Chereads / Just Hold Onto Destiny's Grasp / Chapter 19 - Defensive

Chapter 19 - Defensive

Napalunok ako nong dahan-dahan lumapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Pumayag akong maghubad ng damit kahit hindi ko gusto," sambit niya at patuloy na nilalapit ang mukha niya sa akin partikular na sa labi ko. "Kapag humawak na ang kamay mo sa katawan ko. Ibang usapan na iyon." At dahil sa sinabi niya ay, napabitaw ako sa kanya na pinagsisihan ko sa huli dahil mas binigyan ko siya ng daan para mas magkalapit ang mukha namin. "Dalawang beses kang lumabag sa prinsipyo ko." Nanlaki ang mata ko dahil konting konti na lang ay magdidikit na ang labi namin. "Sa tingin mo, ano ba dapat ang parusa mo?" seryosong tanong niya na matinding nakatingin sa labi ko bago dahan dahang itinaas ang tingin sa mga mata ko.

Napalunok ako at hindi makasagot.

Hindi ko gusto ang puwesto namin! Hindi ko gusto ko kung gaano siya kalapit sa akin at sobra akong nilalamon ng pagkailang ngayon!

"Caelian, anong gamot ang bibilhin ko?" tanong ni Abram pagkatapos kumatok.

Naitulak ko si Damien palayo sa akin at mabilis naman na tumayo ako. Inayos ko ang damit ko at bumawi ng hininga.

"B-Bibili ako ng gamot sa sugat mo. B-Babalik ako." Naiilang na sabi ko kay Damien saka binuksan ang pintuan.

"C-Caelian, ayos ka lang? Bakit pawis na pawis ka at namumula rin ang mukha mo?" tanong ni Abram pagkalabas ko ng kuwarto ni Damien.

Napatingin siya sa likod at napapikit ako, nakahubad si Damien tapos ganito pa itsura ko, baka anong isipin niya. Gusto ko ng maglaho ng parang bula.

"Oh, nakatulog si Damien?" untag niya at nagtaka naman ako. Napalingon ako sa likod ko, payapa ngang natutulog si Damien tapos nakasuot na rin siya ng t-shirt ngayon.

Nawala ang kabang naramdaman ko at nginitian ko si Abram.

"Ah. Oo, sa sobrang pagod yata. Ako na pala ang bibili ng gamot mo kasi bibili rin ako sa drug store ng gamot sa sugat ni Damien. Ikaw muna ang mag-tingin sa kanya, ha? Alis muna ako." Paalam ko at hindi ko na siya hinintay sumagot kasi gustong gusto ko ng lumabas sa bahay na iyon. Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa makalabas ako sa gate nila. Sa wakas, nakahinga rin ako ng maluwag.

Tiningnan ko masama ang bahay nila Damien, Anong bang trip niya?! Bakit kailangan niyang lumapit ng gano'n sa akin?!

Sumukay ulit ako ng tricycle at pumunta sa pinakamalapit na drug store. Hindi naman masyadong maraming tao kaya mabilis akong nakabili ng gamot.

"Thank you," nakangiting sabi ko sa babaeng pharmacist at kinuha ang plastic kung nasaan ang gamot.

Pinagbuksan ako ng guard ng pintuan at saktong umalingawngaw ang cellphone ko.

Si Kyrine ang tumatawag at sinagot ko ito.

"Nasaan ka ngayon? Wala ka sa bahay niyo. Magmo-movie marathon sana tayo," sambit niya at siguradong nakanguso siya ngayon.

"O sige. Wait mo ako. Nasa drug store kasi ngayon, bumili ako ng gamot sa sugat ni Damien," sagot ko. Nag-stay muna ako sa labas ng drug store nasa gilid ako para hindi ako nakaharang sa pintuan.

"Napano si Damien? Anong nangyari sa kanya?" halata na nag-aalala siya sa lalaki.

"May pasa at sugat siya, may nagbugbog sa kanya kagabi. Hindi ko alam kung sino," sagot ko sa kanya.

"Omygosh. Kaya pala sinabi mo kay tita na mahalaga ang pupuntahan mo. O sige alagaan mo muna siya. Huwag mo muna ako isipin. Babye." Sambit niya at siya na mismo nagpatay ng linya.

Napailing na lang ako. Siya talaga ang No. 1 fan ng loveteam namin ni Damien...kung meron man.

"Miss?" natigilan ako sa kinatatayuan ko kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko.

Hindi ko alam kung lilingon ba ako o tatakbo na lang palayo.

Ngunit bago pa ako makapagdesisyon ng gagawin ay siya na mismo ang lumapit sa akin at magkaharap na kami ngayon.

"Caelian? Ikaw nga! How are you?!" Tuwang-tuwa na sambit niya at napansin ko ang pasimpleng pagtago niya sa platic bag na dala niya.

"Oh, Josiah."

Si Josiah ang lalaking mahal ko noon…hanggang ngayon.

***

"KUMUSTA ang pag-aalaga sayo ni Caelian?" nanunuksong tanong ni Abram sa akin. Halos twenty minutes nang umalis si Caelian, tinotoo talaga niya ang paggagamot sa sugat ko.

Agad na napangiti ako habang inaalala ang itsura ni Caelian kanina sa paggamot sa akin.

"I'm beyond happy. Ikaw ba naman alagaan ng crush mo, diba?" nakangising sagot ko at hinampas niya ako ng unan. Napangiwi naman ako, ang sakit pa kaya ng sugat ko.

"Ulol!" sambit niya at pinaliit ko ang mata ko para iparating sa kanya na hindi ko gusto ang lumabas sa bibig niya. Napakamot siya sa ulo niya.

