Chereads / LET ME LOVE YOU. / Chapter 6 - Mister

Chapter 6 - Mister

Chapter 4. Mister

BANDANG alas quatro ng hapon nang gumising ulit si Rachel. Dahil sa sobrang pagod kanina ay nakatulog siya. This time, she woke up with Sage sleeping soundly beside her. Dahan-dahang kinalas niya ang braso nitong nakayakap sa tiyan niya at dumiretso sa banyo. Mabilis na nag-shower siya at nagbihis. Nang lumabas siya ay gising na ito, nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama. God! Why is he so handsome?

"Aalis na ako," bulalas niya.

Agad itong tumayo at napaiwas siya ng tingin dahil sa kahubdan nito.

"Mauuna na ako."

"Wait for me in a minute."

Imbes na makinig ay kinuha niya ang clutch bag at lumabas ng hotel suite. Narinig niyang malakas itong napamura at tinawag ang pangalan niya.

Nasa elevator na siya nang makahinga ng maluwag sapagkat hindi siya nito nasundan. Pagkuwa'y bumukas ang pinto sa sixth floor at nanlaki ang mga mata niya nang agad na pumasok si Sage, hinihingal pa rin ito. May mga taong papasok pa sana sa elevator pero mas piniling huwag nang pumasok. Marahil ay dahil sa hitsura ng lalaki.

"I told you to wait for me, Rachel!"

Napayuko lang siya.

"M-Magbihis ka muna."

Nagtangis ang bagang nito. Naka-pajama lang kasi ito at duda niyang may suot itong brief. Pinindot nito ang button ng elevator pabalik sa eighth floor at hindi na siya umimik. At imbes na sa sofa siya nito iupo ay sinama siya nito sa loob ng banyo at inupo sa tuyong lababo.

"Sa sofa na lang ako maghihintay."

"H'wag kang magkakamaling lumabas ng banyo," banta nito.

Kagat-labi siyang tumungo at pinisil-pisil ang mga palad. Mabilis lang naman itong nag-shower at nagpunas, pagkuwa'y lumabas na ng banyo 'tsaka nagbihis.

"Ihahatid kita," he decided.

Napanguso siya. "I'll be fine. Thank you sa... alam mo na."

"Ano'ng gusto mong kainin?"

Bahagyang lumukot ang mukha niya. Hindi ba siya nito narinig? "Sabi ko, thank you sa one night stand."

He glared at her and she knew she couldn't do anything about his decision. "Where are you staying?"

"Watanabe's Hotel."

"Damn him!"

"Huh?" nagtatakang tanong niya.

"Have you met Reiji?"

Napakurap-kurap siya "How did you know my butler's name?"

"Butler?"

Tumango siya. Si Reiji, o Rage ang nag-aasikaso sa pagkain niya at ibang pangangailangan niya bukod sa personal maid na h-in-ire para sa kanya. Nagpakilala itong bilang butler na h-in-ire ng kanyang Papa.

Nagtangis ang bagang nito. "Where exactly are you staying?" madilim na tanong nito.

"Sa penthouse, bakit?"

Naiiritang napasabunot ito sa sarili.

"Hey, ano ba ang nangyayari sa iyo?"

"Stay with me, sweetheart. My brother has been trying to trap you into marriage."

"What brother? What marriage?"

Napapikit ito at nang magmulat ay hindi niya maipaliwanag ang sakit na gumuhit sa mga mata nito.

"Let's get married, Rachel."

"Ano ba'ng pinagsasabi mo?" Litung-lito na siya sa lalaking ito.

"Rage is my older brother, he's thirty and he wants to marry you."

"Niloloko mo ba ako?"

"It's true. He asked your father if he could court you."

"Pero hindi naman siya nanliligaw?"

"Damn him!"

"Aren't you in good terms with your brother?" Hindi talaga siya makapaniwala sa sinasabi nito.

"We were in good terms until he tried hitting on you."

"Bakit ako?"

"Because I like you!"

"Bakit parang galit ka?" Paano ba siya maniniwala rito? Umupo ito sa sofa at bahagya siyang hinila para makaupo sa tabi nito. "L-Lumayo ka—"

"I'm not going to do anything. Umupo ka muna. Baka nangangalay ka na."

Totoo namang nangangalay na siya katatayo, pero hindi pa rin siya sigurado kung wala nga itong kakatwang gagawin lalo pa't simula kagabi ay wala na silang ibang ginawa kung hindi punan ang makamundong pagnanasang namayani sa kanila.

