Chereads / Just Hold Onto Destiny's Grasp / Chapter 12 - Deserve

Chapter 12 - Deserve

TINALUKBONG ko ang kumot ko hanggang sa mukha ko nang marinig ko ulit ng katok mula sa pintuan.

Nakaidlip muli ako ngunit nagising ulit ako nong mas lumakas ang katok sa pintuan. Sunod sunod na ngayon ang katok niya sa pintuan kaya inis kong hinilamos ang kamay ko sa mukha ko at padabog na tumayo para buksan ang pintuan.

"Ano bang problema mo, ha?!" iritang sabi ko sa kanya. Halata ang pagkagulat sa mga mata niya ngunit umayos din siya at ngumiti sa akin na parang walang nangyari.

"Good morning po, baka pwede mo muna akong batiin ng good morning diba bago ka sumigaw sigaw?" Sarkastikong sabi ni Damien sa akin.

"Istorbo," pabulong na sabi ko at tumalikod saka ako umupo sa parteng dulo ng kama ko, hinayaan ko lang na nakabukas ang pintuan dahil nandon si Damien na nakatayo.

"Anong meron?" mahinahon na tanong ko sa kanya at humikab. Naantok pa ako, grabe.

Tiningnan niya ang kabuuan ko at ngumuwi siya sa akin, "Kinakausap mo talaga ako ng ganyan ang ayos mo? Hindi ka man lang nagtoothbrush o nanghilamos man lang? Nakakadiri ka kababae mong tao" halata ang pandidiri sa boses niya at sinagot ko lang iyon ng nakakamatay na ngisi.

"Bakit pa ako mangto-toothbrush? Mabango naman ang hininga ko, gusto mong amuyin?" nakangising sambit ko at huminga sa kamay ko saka ako lumapit sa kanya para ipaamoy ang kamay ko.

"Ano ba! Mahiya ka nga! Kadiri talaga 'to!" diring diri niyang hinawi ang kamay ko at hinimas niya ang dalawang braso niya na parang nagtataasan ang balahibo niya sa pandidiri sa akin.

"Kalalaki mong tao ang arte mo," ngiwing sabi ko sa kanya at muling umupo sa kama.

"Bakit babae lang dapat ba maarte? Atleast ako kahit papaano may arte sa katawan pero ikaw kahit isang porsyento, wala ka," sambit niya.

"Ang daldal mo. Sabihin mo nalang sa akin ang dahilan ng panggugulo mo," walang pasensya na sambit ko.

Bumuntong hininga naman siya saka may kinuha sa tabi ng pintuan na plastic at may dalawang cup na mukhang mga kape, "Nagdala po ako ng agahan natin, dapat talaga mag-aalmusal ako na mag isa pero naisip kita kaya bumili na rin ako para sayo" nakangiting sambit niya kaya napangiti rin ako, nakakahawa kasi ang ngiti niya.

Ito yong isa sa mga iniisip ko kagabi, bago kasi ako matulog ay nagmumuni muna ako, napasok sa isip ko si Damien, nagtataka ako dahil kaya niyang baguhin ang emosyon ko at isa pa ay napapangiti niya ako ng natural. Paano nangyayari iyon? At bakit sa kanya pa?

"Pumasok ka rito," anyaya ko sa kanya at tumayo para kunin ang tuwalya ko saka ko sinabit sa braso ko. Tiningnan ko muli siya pero nakatayo pa rin siya sa labas. "Anong tinatayo tayo mo? Sabi ko, pumasok ka sa loob" pag-uulit ko.

"B-Bakit mo ako pinapasok?" tanong niya sa akin.

"Anong masama do'n?" nagtatakang tanong ko. "Pumasok ka na, sabay na lang tayo mag-almusal, hintayin mo ako dahil maliligo ako lang saglit," sambit ko saka ko hinila siya papasok sa loob at sinira ko ang pintuan ng kwarto ko.

Wala naman kasing masama sa pagsama ng isang babae at isang lalaki sa kwarto, ang problema lang talaga ay 'yong mga mata at bibig ng mga taong mapanghusga. Mas mabuti na 'yong lantaran na pinapakita kung alam mo namang malinis ang intensyon mo dahil yong iba na nagkukunwaring malinis ay sila pa ang madalas na gumagawa ng kababalaghan.

Pumasok na ako sa banyo at naligo pagkatapos ay nagbihis na rin ako sa loob saka ako lumabas habang nagpupunas ng buhok. Naabutan ko si Damien na nakaupo sa sofa at palinga-linga sa kwarto ko, gusto kong matawa dahil nalalaman ko na pareho lang naman ang itsura ng kwarto namin kaya bakit pa siya lumilinga linga, diba?

