Chereads / Kakaibabe / Chapter 22 - 22 Sipud

Chapter 22 - 22 Sipud

Nagpunta sina Sol at Salvador sa bahay pagamutan ngunit wala doon si Kimmy kaya nagtungo nalamang si Sol sa sariling bahay ng ate niya. Inihatid nalamang ni Salvador si Sol sa bakuran ng mga bahay ng mga babae ng Pinuno at nagtungo nalamang siya sa bahay ng Panginoon.

Naglalakad si Sol ng makita si Kimmy patungo sa kanya. "Ate Kimmy!" napasigaw ito sa sabik dahil di na siya makapaghintay na ikwento ang kuya nila kanina.

Nasa tapat sila ng bahay ni Antonia kaya't ang babae na kasalukuyang nag sasalamin ay dumungaw sa bintana. Narinig niya ang pangalang Kimmy at nakita sa labas ang magkapatid na Sol at Katarina.

"Ate Kimmy." niyakap nito si Kimmy, kahit na nagiging malamig ito sa kanya ay minsan nagiging malambing din ito sa kanya dahil kahit papaano ay dalaginding palang ito.

Nabitawan ni Antonia ang suklay niya na agad naman pinulot ng kanyang aliping yaya. "Kimmy?" nagulat ito. "Kimmy. ha ha haha!" biglang natawa ito at tinignan sila ng masama.

Nakaramdam ng kakaiba si Kimmy na parang may nakatitig sa kanila kaya't ng magtingin ito ay nakita niya si Antonia na nakatingin sa kanya ng masama. Nakataas ang baba tsaka kilay at nakatingin ito sa kanila sa ilalim na parang nagsasabing maliit lang sila para sa kanya. Inisnab ito ni Kimmy, nag ikot ito ng mata habang iniisnab.

"Nakaraan ka lang, Kasalukuyan ako." bulong ni Kimmy sa sarili.

"Ate may ikukwento ako sa'yo." sabi ni Sol na hindi nakapansin ng pangyayari dahil busy ito sa pagyakap sa ate.

"Sige pasok tayo sa bahay ko." yaya ni Kimmy dito pabalik sa bahay niya.

Pumasok ang dalawa sa bahay ni Kimmy.

"Anong niluto ni Ina?" tanong ni Kimmy.

"Nilagang baboy po." Sagot ni Sol habang hinahapag ang baong pinadala ng mama niya. Nakabalot ang kanin sa pinainitang dahon ng saging at ang ulam naman ay nasa maliit na banga na nakatakip ng dahon ng saging.

"Ah eh.. hintayin mo sandali at magluluto din ako." nagtungo si Kimmy sa kusina at tinignan ang mga nakaimbak nitong pagkain. Mayroon siyang mga talaba na nakababad sa tubig at mga hipon na inasinan kahapon dahil wala itong ref. Namitas ito ng mga gulay sa bakuran sinama niya si Sol.

"Ang ganda ate! Mayaman kana! Ang dami mong pananim. Namumunga na sila" sabi ni Sol na namamangha sa paraan ng pagtatanim ng ate ang pagkahiwahiwalay nito ay mas advance na sa paraan nila.

Napangiti si Kimmy sa sinabi ni Sol. 'Mayaman, ang ganitong pag aari ay mayaman na para sa kanya?.hhhmm. Payak at tahimik na buhay. Sino nga bang tatanggi.?' naisip ni Kimmy na mas maganda nga ang buhay noon, ang mga pagkain ay libre sa bakuran. Ang hangin ay sariwa ang mga bunga ay walang kemikal at mahaba ang araw.

"Ngunit anong lulutuin mo ate? Hindi ba hindi kanaman marunong magluto kaya't ako pa ang tumutulong kay ina sa kusina?" pagtataka ni Sol.

"Nagsanay ako Sol." nagsanay siya dahil maaga siyang naulila sa magulang. Nang tumanda na ang lolo at lola niya ay siya narin ang nag aalaga at nagluluto para sa mga ito bago sila mamatay. Naalala ni Kimmy ang naging buhay niya sa modernong panahon.

'Babalik pa ba ako? Gusto ko pa bang bumalik sa panahong wala ng nagmamahal sa akin?'

Nakita ni Sol ang pagkalungkot ni Kimmy at niyakap niya ito. "Hindi na kita aasarin ate." panunuyo nito sa ate na akala niyang nakapagpalungkot sa kanya ay ang sinabi niya.

