Chereads / LET ME LOVE YOU. / Chapter 18 - Sinful

Chapter 18 - Sinful

Chapter 16. Sinful

KINAUSAP ni Rachel ang ama nang mag-long distance call siya kinabukasan. Pinarating niya rito na nais na niyang umuwi at maglalagi na lamang sa mansiyon.

"Are you alright? Susunduin kita."

"I'm fine. Kahit huwag na, I know how busy you are."

"Kumusta naman diyan? Is Rage taking care of you?"

Napakagat-labi siya. "Ayos lang. S-sige po, kakain muna ako."

Hinabilin pa nito na mag-empake na siya dahil dalawang araw lang ay maaayos na nito ang pag-uwi niya. Naisip niya na napakaswerte nga pala niyang ipanganak sa pamilyang iyon. Dahil ang iba, hirap na hirap makaalis kahit sa lugar kung saan pinanganak, habang siya ay malayang makapaglilibot kahit saan niya gustuhin. Money was never the problem. Maging ang pag-aayos sa mga papel na kakailanganin niya ay madali lang din. Gaya na lamang ng biglaang pagbabakasyon niya ngayon, kung nagkataong wala silang yaman ay nasisiguro niyang makukulong lang siya sa loob ng tirahan.

Saan pa ba siya makakahanap ng grounded na nga, pero malaya naman sa ibang bansa? Hindi niya kailanman naramdamang pinagmalupitan ng sariling pamilya, kasehodang puro kahihiyan ang binigay niya sa mga magulang habang siya'y nagda-dalaga.

She dialed her dad's number again.

"O, akala ko ba kakain ka na?" bungad ng kanyang ama.

"'Pa, I'm sorry..." Tumulo ang kanyang luha.

"Rachel, is there something wrong?"

Umiling siya na animo'y nakikita ng nasa kabilang linya.

"Pinakakaba mo ako, anak." Nag-aalala na ito.

"I'm sorry for being a bad daughter. I promise I will change for myself, 'Pa. Para maging proud na kayo ni Mama sa akin."

Saglit na natigilan ang nasa kabilang linya. "Always remember..." Suminghot ito. "...we are constantly proud of you, our dear daughter."

"'Pa..." Napahikbi na siya sa maraming realisasyong namayani sa kanya. "Gusto ko na pong umuwi."

"Yes, anak. Sa katunayan nga'y inaayos ko na ang pag-uwi mo."

"Salamat po. Mahal na mahal kita... kayo ni Mama." She was emotional. The last time she expressed her love for her parents was when she was still a kid.

Hindi na rin napigilan ng kanyang ama ang maging emosyonal. Narinig niya sa background ang malamyos na tinig ng kanyang ina.

"'Pa? Ano'ng nangyari?" Bakas ang pag-aalala sa kanyang mama.

"Our little Rachel is all grown-up, 'Ma."

Napangiti siya. "Papa, kakain na po talaga ako. Mag-iingat po kayo."

Tinapos na nila ang tawag at inayos na niya ang hapag. Ilang sandali pa ay lumabas na ang bagong paligong si Sage mula sa kwarto.

"Kain na," anyaya niya. She just fried the marinated chicken on the fridge and cooked the instant soup available on his kitchen.

"May masakit ba sa iyo?" Mataman itong nakatitig sa mukha niya at lumapit.

Umiling siya. "Nakausap ko lang si Papa..." And she started telling him about her conversation with her dad.

Umaliwalas ang mukha nito at hinuli ang kanyang pisngi. "I thought something bad happened because you cried."

Nanulis ang nguso niya. "Sobrang namamaga ba ang mga mata ko?"

Lumapit siya sa tapat ng maliit na salaming nasa lababo at napangiwi nang makitang pulang-pula nga ang mga mata.

Sage washed his hands on the sink and she did so, too. Hinintay pa muna siya nitong matapos at inabutan ng paper towel. Pagkatapos ay kumain na sila sa hapag-kainan.

Wala naman silang gaanong ginawa. They just watched some random movies 'til they fell asleep. Pero duda siyang nakatulog ito dahil nangangalum-mata ito kinabukasan.

Nagising siya sa amoy nitong bagong paligo, umupo ito sa gilid ng kama at ngumiti sa kanya. She was immediately aroused but she didn't show him she was.

She greeted him good morning then he kissed her lightly.

"What time did you fall asleep?"

"I don't know. I prepared a breakfast... Let me bring it here."

Umiling siya. "Sa dining na lang tayo."

"Sige."

Pero bago ba ito makalayo ay hinila niya ito palapit sa kanya. Dahil hindi inaasahan ay naibagsak nito ang katawan sa kanya. Napasinghap siya dahil sa init na nadama.

He apologized but she didn't care about that at all. Agad itong tumukod para hindi niya saluhin ang bigat nito.

Napalunok siya nang hindi sinasadyang tumama ang pagkalalaki nito sa puson niya.

"Rachel," he murmured.

"Sage, no offense about the food you prepared, but I think I want you for breakfast instead."

Napapikit ito ng mariin at nang magmulat ay punung-puno ng pagnanasa siyang tinitigan.

But she was disappointed when he didn't do her. Kagat-labi niya itong sinundan hanggang sa hapag at tahimik sila nang kumain.

