Chapter 16 - Almost

BINUKSAN ko na ang shower at bumagsak sa akin ang tubig mula sa ulo ko papunta sa mukha hanggang bumaba sa katawan ko. Malamig ang tubig dahil umaga pa ngunit mas nagustuhan ko ito para magising at tumino muli ako.

Pakiramdam ko kasi ay nawawala sa katinuan ang isip at katawan ko.

Kapag kasi naiisip ko kasi Caelian ay kusang kumakabog at nagwawala ang kung ano man sa dibdib ko.

Katulad ngayon.

"Aish!" inis na sabi ko at mas nilakasan ang shower.

Kakatapos ko lang maligo at pinunasan ko na ang buhok ko gamit ang isang towel. Naka-short na rin ako ngunit wala akong pang itaas na damit. Kinuha ko na ang tootbrush ko at nilagyan ng toothpaste.

"Hoy Damien! Bakit mo ba siya iniisip, ha? Tumigil ka na nga, kagabi ka pa!" sermon ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin at tinuturo gamit ang sepilyo ko.

Walang pag-iingat akong nag sepilyo at masama ang loob ko sa sarili ko. Hindi maayos ang pagtulog ko dahil sa kaiisip sa babaeng iyon!

Damien, siguradong kinulam ka niya! Hindi mo naman siya dati iniisip pero dahil sinapian siya kaya naisipan niyang ipakulam ka! Sabi ng isip ko kaya napatango tango naman ako.

"Oo, tama! Pinakulam niya ako kaya yata ako nagkakaganito," pagsang-ayon ko sa sinabi ng isip ko.

Hindi magagawa ng dalaga iyon, Damien. Isa siyang inosenteng babae at wala siyang mahikang ginawa sayo. Ang dahilan ng pag-iisip mo sa kanya ay may nararamdaman ka na sa kanya. May gusto ka na sa kanya, pagtutol naman ng kalahating isip ko at napaubo-ubo naman ako.

May gusto ako sa kanya? Kay Caelian talaga?

"Aish! Nababaliw na ako!" usal ko at ginulo ang buhok ko. Mabilisan akong nag-toothbrush at nagmumog.

Lumabas na ako ng banyo habang nagpupunas ng bibig. Kinuha ko na ang t-shirt na nakalagay sa kama ko at sinuot iyon.

Kailangan ko ng makakausap dahil kapag nagpatuloy pa ito baka tuluyan na akong mawala sa katinuan.

Nakita ko si Abram na nakahiga sa sofa habang tangang nakangiti sa cellphone niya.

"Abram," tawag ko sa kanya at hinampas ang binti niya.

"Oh?" sagot niya sa akin ngunit hindi man lang tumitingin sa akin, abala pa rin siya sa cellphone niya.

Kaya ang ginawa ko ay inagaw ko ang cellphone niya at binulsa iyon saka ako umupo sa sofa na nakaharap sa kanya.

"Damien, wala naman ganyanan. Ibigay mo na sa akin ang cellphone ko, may pinapanood pa ako," pagmamakaawa niya sa akin.

"Ibibigay ko ang cellphone mo kapag maayos mong sinagot ang tanong ko," usal ko sa kanya at napaayos naman siya ng upo.

"Ano ang tanong mo?" untag niya sa akin.

Napatikhim ako at napabaling sa iba ang tingin.

"Hmm…possible ba na kapag iniisip mo ang isang tao ay sasabay ang malakas ng kalabog ng dibdib mo? May sakit bang ganon o kinulam ako?" tanong ko sa kanya at seryoso naman siyang nakikinig sa akin. Napasandal siya sa sofa at nilagay isang kamay niya sa baba niya na tila nag-iisip.

"May utang ka bang pera sa kanya?" pabalik na tanong niya at napakunot ang noo ko.

"Wala akong utang. Psh. Bakit pa ba ako nagtanong sayo?" Napabuntong-hininga ako.

