Chereads / LET ME LOVE YOU. / Chapter 19 - Bars

Chapter 19 - Bars

Chapter 17. Bars

NAPABALIKWAS ng bangon si Rachel dahil sa sigawang narinig. Nagkukusot siya ng mata gamit ang likod ng palad at nanatiling nakaupo sa malambot na kama.

"Where is my daughter?!"

Napakurap-kurap siya at dumagundong ang kaba sa kanyang dibdib nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Pabalyang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang nagpupuyos sa galit na kanyang ama.

"Papa!" gulat na bulalas niya nang matitigan siya nang husto at agad niyang tinakpan ang sarili gamit ang kumot. Sure, she's wearing Sage's shirt but she didn't have any shorts or pajamas. Sinundan niya ng tingin nang bumaling ito sa sahig at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mga posas na nakakalat doon. Idagdag pa ang plastic container na naglalaman ng kung ano-anong adult toys na nasa gilid lang ng kama. Imagine her dad's horror seeing those things in that messy situation.

"Ano'ng ginawa mo sa anak ko?!" She never heard her dad yelled so loud, not even when she's being rebellious during high school. Napatili siya nang suntukin nito si Sage na tahimik lang na tinanggap iyon. He's just wearing his boxer shorts and a shirt. Kaya naiintindihan niya ang galit ng kanyang Papa. Pero mali ang iniisip nitong pinagsamantalahan siya ni Sage.

"What happened—" Natigilan ang nagsalitang si Rage nang maabutan ang sitwasyon. Hindi na siya nagulat nang makita ang namamaga nitong mukha, at naka-benda ang ilang bahagi ng katawan. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit nandoon si Reiji, dapat ay nagpapahinga pa ang huli dahil ayon kay Sage ay natagpuan itong bugbog-sarado. Pero hindi na niya inasikaso ang isipang iyon.

Akmang pipigilan nito sa pagpasok ang sinomang nasa labas pero huli na ang lahat. Judging from their stares at Sage, she guessed that they were his parents. They also look the same as the framed photograph displayed on the living room.

"Seiji, what did you do?!" Sinigawan din ito ni Mr. Watanabe.

The older yet elegant woman came to her. Tinakpan ng kumot ang kanyang katawan at iginiya sa banyo. Tulala siya nang ipasuot nito ang roba sa kanya.

"I'm sorry if my son forced you," garalgal ang tinig nito.

What? No! Mabilis na binuksan niya ang pinto.

"Mabubulok ka sa kulungan!"

Tahimik na tinanggap ni Sage ang lahat ng pambibintang ng dito. Idagdag pa ang pagduro-duro ng ama nito rito.

"Pananagutan ko po siya."

"Hindi mo na makukuha ang anak ko! You're an animal! Why did you keep her here? What did you do to my poor daughter?" Kinwelyuhan nito si Sage at napayuko lang ang huli.

"Papa!" awat niya.

"Rachel..." Nanghihinang tawag nito sa kanya.

Lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"I'm sorry. Hindi na dapat kita dinala rito. H'wag kang mag-alala. Makukulong ang hayup na iyan."

"Papa, hindi po—"

"Tinakot ka ba ng gagong iyan?!"

Nanginginig siya sa sobrang kaba at mukhang nagkamali ng interpretasyon ang kanyang ama.

"Sisiguraduhin kong mananagot siya sa batas, anak."

"Papa, hindi po. Nagkakamali po kayo."

"Bakit? Ano-ano ang mga pananakot na ginawa niya sa iyo?"

"W-wala po." Pumiyok siya. Damn it. Sobra-sobra talaga siyang ninenerbiyos at nasisiguro niyang iba ang dating niyon sa mga nandoon. Na kaya siya natatakot ay dahil totoo ang mga bintang kay Seiji.

"The deal is off, Watanabe. And your son will rot in jail."

Nagtangis ang bagang ni Sage pero nanatili itong tahimik.

"I went here to surprise my daughter but I was surprised by what your evil son did instead."

Napasinghap siya.

"Why aren't you saying anything?" Bumaling siya kay Sage. Nag-angat ito ng tingin at nagtama ang mga mata nila. He was determined to accept every punishment her dad would give him.

"I'm calling the police!" ang kanyang ama.

"No!" agap niya. "Umuwi na lang tayo, Papa, please..."

"Hindi tayo uuwi hangga't hindi nakukulong ang lalaking iyan."

Tumulo ang kanyang luha at paulit-ulit na umiling.

