Chapter 18. Responsibility
RACHEL was busy doing her thesis on the study room when someone knocked. It was her dad.
"Bakit po?" she asked coldly.
"I'm sorry, anak..."
"Para saan?"
"Dr. Sanchez told me everything..."
Napatango lang siya. Alam naman niyang may karapatan siya na itago ng doktor ang impormasyong iyon patungkol kanya. Pero nang tanungin siya kung pwede bang sabihin sa kanyang ama ang totoo kapag nagtanong ito ay pumayag siya. Napapagod na rin naman siya sa paraan ng pakikitungo niya. Sa pagkawala ng kanyang ina ay alam niyang mas kailangan siya ng natitira niyang magulang.
"I'm sorry if I didn't see your pains. Why didn't I ask you? Bakit hinayaan kong lumayo ka na naman sa akin?"
"Hayaan na natin, 'Pa. Nakaraan na rin naman iyon."
"But that young man, he didn't do anything wrong."
Tumigil siya sa pagharap sa laptop at napapikit siya, 'tsaka nagmulat. Tumayo siya para umupo sa may kalakihang sofa kung saan umupo ang kanyang Papa.
Ginagap niya ang kanang palad nito.
"Ayos lang po. Naka-move on na ako," katwiran niya.
Ngayon lang niya natitigan nang husto ang kanyang ama. He grew old so much. Parang mas tumanda na ito kaysa sa edad na limampu't siyam. Mas lumalim din ang mga gatla sa noo nito.
"I'm sorry for being so cold to you, 'Pa. Sinabi ko noon na babawi ako sa inyo, pero hindi ko nagawa."
Agad na umiling ito. "You changed for your betterment. I'm certain that your mom left us with a smile on her face, because she saw you grew up fine. I'm sure that like me, she's proud of you."
Hindi niya magawang ngumiti kahit pinuri siya ng ama. Mula nang tumuntong siya sa edad na labingwalo at napagdaanan ang ilang mga dagok sa kanyang buhay ay nag-iba na ang pananaw niya. Life wasn't just about rainbows and unicorns. Hindi habambuhay na magpapakasasa siya sa saya at patuloy na matutukso.
Napabuntong-hininga siya. Dahil na rin siguro sa mga pagkakamali noon kaya hindi niya magawa ang maging tunay na masaya ngayon. Siguro ay masyado niyang minadali ang pagpapakasarap-buhay noon.
Ganoon naman talaga, hindi ba? Kapag hindi pinaghirapan ay pandalian lamang ang kasiyahan. Kapag hindi nagseryoso, hindi matatamasa ang tunay na tagumpay. Just like what happen between her and Sage. They fuck right after they met. They didn't even bother to get to know each other that bad yet still, so beautiful night. That knowing their names was enough to give herself in an instant— she gave in effortlessly. Kaya nga naging panandalian lang din ang kasiyahan niya sa piling nito, hindi ba?
She sighed when his handsome face flashed on her mind. Kumusta na kaya ito? Agad na umiling siya para iwaglit ito sa kanyang isipan.
"Let's go on a vacation after your graduation," pukaw ng kanyang ama sa atensyon niya. Mas mauuna siyang magtatapos ng isang semester sa ilang mga batchmates niya dahil nag-advance siya ng mga units noong mga nakaraang summer. She also took up online studies— nag-o-offer din kasi ang Unibersidad ng ganoong programa kaya g-in-rab na niya. She did everything to make herself real busy the past four years. Lalo na noong huminto sa pag-aaral si Megan, mas lalo niyang inabala ang sarili sa pagdagdag ng units na ite-take noong mga panahong iyon. Kahit maagang magtatapos, ang graduation rites naman ay isasabay sa mga regular students, at sa susunod na taon pa iyon.
Inabala niya rin ang sarili sa paghahanap ng magiging miyembro ng banda, at nakausap na rin niya ang CEO ng Montreal Agency habang nag-aaral pa siya. Ang MIEA ay ang hahawak sa bandang Sunshine.
Matapos ng pag-uusap nilang iyon ng kanyang papa ay unti-unting umayos ang relasyon nilang mag-ama. Naging magaan na rin ang loob niya rito at tuluyan nang natanggap na isa lamang pagsubok ang lahat na kanyang pinagdaanan noon. She learnt to accept everything so she could finally strive. And so she could finally love herself more, and her family.
They went on a vacation after she finished her college. Sa Rome sila namasyal na mag-ama. Balak din nitong magbakasyon sila sa Switzerland sa darating na tag-init. Hindi siya sigurado kung matutuloy iyon lalo pa't magiging abala na siya sa debut ng Sunshine.
Dapat ay sa Abril ang debut ng mga ito pero pinalitan nila ng Hunyo noong nakaraang pagpupulong. Pero sa Abril ay maglalabas na sila ng mga teaser patungkol sa mga miyembro, pati na rin ang teaser ng mga kanta, at tuluy-tuloy na iyon hanggang sa opisyal na petsa ng debut ng Sunshine.
Napagtanto niyang maayos na ngang talaga ang pakikitungo niya sa kanyang Papa lalo na nang kulitin na naman siya nito na sa kanya ipapamana ang negosyo.
At doon niya inamin dito na walang amor sa kanya ang pagpapatakbo ng negosyo nila. That she wanted to manage an all-girl band and the fact that she already found the three members, and still in talk with the last two, before they could finally record the album.
"Fine," sumusukong wika ng kanyang Papa.
Pero alam niyang may kasunod ang sasabihin nito.
"Kaya ko pa namang patakbuhin ang N-G.E. I'll just wait until your five-year contract will be done. Pagkatapos niyon ay ikaw na ang mamamalakad sa negosyo natin.
Napabusangot siya. "Pero, Papa, ayaw ko po talaga."
"Give it a try, anak, and if you won't really like managing it, you can quit."
Kalaunan ay pumayag na rin siya. Kaysa mapurnada pa ang pagbuo niya ng banda ay mas mainam na tanggapin na niya ang ultimatum ng kanyang ama.
She got it. He's not getting any younger that's why he wanted to make sure that she'd inherit their business. She just hoped that she'd like it when that time comes. Ayaw naman niyang biguin ang Papa niya pero ayaw rin naman niyang pilitin ang sarili sa bagay na ayaw niyang gawin kung sakali.
She'd look for a favorable solution. Pero hindi muna sa ngayon. She must focus on managing the band especially it wasn't just a joke. It's a big responsibility.