"ARE you okay, Caelian?" tanong ni Kyrine sa kabilang linya, ka-call ko siya ngayon sa cellphone.
"Kuya, pwede po bang patulong sa pag-akyat?" sambit ko sa lalaki na siyang maghahatid sa amin patungo sa isla.
"Opo maam, halika ho," nakangiting sagot nito sa akin at inalalayan niya ako paakyat sa bangka.
"Salamat po," nakangiting sabi ko sa may edad na lalaki saka ko lang naalala na kausap ko pala si Kyrine sa cellphone.
"I'm fine, Kyrine," sagot ko sa kaibigan ko at umupo. Hinihintay namin na mapuno ang bangka bago umalis.
"Really? Are you sure? Alam mo kinakabahan ako sayo," hindi makapali na sabi niya sa kabilang linya saka malalim na bumuntong hininga. "Basta Cealian, kahit anong mangyari kasama mo ako, ha? Huwag mong isipin na nag-iisa ka lang, nandito ako, Caelian," madamdamin na sabi niya at napatango naman ako kahit hindi niya ako nakikita.
"Alam ko, Kyrine kaya please lang tumigil ka na. Simula sa Pampanga hanggang dito ba naman, hindi mo ako titigalan sa kakasabi niyan? Hindi naman ako magpapakamatay dito o magpapakalunod, magbabakasyon lang ako," pinakadiin ko pa sa dulo dahil gusto ko talagang iparating sa kanya na bakasyon talaga ang pinunta ko rito at hindi katulad ng iniisip niya.
"Alam mo kung ano ang sinasabi ko, Caelian. Huwag mo ako daanin sa galawan mo. Kaibigan mo ako kaya kilalang-kilala kita," seryosong sagot niya sa akin at napatahimik ako.
"Suotin na ho natin ang life vest natin at aalis na po tayo papunta sa isla," anunsyo ng lalaki sa amin at agad naman kumilos ang mga kasama ko sa bangka.
"Mamaya na lang tayo mag-usap, aalis na ang bangka namin papuntang isla," sabi ko kay Kyrine pagkalipas ng nakakabinging katahimikan.
"Sige, mag-iingat ka riyan," paalam niya.
"Hmmm," tangi kong sagot at pinatay ang tawag.
Sinuot ko na ang life vest ko, pagkalipas ng ilang sandali ay umandar na ang bangka.
Mula dito ay kitang kita ko ang bughaw na dagat na lalo pang pinaganda ng mga tanawin. Naipikit ko ang mga mata ko at pinakiramdam ang lamig ng hangin na dumadampi sa balat ko. Kahit na magmukha akong tanga sa harap ng mga tao dito ay wala akong pakialam basta gusto ko lang i-enjoy ang mga oras na ito.
Hindi ko alam kung anong meron sa dagat pero kapag naririnig ko ang alon nito at sinama pa ang hangin nito ay may kung anong nangyayari sa katawan ko at pinapakalma nito ang buong pagkatao ko.
Isa itong bagay na hindi ko maipaliwanag ngunit ang tanging alam ko lang ay gustong gusto ko ang pakiramdam na nadarama ko.
"Nandito na po tayo," narinig kong sabi ng lalaki kaya napalingon ako sa kanya dahil kanina pa pala ako tulala sa dagat.
Tinulangan niya muli akong bumaba habang siya rin ang nagbuhat ng bag ko at binigay sa akin.
"Maraming salamat po, manong," nakangiting sambit ko sa kanya dahil napakabait at napakasipag niya.
"Walang anuman iha, sana ay maging masaya ang pananatili mo rito," gumuhit ang sinserong ngiti niya at tumango naman ako pagkatapos ay tumalikod na siya at tinulangan din ang mga kasamahan ko sa bangka.
Naglakad na ako papunta sa resort kung saan ako nagpa-reserve ng matutuluyan. Nandito ako ngayon sa isang isla na nasa gitna ng dagat, masuwerte ako dahil halos bilang na bilang ko ang mga turista na nandito. Bagong diskubre pa lamang ang isla na ito kaya konti pa lang ang nakakaalam. Mananatili ako sa isla ng tatlong araw at dalawang gabi.
Maganda, malinis, puti ang buhangin, maganda ang tanawin, bughaw na dagat at nakakakalmang alon.
"This way, ma'am," sambit ng receptionist at sinunod ko naman siya.
Binuksan ko na ang room ko at bumungad sa akin ang may saktong laking room na may single bed sa gitna at may maliit na cabinet para sa mga damit, may nag-iisang sofa na pahaba sa gilid at syempre may bintana na makikita mo ang tanawin sa labas. Hindi naman gano'n kamahal talaga ang resort na ito kaya 'yong mga room nila ay abot-kaya kumbaga pinoy-budget talaga. Nakakatuwang amoy lemon ang room at tiningnan ko rin sandali ang restroom at pasok na sa akin dahil malinis ito kahit may kaliitan.
