Chereads / LET ME LOVE YOU. / Chapter 10 - Morning

Chapter 10 - Morning

Chapter 8. Morning

"MY dad owns a security agency."

Tahimik na nakikinig lang si Rachel kay Sage. Hindi pa nito nasagot ang tanong niya pero mas pinili niya ang makinig. Kinuha niya ang isang unan at niyakap iyon habang si Sage ay umupo at sumandal sa headboard ng kama, matamang nakatitig sa kanya. May pagitan din sa gitna ng kama at pabor sa kanya iyon para makahinga pa siya ng normal.

"And the reason why I'm taking up Criminology is because he wants me to inherit the agency."

Napatango siya.

"Last night, I was told that they're short of people. Tinawagan ako ng head ng security para pakiusapang bantayan ang isang kliyente namin."

Naningkit ang mga mata niya. "Ako ba iyon?" pagkukumpira niya.

Tumango ito. "You have bodyguards everywhere. But you just stayed inside the penthouse. Nang lumabas ka kahapon ay nakabantay halos ang securities sa ibang mga kliyente. May event kasi sa Tokyo, kung narinig mo ang Tokyo Summit, at nandoon halos ang mga bodyguards."

"Ah," Napatangu-tango siya. "H-in-ire sila para gwardyahin ang ibang mga kliyenteng dumalo sa Tokyo Summit?"

He nodded. "My brother didn't expect you'll go out yesterday, too. Kaya nang tumawag siya sa agency ay nabigla rin si Charles."

"Sino naman iyon?"

"The head of security. Anyway, most of the bodyguards were on duty. Dalawa lang ang available na nandito sa Osaka at inisip ni Kuya na hindi sapat ang mga iyon. That's where Charles called for my help."

"And the rest was what happened," pagtatapos niya. "Hindi mo talaga alam na ako ang babantayan?" That explained his attire last night.

"Believe me, I didn't know. I didn't even know that you're here. Ang alam ko'y nasa Pilipinas ka't grounded kaya hindi makalabas ng mansiyon."

"You should change your investigator," biro niya.

"I think my brother warned her."

"Her? Babae ang imbestigador mo?" gulat na tanong niya. Napakagat-labi siya. Ano namang binabayad nito sa babaeng iyon?

"Nicolea is my friend. And she's new to the job."

"Ilang taon na siya?"

"Same age with me. Why?"

"W-Wala."

Naningkit ang mga mata nito at nag-iwas siya ng tingin.

"So, sa inyo rin ba siya nagtatrabaho?"

Umiling ito.

"If not, then, why did you think Rage warned her?"

"Because he also knew she's hiding something."

"Ha?"

"Don't mind it. H'wag na natin siyang pag-usapan."

"Bakit? S-Siguro babae mo siya, 'no?"

"Selosa ka pala," mapaglaro ang tinig na komento nito.

"I'm n-not! Ano lang... naisip ko lang. Bakit, totoo ba?"

He chuckled lightly. "We're just friends. Kaklase ko rin kasi siya."

Napanguso siya. "Saan kayo nag-aaral?"

"At a University in Tokyo. But she's planning to continue her studies in the Philippines."

"Alam mo talaga, 'no?" She tried to sound as casual as she could.

"Don't be jealous... Come closer," anas nito.

"Ayoko nga sabi. Medyo masakit pa." Tinutukoy niya ang pagitan ng kanyang hita.

"I'll just hug you and caress your back so you'll fall asleep. It's late, sweetie," amusement was visible in his now husky voice.

"Okay lang. May itatanong pa ako, eh."

"Hmm?"

Nakalimutan niya yata ang lahat ng itatanong nang maramdaman niya ang antok sa boses nito. Sa kanilang dalawa, alam niyang mas pagod ito dahil ito ang halos gumawa—

"What is it?" his voice was more husky.

She shook her head. "Matulog na tayo. Marami pa namang oras para mag-usap."

Tumango ito at umayos na ng higa. Hindi na rin siya nito pinilit na lumapit dito. Pumikit na ito pero nanatili pa rin siya nakatitig sa payapang mukha nito.

Pagkuwa'y kumunot ang noo.

"Stop staring, Rachel. You should sleep, too." He opened gis eyes and caught her ogling at his handsome face.

Suminghap siya at tumalikod. "I wasn't staring! Nagkataon lang na nakatingin ako nang magmulat ka."

Tumawa ito at naramdaman niyang umuga ang kama. Nahigit niya ang hininga nang pumulupot ang braso nito sa bandang tiyan niya.

"You're too close."

"Goodnight, beautiful," he murmured and kissed her head.

Ilang sandali pa ay tahimik na at totoo nang naging payapa ang paghinga nito. Hula niya ay nakatulog na nga ito. She couldn't believe he slept at that moment while she, on the other hand, didn't know how to calm her loud heart beats.

The next morning, she woke up earlier than him. Dahan-dahang inalis niya ang braso nitong nakapatong sa tiyan niya at tumayo. Agad na kinumutan niya rin ito nang mapansin ang tent sa pagitan ng hita nito.

Dumiretso siya sa dining at hinanda sa hapag ang mga pagkaing in-order nito kagabi. Ininit na rin niya sa oven iyon.

Nagtitimpla na siya ng gatas nang mapansing gumising na ai Sage.

"'Morning," bati niya.

"Good morning," namamaos nitong usal, tila hindi makapaniwalang nandoon talaga siya sa tapat nito.

"Coffee or milk?" she asked. Iyon lang ang available sa mini kitchen na nasa loob ng suite.

"Milk."

Bahagya siyang nagulat doon. "You don't drink coffee?"

"I do. But I prefer milk."

Napatango siya. They were the same. "Sweet or not too much?"

"Make it sweeter, please."

"Okay," tumalikod siya at kumuha ng mug. "Umupo ka na nang makakain na tayo."

"I hope to see you every morning like this."

"Hoy, ngayon lang ito. Mukhang pagod ka kasi kaya ako na ang nag-ayos ng makakain."

"You should've just called a room service."

Natigilan siya. Oo nga, 'no? But a part of her wanted to serve him breakfast.

"Pero mas gusto ko ito," he commented. "I like this part of you, preparing our breakfast."

Parang nilipad ang puso niya. Na-appreciate nito ang ginawa niya.

"Sa susunod, kahit ako na lang ang magsilbi sa iyo, ayos lang sa akin. Basta makatulog ka nang maayos."

Nag-iwas siya ng tingin. Was her dark circles that obvious? Hindi kasi siya nakatulog nang husto dahil sa sobrang malapit ito sa kanya.

Pagkuwa'y naghugas ito ng kamay sa lababo at bahagya siyang napakislot.

"Namamahay lang ako!" She saved herself from embarrassment. Hindi totoong namamahay siya. She could easily fall asleep wherever she wanted to.

"Would you like to move back to the penthouse?"

"Kung okay lang sa iyo."

Tumango ito.

"But I think you prefer to stay im here or in your condo," she said as a matter of fact.

Hindi ito sumagot at alam niya na ang totoo. "Let's just stay in your condo, then. N-Naiilang din kasi ako rito. Nahihiya pa ako sa Kuya mo."

"That's fine. He understands."

"Pero kasi—"

"Shh..." Nagpunas ito ng kamay gamit ang paper towel na nasa lababo. "I'll just claim my good morning kiss," he whispered and gave him a deep but quick kiss.

"Ano na nga bang sinasabi ko?" tila lumulutang sa ere na komento niya.

"Kumain na tayo," tugon naman nito at kinuha ang dalawang mug. Sumunod siya sa hapag at kumain na sila ng matiwasay.