Sa bahay ni Antonia.
"Alipin." tawag ni Antonia sa aliping yaya nito.
"bumili ka ng mga hipon sa laot."
"Opo." agad agad na sumunod ang alipin.
'Kung noon ay naagawan na kita, ngayon naman hindi kana makakaporma.' sabi ni Antonia sa sarili habang iniisip si Kimmy.
Pagbalik ng kanyang alipin ay naghanda ito sa kusina. Nag utos ito ng mga alipin na magsisindi ng kalan ay magdadagdag ng uling habang hinugasan niya ang mga hipon.
Nagpakuluan ito ng mga sampalok at gabi, naglagay ng asin at hipon tsaka nilagay ang mga hiniwang kangkong.
Tinikman niya ito at nasiyahan sa resulta, kahit papaano kahit asin lamang ay may lasa na ito. Nagsandok ito sa isang maliit na banga at pinatikim sa mga alipin niya ang naiwan kahit pero sabaw nalang ito at kangkong.
Nasiyahan naman ang mga kawawang alipin dahil masarap na ito para sa kanila.
"Napakabuti ng ginang, naisipan niya parin tayong tirhan ng kanyang masarap na luto." sabi ng isang aliping tumulong.
"Tama. Kilala ang ginang sa sarap ng pagluluto niya. Sino ba naman ang mag aakala na tayong mga alipin ay patitikman niya nito." sagot pa ng isa.
Natuwa naman ang aliping yaya ni Antonia at ibinalita dito ang mga komento nila.
Lumaki naman ang ulo ni Antonia at abot tenga ang pag ngiti nito. Sa modernong panahon ay hindi ito marunong magluto. Pero sa panahong ito ay naging masarap ang mga niluluto niya. Hindi pa natikman ni Antonia ang luto ni Kimmy at alam niyang hindi ito marunong dahil akala niya ay nag tatake out lang ito panghapunan to pat kumakain lang ito sa mga fastfood tuwing magkasama sila noon.
Tama. Siya si Toni. Ang bestfriend ni Kimmy na nagtaksil sa kanya. Nauna siyang nakarating dito kay Kimmy at nang magising siya ay isa na siyang babae ng Pinuno.
May pinagkaiba lang sa itsura nito noon at ngayon, sa modernong panahon ay maikli lamang ang buhok nito at may bangs, may nunal din ito na maliit noon sa baba niya na wala naman ngayon sa mukha ng Antonia.
Pagkatapos maligo at magbihis ng magandang baro't saya ay nagtungo na ito sa bahay ni Ramses. Kasama ang mga aliping tumulong sa kanya sa pagluluto. Sila ang nagbubuhat ng sinigang na hipon. Excited ang mga ito habang naglalakad dahil siguradong masasarapan at matutuwa na naman ang Panginoon sa kanya.
Sa Sala ng Bahay ni Ramses.
"Pinuno." Bati ni Tino sa Pinuno at tumango naman ito kay Salvador bilang pagbati.
"Tuloy." pinatuloy niya ito sa loob.
"Nasa labas po ang iyong ama kasama ang ilang kasamahan nyo po at mga dayuhang kastila."sagot ni Tino.
Tinignan ni Ramses si Salvador at tumango ito. Tumayo si Salvador at nagtungo sa bahay pagamutan para sunduin si Enzo. Lumabas naman ito para salubungin ang mga bisita tsaka pinatuloy sa Sala nila at naupo.
"Magandang gabi Ama at mga panauhin." binati ni Ramses ang ama at mga bisita nito ng may pagyuko.
"Magandang gabi anak." inakbayan nito si Ramses.
Yumuko din ang tatlong dayuhan na may pagsaludo ng kamay sa dibdib.
"Tuloy po kayo." pag anyaya ni Ramses. Nilapitan ni Ramses ang isang alipin at binulungan tsaka umalis ang alipin ng nagmmadali patungo sa bahay ni Kimmy.
Nag usap usap sila sa pamamagitan ng isang lalaking may konting kaalaaman sa kanilang salita. Personal nila itong tinuruan ng kanilang pananalita.