"Babae o lalaki?" hindi nagpapagil na tanong niya. Tumamad ang itsura ko.

"Babae." Maiksing sagot ko kay Abram.

"Base sa sinabi mo, ang konklusyon ko ay nasa Stage 3 na siya ng Abram's Love theory," sambit niya at nanlaki ang mata ko.

"A-Abram's Love theory? Anong kalokohan iyan? Saka anong Love? Paano napasok sa usapan iyan, ha?" untag ko sa kanya napapalunok ngunit ngumisi lang siya sa akin.

Inilagay niya ang paa niya sa lamesa at nakakaasar na ngumisi sa akin.

"Sa Abram's Love theory may pitong stage at ikaw nasa Stage 3 ka na," sambit niya at nanlaki ang mata ko.

"Ano?!" Hindi siya sumagot at ngumiti lang sa akin.

"Ang first Stage ay tinatawag na Walang pakialam Stage, ito iyong stage na wala ka pang pakialam at pormal ka lang sa kanya. Ang second stage ay tinatawag na Tibok puso Stage, ito naman yong tumitibok ang puso mo kapag may sinasabi, ginagawa siya o kapag naalala mo siya. Ang pangatlong stage ay tinatawa na Deny pa more Stage, ito yong kung nasaan ka, yong kahit alam mo na ang sagot ay nagtatanga-tangahan ka dahil hindi mo matanggap na meron ka ng pagtingin sa kanya," nakangising sambit niya at matinding napalunok naman ako.

Ako? May gusto sa kanya? No way!

"Akala ko ba anim ang Stage, bakit tatlo lang ang sinabi mo?" tanong ko at mas lumaki naman ang ngisi niya.

"Bakit curious ka?" nang-aasar na sambit niya. "Okay. Dahil curious ka, ang pang-apat na stage ay tinatawag na Tanggap Stage, ito yong natatanggap mo na may nararamdaman ka na sa kanya. Ang Pang-limang stage ay tinatawag na Galawang malupet stage, ito yong time na kikilos at magpapansin kana. Ang pang-anim ay tinatawag na Love Stage at ang pang-pito hindi ko muna sasabihin sayo, dahil hindi iyon pwede sa mga banal."

"Ha? Ano ang pang-pito? Sabihin mo na," pangungulit ko ngunit umiling lang siya at humiga muli.

"Hindi pwede. Saka ko na sasabihin sayo ang pang-pito. Akin na ang cellphone ko," sabi niya at inilahad ang kamay.

Kinuha ko ang cellphone niya at hinagis iyon sa kanya.

"Huwag kang mag-aalala, sa tingin ko crush mo pa lang si Caelian. Kung ako sayo aminin mo na sa sarili mo at i-enjoy-in mo ang nararamdaman mo sa kanya. Ang sarap kaya magka-crush," usal niya at pataas baba pa ang kilay sa akin habang may nakakalokong ngiti sa labi.

"Anong— wala akong crush kay Caelian, ha!" usal ko at binato siya ng magazine ngunit nasalo niya 'yon.

"Kaibigan mo ako at pinsan mo pa ako, kaya kung may nakakakilala man ng higit sayo, siguradong ako iyon. Umalis kana, nanood pa ako. Tsu! Tsu!" pagtataboy sa akin at sinipa pa ako.

"Wala akong crush sa kanya, Abram. Kilala mo ako diba? Hindi ako nagsisinungaling."

"Kunwari naniniwala ako sayo. Layas na!" sambit niya at sinipa muli ako but this time mas mapuwersa na.

"Hindi mo pwedeng kainin ang ano mang pagkain sa fridge! Bilang ko 'yan kaya kapag binawasan mo, yari ka sa akin!" pananakot ko sa kanya.

"Ayos lang! Puro tubig naman ang laman ng fridge mo! Poor ka! Poor!" usal niya at tumawa ng malakas.

