Chapter 7. Business
KAKAIN na sina Rachel at Sage nang may kumatok sa kanilang suite. Pinagbuksan niya ng pinto ang kumakatok dahil naghuhugas pa ng kamay ang lalaki. Nabungaran niya ang kanyang butler na hindi maipinta ang mukha.
"Rage?"
"Why are you here?" he asked darkly. Nawala ang mukha ng magiliw na butler na nakilala niya sa loob ng ilang linggo.
"Sweetheart, sino—" Natigilan si Sage nang makalapit na sa kanya. "Kuya," he was monotonous.
"Bakit ka nandito, Sage? Don't you have classes?"
Classes?
"I didn't go to school."
"What?!" bulalas niya. Napailing ang nakatatandang kapatid ni Sage.
"I'll drop out this semester. Sa susunod na ako babalik sa pag-aaral."
"Bakit?" tanong niya.
"Bahala ka sa buhay mo. Sinusundo ko si Rachel." Bumaling sa kanya si Rage. "Tara na."
"You're not going to take my wife."
Naramdaman niya ang tensiyon sa pagitan ng dalawa.
"Wife, huh?" Rage mocked. "Hindi kayo kasal."
"Kasal na kami," sabad niya.
Nangunot ang noo na lumingon sa kanya ang huli. She glanced at Seiji and saw he was a bit surprised.
"It may not be official, but for me, we are already married," she added.
"You don't know what you're saying, Miss. Hinabilin ka sa akin ng Papa mo kaya hindi ko pahihintulutan ang pagrerebelde mong ito."
"I don't care if you're my babysitter or my dad's spy. Just leave me alone here."
"Pinagkasundo tayo ng mga magulang natin," bulalas nito. She wasn't surprised.
"For your information, wala akong balak na magpakasal sa iyo. You're old and I don't like old guys like you!"
"You heard that, my dear brother." Nakangisi na ngayon si Sage.
"What did my brother tell you?"
"That you talked with my dad and you're planning to trap me into marriage. Don't worry, Sir—" diniinan niya ang pagsabi ng huling salita, emphasizing their age gap. "—hindi mo na ako kargo ngayon." Napapalatak siya. "And here I thought you're really kind. Pakitang-tao lang pala ang lahat dahil inutos ni Papa."
Nagtangis ang bagang nito." You are still young. You don't know what—"
"Oh, please! Ayoko nang dinidiktahan ako!"
"Just go back to the penthouse, Miss. Your dad is worried," sumusukong wika nito.
"No, I'll stay with my husband."
"Then... you can stay with him at the penthouse."
"Hindi. Sa condo niya kami titira," she decided.
"Sweetheart?" sabad ni Sage, mukhang hindi inaasahan ang kanyang sinabi.
"Mga bata pa kayo," ulit ni Rage. "Just listen to me."
"Nasa legal age na kaming pareho, Kuya."
"Seiji, you're just attracted to her. It isn't enough to marry her."
"Wala ka nang pakialam kung attracted man kami sa isa't isa. At least we have mutual feelings towards each other. Kaysa sa iyo ako ipakasal na 'di hamak na mas matanda sa akin at kinasal na rin noon!" sabad niya, hinawakan nito ang kanang braso niya.
"How did you know that?"
"Bitawan mo si Rachel."
Mahigpit na hinawakan ni Sage ang braso ni Rage na nakahawak sa kanya at nang lumuwang ang pagkakahawak ni Rage ay pabalya niya itong itinulak 'tsaka naman ito binitawan ni Sage.
"I can't marry a violent person like you!" akusa niya kahit hindi naman talaga ito naging bayolente sa kanya. "Siguro kaya ka iniwan ng asawa mo dahil nasaktan na siya nang husto. Maybe you even forced her to have se—"
Marahas na sinuntok nito ang pader at napakislot siya, natahimik din kaagad. Maging siya ay nagulat sa mga sinabi.
"Sweetie," awat ni Sage sa mababa at malambot tinig. "Go inside and wait for me."
Nataranta siyang pumasok at sa banyo dumiretso.
"Ano ba'ng pinagsasabi ko?" kastigo niya sa sarili habang hinihilamusan ang mukha. "Judge Corpuz said 'nasirang asawa', so his wife must be already dead! What the heck did I just say?"
Nakonsensya siya. She knew what she had just said was below the belt. Lakas-loob siyang lumabas at nakitang kasasara lang ni Sage sa pinto, hula niya ay nakumbinsi nitong umalis ang huli.
"Kumain na tayo," si Sage.
"I... I'm sorry. Nadala lang ako sa sitwasyon. I didn't mean to say those things."
"I know. Let's not mind about it. Alam kong pagod ka."
She bit her lower lip.
"Sa penthouse na lang tayo? I, uh, I want to say sorry."
"Yes, we will move out tomorrow. For now, let's just eat then we can have a good rest."
"Ayoko nang kumain. M-Matutulog na ako."
Totoong nawalan na siya ng ganang kumain.
"Alright, I'll just put the food in the fridge and I'll sleep, too. Mahiga ka na sa kama."
"Are we going to sleep on one bed?"
Napalingon siya sa malaking kama at napalunok.
"Silly me. Of course we will sleep together."
"I can sleep on the other room."
"Ha? H'wag na! I mean..." Natigilan siya. "Oo, sa kabilang kwarto ka na nga lang."
"But if you insist, we'll sleep on one bed."
"M-Malaki naman iyong kama," katwiran niya.
He chuckled and came closer to hug her. "Matulog ka na," his baritone was almost a whisper. Then, he kissed her forehead.
"Kumain ka na muna bago matulog, ha? Sabi mo nagugutom ka na."
"Don't mind me. I'll just take a shower before I go to bed."
"Pero nag-shower ka na, ah?"
"Oo nga pala."
Kumalas siya sa yakao at dumiretso sa dining. "I'll help you." Ni-ref nito ang pagkain at niligpit naman niya ang mga kubyertos. She then washed her hands and brushed her teeth. Nauna siyang humiga sa kama.
"Pupunta na ako sa kabilang kwarto. There is a connecting door." Tinuro nito ang pinto.
She kept a straight face. "Dito ka na lang."
Hindi naman ito nagpapilit dahil pumwesto na ito sa kabilang banda ng kama. Agad na humarap siya rito at saglit silang nagkatitigan.
"Sage," she uttered his name.
"Hmm?"
"Why are you dropping out?" pagbubukas niya sa usapan. Hindi rin kasi mawaglit sa isipan niya iyon.
Hindi ito sumagot.
"Was it because of me?"
He sighed. "It's my decision. I'm taking up Criminology but I feel that it isn't for me."
"Ano palang gusto mong kuhaning kurso, kung ganoon?"
"I'd like to take Business-related course."
"Why? Gusto mo bang pamahalaan ang hotel ninyo?"
Umiling ito. "I just want to." Makahulugan itong tumitig sa kanya.
"Why were you in the club last night?" pag-iiba niya uli sa usapan. Hindi siya makapaniwalang kagabi lang sila nito nagkakilala at sa pakiwari niya ay napakarami na ng mga nangyari.