" Itinuro ni Francis ang cup noodles.
"Tss, alam ko naman yon! Wala eh, ganon talaga. Ang taong nagigipit, sa cup noodles kumakapit" Nangingiting wika ni Reyann, gustuhin man niyang kumain ng maayos ay hindi pwede, nagtitipid sya, lalo na't nasaid ang laman ng bank book nya.
"Tara sa bahay" Pag-aaya ni Francis, hinawakan pa sa wrist si Reyann, hihilahin na sana nya ito ng maunahan siya ni Reyann, hinila ng dalaga ang kamay mula sa pagkakahawak ni Francis.
"Anong gagawin natin sa bahay mo?" Kunot-noong tanong ni Reyann.
"Kakain" Sagot ng binata.
"Ok na'ko dito, busog na'ko" Ani Reyann at nginitian si Francis.
Napahawak nalang sa kanyang batok ang binata. "Umiiral na naman yang pagka stubborn mo!"
"Tss..ano ba yang stubborn na yan ha? Nakakain ba yan? Ilang beses mo nang sinasabi sakin yan!" Tanong ni Reyann, hindi nya alam kung ano ba ang ibig sabihin ng stubborn.
"Seriously? Hindi mo alam?" Nagugulat na tanong ni Francis.
"Hindi! Nakatulog siguro ako noong tinuturo yan ng english teacher namin!" Pagrarason ni Reyann. "Pero matalino ako nung nag-aaral ako! Nakatulog lang talaga ako kaya di ko alam yang stubborn na yan"
Napailing-iling at nauubusan na ng pasensya si Francis. Naitanong nya tuloy sa sarili kung ano bang nagugustuhan nya sa tibong ito?
"Stubborn means matigas ang ulo" Wika ni Francis. "Sobrang tigas ng ulo mo! Sobrang talino mo pa" Sarcastic pang sabi ni Francis.
"May tao bang malambot ang ulo?" Pamimilosopo ni Reyann.
Napatingala nalang si Francis, inaatake na naman ng kabaliwan ang pasaway na tomboy.
"Bahala ka nga dyan! Alis na'ko, may lakad pa'ko" Paalam ni Francis. Hindi na nya nagawa pa ang balak na magpaliwanag, mukhang hindi naman naapektuhan ang tibo sa mga sinabi nya kagabi.
Hindi na umangal pa si Reyann, mas pabor nga sa kanya na malayo muna sya kay Francis, ayaw niyang mas mapalapit ang loob niya sa binata, natatakot siyang baka tuluyan nang mahulog ang loob niya dito.
Itutuloy....