Chapter 5. Precinct
NAPAKABILIS ng mga pangyayari. Kung paanong mabilis na isinuko ni Rachel ang puri kay Sage ay ganoon din naging kabilis ang seremonya ng kanilang kasal, kung kasal nga ba'ng maitatawag iyon. When she agreed to his proposal, they immediately went to his uncle's place. His uncle was a single dad, and a judge, too, that's why they went straight to the latter's place. Si Judge Vladimir Corpuz ay nakababatang kapatid ng ina ni Sage, nakabakasyon din ito sa Japan para bisitahin ang anak nitong nakapag-asawa ng Hapon.
"Alam ba ito ng mga magulang mo, Seiji?" tanong nito kay Sage nang sabihin nila ang pakay.
"Hindi pa po. But we will have a church wedding after we graduate, Uncle."
Magaling din namang magpalusot ang lalaki.
"At ikaw, hija, sigurado ka na ba sa desisyon mong magpapakasal ka sa pamangkin ko? Aba'y para ka lang nasa sekondarya, ah?"
Napanguso siya at sumagot na sigurado siya. "Mahal ko po ang pamangkin ninyo," madamdaming hayag niya.
"Para ka talagang ang Kuya mo, Seiji, ganito rin ang eksena nila nang magpakasal sila ng nasira niyang asawa."
"Po?" sabad niya.
"Uncle, please make it faster. Ihahatid ko pa siya sa hotel."
Tumawa lamang ang huli.
"Is our marriage valid? I mean, this is Japan, malayung-malayo po sa Pinas."
"Don't worry about that, hija. As long as you both have the legal papers, I can officiate your marriage and just register it after my vacation. Mahirap pero gagawan ng paraan."
"Pero wala po akong dalang kahit anong papeles ngayon," aniya.
"Ako na ang bahala. But I'm sure my nephew will take care of everything once he goes back to the Philippines, too."
Natahimik siya, pino-proseso ang impormasyon sa isip.
"Bibigyan ko na lang kayo ng kopya ng Marriage Contract sa susunod na buwan. Three weeks pa ang bakasyon ko rito," paliwanag ng ginoo.
Napatango siya. Wala kasi siyang alam tungkol sa mga kakailanganin para sa kasal. Kung wala ang uncle ni Sage na isang judge, duda siyang maikakasal sila ng mabilis. Pero paano kung magka-aberya? Napanguso siya. "Can we just get married once we go back to the Philippines?"
"Sweetheart, let's solemnize our wedding now."
"Yes, pero iyong legal ay sa Pinas na natin gawin. Let's just say, uh, role play lang itong ngayon?" suhestisyon niya.
Tumawa ang mag-tito.
"You mean, practice, my sweet Rachel?" natutuwang paglilinaw ni Sage pagkatapos ay ngumisi ng nakakaloko. She knew better what was lying behind that smirk.
"Well, then, let's get started?"
Tumango siya kay Judge Corpuz.
"Welcome to the family," nakangiting dugtong nito bago simulan ang kanilang kasal.
Kahit kailan pa nila makuha ang Marriage License, basta maging legal lang ang kasal niya kay Sage. Lulubus-lubusin na niya ang pagre-rebelde sa mga magulang. Baka ngayon ay mapansin na siya ng mga ito nang husto hindi puro kumpanya ang inaatupag. At baka pakinggan na siyang ayaw niyang pamalakarin ang kumpanya. She wanted to build up her own, not inherit her family's business.
Kung bakit ba kasi hindi na lang umuwi ang Kuya Rafael niya nang hindi na sa kanya pinapasa ang buong responsibilidad ng kumpanya? Pinahanap niya ito at nalamang hindi ito nag-abroad gaya ng sinabi sa kanya rati. Hindi naman siya ganoon ka-inosente para hindi malamang nagtanan ito kasama ang nobya. Mula nang maglayas kasi noon ay tinakwil na rin ito ng kanilang Papa. Ang huling balita niya mula sa imbestigador noong nakaraang taon ay naging magsasaka ito sa malawak na bukirin sa isang probinsya.