Sinira ko ng malakas ang pintuan ng kwarto ko at pagbagsak na humiga sa kama ko.

Sinamaan ko ng tingin ang pintuan na parang nandoon si Abram at napabuntong-hininga pagkaraan.

Sandali lang.

Ano kaya ngayon ang ginagawa ni Caelian?

Pero ano naman ang paki ko?

Wait. Matawagan nga si Kyrine.

Nag-ring ang tatlong beses bago pa lamang sinagot ni Kyrine ang tawag ko.

"Oh, Damien. Ano ang atin?" untag niya sa akin sa kabilang linya.

"A-Anong ginagawa mo ngayon?" kinakabahan na tanong ko. Naiisip ko kasi na baka kasama niya si Caelian.

"Wow, pa-fall ang datingan natin, ah. Hmm, wala naman pero mamaya pupunta ako sa bahay ni Caelian," sagot niya at naging interasado agad ako.

"A-Anong gagawin mo doon?" nahihiya na tanong ko.

"Bakit ko naman sasabihin sayo? At bakit parang interesadong-interesado ka? Ang weird mo today, ah,"sambit niya at napatikhim naman ako.

"H-Hindi ah. Anong pinagsasabi mo? Osige na. Ibaba ko na—"

"Wait! Tutal tumawag ka na rin. Pwedeng pa-text si Caelian? Wala kasi akong load. Paki sabi na pupunta ako sa bahay nila," nanginig naman ang kamay ko at nakagat ko ang labi ko.

"Ite-text ko siya?"pag-uulit ko pa.

"Oo nga! Bilis sasabihin ko ang number niya at i-save mo," utos niya at binanggit niya ang number.

"Magpakilala ka kapag nag-text ka, ah? Thank you, Damien! Ba-bush!"nagmamadaling sabi niya at pinatay na ang tawag.

"Ano naman ang sasabihin ko?" bulong ko habang nakatingin sa cellphone ko.

Okay. Alam ko na.

To: Caelian

Hoy Caelian! Pupunta daw si Kyrine sa bahay niyo! Si Damien 'to inutusan niya akong mag-text sayo. Istorbo!

"Parang galit naman ako," bulong ko at binura ang text message ko.

To: Caeilan

Hi Caelian! Kumusta? Pinapasabi ni Kyrine na pupunta siya sa bahay niyo. Pwede akong sumama? Kung pwede lang naman. Damien pala 'to.

"Atat na atat sumama naman ang datingan ko rito. Ang pangit," bulong na sabi ko at binura ang text message ko.

"Ano kaya ang pwede? Simplehan ko na nga lang," sambit ko sa sarili ko at napatango.

To: Caelian

Hey Caelian! Pupunta raw si Kyrine diyan sa inyo. Have a good day.

-Damien

Napangiti ako sa text ko at pinindot ko na ang send.

Masayang binagsak ko ang katawan ko sa kama at napapangiti kapag napapatingin ako sa cellphone ko. Ano kaya ang ire-reply niya?

Ito ang unang pagkakataon na magkaka-text kami kaya tuwang-tuwa ako.

Kinuha ko ang unan at tinakpan ang mukha ko.

Ngayon masasabi ko na nasa Stage 4 na ako, kumbaga sa Abram's Love Theory ito ang tinatawag na Tanggap Stage. Natatanggap ko na may pagtingin ako kay Caelian at tama si Abram na crush ko siya, hindi naman masama magka-crush, diba? Crush lang naman.

Tinanggal ko ang unan sa mukha ko at nilagay iyon sa gilid ko.

"Ano kaya ang ire-reply mo sa akin?" nakangiting sambit ko sa unan.

1 hour later.

"Wala ka bang kamay para mag-reply, ha? Bakit nahihirapan ka ng huminga? Bagay lang sayo 'yan. Isang oras na akong naghihintay pero hindi ka parin nagrereply! Hindi porket crush kita, inaabuso mo ang kabaitan at pasyensya ko! Magreply ka na ngayon din kung hindi, hindi lang sakal ang aabutin mo sa akin!" puno ng inis at galit na sabi ko sa unan habang sakal-sakal ito.