Pinatong ni Kimmy ang kamay nito sa ulo at ginulo ang buhok nito. Naramdaman ni Kimmy na atleast dito ay may nagmamahal sa kanya.

"Ate!" asar na sabi ni Sol.

"Magluluto ako ng Seafoods." sabay tumayo si Kimmy at naghanda na sa kusina. Tinulungan ni Sol ang ate sa paghiwa ng mga gulay sa paraang gusto ng ate niya.

Pagkatapos magluto ay naghapag na ito pero dahil sumobra ng marami ang niluto niya ay hinati niya ito sa tatlo pa, isa para sa magulang niya na ipapadala kay Sol, isa sa mga manggagamot sa bahay pagamutan at isa para sa Pinuno pinahatid niya ito sa mga alipin.

Sa bakuran ng bahay ng Marapao.

"Pinuno" saludo ni Salvador kay Ramses na kasalukuyang nag eensayo ng Tabak na parang sinasayaw niya ito.

"Ano ang iyong pakay?" nagpahinga muna ito at uminom ng tubig sa banga na ibinuhos sa mukha. Pawis na pawis ito.

"Inihatid ko lamang po ang aming bunsong kapatid sa kanyang sanse." sagot ni Salvador habang tinitignan niya ang pinuno na pinupukpok ng yantok ang tiyan nito.

Nakita ni Ramses ang pagtataka ni Salvador sa ginagawa niya kaya tumigil ito at niyaya itong kumain sa kusina.

"Dito kana mananghalian. Heto ang sipud." iniabot ni Ramses ang isang plato ng Salpicao kay Salvador.

"Sipud?" nagtatakang tanong ni Salvador.

"Luto ito ni Kimmy na ipinadala niya sa mga alipin." Paliwanag ni Ramses, napansin nito na hindi pa natikman ng kuya niya ang luto ni Kimmy, pero bakit?. Sa tagal na nilang mag kasama sa iisang bahay ni minsan ba ay hindi niya ito pinatikim sa kanila.

"Marunong magluto si Kimmy?" tanong ni Salvador sa sarili at tinikman ang sarsa ng salpicao na iniligay niya sa kanin, napatigil ito ng sandali ng malasahan at biglang itinuloy ang pagkain. Gamit ang mga kamay na hinugasan niya munang mabuti sa isang banga ng tubig sa tabi ay ito rin ang pinangbukas niya sa mga talaba at hipon.

Nakita ni Ramses na parang nakikipaghabulan sa pagkain si Salvador,hindi naman siya ganito dati dahil ilang beses na silang sabay kumain ngunit mas may control ito sa pagkain noon at dahan dahan kahit pa nagkakamay sila,na isang normal na gawain naman noon ngunit hindi sila naghahabulan sa pag ubos hindi katulad ngayon. Nang makitang nahati na ni Salvador ang ulam na personal na niluto ni Kimmy para sa kanya ay dali dali nitong kinuha ang mga hipon at talaba kahit pa patong patong na ang mga ito sa kanyang plato.

Napansin ni Salvador ang ginawa ni Ramses at tinignan niya ito na parang hindi siya makapaniwalang pagdadamutan siya nito.

Tinignan ni Ramses si Salvador na tumigil sa pagkain at pinagtaasan niya ito ng kilay at itinuro kay Salvador ang mga shell ng hipon at talaba na nakatambak sa tabi ng plato niya.

Tinignan ni Salvador ang mga shell ng kinain niya at doon palang niya na realize na muntik na nga niyang maubos ang ulam. Tinignan niyang muli si Ramses na sarap na sarap sa pagnguya ng pagkain niya at tinignan niya ang natitira pang kanin sa plato niya. Tinignan niyang muli ang mga hipon sa plato ni Ramses na parang nakikiusap na 'isa nalang po'.

Nakita ito ni Ramses ngunit inisnab niya ito. Nagulat si Salvador kaya't hinalo nalamang niya ang sarsa para kumuha ng gulay ngunit biglang may sumulpot na mas malaking hipon. "Uy!"

Nakita ni Ramses at nagulat siya na mas malaki ito sa ibang hipon.

Akma na sanang kukunin ni Salvador ang hipon nang may humarang sa kanya na mga alagad. "Ha?" biglang umalis din ang alagad at nang makita ulit si Salvador ang hipon ay nasa plato na ni Ramses. "Haaa?" hindi siya makapaniwala dito.

Bahagyang nahiya sa sarili si Ramses kaya't tinapunan niya ng isang hipon na may normal na laki sa plato nito.