Ngayo'y napagpasyahan niyang pakasalan si Sage para hindi na siya hanapan ng mapapangasawa ng kanyang ama. Alam niyang pagkauwi niya ng Pilipinas ay may ipakikilala na naman itong businessman sa kanya at syempre, mas matanda na naman sa kanya. Iniisip siguro ng mga magulang niya na gayahin ang estilo ng mga ito na nagpakasal at m-in-erge ang mga kumpanya. Kung hindi naman pagsasamahin ay tutulungan na lang siya ng pipiliin ng mga ito na maging asawa niya sa pamamalakad ng negosyo.
"Ang lalim ng iniisip natin, ah?"
Mabilis na bumaling siya kay Sage at sa nakangiting Judge. Nahihiyang ngumiti siya dahil halata na lumilipad ang isipan niya sa buong durasyon ng pag-o-officiate ng kanilang kasal a.k.a. practice para sa nalalapit nilang kasal. To compensate her inattention, she tiptoed and grabbed Sage's nape to give him a quick but deep kiss on his reddish lips. Natigilan ito pero nang hihiwalay na siya ay sinapo nito ang likuran niya kasabay ng pagkintal ng mas malalim at matagal na halik.
Kung hindi pa sa palakpakan ng mga nandoon ay hindi sila matitinag. Nagsilbing witnesses sa practice ang anak ni Judge at ang asawa ng anak ni Judge.
"I should've just said 'You may now kiss the groom'," biro ni Judge Corpuz.
Mabilis na pinamulahan siya ng mukha.
Dahil inabutan na sila gabi ay roon na sila kumain ng hapunan. Alas otso na nang magpaalam sila.
"Maraming salamat, Uncle. Expect the invitation for our church wedding after college," wika ni Sage.
"S-Salamat po!" bulalas niya.
"Ninong ako sa kasal ninyo, ha?" presinta nito. Magiliw siyang tumango.
Hinatid sila ng mag-anak sa garahe hanggang sa makasakay sila sa sasakyan ni Sage.
"Ihahatid mo na ako sa hotel?" tanong niya nang makalayo na sila ng bahagya sa bahay.
"Magha-honeymoon pa tayo. Where would you like to go?"
"What? Halos hindi na nga ako makalakad ng maayos kanina, sex na naman ang nasa isip mo?!" singhal niya.
"I knew you would say that," tila natutuwang komento nito.
"Sage, I'm serious! Baka pwedeng magpahinga muna ako? Sa susunod na la—" Natutop niya ang bibig at tumawa ito ng malakas. "W-Wala nang next time!" agap niya.
"No, sweetie. There will be a lot of next time for us. Sa ngayon, ipapasyal muna kita."
"Baka pwedeng sa hotel na muna? Gabi na kaya."
"Bakit? Gusto mo na bang ituloy ang honeymoon natin?"
"Puro sex lang ba talaga ang nasa isip mo?"
"Sa ngayon? Oo, puro sex at ikaw lang."
Malalim na bumuntong-hininga siya para kalmahin ang sarili.
"Alright!" sumusukong tugon nito. "Ang ganda mo pa rin kasi kahit nagkakandalukot na ang ilong mo sa sobrang inis." He glanced at her, then focused on the road.
"Tantanan mo ako, Seiji. Ang sabihin mo, malibog ka lang talaga!"
"My libido is at its peak. You can't blame me, I'm still young. We still have lots of role playing to fulfill."
"Humanap ka ng ibang mga babaeng pupunan ang pantasya mo."
"Do you seriously want me to do that?" Umigting ang panga nito.
Syempre hindi! "Bakit hindi? Sa papel lang tayo kasal, o mas tamang sabihing ikakasal. Wala akong obligasyong painitin ka gabi-gabi."
"I know, but I only want you."
"Linyahan ng mga fuckboy iyan."
"Why? Has somebody told you the same line before?" He glanced at her, then, focused on the road.
She just chuckled.
"Have you fallen in love?"
"I haven't. Duh!"
"Why do you have a long list of ex-boyfriends, then?" panghuhuli nito. "Baka sawi ka kaya pumayag kang magpakasal sa akin? Na gusto mong gantihan ang isa sa mga ex mo?"