"'Di porket pinababayaan kitang magsalita ng ganyan, masyado mo ng inaabuso. Hinayaan kita dahil alam kong may kasalanan rin ako pero kung sumusobra na. Ibang usapan na iyon," seryoso kong sabi sa kanya.

"Sorry na," paumanhin niya sa akin. "Pero, balik tayo kay Caelian," bumalik muli ang nang-aasar na tono sa boses niya.

"Anong meron?"

"Kilala kita, Damien. Anong nangyari? Alam ko masaya ka pero bakit pakiramdam ko may kulang sayo? Ewan ko. Hindi ko ma-explain," nahihirapan na sabi niya. Napangiti ako.

"Kaibigang pinsan talaga kita. Kilalang kilala mo ako," natutuwang sambit ko at ginulo ang buhok niya.

"Oh, dahan-dahan lang, pare. Huwag kang masyadong clingy sa akin baka sa dulo tayo ang end game," nakangisi at nang-aasar na sabi niya habang inaayos ang buhok niya at sabay kaming tumawa.

"Simula nong dumating si Caelian galing sa drug store, parang wala sa sarili niya. Masyado siyang focus sa paggamot sa akin at hindi man lang niya ako kinakausap. Nagsalita lang siya nong tapos na siya at sinabi niyang magpahinga na ako," kuwento ko sa kanya at hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot.

"Baka napagod, pre." Sagot niya at nanlaki ang mata ko.

"Anong n-napagod? Wala kaming ginawa, ah. Ang dumi ng isip mo," depensa ko sa kanya.

Nangunot ang noo niya at pagkaraan ay tumawa.

"Ang ibig kong sabihin, kaya yata nanahimik siya dahil napagod siya pag-aalaga sayo. Ikaw ang madumi ang isip," paglilinaw niya at naalala ko ang ginawa ko kay Caelian kanina. Maliit na napangiti ako. Hindi pinapahalata kay Abram.

Nag-ring ang cellphone ko na nasa side table kaya kinuha ko ito at nakita ko na si Heizelle ang caller. Sinagot ko ito.

"Nasa bahay ka ba ninyo ngayon?" tanong niya sa kabilang linya. Sinenyasan ako ni Abram, tinatanong niya kung sino ang tumatawag at tinaas ko naman ang kamay ko para sabihin na,'wait lang'.

"Oo, bakit?" maikling sagot ko.

"Nandito ako ngayon sa harap ng bahay nyo. Puwede ba akong pumasok?" nahihiya ang tono ng boses niya.

Teka, kakabugbog pa lang sa akin ng boyfriend niya pero nandito na naman siya ngayon sa harap ng bahay ko.

"O sige. Wait lang." At pinatay na ang tawag.

"Sino 'yong tumawag? Si Caelian ba?" umaasang tanong ni Abram at wala pa naman, tuwang-tuwa na siya.

"Si Heizelle. Nasa labas na siya, pagbuksan mo ng gate," utos ko sa kanya at nawala ang ngiti niya.

"Bakit ko naman siya pagbubuksan?"

"Sumunod ka na lang. Dalhin mo siya sa sala at pupunta ako do'n," sambit ko sa kanya at padabog naman siyang tumayo, saka sumunod sa inuutos ko.

Hindi ko gusto ang ideyang papasok si Heizelle sa kwarto ko kaya nagdesisyon ako na sa sala na lang kami mag-usap.

"Damien, kumusta ang pakiramdam mo?" napatayo si Heizelle nang makita niya akong papalapit sa kanya.

"Umupo ka, walang bayad 'yan," sambit ko at sinenyasan siya. "I'm okay. Malakas pala sumuntok ang boyfriend mo, 'no?" pagbibiro ko pa at umupo kaharap ng upuan niya.

"G-Ginamot ka na pala ni Abram?" pag-ibaba niya ng usapan, napatingin naman ako sa sugat ko at pasa ko na nakagamot na. Sumilip ang maliit na ngiti sa labi ko.

"Si Caelian ang nag-gamot sa kanya, hindi ako." Sasagot pa lang sana ako nang maunahan na ako ni Abram. Ibinaba niya ang juice at biscuit sa maliit na lamesa na nasa gitna namin. "Kumain kayo," walang emosyong sambit niya at umalis na.

"Who is Caelian? Natatandaan ko, kahapon binanggit mo rin siya nong tumawag ako sayo," untag ni Heizelle sa akin. Halata na nag-aalinlangan siyang magtanong ngunit naglakas loob pa rin siya.

Doon ko lang napansin na may dala siyang plastic bag na naglalaman ng gamot sa sugat at pasa ko ngunit dahil may nauna ng naggamot sa akin ay nasayang lang ito.

Ngumiti ako sa kanya at nagsalin ng juice sa baso saka sumimsim dito.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko imbes na sagutin ang tanong niya.

"What?" gulat na sabi niya.

"Umuwi ka na. Kapag nalaman ng boyfriend mo na pumunta ka rito, baka hindi na bugbog ang abot ko sa kanya. Isa pa, gabi na, hindi magandang tingnan sa babae na mag-stay sa bahay ng lalaki kapag gabi," seryosong sambit ko sa kanya. Napatango tango siya sa sinabi ko at alinlangan tumayo.

"M-Magpagaling ka, Damien. I'll go now. Good night." Pilit na ngiting sambit niya at tumango ako sa kanya.

NAKAHIGA na ako sa kama ko at nakapatay na ang ilaw sa kwarto ngunit may konting liwanag pa rin galing sa labas. Nakatulala lamang ako sa kisame at nagmumuni-muni.

I can't understand myself.

Kahapon lang, nagplano akong halikan si Heizelle pero hindi natuloy. Tapos ngayon na pinuntahan niya ako, wala man akong naramdaman konting kasiyahan sa dibdib ko.

Ang gulo.

Ang gulo-gulo ko.