Chapter 4 - CHAPTER 4

Maagang in-alarm ni Reyann ang kanyang cellphone, ayaw niya namang madisappoint niya ang bagong amo sa unang araw niya sa trabaho, hindi na nga siya lumabas kagabi upang di siya mapuyat. Alas sais palang ng umaga ay bumangon na ito, inayos niya ang sarili at pagkatapos ay nagkape.

Nagsuot si Reyann ng white t-shirt at pantalon, tsaka nagsuot rubber shoes. Eksaktong alas syete ng umaga ay tapos na siya sa sarili, nagpasya siyang sa terrace nalang hihintayin ang bagong boss.

Paglabas ni Reyann ay sakto ring palabas na ng kanyang bahay si Francis, agad nagliwanag ang mukha ni Reyann pagkakita sa kapitbahay.

"Hey boss, good morning!" Matamis ang ngiting bati ni Reyann, kahit naiinis parin sya kay Francis dahil sa kayabangan nito, kailangan niyang pakisamahan ito ng maayos dahil kailangan niya ng pera, kulang parin kasi ang perang pambayad nila sa bangko.

"Wag mo nga akong ma-boss boss dyan! Boyfriend mo'ko di ba?" Pagsusungit ni Francis.

"Tayong dalawa lang naman ang nandito ah!" Ani Reyann, nag-pout pa ito.

"Wag ka ngang magpout ng ganyan, di bagay sayo" Napapangiwing wika ni Francis sa tibo.

"Panira ka talaga ng trip noh?!" Inis na wika naman ni Reyann

"Hoy tibo! Umayos ka, kapag hindi mo nagawa ng maayos ang trabaho mo, babawiin ko yung perang naibayad ko na sayo!" Pananakot ni Francis.

"Oo na! Oo na!" Sumusukong sagot ni Reyann. "Tara na nga!" Naglakad na si Reyann palabas ng terrace, ganon din si Francis, nagtungo ito sa garahe upang sumakay na sa kotse.

Mababang pader lang ang pagitan ng mga bahay nina Reyann at Francis, kaya madalas nilang makita ang isa't-isa, at kaya dinig na dinig din ang ingay ng bawat isa.

*****

Pumunta sina Reyann at Francis sa The Saints Square, isa sa mga sikat na shopping mall sa Sampaloc, nauna silang pumasok sa isang department store, tumuloy sila sa female section, nasa bungad palang sila ay tila nais nang mag back-out ni Reyann.

"Why?" Tanong ni Francis ng mapansing huminto sa paglalakad si Reyann

"Hindi ako sanay sa mga ganitong lugar" Napapangiwing wika ni Reyann.

"Masanay kana" Hinila ni Francis ang kamay ni Reyann papasok, wala ng nagawa ang pasaway na tibo kundi ang sumunod.

Naramdaman ni Reyann na parang may kuryente dumaloy sa kanyang mga ugat ng hawakan ni Francis ang kamay niya, pero pinagwalang bahala nalang niya ito at nagpaakay na papasok sa loob.

"Pumili kana" Saad ni Francis ng makapasok na sila. Pumili naman si Reyann sa mga nakahilerang mga damit na puro pambabae. Ang una niyang napili ay isang white long sleeve blouse at black jeans, isinukat nya ito sa fitting room.

"Bagay ba?" Tanong ni Reyann ng makalabas ng fitting room.

"No" Magkasalubong ang kilay na sagot ni Francis. "Masyadong simple, try some skirt and a colorfull blouse" Suggest pa ni Francis kay Reyann.

Pumili ulit si Reyann, at nang makapili ay muli itong isinukat.

"E eto?" Tanong niya sa binata. Pagtingin ng binata ay napabunghalit ito ng tawa. "Anong nakakatawa? Sabi mo try ko ang skirt at colorful blouse, eto na" Isang lampas tuhod na skirt ang napili ni Reyann at ang blouse naman ay may manggas at floral ang design.

"Mukha kang manang, ang pangit mo!" Natatawang saad ni Francis. "Try another one, yung sosyal pero desenteng tignan"

Pumili na naman si Reyann, pumili sya ng pasosyal ang presyo, nakita nya ang isang black coat at black slacks pants, kapwa mahal ang presyo kaya pareho nyang kinuha at isinukat.