The whole day, she made herself busy. She told him she'd be reading e-books and Sage didn't enter the room. Nagpaalam itong magdyi-gym. Agad naman siyang pumayag dahil hindi niya alam kung paano magtatagal sa loob ng isang bahay kasama ito, matapos ng nangyari. Hiyang-hiya siya sa pang-aakit na kanyang ginawa.

She was just eighteen and she shouldn't be having sex or making love with him especially when she's not even sure if she's feeling the same for him. And she must focus on her upcoming studies right now! It was never right to neglect education. Love and sex was a good combination but there's a right time for that— and definitely, it's not yet for her.

Kahit pa nga isinuko na niya ang pagkababae rito ay hindi pa rin dapat ulit-ulitin ang pagkakamaling iyon. Kahit saang anggulo kasi tingnan, kahit pa sabihing isa iyon sa pinakamagandang bagay na nangyari sa kanyang buhay, ay maling-mali pa rin talaga. They must earn the pleasure 'til they're fully grown-ups. Hindi por que bata pa sila ay maidadahilan na ang kapusukan. Paano kung magbunga ang lahat? Hindi pa siya handa at baka pagsisihan niya sa bandang huli ang pabugso-bugsong pagde-desisyon.

But her reasoning was drowned on that sinful and lustful night. Sage was still taking a shower. At katatapos lang niyang mag-shower, nagsusuklay na ng buhok nang mahulog ang brush na gamit niya at lumusot sa ilalim ng kama. Yumuko siya para kunin iyon. Nagtaka siya nang makita ang isang may kalakihang plastic container doon.

Out of curiosity, she opened it and saw different kinds of adult toys, she wasn't familiar with those things but it seemed to her that those different kinds of sexual things were both for men and women. There were even ropes and handcuffs. Napalunok siya habang nakatitig sa mga iyon. Para siyang nawala sa huwisyo ng mapansing mukhang mga bago at hindi pa gamit ang mga iyon.

Wala sa sariling pinosasan niya ang kaliwang kamay at napakislot nang bumukas ang pinto. Sage came out, wearing only a piece of white towel covering the lower part of his body with some water dripping on his upper body.

"Why are you...?"

They were both so lost and equal desire conquered them.

"I don't know how to remove this handcuff. Can you, uh, remove it?"

He breathed heavily and came closer to her. She was only wearing her robe because she's still blow-drying her hair. Hinalughog nito ang susi sa loob ng lalagyan at nang mahanap ay akmang tatanggalin na nito ang posas nang pigilan niya.

"D-don't you want to use these?"

Her senses heightened as his strong desire was visibly flickering in his eyes.

"On the bed? Hindi ba dito iyong kabilang posas—"

Napatili siya nang itulak siya nito at mabilis na naiposas ang kamay sa kabilang dulo kama.

"May isa pa..." He's taking her breath away with the thought that he'd be dominating her in no time. Pumungay ang mga mata nito nang kinuha ang isa pang posas at pinosasan din ang kanang palapulsuhan niya sa kabilang gilid ng kama.

"Sage..." sumamo niya, naging mabigat ang paghinga.

"Damn it, sweetie..." Lumuhod ito at tila tuksong pinatamaan ang kanyang pagkababae. "Why are you making me go crazy?"

Napakagat-labi siya at tuluyang bumigay nang magsimula itong paligayahin siya.

The newfound intensity was making her lose her sanity as well. She didn't mind if the handcuffs were hurting her because she was more focused on the combination of pain and pleasure. She never knew that this could be pleasurable for her despite of him, being so wild in bed. And that, she's looking forward on their next lovemaking.

Maingat na tinanggal ni Sage ang posas pagkatapos at hinalik-halikan ang kanyang mga kamay.

"I'm sorry, your wrists are ruddy."

"Oh, please, don't be sorry. That was... really amazing."

Ngumiti ito at hinalikan siya. Saglit na tumayo at may kinuha, pagkabalik ay hinilamusan siya at binihisan na ng oversized t-shirt nito at panty.

Hinawakan nito ang kamay niya at humiga sa kanyang tabi. Tumalikod siya rito at pumirmi ang mga kaliwang kamay nila sa bandang puson niya. Nakaunan siya sa kanang braso nito at nakahawak din ang isang kamay niya roon.

"Nagasgasan ka..." Hinalikan nito ang ulunan niya. "We won't do it again. Your skin is very sensitive." He gently brushed her reddish wrist using his thumb.

Totoo ang sinabi nitong nagasgasan ang balat niya dahil sa pagkakaposas kanina. He didn't even use the other things yet it was already euphoric. Paano pa kung ginamit nito ang mga iyon? Napalunok siya. She should not be thinking about the worldly things.

"Tumahimik ka?"

"We should... control ourselves."

"Yes... I agree."

"This will be the last for this time, Rachel."

"Oo."

"We should really control ourselves," ulit nito. Tila kinukumbinsi ang sarili.

"Tama ka. Hindi dapat tayo magpakalunod sa mga makamundong bagay."

"Yes... Yes, you are right."

Parehas na mabigat at mabagal ang paghinga nila, pilit na pinahuhupa ang sekswal na nararamdaman sa isa't isa.

Pagkuwa'y tumayo si Sage, nakabihis na ito ng shorts, at may kinuha. Nang bumalik ay hawak na nito ang first aid kit at nilagyan ng ointment ang nagasgasan niyang mga palapulsuhan.