Chereads / LET ME LOVE YOU. / Chapter 16 - Sage

Chapter 16 - Sage

Chapter 14. Sage

HINDI na nag-aksaya ng oras si Sage at tumawag kay Charles, ang head ng security agency na pagmamay-ari ng kanyang ama.

"Chax, I need your men."

"I thought you don't need bodyguards for Ms. Gozo anymore?"

Nagtangis ang bagang niya. "May ipapahuli akong animal. Binaboy niya ang babaeng pakakasalan ko."

"Wait... What do you mean...?"

Charles grew up in the Philippines despite of having no Filipino blood. He's seven-year older than him yet he already became the head of the security.

Hinayag niya rito ang nangyari at agad na umaksyon.

Agad na nagpunta siya sa lugar kung saan dinala ang lalaki. Their asset pretended to be an escort and followed that bastard. Nang makakuha ng tsansa ay hinuli ng babae ang atensyon nito. Hanggang sa madala ng babae ang hayup na Maximo na iyon sa bahay kung saan nakatira si Charles noon. Nagpanggap si Leia, ang babaeng asset nila para mahuli ang lalaki, na roon nakatira.

Naabutan niyang nakatali at nakapiring sa isang upuan ang gagong lalaking iyon. Malakas na sinuntok niya ang pisngi nito para iganti ang pananakit nito sa pisngi ni Rachel.

"What the fuck?! Who the hell are you?!" he howled. He removed his blindfold and immediately threw punches at him. "What did I do?" Nahihintakutan ito.

Hindi siya natinag at pinagsusuntok ito. Kung hindi pa siya pinigilan ni Charles ay baka hindi na ito makilala sa sobrang lala ng pagbugbog niya.

The bastard was crying and asking why was he doing that and what did he do wrong.

"You will rot in hell," he declared. "Chax, turn him over the authorities. Gawin ninyo ang lahat para makulong ang gagong iyan."

Matapos magawa ang pakay ay dumiretso siya sa condo para ayusin ang sarili. Ayaw niyang bumalik sa ospital nang hindi naliligo. He then went back to the hospital and Rachel was still sleeping. Or maybe, she fell asleep again. Afterall, it was already ten in the evening.

Kumalma lang siya dahil natitigan niya nang husto ang payapang pagtulog ni Rachel. She's like an sleeping angel calming his heart.

Ngunit agad din iyong naglaho nang biglang umungol si Rachel na tila nagpupumipiglas. Sumikdo ang kaba sa kanyang dibdib nang maging mabigat ang paghinga nito. He pressed the intercom and called for help.

"Rachel..." masuyong tawag niya pero sa nababakas na rin ang takot sa kanya.

"T-Tama na...!"

"Rachel!" he roared. Tuluyan na siyang nataranta at natakot.

Naglumikot ito at natanggal ang swero kaya sumirit ang dugo mula sa kamay nito kung saan nakatusol ang swero. Hinawakan niya at hinigpitan ang hawak sa kamay nito para matigil amg pagdurugo. Agad siyang umupo sa tabi ni Rachel para pakalmahin ito.

Nang gumising ito at bumalikwas ng bangon, tila nahihintakutan ay yinakap niya ito. Noong una'y nagpumiglas pa ito.

"Rachel, it's me, sweetheart..." he whispered. Ang takot niya sa kung ano ang nangyayari rito ay nangingibabaw.

"Sina Luis... Jaime..." Damn! She was still shaking.

"Hush... they're not here."

"Si Norma! Oh my god!"

He didn't know who were those people but he's certain that they had caused her this trauma. Mukhang kulang ang mga impormasyong nalaman niya tungkol sa babaeng napupusuan.

What happened to you, sweetheart?

The medical personnel came and quickly attended her. Tinurukan din ito ng pampakalma kaya nakatulog na ulit. He called a counselor and seeked for help right away. Nagpunta siya sa opisina ng doktor at bukas na bukas ay magsisimula ang session para malaman ang mga nangyari at matulungan si Rachel.

Before going back to the private ward, he dialed Nicolea's phone number and asked her if she investigated everything about Rachel.

"Oo naman," she answered on the other line.

"Sigurado ka ba?"

"Pinagdududahan mo ba ako, Watanabe?"

"I'm not sure. You're new to your work, Nic. Baka pumalpak ka." He didn't mean to offend her.