"Oh eto, parehong mahal ang presyo nito, sosyal na, desente pa" Pagmamalaki ni Reyann na muli siyang makalabas ng fitting room.

"My God! Hindi ganyan ang ibig kong sabihin, lalo kang nagmukhang gangster!" Napipikong wika ni Francis. "Ako na nga ang pipili para sayo, wala kang ka taste-taste"

Pumili ng isang cocktail dress si Francis, isang burberry light blue cocktail dress na above the knee ang haba at walang manggas ang napili nito.

"Try this" Inabot ni Francis sa tibo ang damit.

"Di ako nagsusuot ng ganito, maiksi na nga, wala pang sleeve" Reklamo ni Reyann.

"Pano ka magmumukhang babae kung di ganyan ang isusuot mo, o baka naman gusto mo nalang ibalik ang pera ko" Ani Francis.

"Eto naman di mabiro, eto na nga oh isusukat na" Walang nagawa si Reyann kundi isukat ang damit.

"Ano? Okey naba 'to?" Tanong ni Reyann paglabas ng fitting room. Nang tingnan ito ni Francis, bahagya pa itong natulala ng makita si Reyann, may ibubuga din pala ang katawan nito pagdating sa kaseksihan, bumakat sa suot nitong dress ang balingkitang katawan ng tibo, nasa 25 inch lang ata ang bewang nito, at mapuputi ang mga binti at braso.

"Hoy!" Kinailangan pang pumitik ni Reyann sa harapan ni Francis upang matauhan ito. "Tinatanong ko kung okey naba 'to"

"It's perfect" Komento ng binata. "Kuha pa tayo ng ibang kulay"

Pagkatapos makapamili ng mga damit ay pumunta naman sila sa kinaroroonan ng mga sandals at sapatos.

Si Francis nalang din ang pumili ng sapatos ni Reyann. Kinuha nito ang isang pares ng  kulay pulang camilla skovgaard stiletto.

"Isukat mo 'to" Inabot nito ang sapatos kay Reyann.

"Ang taas naman nito, di ba pwedeng flat nalang? Baka mapilayan pa ako niyan" Reklamo na naman ni Reyann.

"Puro ka reklamo! Isusukat mo yan o babawiin ko ang bayad-"

"Oo na, oo na! Isusukat ko na!" Pinutol kaagad ni Reyann ang sasabihin ni Francis. Bumagay naman sa mga paa nya ang napiling kulay ni Francis. Pumili pa sila ng dalawang pares ng sapatos.

Pagkatapos makapamili ng damit at sapatos ay nagpasya munang kumain ang dalawa. Sa greenwich sila pumunta. Umorder ng large size pizza si Francis at pasta.

"Wow!" Nanlalaki ang mga mata ni Reyann sa pagkamangha. "Ayos karin palang kasama, galante!"

Kumuha ng isang sliced ng pizza si Reyann at walang ka poise-poise na sumubo ito ng pagkalaki. Napangiwi naman si Francis sa nakikitang ikinikilos ng tibo.

"Don't act like that pag kaharap mo ang family ko" Puna ni Francis. Dahil dito napapreno sa pagsubo si Reyann at sa halip ay kumagat nalang ito ng maliit at dahan dahan ang ginawang pagnguya.

Napangiti si Francis, mabilis naman palang matuto si Reyann. "Yan ganyan nga, magpakasanay ka nang kumilos na parang isang tunay at kagalang-galang na babae"

Pagkatapos kumain nina Reyann at Francis ay pumunta na sila sa isang Salon, pagpasok nila ay ibinilin ni Francis na pagandahing maigi si Reyann at siya na ang bahala sa bayad.

*****

Makalipas ang halos isang oras ay natapos ang make-over ni Reyann. Ang kaninang buhok na hanggang tenga lang ang haba ay lampas balikat na ito at medyo kulot, dahil ito sa hair extension na inilagay, ang mga kilay naman niya na medyo may kakapalan ay manipis na ngayon at bumagay sa mahahaba niyang pilik-mata, at ang labi niyang namumutla ay mamula mula na ngayon dahil sa inapply na light red lipstick, bumagay din sa tabas ng mukha niya ang inapply na light make-up. Maya-maya ay pumasok na si Francis upang tignan ang resulta, at ng makita ang dalaga ay natutulala na naman ito sa pangalawang pagkakataon.

