Chereads / LET ME LOVE YOU. / Chapter 8 - Seamless

Chapter 8 - Seamless

Chapter 6. Seamless

DUMIRETSO sina Rachel at Sage sa Watanabe's Hotel, pero hindi sa penthouse. Sage turned out to have his own VIP suite in the hotel, so Rachel believed in what he had said.

"We own this hotel so I occupy the whole floor," he boasted when the elevator lifted to the fourteenth floor, just three-floor ahead was where the penthouse she had been staying to.

"Wala ka bang sariling bahay?" tanong niya.

"I have, but not a house. Just a small condo."

She nodded. "I didn't know you're a hotelier," komento niya. "Sabagay, paano kong malalaman, kakikilala ko lang sa iyo?" At ikakasal na agad tayo. Well, kung magka-aberya, bahala na kung paano lulusutan. Lalo pa't katutuntong lang niya ng edad labingwalo, kaya duda siyang magiging madali ang pagpapakasal niya without her parents' consent or something. 'Tsaka na niya po-problemahin iyon. Sa ngayon ay kay Sage na muna siya magfo-focus. Kung paanong mapapaniwala ang kanyang mga magulang na nahulog na ng tuluyan ang loob niya rito habang nasa Japan siya.

"I'm not a hotelier. And we still have a lot of time to get to know each other. For now, you can take a shower while I order our food. What would you like for the drinks?"

"Parang hindi tayo nakikain, ah."

"Hindi ako nakakin nang husto. Okupado mo ang isipan ko."

Naningkit ang mga mata niya. "Is that a banat?" She sounded a bit conyo. Ano ba ang banat sa Ingles? Ah, yes, punchline.

"Hindi. Nagtataka lang talaga ako, bakit ang bilis mong pumayag sa kasal?" This time, there was no playfulness in his tone. He was all serious— the thing she'd expected him to be when she saw him at the club last night.

"Ayaw mo ba? Pwede namang bawiin, hindi iyon official," she suggested. Somehow, she didn't want to take her decision back.

"I won't ask for your reason, then. What would you like to eat?" pag-iiba nito sa usapan.

"I think I'd just take a sip of red wine before going to bed. Hindi ko naman kasi nainom iyong wine. Natakam lang tuloy ako." Kusang naglakbay ang isipan niya sa nangyari. Napalunok siya bago nagsalita, "And just order me some dessert. A slice of strawberry shortcake will do," agap niya para hindi ma-focus ang usapan sa wine. Dahil may pakiramdam siyang aasar-asarin siya nito patungkol sa agaran niyang pagkawala sa pagpipigil kagabi.

"Sige."

May kinausap ito sa intercom at ang hula niya ay nagpapa-room service na ito ng pagkain at inumin. Pero ilang sandali pa ay binaba nito iyon at tumawag ulit. Hindi naman niya maintindihan ang pinagsasabi nito. "Maligo ka na," he mouthed and continued talking to the other line.

Nagtagal siya ng halos isang oras sa banyo. Nagbabad pa kasi siya sa bathtub ng halos tatlumpung minuto bago dumiretso sa shower. Nang lumabas ay nakita niya ang dalawang pamilyar na luggage sa tabi ng kama. Both were plain in design, the one was pastel pink while the bigger one was in bright yellow.

"Bakit nandito ang mga gamit ko?" tanong niya kay Sage, na abalang inaayos ang mga sarili nitong damit na nasa may kalakihang wardrobe. Inayos niya ang pagkakatali ng suot niyang puting roba. Mahirap na, baka makasilip ito sa maseselang parte ng katawan niya't maging dahilan pa kung sakaling bibigay ulit siya. Ah, Rachel! Stop thinking about it! Saway niya sa sarili.

"Pinahatid ko na. I saved space for your clothes in here," turo nito sa closet. "Aayusin ko sana pero naisip kong baka ayaw mong pinakikialaman ang gamit mo," sambit pa nito. Dagdag pogi points na sana si Sage sa kanya nang may maalala siya.

"Hindi mo mabuksan kasi may passcode ang mga maleta ko," she stated.

He just smiled and scratched his nape.

Gosh! He suddenly looked like a teenage and a cute guy. She didn't know that he could be both. Sa buong durasyon na magkasama sila, lalo na nang angkinin siya nito ay lalaking-lalaki ito sa paningin niya, pero ngayo'y para itong binatang punung-puno ng kalokohan sa katawan. Now, she was convinced he's just really nineteen.

"Dito ko na rin pinadiretso ang mga pina-laundry mo raw kahapon. Pinatong ko sa sofa."

As if on cue, her eyes traveled and saw her clothes inside some laundry plastics. Pero ang undies niya ay maayos na nakatupi sa ibabaw ng sofa, katabi ng mga naka-plastic niyang damit. She glared at him but he looked away. Sumipul-sipol pa ang damuho!

"You have a nice taste, sweetie. Seamless panties and foamless bra. Can you wear those in front of me? Please wear the wine in color."

"Seiji! I told you I can't have sex now!"

"I just asked you to—"

Hindi nito natapos ang sasabihin nang may kumatok.

"Get inside the bathroom, Rachel. I think that's our food."

Her breathing became fast when he came closer and grabbed her forearm. Hindi ito nakuntento hangga't hindi siya naihatid sa loob ng malawak na banyo. Ilang saglit pa ay kumatok ulit ito, hinatid ang ilang mga damit-panloob niya.

"I don't want other people to see your lovely bloomers. Ilagay mo muna riyan," bulalas nito nang iabot sa kanya ang mga panty niya.

"Nasaan ang mga bra?"

"Nakatakip ng kumot."

"Bakit hindi mo na lang din nilagay sa ilalim ng kumot ang mga ito?"

"I—" Natigilan ito. Mukhang nataranta na.

"Sige na, pagbuksan mo na iyong kumakatok. Baka namukulan na ang kamao niyon kakakatok."

Humigit-kumulang limang minuto rin siyang naghihintay sa loob ng banyo. Sinuot na niya ang isa sa mga seamless panty niya, iyong kulay krema, na sa unang tingin ay aakaling wala siyang suot na pang-ibaba. Pagkuwa'y maayos niyang tinakpan ang katawan gamit ang roba.

"Rachel, you can go out now," masuyong tawag sa kanya ni Sage matapos na marahang kumatok.

Nang lumabas ay dumiretso siya sa tapat ng sofa kung saan tinabon nito ng kumot ang mga undies niya. "Mag-shower ka na rin," baling niya rito para malaya siyang makapagbihis sa loob ng suite.

Pagkapasok nito ay agad niyang kinuha ang kapares ng suot niyang panty, pagkahubad sa roba ay bumukas ang pinto ng banyo. Napakislot siya at hindi kaagad nakakilos.

Sumipol si Sage. "Nice and rounded butt, sweetie. Just like your fluffy busts, too."

Naiiritang hinagis niya rito ang hawak na bra. "Ang bastos mo talaga! Sinadya mong manilip!"

"Hey! I didn't." Nasalo nito ang hinagis niyang bra at tatawa-tawang lumapit sa kanya. She crossed her arms to cover her breasts. "I just forgot my phone. Nagpapatugtog kasi ako ng music sa t'wing naliligo ako," paliwanag nito at binigay sa kanya ang bra, 'tsaka kinuha nito ang cellphone na nakalagay sa ibabaw ng mesita.