3 hours later.

"Sorry na bati na tayo. Hindi na kita sasakalin at bubugbogin. Kahit 'thank you' na lang ang i-reply mo, ayos na iyon. Pero kung mahaba pa iyon sayo sige, kahit 'okay' na lang o kung ayaw mo pa iyon sige kahit 'K' na lang at kung mahirap pa iyon sayo sige kahit tuldok nalang, Caelian. Tuldok na lang. Tuldok lang. Magreply ka lang, please." pagmamakaawa ko sa unan. Nababaliw na ako.

4 hours later.

"Ayan ang nababagay sayo!" sigaw ko at hinagis ang unan sa dingding. "Kung ayaw mo magreply, bahala ka sa buhay mo! Akala mo gustong-gusto ko mabasa ang text mo? Puwes nagkakamali ka! Kahit kailan huwag ka na magte-text o tumawag sa akin! At kung magte-text ka man sa akin ngayon, wala akong pakialam! Narinig mo?! Wala akong paki alam!" sigaw ko sa kawawang unan na nasa sahig na ngayon.

Biglang nag-ring ang cellphone ko kaya kulang na lang ay liparin ko ang table kung nasaan ang cellphone ko at mabilis na sinagot ito.

"Hello, Caelian!" masayang bati ko na parang hindi ako naghintay ng apat na oras at hindi galit sa kanya kanina.

"Caelian? Sino iyon?" dahan-dahan na nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ang boses sa kabilang linya. Si Heizelle ang tumawag.

"Ha? Wala. Bakit ka napatawag?" tanong ko sa kanya.

"Hindi mo pa pala binubura ang number ko at hindi ka pa nagpapalit ng bagong number," imbes na sagutin ang tanong ko ay ayan ang sinabi niya.

"Bakit ko naman gagawin iyon?" untag ko sa kanya. Hindi naman ako bitter para baguhin ang number ko at burahin ang number niya, kasi kahit gawin ko iyon parte na siya ng pagkatao ko at parte na siya ng nakaraan ko, kaya bakit pa ako gagastos sa isang bagay na hindi ko na talaga mabubura?

"Wala naman. Natutuwa lang ako. Atleast mate-text at matatawagan pa rin kita kapag gusto kitang makausap o makasama," sambit niya at nalalaman kong nakangiti siya ngayon.

Napasadahan ko ang buhok ko at napabuntong-hininga.

"Alam kong hindi ka tatawag ng walang dahilan. Ano iyon?" marahan na tanong ko sa kanya.

"Nandito ako sa paboritong lugar natin. I'll wait for you." Sagot niya sa akin at pinatay ang tawag.

Nagmamadali akong nagbihis at nag-ayos, saka ako lumabas ng kwarto. Naabutan kong kumakain ng chips si Abram habang nanonood ng movie.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin pagkatapos i-pause ang pinapanood niya.

"Linisin mo ang kalat mo. May pupuntahan lang ako saglit." Sagot ko at abala sa pag-aayos ng sapatos ko.

"Saan nga? Sama ako," parang bata na sambit niya ngunit hindi ko siya pinansin.

"Alis na ako," Paalam ko saka ako naglakad paalis.

MALAYO pa lamang ako ay kitang-kita ko na si Heizelle na nakayuko at ang kamay niya nakalapat sa binti niya. Nakaupo siya sa isang upuan na pahaba na gawa sa kahoy at sa likod niya ay isang malaking puno, sa harap ng lugar na iyon ay isang ilog at sa gitna non ay may wooden bridge na maghahatid sayo sa lugar na maraming bulaklak. Nakasuot siya ng Blazer dress habang ako ay nakasuot ng blouson jacket at polo shirt sa loob habang brown pants naman ang pangbaba ko.