"We attended your eighteenth birthday, and that's where I saw you. I immediately liked you, then."

"I don't think you were there. And I think it's only lust." Kasi kung nandoon ito, siguradong hindi na ito mawawala sa isipan niya.

"Of course you didn't notice me. I think you weren't even aware with everything. And as for the lust thing, that's given. You've felt—"

"Oo na!" agap niya sa huling sasabihin nito. What he said was true. She was too preoccupied about her, flying to Japan, because she's grounded. Napasimangot siya.

"In span of two weeks, I tried getting to know everything about you. And that's where I knew you're rebellious and that, you have countless ex-boyfriends."

"That I am pregnant and did drugs with my friends as well."

"Yes..." anas nito, hinuli nito ang kanyang baba at tinitigan nang husto.

"You're getting closer," paalala niya rito.

"Why did you let the people think that you're a very, very bad girl?"

"Philippines is a free country, Sage. We can do what we want, right?" pamimilosopo niya.

He sighed heavily. "Even I thought that you're really experienced."

"Kaya nga tinuhog mo ako rito sa sofa, hindi ba?"

Sabay silang natigilan at pagkuwa'y napalunok siya.

"Well, kumpleto na ang pagiging rebelde ko ngayon. Hindi na ako virgin. I might try drugs as—" 

Natigilan siya sa pagsasalita nang malakas na sinuntok ni Sage ang mesitang nasa harap nila.

"Masakit iyan!" bulalas niya.

"Don't you dare, bad girl! Ikukulong kita't kung kailangan ay itatali para lang hindi ka na makalabas!"

"You're a devil! Don't tell me you're thinking about BDSM, too?" she mockingly said, not minding her loud heart beats. Then, she grinned widely. Of course she knew what BDSM means even though she still was just eighteen. Her friends kept talking about the certain topic during her twelfth grade and she remembered searching it at Elite dot com. It said that BDSM can be broken into three subcategories: Bondage/Discipline, Dominance/Submission, and Sadism/Masochism. This is the overall umbrella under which most kinks fall. It can contain all elements or only one. BDSM holds no space for judgment. Napapalatak siya habang inaalala ang ibig sabihin niyon at tumitig kay Sage. Why did she suddenly picture him dominating her? Agad na nag-iwas siya ng tingin.

"Why, thank you for your suggestion, sweetie. I might as well spank you right now for being a very bad girl."

Nangunot ang kanyang noo nang mabaliktad ang sitwasyon. Ito na ngayon ang nakangisi ng nakakaloko.

"Ihatid mo na ako!"

"Hindi kita ihahatid sa penthouse ng kuya ko!"

"What are you talking about?" Nalilito na talaga siya.

"Just stay in our house. My parents won't mind it. Wala naman sila, nasa Pinas."

"At bakit ako titira sa bahay ninyo?"

"Just stay with me in my condo if you don't want to stay in our house. Ilang linggo pa ba ang ilalagi mo rito?"

"Why do I have to answer that?"

"Because you will marry me soon."

"Ha!" singhal niya. "Hindi porke't virgin ako nang makuha mo ay iisipin ko na ang magpakasal sa iyo! Hindi mo ako kailangang panagutan, Mister!"

"Hmm... I like that. You called me 'Mister', feels that I am your Mister."

Napamaang siya sa kakaibang lohika nito.

"And I'm marrying you because I want to."

"Bakit? Ilang taon ka na ba? I bet you're way older than me. Atat ka nang magpakasal, eh. Pa-expired na ba ang bayag mo?" Imbes na ma-offend ay tumawa ito.

"I'm just a year older than you, sweetie."

"Come again?" Bahagya siyang napaatras hanggang sa halos sumandal na siya sa dulo ng sofa.

"Do I look old? Should I do some skin care routine now? Can you tell me what should I use?"

Hindi siya makapaniwalang labing-siyam lang ito! He's tall and his features were so manly. Wala sa sariling napatingin siya sa mga braso nito... Hindi ganoon kalaki pero paano pa mung tumanda na ito at batak sa pag-ehersisyo? And damn, his sex experience was undeniably skillful. Kaya nga ba't tinanghali na siya ng gising, hindi ba? Mabilis siyang napailing para iwaglit iyon sa kanyang isipan.

"So..." saglit itong tumigil at nilapitan siya. She was really concerned because he's almost closing the distance between them.

"Lumayo ka nga—"

"Will you be my wife?"