"Hindi ka pa nag-almusal?" untag ko.

"Hindi pa, diba sabay tayo?" hindi ako sumagot at pinagpatuloy ang pagpunas ng buhok. "Teka, ang bilis mo naman maligo?" tanong niya, umupo ako sa kama na nakaharap sa kanya.

"Ayaw kong paghintayin ka," nakangiting sagot ko at tiningnan ang dala niya. "Kainin na natin ang almusal na dala mo, nagugutom na ako."

"Ako rin, ano bang gusto mo? Gatas o kape?" tanong niya at tumayo, kinuha niya ang maliit na table sa gilid ng kama ko at nilagay niya sa pagitan naming dalawa saka niya nilagay ang plastic don at dalawang cup.

"Gatas sana, pero nangangamoy kape 'yan pero ayos lang," nakangiting sagot ko. Ramdam ko na ang pagkalam ng sikmura ko.

"Sorry, hindi ko alam na gatas ang gusto mo," sabi niya at napakamot sa ulo niya.

Nag-umpisa na kaming kumain, may dala siyang slice bread na may palaman na lady's choice at syempre mainit na kape.

"Caelian, may plano ka bang magswimming sa dagat?" tanong ni Damien sa akin habang nagliligpit kami ng pinagkainan namin.

Napaisip naman ako sa tanong niya.

"Ewan, bakit ikaw ba?" pabalik na tanong ko sa kanya.

"Oo," sagot niya na dalawang beses na tumango. "Magswimming ka na rin, para may kasama ako," anyaya niya.

Napatigil ako sa ginagawa ko at tiningnan siya.

"Niyaya mo ako kagabi dahil sabi mo hindi ka sanay kumain mag-isa at ngayong umaga nanggulo ka sa room ko para yayain naman akong mag-almusal tapos gusto mo naman na samahan kita sa pag-swimming mo ngayon. Tanong ko lang, pumunta ba talaga ako rito para samahan ka lang?"

Natigilan siya, mukhang naisip niya ang sinabi ko.

"S-Sorry," nakayukong sambit niya pero mayamaya ay tinaas niya ang tingin sa akin. "Pero wala ka naman ginagawa, diba? Pasalamat ka nga, kinukulit kita para sumama sa akin dahil kung hindi, maboboring ka rito," sambit niya. Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.

"Thank you po, ha? Hiyang hiya po kasi ako dahil hindi ako na-inform na kailangan ko pa lang magpasalamat sayo," sarkastikong sagot ko sa kanya.

Hindi ko maintindihan ang relasyon naming dalawa, may minsan na nakakapag-usap kami ng seryoso pero madalas ay naiirita kami sa isa't isa. Paanong naging posible iyon, diba?

"Hindi naman kasi gano'n ang point ko," nahihirapang pagpapaliwanag sa akin. "Basta sumama ka na lang kasi, mas maganda mag swimming ngayon dahil umaga pa pero pag-mamaya pa tayo maliligo, mainit na," sambit niya at napaisip naman ako don. Somehow nakukuha ko na ang gusto niyang ipaliwanag sa akin.

"Ayaw ko pa rin," matigas na sambit ko at binaba ang suklay dahil tapos ko ng ayusin ang buhok ko.

"Ayaw mo?" tanong niya ulit at tinaliman ko naman siya ng tingin.

"Oo," maiksing sagot ko.

"Ayaw mo talaga? Okay!" sambit niya at nagulat ako nong pabagsak siyang humiga sa kama ko.

"Hay! Ang lambot pala ng kama mo, ang daya naman! Bakit 'yong kama ko ang tigas-tigas!" reklamo niya at talagang nilagay niya pa ang magkabilang sa kamay sa gilid kaya sakop niya ang buong kama ko.

Inis na tumayo ako at hinampas ang binti niya.

"Hoy! Dahan-dahan lang, Baka 'yong perlas ng kanluran ang mahampas mo," nakangising sambit ni Damien, halatang tuwang tuwa dahil naaasar na ako.

Perlas ng kanluran? Namula ako sa sinabi niya kaya para pagtakpan ang pamumula ko ay hinampas ko ulit siya. Dinudumihan niya ang utak ko.

"Sino bang nagsabing humiga ka? Umalis ka nga! Tingnan mo, oh! Nalagyan mo na ng buhangin 'yong kama ko! Mangangati na ako niyan mamaya!" sermon ko sa kanya at hinampas muli ng malakas ang binti niya.