Dahan-dahan na lumapit ako sa kanya at hindi inaalis ang paningin sa kanya.

"Heizelle," tawag ko sa kanya at iniangat niya ang tingin sa akin. Nakita ko ang pisngi niyang basa at mata niyang namumula dahil sa pag iyak.

"Heizelle, are you okay?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Bakit siya umiiyak? Sinong nagpa-iyak sa kanya? Anong dahilan kung bakit siya umiiyak? Ang daming tanong sa isip ko ngunit hindi ko masabi dahil naghahalo ang nararamdaman ko. Nagagalit at naaawa ako.

Tinakbo niya ang pagitan namin at niyakap niya ako.

Natigilan ako sa kinatatayuan ko at hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Sa dalawang taon na nagkahiwalay kami ay ito ang unang pagkakataon na nagdikit ang mga katawan namin kaya nabigla ako.

Bumalik lang ako sa reyalidad nang marinig ko ang mahinang paghikbi niya sa dibdib ko kaya kahit nagdadalawang-isip ay ginamit ko ang isang kamay ko para patahanin siya.

"Shhh...I'm here," mahinang sambit ko sa kanya.

"S-Salamat, Damien," usal niya sa akin. Nakaupo na kami ngayon at sinadya ko na lumayo ng konti sa kanya para hindi magdikit ang katawan namin.

"Ano bang nangyari? Bakit ka umiiyak?" pag-iiba ko ng usapan at tumingin sa kanya.

Hindi siya sumagot sa akin at inalis ang tingin sa akin.

"Sa B-Boyfriend mo ba?" naiilang na tanong ko. Hindi talaga ako sanay na magtanong about sa boyfriend niya na hindi ako ang tinutukoy.

"Oo, h-hindi ko siya maintindihan, e. Napaka-possesive niya sa akin. Konting galaw ko lang dapat ay nagsasabi ako sa kanya at kapag nakalimutan ko iyon gawin, mag-aaway kami. Ayaw niya rin na dumikit ako sa kahit sinong tao, mapababae man o mas lalo sa lalaki, dapat kasama ko siya kung gusgustuhin ko man makipagkita. Nakakasakal siya. Laging may limitasyon ang kilos at galaw ko. Para akong may tali sa leeg na dapat sinusunod ang lahat ng gusto niya," kuwento niya sa akin at halata ang hirap sa boses niya. Napakuyom ang kamao ko.

"Kailan pa siya ganyan sayo?" pigil emosyong untag ko sa kanya.

"Napapansin ko na dati pa na may pagka-possesive ang ugali niya pero kahit papano nakakayanan ko pa ngunit ngayong buwan ay mas lumala siya," sagot niya at nagngitngit ang mga ngipin ko sa galit.

"Alam ko na kung bakit siya nagkakaganyan," seryosong sambit ko.

"Bakit?"

"Natatakot siya sa akin. Natatakot siya na baka agawin kita sa kanya," sagot ko na nakatingin sa mga mata niya at natigilan siya.

"A-Ano?! Anong pinag-iisip niya?! Hindi mo naman diba ako inaagaw sa kanya?" naguguluhan at frustrated na untag niya sa akin.

Natahimik ako at malalim na tinitigan siya.

Napasadahan niya ang mahabang buhok at biglang tumayo.

"Kailangan ko siyang kausapin. Ngayon malinaw sa akin lahat at kailangan ko lang ay magpaliwanag sa kanya," determinadong sambit niya at akmang aalis na subalit pinigilan ko siya gamit ang paghawak sa pulsuhan niya.

"Paano kung...dapat talaga siyang kabahan at matakot?" seryosong sambit ko sa kanya at natuptop siya sa kinatatayuan niya saka unti unting lumingon sa gawi ko.

"A-Ano?" gulat at hindi makapaniwalang pagpapaulit niya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinarap siya.

Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang luha sa pisngi niya.