Inilagay ko na ang bag ko sa kama at inayos na ang mga damit ko saka nilagay sa cabinet.
Pagkatapos kong ilagay ang damit ko ay humiga ako sa kama habang inunan ko ang isang kamay ko. Nakatitig lamang ako sa kisame kaya may nakita akong butiki ngunit ilang saglit lang ay umalis na ito at hindi ko na nakita pa.
Nakatulala lamang ako sa puting kisame at lumalakbay ang isip ko kung saan.
Nasa isla na ako at dapat ngayon ay may maganda ng ngiti na nakaguhit sa labi ko, ngunit anong nangyayari sa akin ngayon?
Nandito ako sa kwarto at nakatulala lang sa kisame. Wala akong ibang nararamdaman kundi itong bigat sa dibdib at puso ko. Isa itong pakiramdam na kahit walang literal na bigat ay nararamdaman mong may kung ano sa dibdib mo na nakapatong na kahit saan ay madadala mo.
Pabigat ito ng pabigat habang tumatagal at nakakafrustrate dahil hindi ko alam kung paano ito matatanggal...o matatanggal pa ba.
Tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang malayang kamay ko at bumuntong hininga.
Hindi ako pwedeng ganito. Hindi ako pwedeng manatiling ganito.
"Caelian, calm yourself. Pumunta ka rito para magsaya at mag-enjoy, diba? Iyon ang gawin mo. Huwag ka munang mag-isip ng kung ano-anong bagay. Pahingahin mo muna ang sarili mo, okay?" pagkausap ko sa sarili ko.
Tumayo na ako at tumalon ng limang beses saka ako nag-stretching, nakakarinig ako ng pagkalagatok dahil hindi naman ako nage-excercise talaga.
Tama, kailangan kong ibaling sa iba ang atensyon ko.
Kinuha ko ang notebook ko at ballpen sa bag, saka ako lumabas ng kwarto. Ang isa pang dahilan kung bakit gustong gusto ko pumunta sa dagat dahil sa lugar na ito ay maraming pumapasok na ideya sa utak ko at mas nakakapagsulat ako.
Sa totoo lang niyan, every month ay pumupunta ako sa dagat, tumigil lang nitong nakaraang dalawang buwan. Kaya pinilit ako ni Kyrine na pumunta ulit sa ganitong lugar sa isang kadahilanan na hindi ko alam, pero ngayon ay ako na ang nagdesisyon nito at napag-isapan ko na kailangan kong muling ibalik ang pagpunta sa dagat. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nag-iba ako ng dagat na pinupuntahan dahil madalas ay sa Zambales ako, napagtanto ko kasi na magpalit muna para makakita ako ng mga bagong isla katulad ngayon.
Isinara ko ang pintuan ng room ko at naglakad na.
"Caelian?" napatigil ako sa paglakad at inilingon ko ang ulo ko sa taong tumawag sa pangalan ko. Nagulat ako nang makita siya ngunit agad din nakabawi at ngumisi.
"Oh, Damien, the fan boy," pang-aasar ko sa kanya at napasimangot naman siya.
Halatang papasok na siya sa room na katabi ng room ko at may bag din siyang dala-dala at ang isang strap lang ang nakasabit sa balikat niya.
"What are you doing here?" he asked me and there's irritated tone on his voice. Umayos siya ng tayo paharap sa akin.
"I should be the one who ask you. What are you doing here? Huwag mong sabihin na hanggang dito dinadala mo ang pagiging fan boy mo at sinusundan ako?" iling-iling na sabi ko sa kanya habang siya ay napangiwi sa akin.
"Hindi pa rin nababawasan ang pagiging feelingera mo, 'no? Bawasan mo iyan dahil hindi ka yayaman diyan," nakangiwing sambit niya sa akin at binigyan ako ng tingin na parang nandidiri sa akin. "Para po sa kaalaman mo, pumunta po ako dito para po kumuha ng litrato," pinakita niya pa sa akin ang DSLR camera niya na nakasabit sa leeg niya. "Bagong diskubre ang isla na ito kaya magandang kuhanan ng litrato," dagdag niya pa.
Pilit na tumango na lamang ako at naisipan na umalis na kaya naglakad na ako ngunit napatigil ako nong hinawakan niya ang braso ko.
Tiningnan ko muna ang kamay niyang nakahawak sa braso ko bago tumingin sa kanya.
"Anong trip mo?" tanong ko sa kanya na bakas ang pagkainis. "Bitawan mo ako dahil wala kang karapatan na hawakan ako kahit saang parte ng katawan ko," seryosong sambit ko sa kanya at napabitiw naman siya saka napatikhim.