"Ano sir, okey na po ba?" Tanong ng parlorista.

"It's perfect!" Puri muli ng binata, di niya akalain na may tinatago palang ganda ang tibong kapitbahay.

*****

Araw ng linggo, ngayong araw naka schedule ang family dinner nila Reyann at pamilya ni Francis. Abot langit ang panalangin ni Francis na sana ay hindi pumalpak si Reyann sa pagpapanggap.

"Good evening papa, mama" Bati ni Francis pagdating sa bahay ng parents niya. "Babe, my parents" Pormal na pagpapakilala ni Francis sa mga magulang. "Ma, Pa she's Reyann Florante, my girlfriend"

"Good evening po" Nakangiti at magalang na pagbati ni Reyann.

"Good evening too iha" Ganting pagbati ng Mama ni Francis

"Let's go inside, ready na ang dinner" Pag-aaya ng Papa ni Francis.

Magkakasabay silang apat na pumasok sa dinning area ng malaking bahay, manghang mangha si Reyann sa mga nakikita pero hindi nya ito ipinahalata. Naghuhumiyaw sa karangyaan ang buong mansion ng mga Tang.

"Manang pakitawag na yung kambal" Utos ni Mrs. Tang sa isang katulong.

"Kambal? Mga kapatid mo ba yun?" Pabulong na tanong ni Reyann kay Francis

"Yes" Mahinang sagot ni Francis.

Nang dumating ang kambal na sina Paul at Paula ay nagsimula na silang kumain. Habang kumakain ay maya't mayang tumitingin si Francis sa tibo, baka makalimutan kasi nito na babae sya sa gabing ito, pero wala naman siyang nakikitang senyales na nakakalimot ito, mahinhin ito kung sumubo, ganon din sa pagnguya, parang natural na natural lang ang ikinikilos nito.

"Iha anong pinag-kakaabalahan mo sa buhay?" Umpisang tanong ni Mr. Henson Tan. Unti-unting pinagpapawisan si Francis, inaabangan niya ang isasagot ng Tibo

"Sa ngayon po ay pansamantala akong tumutulong sa family business namin, nahinto po kasi ako sa pag-aaral this year" Magalang na sagot ni Reyann.

"Bakit naman nahinto ka sa pag-aaral iha? Is there something happen?" Tanong pa ng Ama ni Francis.

"Tinamad po ako". Gusto sanang isagot ni Reyann pero hindi pwede, malalagot sya kay Francis. "Nagkasakit po kasi ako" Sagot ni Reyann kay Mr. Henson.

"Ano ang family business nyo iha?" Tanong pa ni Mr. Henson.

"Maliit na restaurant lang po" Mapagkumbabang sagot ni Reyann.

Napapatango lang si Mr. Henson, ang totoo ay hindi importante sa kanya kung ano man ang estado sa buhay ng dalaga. Napabaling ang matandang Tan kay Francis.

"Iho, what's bothering you? Kanina kapa tahimik" Tanong ni Mr. Henson sa anak.

"Nothing Pa, hindi lang siguro ako sanay na may ini-introduce na girlfriend sa family" Sagot ni Francis.

"Did you tell her about our agreement?" Tanong pa ng matanda, napalunok si Francis, hindi nya inaasahan na itatanong ito ng ama sa harap ng lahat.

"Not yet" Maiksing sagot ng binata, ibinaling nya ang tingin sa ibang direksyon.

"What agreement?" Kunot-noong tanong ni Mrs. Francia, ang Mama ni Francis.

Nalilito din si Reyann sa pinag-uusapan ng mag-ama, pero hindi nya na ito inintindi.

"Mas mabuting si Francis na ang magsabi" Tumingin si Mr. Henson sa anak. Muling napalunok si Francis.

"It's about the marriage" Sagot ni Francis, bigla namang nabulunan si Reyann pagkarinig sa salitang marriage, wala sa usapan nila ni Francis ang kasalan na tinutukoy ng mag-ama.

