Chapter 19. Oh La La La
PERO tila gusto nang umatras ni Rachel sa pagtatag ng banda mula nang aksidenteng magkita ulit sila ni Sage sa Montreal Agency. But no, she would never disappoint the girls.
Nang sumunod na pagkikita nila ni Rexton ay pa-simpleng tinanong niya kung sino ang mga lalaking dumating noong nakaraang araw na nagkausap sila nito.
"Oh, you still haven't met them because you've been very busy searching for your band members before."
She nodded.
"They are the members of Eclipse. You know that idol group I mentioned at the conference room during our meeting last few weeks? They're Eclipse."
Saglit siyang natigilan, kinalkal sa kanyang isipan ang tinutukoy nito. "Ah, iyong nine trainees na magde-debut 'ka mo?"
"Yes. And they'll be handled by the company in Korea. Magre-release din kasi sila ng mga kanta sa Korean at Japanese." He's pertaining to the languages.
"Oh, so they're going to be K-Pop and J-Pop group?"
"And P-Pop. They already finished recording their debut album, and done shooting the music video. Originally, they're debuting along with the Sunshine Band. But we changed their debut earlier. It would be this tenth of April."
"Okay..." She already knew that. Napag-usapan na noong huli pero hindi lang siya nag-focus dahil akala niya ay hindi naman ganoon ka-relevant since hindi na makakasabay ng Sunshine ang debut ng mga ito.
Paano ba niya isisingit ang tanong tungkol kay Sage nang hindi siya mahahalata?
Sakto namang dumating na sina Lana at Acel, ang dalawa sa miyembro ng Sunshine, ang ngalan ng bandang ima-manage niya.
They greeted each other. Few minutes had passed, the remaining three members came. Bree, the fashionable vocalist, Jinny, the nerdy guitarist and Milka, their tall bass guitarist.
Kasama ang ilang staffs ay sinimulan na nila ang meeting. Tapos nang i-record ng Sunshine members ang B-side tracks ng debut album ng mga ito. The supposedly title track became one of the b-tracks, that's why they'd be recording the new title track one of these days, and probably by next few weeks, they'd shoot the Music Video.
Napag-usapan din sa meeting ang target date ng debut ng mga ito, at sa ika-walo ng Hunyo na nga iyon. The meeting was adjourned but the CEO wanted them to stay a bit longer.
"I'd like you to meet one of our rookie groups. I know some of you have met them but I'd like to formally introduce you to them. In fact, they're on their way here. May meeting din kasi kami pagkatapos nito."
"H-Ha?" Para siyang nabingi. She had a hint about that rookie group.
"Eclipse po ba, Boss?" excited na tanong ng keyboardist na si Acel. Rexton decided to be called as "Boss" instead of "Mr. dela Costa".
"Yes."
"We will see Baxter!" bulalas ng drummer na si Lana.
She knew who that person was. Ka-miyembro ng college band nina Lana at Acel. Napanood niya ang kamangha-manghang pagtugtog ng mga ito at noon mismo ay inalok niya ang dalawang babae na maging miyembro ng banda.
One of the reasons why they moved Sunshine's debut date was because of the two, Lana and Acel. Graduating students kasi ang mga ito at gusto niyang mag-focus ang mga ito sa pag-aaral kahit pa nga alam niyang mahihirapan ang dalawa lalo pa't kailangan ding hatiin ang focus sa paghahanda para sa debut album ng mga ito. Pero, wala, ganoon talaga ang buhay. You have to make efforts to see the fruits of your hardworks.
"Uh, sorry, I have some appointments today," palusot niya para agad na makaalis doon. If they're talking abkut Eclipse, of course, he would be there as well.
"It's okay. Sa susunod na lang kita ipakikila sa kanila."
"Alright, Boss!"
Nagmadali siyang nagpaalam sa mga ito at nakahinga ng maluwag nang makababa ay makalabas na siya ng gusali.
Hinihintay niya ang b-in-ook na cab sa tapat ng building nang mapansing papalapit ang grupo ng mga lalaki. Nagpanggap siyang abala sa pagse-cellphone kaya may dahilan siya para hindi batiin ang mga ito.
Bago tuluyang makapasok ang mga lalaki ay bahagya siyang nag-angat ng tingin. Nasisiguro niyang tama ang hinala niya na ang Eclipse na nga iyon.
Ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin ang b-in-ook na cab. Naiinis na tiningnan niya sa kanyang cellphone ang detalye at nanlaki ang mga mata nang makitang cancelled iyon, at siya ang nag-cancel. Nagbayad pa tuloy siya ng cancelation fee. Mukhang napindot niya iyon kanina't hindi niya namalayan.
She booked a cab again and would have to wait for a few minutes. Habang nagba-browse sa kanyang cellphone ay inalok siya ng isa sa dalawang gwardya ng entrance na umupo sa monobloc chair na gamit nito. Pinwesto nito iyon sa gilid ng entrance. Nagpasalamat siya bago naupo sa itim na upuan. She was still busy on browsing on social media when someone stood in front of her. Kunot-noong nag-angat siya ng tingin at nagulat nang makilala ang huli.
Towering her was the one and only Seiji Corpuz Watanabe, wearing that knowingly playful smirk on his godlike face.
Para siyang na-hipnotismo nang matitigan ito nang maigi. He became even more manly and was now muscular. Wala na ang kilala niyang Sage noon na hindi kalakihan ang katawan. Ngayo'y mahahalata na batak na ito sa pag-ehersisyo. Aside from the fact that he's trained in dancing as well. Kaya hindi na siya nagtataka kung nagmamalaki ang katawan nito. He became muscular enough to make every woman drool over him. Napansin niyang mas nadepina rin ang panga nito.
Oh la la la... Her mind chanted while she was silently praising his undeniable masculinity.
At sa sobrang tagal ng paninitig niya rito ay halos mangalay siya sa pagtingala niya para matititigan ito nang husto.
Napasinghap siya nag ipitin nito ang takas niyang buhok sa kanyang kaliwang tainga at napamaang nang yumuko ito, sadyang idinikit ang labi sa kanyang tainga kasabay nang pagbulong, "The cab has been waiting for minutes now."
True to his words, she noticed the cab driver's irritated look while asking if she's the one who booked.
Nagtangis ang bagang na tumayo siya, taas-noong iniwan ito at sumakay na sa cab. Nakalimutan pa niyang magpasalamat kay Manong Guard sa pagpapaupo nito sa kanya sa upuan na gamit nito.
Bigla ay nakaramdam siya ng iritasyon sa kagaspangan ng ugali ni Sage.
Alin ang magaspang doon? Her mind probed.
Ah, basta! Naiirita ako sa kanya, Sagot niya sa sariling isipan.