"S-Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.
"Babalik ng Pampanga, gusto mo 'yon? Malamang diyan sa labas kaya nga pumunta ako sa dagat, diba?" sarkastikong sagot ko sa kanya.
"H-Hintayin mo ako," may halong hiya at matapang na sabi niya sa akin.
"At sino ka naman para hintayin ko? Hindi ako marunong maghintay kaya manigas ka," usal ko at naglakad na palabas. Tinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nagpapaalam sa kanya habang nakatalikod.
"Hoy! Hintayin mo ako! Sandali lang, hoy!" naririnig ko pang sabi niya ngunit hindi na ako lumingon at nagpatuloy sa paglalakad.
WALANG hiya talaga ang feelingerang babaeng iyon. Sinabi ko na ngang hintayin ako pero hindi man lang sumunod at nauna ng umalis.
Nagmamadali akong pumasok sa room ko at binaba na lang ang bag ko sa kama, saka ako mabilis na lumabas at isinarado ang room ko.
Where is she?
Nagpalinga-linga pa ako sa hallway ngunit wala na siya kaya naisipan ko ng lumabas at hanapin siya.
Sumalubong sa akin ang masarap at sariwang hangin pagkalabas ko idagdag pa ang napakagandang asul na dagat. Nagpatuloy ako sa paglinga-linga sa paligid, may nakikita akong mga tao na Pilipino o foreigner na nagtatampisaw at naliligo sa dagat. Alas kwatro na kasi ng hapon kaya madami ng naliligo dahil wala na ang mainit na araw.
Mayamaya pa ay napadako ang mata ko sa babaeng tahimik lang na nakaupo sa buhanginan at nakasilong sa puno ng niyog. May dala siyang kulay brown na notebook at ballpen, paminsan-minsan siyang tumitingin sa dagat pagkatapos ay titingin sa notebook at magsusulat.
Akala ko ba magbabakasyon siya? E, bakit siya nagsusulat dito?
Naglakad ako palapit sa kanya habang ang dalawang kamay ko ay nasa magkabilang bulsa.
"Pumunta ka rito para kumuha ng litrato, diba? Bakit nandito ka?" natigilan ako nang magsalita siya na hindi tumitingin sa akin at patuloy lamang siya pagsulat.
Napalunok naman ako.
"Ah…m-mas maganda ang angle kung dito ako kukuha ng litrato," nauutal na sagot ko sa kanya.
Tumigil siya sa pagsusulat at dahan-dahan na iniangat ang ulo niya para tingnan ako at inilipat ang tingin sa lugar saka muling tumingin sa akin.
"Pangit ang angle dito dahil nasa gilid ito, mas maganda doon dahil nasa gitna kaya mas makukuhanan mo ng maganda ang lugar," sambit niya sa akin at tumuro.
"Ako ang photographer kaya mas alam ko ang ginagawa ko kaya huwag mo ako turuan," pilit na pinapaseryoso ang boses na sagot ko.
"Ikaw nga ang photographer sa atin pero mas alam ko kung saan maganda kumuha ng angle sa pagkuha ng litratom," sambit niya sa akin at pakiramdam ko ay naapakan ang pagkatao ko bilang isang photographer.
Tumahimik na lang ako at hindi sumagot sa kanya.
"Alis diyan," sambit niya sa akin at napakunot ang noo ko.
"Bakit mo ako pinapaalis? Sayo ba ang isla na ito? Pareho lang tayong turista rito, hoy!" sagot ko sa kanya na hindi mapigilan ang tinatagong inis.
"Tungek ka. Nakaharang ka kasi sa harap ko. Umalis ka riyan, dito ka nalang umupo, oh," tinuro niya pa ang lugar sa tabi niya.
Nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya sa akin. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya sa akin.
"Ano? Tungek? Ako tungek?" tanong ko sa kaya na tinuturo pa ang sarili ko.
Napailing siya sa akin, nagtaka pa ako nong mula sa pagkakaupo ay lumuhod siya sa akin pagkatapos ay hinila niya ako sa pulsuhan kaya napaupo ako sa gilid niya. Napasinghap at namilog ang mga mata ko.
"Ang daldal mo. Hindi ka na lang umupo edi tapos na ang usapan," sagot niya sa akin na bakas ang pagkairita.
Totoo bang hinila niya ako? Isang Damien Cadenza ay basta na lang hinila ng isang feelingerang author? Gusto ko na lang sumabog sa inis.
Nakatulala ako habang nakatingin sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya sa akin ngayon-ngayon lang.
"Manahimik ka. Nagsusulat ako at ayaw ko ng maingay. Ikaw, pwede ka naman mag-picture diyan," sambit niya sa akin na nakatingin sa dagat at nagsulat muli.