"Are you okey?" Tanong ni Francis habang inaabutan ng tubig si Reyann. "Here" Alok nito sa baso ng tubig.

"Sorry, mukhang may nakaalala ata sakin" Palusot ni Reyann, at makahulugang tinitigan si Francis.

"Hindi nalang sana ako nagtanong, mukhang nagulat natin si Reyann" Ani Mrs. Francia. "Iha, are you ready to get married?" Tanong pa ng ginang kay Reyann

Tumingin si Reyann sa binata. Lagot ka sakin mamaya. Sabi ni Reyann sa isipan. "Ahm...siguro po pag-uusapan muna namin ni Francis." Sagot ni Reyann.

"Okey, I'll understand you Iha, pag-usapan niyong mabuti yan ni Francis, sa ngayon, just enjoy the food." Ani Mr. Henson.

*****

Hindi na muling napag-usapan ang kasalan hanggang sa matapos ang hapunan ng pamilya. Pagkatapos ng hapunan ay nagkakwentuhan muna sina Reyann at ang mga magulang ni Francis, mabilis niyang nakagaanan ng loob ang dalawang matanda, mababait naman ang mga ito at ipinaramdam sa kanya na welcome sya sa pamilya, nang sumapit ang alas nuebe ng gabi ay nagpaalam na sina Reyann at Francis.

"Bakit di nalang kayo dito magpalipas ng gabi?" Ani Mrs. Francia

"Pasensya na po kayo tita-" pinutol ni Mrs. Francia ang sinasabi ni Reyann

"Stop calling me tita iha, just call me Mama" Nakangiting wika ni Mrs. Francia.

"Pasensya na po Mama may tatapusin po kasi akong financial report ng restaurant, kailangan na daw po ni ate bukas" Saad ni Reyann, ang totoo ay may laban siya sa motor racing mamayang 10 o'clock.

"I understand, mag-ingat nalang kayo sa pag-uwi" Wika ni Mrs. Francia.

"Alis na po kami" Bumaling naman si Reyann kay Mr. Henson.

"Ingat kayo, Francis be carefull sa pagdadrive" Bilin ni Mr. Henson.

"Yes Pa" Sagot ni Francis.

Pagsakay sa kotse at ng matantya ni Reyann na nakapasok na ng bahay ang mga magulang ni Francis, walang pag-aalinlangan niyang piningot ang tenga ng binata.

"Ouch!" Daing ni Francis. "Are you crazy?!" Singhal nito. "Ang sakit nun ah!"

"Ikaw ang crazy! Nababaliw kana! Bakit di mo sinabi na may kasalan kayong usapan ng Papa mo? Ano yun? Kailangan ko din magpakasal sayo?!" Singhal ni Reyann kay Francis.

"Walang kasal na mangyayare okey?" Naiiritang sagot ni Francis. "Ang usapan natin kapag nakarecover na si Papa tapos na ang trabaho mo, you don't have to worry, ang O.A mo" Saad ni Francis.

"Totoo yan ha! Wala akong balak magpakasal!" Ani Reyann.

"Mas lalo naman ako, ayoko pang magpakasal, at mas lalong ayokong pasakal sayo noh!"

"Pareho lang tayo! Di ba nga di tayo talo?" Wika ni Reyann.

*****

Pagkauwi ng bahay ay nagbihis na si Reyann ng pangkarera niyang outfit, at pagkatapos ay muli nang lumabas upang umalis.

Si Francis naman ay may lakad din, makikipagkita siya sa ka-fling nito na si Jessica sa isang bar, kailangan niyang magrelax matapos ang nakaka stress na araw. Bumaba lang siya sa kanyang kotse upang magbihis, at ng paglabas niya ulit ng bahay ay nakita niyang paalis din si Reyann.

"Uy english boy may lakad karin?" Tanong ni Reyann kay Francis, parang walang nangyaring asaran kanina sa kotse.

"I need some stress reliever" Ani Francis

"Stress reliever ba? Sama ka sakin, nuod ka ng karera, sigurado mawawala stress mo" Alok ni Reyann.

"No! thanks nalang, I have my own stress reliever" Sagot ng binata.

"Okey, ikaw ang bahala" Wika ni Reyann at pinaandar na nito ang motor at iniwan na ang binata.

Itutuloy....