"Papa, h'wag na po. Parang-awa, umuwi na lang tayo..." pagmamakaawa niya. "P-pangako, magbabago na ako. H-hindi na rin ako makikipagkita sa kanya kahit kailan basta umuwi na tayo." At huwag na siyang ipakulong.

"Sweetheart—"

"We will not leave unless he'll be put behind the bars."

Hindi niya gaanong napansin ang ama nang magtamang muli ang mga mata nila ni Sage. Punung-puno ng hinanakit itong nakatitig sa kanya.

"I already called the police," malamig na tinig na bulalas ng ama ni Sage.

Doon siya natauhan. Gulung-gulong nagpalipat-lipat ang mga titig niya sa mga taong nandoon hanggang sa pumirmi sa kanyang ama.

"'Pa, please... Let's just go home. Let us just forget everything that happened. 'Pa... ayoko na po ng kahihiyan." Pero alam niya sa sarili ang totoong dahilan— na hindi siya makapapayag na maipakulong nito si Sage. Kahit umapela siya na nasa legal na edad siya, kapag sinabi ng kanyang Papa na mabubulok sa bilangguan si Sage ay gagawin at gagawin nito ang lahat para maisakatuparan iyon.

Tahimik na tinitigan siya ni Sage, tila nagsusumamo na bawiin niya ang mga sinabi. Sa huli ay naging malamig ang mga titig nito.

"I'll go in jail," matigas ang tinig na hayag nito. Gulat na lumingon siya sa lalaki, mukhang mas desidido itong makulong kaysa hindi na sila magkita pang muli.

"Are you provoking me?!" singhal ng kanyang ama.

"'Pa, hindi na! Umuwi na tayo." She grabbed her father's forearm as if she was begging him. "Umuwi na lang po tayo..."

"Ito ba ang dahilan kung bakit umiiyak ka noong huling tumawag ka, anak? At kung bakit gusto mo nang umuwi?"

Umiling siya pero hindi na mapigilan ang tuluy-tuloy na pagdaloy ng kanyang luha.

"Tahan na... Uuwi na tayo..."

Pinakinggan siya ng ama. At kahit pa marami ang nag-uusisang lumilingon sa kanila habang naglalakad papuntang sasakyan na naghihintay na sa ibaba ng gusali ay hindi niya iyon alintana. Ang mahalaga ay ang makauwi na sila para hindi na makulong si Sage.

Hindi niya alam kung paanong nakauwi sila ng Pilipinas ng kanyang ama. Tulala siya kahit na noong inaasikaso siya para makaligo at mabihisan. Her dad mistook her actions and thought that she was traumatized because of what did Sage do to her. She, on the other hand, was too preoccupied by Sage. Mahirap ang desisyong ginawa niya pero mas makabubuti iyon para sa kanilang dalawa.

When she went back to the Philippines, she only stayed inside the mansion. The Psychiatrist was visiting her during the session and she wasn't even telling her anything.

Hanggang sa magsimula na ang pasukan sa Unibersidad ay hindi pa rin siya nakikihalubilo kahit kanino. If she hadn't met Megan Castro, she wouldn't have any friends at all. Megan tried everything to reach her crying heart and she immediately became her best friend. But on their third year in college, Megan stopped studying. She already offered financial assistance but her friend declined. Hindi kasi talaga nito alam na anak-mayaman siya. Nag-desisyon itong magta-trabaho na lamang para may maipangtustos sa kapatid na nag-aaral pa rin.

During that time, she became even more distant with the society. Sa sobrang pag-aalala ng kanyang ama ay pinalitan nito ang Psychiatrist na tumitingin sa kanya.

There, she met Dr. Dale Sanchez. And for the very first time, she started opening up to a psychiatrist. He was a very efficient doctor in his field because in just half a year, she became better. She overcome her traumas as well.

Noong una ay inakala raw ng doktor na dahil napagsamantalahan siya sa Japan kaya naging malayo ang loob niya sa pamilya at sa mga tao. Iyon kasi ang sinabi rito bilang background sa kung ano ang ang nangyari sa kanya. But when he learnt about what really happened to her before, he changed his ways and gave her the proper medications.

But another tragedy befell on her third year in college. Namatay ang mama niya sa sakit na cervical cancer at nalugmok na naman siya sa kalungkutan. Her mom was the only person who saw right through her. The only person who said that she did nothing wrong, that everything was just part of growing up.

She cried her heart out that night, missing her beloved mother.