"Aalis lang ako kung sasamahan mo ako mag-swimming," mapangasar na sabi niya at ginamit niya pa ang isang braso niya para gawing unan.

Napasabunot ako sa buhok ko sa inis sa lalaking 'to.

"Oo na! Sasamahan na kita! Umalis ka na sa kama ko!" pagsuko ko. Mabilis naman siyang tumayo at ngisi ngisi na pinagmasdan ako.

"Magbihis ka na ng pang-swimming mo. Babalikan kita," tuwang-tuwa na sambit niya at kumaway pa sa akin bago isinara ang pintuan.

Kinuha ko ang unan ko at inis na binato iyon sa pintuan. Nakakainis siya.

"SAAN gusto mo? Malalim o mababaw?"tanong ni Damien sa akin.

Nasa pampang na kami ng dagat ngayon. Hinawi ko rin ang buhok ko dahil nadadala ito ng hangin. Kahit yata tumagal ako rito basta may dagat ay magiging masaya talaga ako.

"Sa mababaw lang tayo," maikling sagot ko.

"Bakit?" tanong niya sa akin ngunit napangisi rin kalaunan dahil yata may pumasok na ideya sa utak niya. "Aha! Alam ko na! Hindi ka marunong mag swimming, 'no?!" pang-aasar niya.

"Hindi. Sadyang hindi ko lang pinagkakatiwalaan ang dagat kaya gusto ko sa mababaw lang," seryoso kong sagot habang nakatingin sa dagat.

"Ha? B-Bakit? May nangyari ba dati kaya ayaw mo sa malalim?" halata sa boses niya gusto niya talagang malaman ang magiging sagot ko kahit pinipigilan niya yon.

Nilingon ko siya at pinagmasdan siya. Hindi niya inalis ang tingin sa akin. Matapang niyang sinalubong ang tingin ko sa kanya.

"Bakit gusto mong malaman?" nakagat ko ang labi ko at tiningnan siya ng maige para makita ko ang reaksyon ng mukha niya. "Bakit mo ba ginagawa ito? Ano bang gustong mong mangyari?" pandidiretso ko sa kanya.

Ini-expect ko na ngingiwi siya at sasabihan akong 'feelingera' pero hindi nangyari, nagseryoso lang siya ngunit may ngiti pa rin sa labi.

"Kailangan ko ba talagang sagutin 'yan?" Mahinahon na tanong niya.

"Oo," seryoso kong sagot.

Magaan siyang ngumiti at lumapit ng kaunti sa akin.

"Swimming muna tayo? Sayang ang outfit natin kung magkukuwentuhan lang tayo dito," natatawang sabi niya na pinasadahan pa ng tingin ang suot namin at natawa rin ako. Oo nga naman, 'no?

Nakasuot siya ng sando at trunks habang ako ay nakasuot din ng sando rin at short.

Hindi ko gusto mag bikini, maliban sa nakakailang dahil lantad na lantad ang katawan ko, hindi ko rin gusto dahil wala naman akong maipagmamalaking katawan.

"Nakalusot ka ngayon," sambit ko na tinuro pa siya.

"I'm sorry if I making you feel uncomfortable. Hindi ko iyon sinasadya." Biglang sabi niya at hindi ko iyon inaasahan, ngumiti siya ng sinsero sa akin. Pilit na napangiti ako. Anong sasabihin ko? Bago pa ako makaisip ng isasagot ay naputol iyon nang…

"Caelian?" natigilan ako sa kintatayuan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

Tama ba ang narinig ko? Siya ba yon? Huwag naman sana.

"Caelian? Is that you?" pag-uulit niya pa. Nakita kong napatingin si Damien sa gilid ko kaya kahit nag-aalinlangan ay dahan dahan akong lumingon sa taong tumawag sa pangalan ko.

Tama nga ako. Siya nga.

"M-Milena," tawag ko sa kanya. Mabilis naman siyang ngumiti at lumapit sa akin.

"Kanina pa kita tinitingnan doon, e. Nagdadalawang-isip ako kung ikaw talaga ang nakita ko at tama nga ako," sambit niya at naiilang naman na ngumiti ako.

"Ah ganon ba. Kailan ka pa rito?" pag-iiba ko ng usapan.

"Kanina lang ako dumating," nakangiting sagot niya. "Kumusta ka na? Pumayat ka ah at…nagpaiksi ka rin ng buhok," sambit niya na pinasadahan talaga ako ng tingin. Mas lalo naman akong nailang sa ginawa niya.