"Estamos aqui para hacer amigos contigo." sabi ng isang matandang dayuhan.
"Gusto daw po nilang makipagkaibigan sa atin." sabi ng lalaking translator.
"Walang problema." sagot ng Ama ni Ramses na may pagtawa.
"No hay problema" sagot naman ng translator sa kanila na ikinatuwa ng unang nagsalita. Nakipagkamay ito kay Ramses at sa Ama nito,gumaya din ang isa. Ngunit ang isa ay nginitian lamang sila."queremos vivir aqui junto a ti." anito.
"Nais daw po nilang tumira dito." nag aalalang sabi ng translator.
Napatingin sa kanya ang lahat ng nakarinig pati ang dalawang kasamahan nito.
"Pinuno narito na po ang binibining magluluto ng hapunan." sabi ng isang alipin na nakapagbasag sa katahimikan nila.
Dali daling pumasok si Kimmy para pagtarayan si Ramses. Ano nanamang kalokohang naiisip nito at sa dinamidami ng tagapagluto niya ay siya pa ang uutusan nito.
"Ba..." napatigil sa pagtataray si Kimmy ng makitang may mga bisita ito. At mukhang seryoso ang usapan nila. Mayroon ding mga dayuhan. Kinabahan ito ng maisip ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Aabutan na ba sila? Mamatay ba siyang muli?
"Magandang gabi Pinuno. Magandang gabi po sainyo." yumuko ng bahagya si Kimmy.
Nang makita ng dayuhang nakaupo si Kimmy ay nabighani agad ito. Ang kagandahan nito ngayong gabi ay kakaiba na parang hindi siya isang tao kundi diyosa, na may morena at makinis na balat. Tumayo ito at kinuha ang kamay ni Kimmy tsaka lumuhod ng bahagya at hinalikan. "Buenas noches hermosa dama."
bati nito sa kanya.
"Buenas tardes senyor." bati naman ni Kimmy. Nakakaintindi ito ng konting spanish words.
Naging malamig at madilim ang itsura ni Ramses sa pagbati ng dalawa.
"Puedes hablar espanyol?" tanong ng dayuhang bumati dito.
"Hindi ako marunong magsalita ng Espanol at mga simpleng bati lang ang alam ko." sagot ni Kimmy sabay bawi ng kamay niya.
"Solo puedo hablar unos pocos." sagot ng translator sa dayuhan.
Bahagyang nawala ang pagkadismaya ng dayuhan sa pagbawi ni Kimmy sa kamay niya. Nginitian niya ito at tumayo tsaka bumalik sa kinauupuan.
"Pasensya na pero... magluluto nako." paalam ni Kimmy habang napatingin kay Ramses na parang lalamunin siya nito ng buhay. "Tuloy nako sa kusina. babayyy!" nagwave ito ng mga kamay na nagbababay kay Ramses.
"Ella cocinara nuestra cena." paliwanag ng translator sa mga dayuhan sa pag alis ni Kimmy.
Ilang minuto ang lumipas ng dumating si Antonia na may dalang pagkain. Tamang tama ang dating nito. Ipagmamalaki niya ang kaniyang sinigang sa mga panauhin.
"Pinuno, may dala po akong hapunan na maaari po ninyong pagsaluhan." bati ni Antonia kay Ramses. Tumingin ito sa mga dayuhan at niyukuan sila ng pagbati. Napansin ni Antonia ang isang dayuhan na magandang lalaki. Nginitian niya ito ng matamis na parang nang aakit.
Napansin ito ng dayuhan ngunit hindi niya ito binigyan ng kahit isang tango lang para batiin pabalik.
"Ilapag mo sa mesa at makakaalis kana." galit na sabi ng Ama ni Ramses. Nakita nito ang pang aakit na ginawa ni Antonia sa isang dayuhan ngunit.
"Sandali. Hayaan muna natin siyang tulungan ang binibining tagapagluto sa pagsisilbi sa hapag kainan." paliwanag ni Ramses.