"Accurate ang lahat ng impormasyong binigay ko sa iyo."

"Why didn't you investigate that Villarama guy?"

"Well, you told me to stop already. That you'd make a move instead."

Napamura siya. He remembered telling her that.

He ended the call and went back to the ward. Nahahapong humiga siya sa tabi ni Rachel, kung saan hindi niya matatamaan ang swero nito, at yumakap sa huli, nakatalikod ito sa kanya. A lot of things was occupying his mind until he fell asleep beside her.

Nagising siya sa marahang haplos sa kanyang mukha.

"Good morning," nakangiting bati nito sa kanya.

"Good morning," he murmured.

"Sorry if I caused you trouble. Baka uuwi na lang ako ng Pinas. I'll ask my dad later."

"Why?"

Napakagat labi ito. "Gusto ko lang umuwi."

"Can't you just finish your vacation? Hindi na ako aalis."

She pouted.

"I'm sorry if I became busy and I left without notice." He told her the reason why he's always away.

"Oo na, naiintinihan ko. Pero gago ka pa rin sa part na iyan."

Ngumiwi siya. "You're really good at cursing, huh?"

"Why? Don't you want your girl cursing at you?"

"My girl, hmm?"

"Ibig kong sabihin... Ano... N-Nagugutom na ako."

He chuckled to lighten the mood. Kung hindi pa pumasok ang nurse para kuhanin ng vitas signs si Rachel ay nasisiguro niyang magkayakap pa rin sila ng huli hanggang ngayon.

Nakapaghilamos na ito at kumakain na sila ng agahan nang hindi na siya makapagpigil at binuksan ang usapin.

"I seeked for a counselor's help. I think you need it."

Saglit itong natigilan sa pagkain. "Hindi ako baliw!"

"I know. I just thought you needed it."

"Wala kang karapatang pangunahan ako, Seiji. Hindi ako nababaliw."

"I'm sorry," agap niya. "I didn't mean to offend you."

Napapikit ito na tila kinakalma ang sarili at nang magmulat ay nagsisising tumitig sa kanya.

"Kumain ka pa."

"Pasensya na... Masyado na kasing na-stereotype sa atin na kapag nagpa-konsulta sa Psychologist or what, iniisip na agad na baliw."

"Hindi ko iyon naisip. I'm worried about you, Reych."

Tumigil na rin ito sa pagkain kaya niligpit na nita ang bedside table.

"Maghihilamos lang ulit ako."

He nodded and helped her go inside the bathroom. Hindi nan nito kailangang magpasama pero sinamahan niya pa rin. She didn't say a thing and washed her face. He also brushed his teeth as she was brushing hers. Tahimik din ito hanggang sa makabalik sa kama.

"Do you want to go out to the garden?"

Umiling ito.

"Gusto mo na bang magpahinga?"

"Hindi. Nakapagpahinga na ako."

"Sige." Saglit siyang natigilan. He didn't want to end the conversation. "Ano'ng gusto mong gawin?"

"Let's go to the doctor for my counseling."

Tinitigan niya ito nang husto.

"Tama ka, Sage. I think I need help."

Tumahimik siya. Tinatantiya kung itatanong ba o hindi ang nangyari rito. Hanggang sa magsalita ito.

"You... You knew I've been in a hotel with my ex-boyfriend, right?"

Napalunok siya at tumango. That was the reason why he thought she was experienced in sex before. And the rumors about her, being pregnant.

She bit her lower lip hard.

"It will bleed," pansin niya't tinigilan nito ang pagkagat. "You don't have to tell me everything if you aren't ready." Pero hindi ito nakinig.

"Everyone thought I am a fuckgirl knowingly that I have countless ex-boyfriends and... that I've been in a hotel with Luis." She breathed heavily. "Subalit hindi nalaman ninoman ang totoong nangyari."

"Sweetie, calm down—"

"I was almost raped back then, too..."

Mabilis na nangilid ang kanyang luha sa narinig. How old was she, then? Only seventeen... And now, this happened, just a few months after that abominable incident.

Para siyang sinaksakan ng punyal habang nakikinig sa hinayag ni Rachel. Hindi napigilan ni Sage ang mga takas na luha at napayakap siya ng mahigpit dito para pakalmahin na rin ang sarili. Siya mismo ay alam na alam ang nararamdaman ng huli dahil napagdaanan niya noon.