"Sa susunod na makita kita, gusto kong nakangiti ka na at hindi ka na umiiyak katulad ngayon. Naiintindihan mo?" seryosong sambit ko at marahan na pinupunasan ang luha sa malambot na pisngi niya.

At habang pinupunasan ko siya ay hindi sinasadyang bumaling ang tingin ko sa maliit at namumulang labi niya.

Napatigil ako sa pagpunas at tinitigan lamang iyon. Napaangat ang tingin ko sa kanya at nakita ko ang pagkurap ng mga mata niya at ang paglunok niya.

Napangisi ako sa isip ko. Ibig sabihin lamang ng kilos niya ngayon ay may epekto pa rin ako sa kanya.

Dahan-dahan kong tinawid ang pagitan ng mga labi namin. Hindi namin inalis ang tingin namin sa isa't isa. Nakita ko ang muling paglunok niya at pagpungay ng mga mata niya. Ipinikit niya ang mga mata niya nang magdikit na ang ilong namin at konti na lang ay magdidikit na ang labi naming dalawa.

Parang may mahika ang labi niya kaya wala sa sariling inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya ngunit nang konting dintasya na lamang ang pagitan ng labi namin ay mariing napapikit ako at nakagat ko ang labi ko sa pagpipigil. Dinilat ko ang mga mata ko at naabutan kong nakapikit pa rin si Heizelle saka muling napatingin ako sa labi niya, nakakatukso ito kaya napalapit na naman ako ngunit napailing ako at huminga ng malalim bago ako tuluyang lumayo sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay niya at binigay sa kanya ang panyo ko. Napadilat siya saka napatingin sa panyo at sa akin.

"Umuwi ka na. Alas singko na ng hapon at baka magabihan ka pa sa pag-uwi. Mag-iingat ka."

"Hayop ka!" biglang sumulpot kung saan ang boyfriend ni Heizelle na si Teajay at sumalubong sa akin ang kamao niya.

"Teajay! Huwag mong saktan si Damien! Ano ba!" inaawat kami ni Heizelle ngunit matigas ang boyfriend niya at tinulak siya palayo sa aming dalawa. Natumba si Heizelle sa lupa at nanggigil naman ako saka tinulak siya.

"Huwag mong sinasaktan ang girlfriend mo!" galit na sigaw ko sa kanya at tinulangan tumayo si Heizelle. "Ayos ka lang? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong sa kanya at tumango lang siya sa akin.

"Ayos lang ako. Umalis ka na rito, Damien. Naniniwala ako na hindi ka titigilan sa pagbugbog ni Teajay mas lalo ngayon na galit na galit siya. Please lang umuwi ka na." Lumuluha na sambit niya habang hawak ang kamay ko. Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya.

Naramdaman ko ang paghawak sa balikat ko at marahas na hinila iyon paharap saka isang malutong suntok ang natanggap ng kaliwang pisngi ko.

"Teajay! Tama na! Please tigilan mo na ang pagsuntok sa kanya!" humihikbi na pagmamakaawa ni Heizelle sa boyfriend niya.

"Hawakan nyo si Heizelle at ipasok niyo sa sasakyan ko!" utos niya sa dalawang kasamahan niya at hinawakan nila si Heizelle sa braso.

"Ano ba! Bitawan nyo ako! Alisin niyo ang kamay nyo sa akin!" sigaw ni Heizelle at nagpupumiglas.

Napatingin ako sa kanya habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng labi ko.

"Paalisin niyo na si Heizelle. Masyadong pa siyang inosente para makita ang pagbugbog sa akin ng boyfriend niya. Ano pang tinatayo niyo diyan?! Umalis na kayo!" utos ko sa kanila at mabilis na sumunod naman sila.

Dumako ang tingin ko kay Teajay na nag-aapoy sa galit at halos lumabas na ang ugat sa kamay dahil sa tindi ng pagkakakuyom ng kamao.

"What now?" nakangising sambit ko.