Kumusta raw ako? Dapat ayos sana pero...

"Hindi naman ako pumayat…at ito namang buhok ko, nainitan na kasi ako sa mahabang buhok kaya nagpagupit ako," paliwanag ko sa kanya at hindi niya pa rin tinigilan ang pagtingin sa kabuuan ko.

"Mabuti nakakapunta ka na sa ganitong lugar, hindi ka na ba takot sa dagat?" tanong niya na pasimpleng tumingin sa dagat at muling ibinalik ang tingin sa akin.

There! She's starting again. Paano ko ba makakalimutan na masama talaga ang ugali niya?

Natigilan ako sa tanong niya at dahil do'n ay mabilis na lumabas sa alaala ko ang iba't ibang eksena na pilit kong binubura.

Ang Dagat. Tawanan. Asaran.

Calm down, Caelian. You are not scared anymore, right? Inhale. Exhale.

"Hey," usal ni Milena na pinitik pa ang kamay sa bandang mukha ko.

Natuptop ako sa kinatatayuan ko. Gusto ko ng umalis sa lugar na 'to pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

"Excuse me, miss. Aalis na kami, pagod na kasi Caelian kanina pa kasi kami rito," narinig kong sabi ni Damien at ramdam ko ang presensya niya sa gilid ko.

"Who are you?" nanliit ang mata ni Milena habang tinitingnan si Damien.

"Damien, I'm her friend," sagot niya kay Milena.

Lumipat ang tingin sa akin ni Milena at napataas ang kilay.

"Kaya naman pala malakas na loob mong pumunta sa dagat dahil may kasama ka na," sambit niya sa akin at napatikom ang bibig ko.

"Miss, kailangan na namin umalis. See you around," mabilis na sabi ni Damien saka niya ako hinila sa braso at sabay kaming naglakad.

"I hate you, you know that, right? At dahil sa nalaman ko ngayon, mas lalong lumalim ang pagkasuklam ko sayo. You are not worth of that smile, you deserve undesirable pain, Caelian. Lagi mo yan itatak sa utak mo," maanghang na sabi niya at napatigil ako sa paglalakad. Sa boses palang niya ay halatang halata ang sobrang galit niya sa akin. Humigpit ang hawak sa akin ni Damien at hinila niya muli ako.

Nakatulala ako habang naglalakad kami kung saan. Paulit ulit ko naririnig ang sinabi sa akin ni Milena.

Ano ba ang kailangan gawin ng isang tao para maging deserve niya ngumiti? Hindi ba pwedeng ngumiti na lang kapag gusto mo? Kailangan ba talaga deserve mo muna bago ka ngumiti?

Tumigil kami sa paglalakad at binitawan na ako ni Damien saka siya humarap sa akin. Hindi ko nakikita ang itsura niya dahil nakayuko lang ako at nakatingin sa mga paa ko.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Kung pwede ko lang tanggalin ang bigat sa dibdib ko malamang ay tinanggal ko muna ito.

"Pwede mo akong yakapin," narinig kong sabi niya ngunit hindi ako kumibo.

Tumagal pa ng ilang minuto ang katahimikan namin bago ko narinig ang malakas na buntong hininga niya pagkatapos ay naramdaman ko ang paghawak niya sa pulsuhan ko at marahan na hinila yon para bigyan ako ng isang yakap.

Ang nakayukong ulo ko ay nakatutok sa dibdib niya habang ang isang kamay naman niya ay tinatapik tapik ang likod ko.

Naramdaman ko ang pagbabara sa ilong ko at unti unting pag-iinit ng gilid ng mga mata ko.

"Bilang na bilang pa lang ang panahon simula nong nagkakilala tayo, pero nararamdaman at nalalaman ko na kailangan mo ng isang katulad ko," sambit niya sa akin at pinakinggan ko lang ang bawat sinasabi niya. "Pwede bang humingi ng pabor sayo?" tanong niya sa akin ngunit hindi ako sumagot.

"Gusto kong hayaan mo lang ako na iparamdam sayo na may kasama ka at hindi ka nag-iisa. Hangga't kailangan mo ako, nandito ako." Sinsero na sabi niya sa akin.

Nakita ko kung paano tumulo ang luha ko sa puting buhangin.

Nalaman ko na kaya yata hindi ako pwedeng ngumiti dahil hindi ko talaga deserve ngumiti...kahit isang araw lang, kahit isang sandali lang.

Nararapat sa akin ang pinagsamang sakit at pait na pakiramdam katulad ng nararamdaman ko ngayon.

I deserve it.

I must endure this pain.