"Alam mo na ang sagot."
"Ano?"
"That I want to have sex with them?"
"That's bullshit!" medyo tumaas ang tono ng pananalita nito. "You didn't even answer my question."
May tanong ba ito? Ano?
Nagkibit-balikat siya.
"Bakit? Nagkataon lang na ikaw ang nakauna!" singhal niya. Sage sighed heavily.
"Can we not fight for a while?" sumamo nito, humigpit ang pagkakahawak sa manibela.
"We aren't fighting, husband. I'm just stating a fact. May kanya-kanya tayong buhay. We can choose who can we fuck—"
Nagulat siya nang bigla itong pumreno. If she wasn't wearing her seat belt, she would've hit her head on the dashboard.
"'Uy, nasa highway tayo! Baka mahuli ka! O madisgrasya tayo," natatarantang sambit niya at lumingon sa likuran. Mabuti na lang at wala sila sa overtake lane at hindi gaanong marami ang sasakyan.
Naging mabigat ang paghinga nito at pulang-pula ang tainga. Diretso rin ang tingin nito sa kalye pero mas humigpit ang pagkakakapit sa manibela. Idagdag pa ang pag-uumigting ng mga ugat nito sa kamay at sa braso.
"Bakit ka ba huminto? We're causing traffic now, Sage!" puna niya nang dumami na ang mga nakahintong sasakyang nakita niya. Bumaling siya rito.
Hindi nga siya nagkamali dahil ilang saglit pa ay binusinahan na sila ng mga nagmamaneho sa mga sasakyang nasa likuran nila.
He slowly drove to the emergency parking and glared at her.
"What did you just say?" mahinahon man ang pagkakasabi nito ay nahahalata sa itsura ang matinding galit.
Napalunok siya at hindi sumagot.
"Kasal na tayo, Rachel."
"Oo nga... pero sa papel lang, 'tsaka hindi pa iyon official. I'm still keeping my surname," katwiran niya. Sa totoo lang ay natatakot siya sa galit na pinakita nito. Hindi kay Sage mismo kundi sa maaaring mangyari kung nagtuloy ito sa pagmamaneho kanina.
Napakagat-labi siya at pinilit na pigilan ang luha.
"Sorry na. N-Nabigla lang ako sa sinabi ko. Wala akong balak m-makipag-sex sa ibang lalaki. Kahit sa iyo, wala akong balak, promise!"
Napapikit ito at bumuntong hininga. "You're afraid." Napalunok ito at tumitig sa kanya. "Nabigla kita. I'm sorry..."
"Oo na. Ayos ka lang ba? May mineral water ka ba rito? Sa tingin ko, kailangan mo ng maiinom."
"I'm sorry," he murmured.
Tinanggal nito ang seat belt nito, pagkuwa'y ang kanya 'tsaka hinigit siya't niyakap.
"Don't cry, sweetie... I'm sorry," anas nito at hinaplus-haplos ang likuran niya. Hindi niya namalayang nag-unahan na sa pagpatak ang kanyang mga luha. Doon siya tuluyang napahikbi at sinuntuk-suntok ang dibdib ni Sage. Bahagyang lumuwang ang yakap nito at malaya niya itong nasuntok.
"Tinakot mo ako! Paano kung nabangga tayo? Bakit ka ba kasi nagagalit, w-wala—" Hindi niya matapus-tapos ang sasabihin dahil sa kanyang pagsinok.
"I don't want to hear you say you'd look for someone else, Rachel. Sisiguraduhin kong ako lang ay magiging higit pa sa sapat para sa iyo."
Tumango na lang siya at pinilit na pigilan ang paghikbi.
Gayunpama'y hindi sila nakaligtas sa mga pulis dahil nilapitan sila ng nagpa-patrol at na-ticket-an si Sage dahil sa trapikong dinulot kanina. They even went to the precinct because he needed to explain what happened. Wala siyang maintindihan sa sinasabi ng mga ito dahil Nihonggo, o wikang Hapon ang gamit ng mga ito.
She sighed. This was too much for their first night as unofficial husband and wife.