Bulong-bulong kong kinuha ang camera ko sa leeg ko at saka sunod sunod na kumuha ng litrato. Masasabi ko na maganda talaga ang isla, kapag sumikat na ito ay siguradong marami ang dadayong turista dito at iyon ang mas nakakabahala dahil baka hindi pahalagahan ng mga tao ang isla at sirain ang natural na kagandahan nito.
Bakit kaya ang hilig ng mga tao na pumunta sa magagandang lugar katulad nito tapos ay sisirain at dudumihan nila pagkatapos? Halimbawa na lang ang pagtatapon ng basura kahit saan, pumunta ka sa lugar na malinis at maganda kaya dapat ay lumisan ka din ng malinis at maganda ang lugar.
Napadako ang camera ko sa puwesto ni Caelian, mula sa viewfinder ng camera ko ay kitang-kita ko kung gaano siya kaseryoso sa pagsusulat. Bago ko pa malaman ay napindot ko na at nakuhanan ko na siya ng litrato. Natigilan ako mas lalo nong unti-unting lumingon siya sa gawi ko.
Dahan-dahan ko naman ibanaba ang camera ko. Alinlangan na tumawa ako sa harap niya dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.
Tumaas ang sulok ng labi niya at napailing sa akin, "Mas maganda ba ako kesa sa lugar kaya ako kinuhanan mo?" sambit niya sa akin.
"H-Hoy, hindi, ah. H-Hindi kita kinuhanan ng picture, huwag kang ano," pagsisinungaling ko sa kanya.
"Sige nga, patingin ng camera mo kung wala talaga," paghahamon niya sa akin.
"Hindi pwede. Personal na gamit ko na 'to kaya dapat hindi pinapakialaman," seryosong sambit ko kunwari.
"Hindi ko naman papakialaman, titingnan ko lang ang huling kinuhanan mo para malaman ko kung ako ba o hindi ang kinuhanan mo," sambit niya sa akin at inilahad ang kamay sa harap ko.
"Ayaw ko," matigas na sabi ko.
"Isa lang ang ibig sabihin niyan, ako talaga ang kinuhanan mo," nakangising sambit niya at napahilamos ako sa palad ko dahil sa pagkapikon.
"Oo na! Oo na! Ikaw ang kinuhanan ko! Ano masaya ka na? Saka bago tumaas na naman ang pagka-feelingera mo, hindi ko sinasadya ang pag-picture ko sayo! Nadulas lang ang kamay ko!" depensa ko sa kanya at medyo hiningal ako dahil tuloy tuloy ang pagsasalita ko.
"Aamin din pala dami pang satsat. Patingin nga, gusto ko makita ang picture mo sa akin," simula pagkakita namin kanina ay ngayon ko lang siya nakitang ngumuti ulit. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na titigan siya, ang sarap sa mata na makita ang ngiti niya.
"Hoy! Nasaan na? Natulala ka na," mahina niyang tinapik ang mukha ko kaya nagising ako at sinamaan ko siya ng tingin.
"Ito na! Ingatan mo iyan, ha, mas mahal pa 'yan sa buhay mo." Padabog kong inalis ang camera na nakasabit sa leeg ko at binigay sa kanya.
"Wow, ha. Astig naman pala ang presyo nitong camera mo, hiyang hiya ang buhay ko," nakangiwing sambit niya sa akin ngunit agad din napalitan nang makita niya ang camera ko na nasa kamay niya. Umayos siya ng upo at ibinaba niya ang notebook at ballpen sa buhanginan.
Tiningnan ko lang siya habang siya naman ay abala sa pagtingin sa picture niya sa camera ko. Hindi ko maintindihan ngunit sa loob loob ko ay nage-enjoy akong tingnan siya.
What? Anong sinasabi mo Damien? Napailing tuloy ako sa isip ko.
"Ang ganda ng pagkakakuha mo," nakangiting sambit niya habang nakatingin sa camera ko. "Tingnan mo," sambit niya at tumingin sa akin saka niya pinakita ang picture niya. "Ang ganda ng angle at kitang kita ang magandang background. Photographer ka talaga, naniniwala na ako," sabi niya sa akin, imbes na mainis ay mayabang na ngumiti lang ako sa kanya.
"Syempre, ako pa ba?" mayabang na tanong ko.
"Ang yabang, ah." Napapailing na sabi niya.
Ibinalik niya na sa akin ang camera ngunit hindi sinasadyang mapindot niya ang next picture at naramdaman ko ang kalabog ng dibdib ko.
Mula sa camera ko ay napatingin ako sa kanya, nakita ko kung paano nawala ang ngiti niya at napalitan ng kaseryosohan habang nakatingin sa picture.
Nakita niya ang picture ni Gerwyn at kalaguyo nito!