Chereads / LET ME LOVE YOU. / Chapter 11 - Mataba

Chapter 11 - Mataba

Chapter 9. Mataba

BUONG araw na nagkulong sa loob ng suite sina Rachel at Sage. She made herself busy browsing on social media using her cellphone and did some exercises to exhaust herself. But still, she didn't fall asleep early. Kinabukasan naman ay niyaya siyang lumabas ni Sage at agad siyang pumayag.

Idly taking a sip of her soda while her eyes were focused on the big screen, she also took a glance at Sage who was sitting comfortably beside her in the movie room. Niyaya siya nitong manood ng sine at inakala niyang sa normal na sinehan sila pupunta, pero ang siste, nagpa-reserve pala ito sa isang mamahaling spa kung saan pwedeng manood ng movies bago magpa-spa.

"Akala ko sa mall tayo manonood," bulalas niya.

"Maraming tao sa mall, dito, solo natin."

"Pero nakakabagot," amin niya. Wala naman kasi sa listahan ng mga sandamakmak na movies doon ang kaso-showing pa lang na movie na gusto niyang panoorin.

"I should've asked you first." May pagsisisi sa tono nito.

"Sulitin na lang natin ang spa."

Nagtagal ng halos dalawang oras ang pagpapa-spa nilang dalawa, at nang matapos ay hindi sila sa hotel dumiretso. Alam niya dahil napansin niyang residential building ang pinuntahan nila.

"Nasaan tayo?" she asked.

"Sa condo, pinahatid ko na rin ang mga gamit mo kanina rito."

"Ah," she nodded. "Matagal ka nang nakatira riro?"

"No. I'm living in the university dormitory. I rarely go here."

"So maglilinis pa tayo niyan?" she assumed. Lulan na sila ng elevator at pinindot nito ang button na may numero sampu.

He chuckled and said no. Said that his condo was being maintained by a housekeeper thrice a week.

"Bakit may condo ka pala rito kung hindi mo naman titirhan?"

"Dad bought it for me. Said it was nearer to the university. But since I chose to study in Tokyo, I'm not living here."

"Ibig sabihin, dito sa malapit ka dapat mag-aaral?"

"Yes," sagot nito at bumukas na ang pinto, tanda na nasa tenth floor na sila.

Nang huminto sila sa tapat ng unit ay namangha siya sa modernong security lock niyon. Sage didn't have any keys, instead he opened the unit using his palm print.

"Wow. Our passcode is shaking," biro niya.

"Come in?"

Tumango siya. Even the lights were voice controlled. Namamanghang pinalibot niya ang paningin sa paligid. Ano na nga ba ang sinabi nito noong nakaraan? That his condo was small?

"Maupo ka, mangangalay ka niyan."

"Nakakaloka ka. Maliit pala ito para sa iyo?" Saglit itong natigilan at nakuha ang ibig niyang sabihin.

"Ah, that. I just thought it would be small for you."

"At ano ang akala mo sa akin? Matapobre?" natatawang komento niya.

"I just assumed you're used to grand things. And my condo ain't grand."

"But it's cool! And mind you, it's big. I could live here forever, I guess."

"You want to?"

Nakangiting lumingon siya rito at napansin ang pamumula ng mukha nito. "I think it's hot. Namumula ka. Turn on the aircon," utos niya.

He did. Using the remote control that he grabbed on the side table.

"Grabe talaga. I commend the architects and engineers of this condo. It looked like a normal unit on the outside but in here, just wow... breathtaking."

Hindi niya aakalaing bachelor ang nakatira roon. She stood up and roamed around the two-storey unit. The geometrical design inside the study was just so immersing. Parang nakaka-relax mag-aral at mag-review roon. The unit had two rooms, one big room and an extra room for, maybe a guest. Each had bathrooms. Hindi pa nga lang niya natingnan nang husto ang ibang parte dahil hinila siya ng kanyang mga paa sa veranda ng master's bedroom.

"I love these succulents, ang ganda ng pagkaka-arrange." Pansin niya sa mga cacti na nasa maliliit na mga paso at nagsilbing dekorasyon sa veranda.

He scratched his nape sheepishly. "Mom likes succulents so, I put these here."

"Ang gaan ng kamay mo, buti hindi nangamatay, 'no?"

"These are easy to take care. Dahil hindi rin ako madalas dito, kahit hindi ko madiligan, ayos lang. Binilin ko rin naman sa housekeeper."

"Tuwing kailan ka lang pala umuuwi rito?"

"Rarely. Usually, whenever I go bar hopping with my college friends, I go straight here."

Friends? "With that Nicolea?" bulalas niya bigla.

"Yes. Sometimes."

She kept still. Does that mean Nicolea occupies the vacant room?

"Pumasok ka na. Maginaw rito sa labas."

"I'll sleep in your room, okay?"

Tinitigan siya nito ng matamam at tumango. "And I'll sleep on the other room."

"Huwag!" agap niya. "We will stay in this room," dagdag niya nang makapasok ulit sa Master's.

"Are you sure?"

"Ayaw mo?"

"Hindi naman. Baka kasi hindi ka komportbale ng may kasama. You didn't sleep good when we slept together," he commented.

"K-Kasi nga namamahay ako!"

"Kaya nga gusto ko sanang i-suggest na matulog ka sa kabilang kwarto para solo mo at makatulog ka na ng maayos. Or vice versa."

"Kung ayaw mo, sa sala na lang ako. Malaki-laki naman iyong sofa." Hindi niya pinansin ang sinabi nito.

"What? I won't allow that, Reych."

"Kaya nga sabi ko rito na tayo sa kwarto mo."

"Ayaw mo ba ng design sa kabilang kwarto? Pa-renovate natin agad-agad."

"Hindi. Maganda naman. Baka lang kasi may iba na palang nagku-kwarto roon. Let's say, your friend."

"Friend?"

"Nicolea," amin niya, nag-iwas siya ng tingin.

Agad nitong hinuli ang mukha niya at hindi makapaniwalang tiningnan siya.

"K-Kaya okay na ako sa sala kung ayaw mong dito ako sa kwarto mo."

"Wala akong pinapatuloy rito sa condo ko, Rachel. Ikaw pa lang. Well, except for the housekeeper, too."

Napanguso siya. Malay ba niya, 'di ba?

"Don't get jealous with my friend. She's a lesbian."

"Talaga?" Para siyang nakahinga ng maluwag sa sinambit nito.

Tumango ito, tuwang-tuwa ang ekspresyon ng mga mata.

"Malay ko ba kung sino-sino ang mga babae mo, hindi ba? Given your experiences, mukhang marami-rami."

"Sweetheart, don't be jealous. That's all in the past."

"Grabe lang kasi, as nineteen, you're, ano..."

"Hmm?"

An expert in bed?

"Do you want to eat something?" Iwas nito sa pagkain. Buti naman, dahil ayaw niyang mauwi na naman sila sa usapang pangkama.

"Pagkain na naman? Ang takaw mo, ah."

"Malakas talaga akong kumain."

"Pero hindi ka naman mataba. Iyang ano mo lang yata ang mataba sa iyo."

Huli na nang mapagtanto ang sinambit. Nahawa na yata siya nito na puro makamundong bagay ang namumutawi sa bibig.

Tumawa ito ng malakas at kinintalan siya ng mabilis na halik. "I'll prepare some foods. I remember I still have some frozen blueberries. Do you want blueberry milkshake?"

She nodded as she excused herself and went to the bathroom so she'd wash her blushing face.