"Sa isang tao lang, isang beses, isang pagkakamali, at ang masakit pa doon ay hindi mo ako pinakinggan. Nagpanggap siya bilang ikaw. Biktima din ako Pesya pero bakit walang nakinig sa akin? dahil ayaw ninyo sa akin, at ikaw! ikaw ang nagplano doon!" tinuro ni Waldo ang ama ni Alopesia.
Nagulat ang lahat at tinignan ang ama ni Alopesia.
"Totoo po ba?" Nagmamakaawang tanong ni Alopesia sa ama.
Hindi na nakaimik ang tatay nila sa pagbubunyag nito. "Ako nga. Kasalanan ko iyon. Ako nalamang ang pahirapan mo at patawarin mo sila." lumapit ang tatay at pinakawalan si Waldo.
Sinuntok ni Waldo ang tatay nila ng isang beses at tumayo ito kinuha ang tabak na nasa isang tabi.
Pipigilan sana ni Alopesia ito ngunit nanghihina siya at hindi makatayo ng maayos.
"Kahit patayin mo pa silang lahat, hindi yon maibabalik ang nakaraan ninyo. Pwedeng pwede kang patayin ng Ama nila ngunit hindi niya iyon ginawa bagkus ay sinubukan niya kayo. Wala kang ibang sisisihin kundi kung gaano kahina ng pagmamahalan niyo sa isa't isa." sabi ni Kimmy kay Waldo.
Napatigil si Waldo sa pagpatay sa Ama ni Alopesia. "Anong alam mo sa pagmamahal!? Ang mga sakripisyong ginawa ko!?"
"Buhay kapa hanggang ngayon habang ako dahil sa pagmamahal, minsan nakong namatay." malungkot na sinabi ni Kimmy.
Nagulat si Enzo at Ramses sa sinabi ni Kimmy. Habang tahimik silang nakikinig sa likuran nila.
Naalala ni Enzo ang pagkamatay nilang dalawa noong sagasain sila habang naalala naman ni Ramses ang tangkang pagpapakamatay nito noong tanggihan siyang maging asawa.
Nakatayo si Alopesia at kinuha bigla ang tabak kay Waldo at tsaka magpapakamatay.
"Ako nalang ang patayin mo, tigilan mo lang sila. kasalanan ko ang lahat dahil naging mahina ang pagmamahal ko sa iyo." tsaka ito tumingin kay Kimmy. "Mag ingat ka kay Antonia" pabulong nito sinabi kay Kimmy. "Maraming salamat paalam" Akmang magsasaksak ito ngunit sinakmal ni Waldo ang tabak.
"Suko na ako." ibinalibag ni Waldo ang tabak atsaka lumuhod at nagpatali sa mga kalalakihan.
Sinalo ni Kimmy si Alopesia na nawalan ng malay at dinala sa kanyang higaan.
Naging maayos na ang kapatid ni Alopesia dahil binawi na ni Waldo ang sumpa sa kanya. Ikinulong si Waldo ngunit pinalaya din at dahil walang lugar sa bayan ang tatanggap kay Waldo kaya inalok siya ni Kimmy na gawing bodyguard nito.
Nagulat siya ng makita niya sina Ramses at Enzo na naghihintay sa kanya. Nagtaka sila kung sino ang bagong matipunong lalaking nasa tabi nito na parang isang bantay at alalay. Nagdilim ang mga mukha nilang dalawa
"Sino siya?" tanong ni Enzo kay Kimmy.
"Siya ang aking pansariling bantay, Siya si..." nag isip ng ipapangalan si Kimmy kay Waldo.
'Waldo. Dowal? Odlaw? Adlaw!'
Tinignan nila ng masama si Waldo.
"Siya si Adlaw." tinapik ni Kimmy si Adlaw sa balikat. " Saluduhin mo sila Adlaw, Siya ang Pinuno nating si Ramses at siya si Ginoong Lorenzo ang dakilang manggagamot. Sa kanya tayo magpapaturo ng panggagamot. Yung tunay na panggagamot."
"Pinuno. Ginoo." Bati ni Waldo. Tatawagin na natin siya ngayong Adlaw.
"Adlaw." sa pangalan palang ay nakuha na nila kung sino siya. Hindi sila tanga gaya ng inaakala ni Kimmy.Siya ang lalaking may mahaba ang buhok at bigote na nililitis kanina. Si Waldo. Sa isang iglap ay naging malinis ang pagmumukha nito at hindi na siya nakikilala. Ginupitan kasi ito Kimmy at inahitan sa kilay, sa patilya at bigote. Nilagyan niya ito ng goatie sa ilalim ng baba. Pinapaligo gamit ang mga produkto niya at nagsuot ng tribal outfit galing sa baryo nila.
Bukod sa dalawang daliring nawawala sa kamay niya ay hindi na nila ito makikilala.
Sa araw ding iyon ikinalat ang balita na patay na si Waldo kaya't hindi na natatakot ang mga tao sa bayan nila.
Habang naglalakad ang mga ito pauwi dumaan sila sa magubat at mahalamang daan. Pasikut sikot ito na kung bago lamang ang pupunta dito at maliligaw siya.
"Pwede bang magtanong binibini?" pagbasag ni Adlaw sa katahimikan ng kanilang paglalakbay.
"Magtanong ka kung may gusto kang itanong hindi mo na kailangan humingi ng permiso pa ulit sa akin." sagot ni Kimmy. Ayaw nito ng mahabang pormalidad.
"Ano po ang ibig sabihin ng 'diserb' na sinabi ninyo kanina?" tanong ni Adlaw.
Biglang tinakpan ni Kimmy ang bibig ni Adlaw. Bahagyang namula si Adlaw sa ginawa nito sa kanya.
Narinig ni Ramses at Enzo ang tanong ni Adlaw kay Kimmy.
"Karapat dapat." sumagot si Enzo.
Inalis na ni Kimmy ang mga kamay nito sa bibig ni Adlaw. Nahuli na siya ni Enzo.
"Adlaw, wag mong gagayahin ang mga ginawang sakripisyo ni ginoong Waldo noon sa pag ibig.Kung hindi. ay! mamamatay ka ng walang pagsala." pagpaparinig ni Kimmy kay Enzo habang kunwari'y pinapayuhan si Adlaw.
"Matuto karing dapat na makinig muna bago magpadalosdalos para hindi ka matulad sa kanila ang pagmamahalan ninyong dalawa." dagdag na paalala ni Enzo habang pinaparinggan si Kimmy.
"Dapat iwasan ang mga dapat iwasan para hindi mo siya masasaktan sa huli." sagot ni Kimmy kay Enzo pero nakatingin parin kay Adlaw.
"Sa isang relasyon, kailangan din ng pagtitiwala sa isa't isa. Hindi mo alam na ang nakita mo ay iba pala sa nangyari." sagot ni Enzo ngunit nakaharap ito kay Kimmy.
Nagtataka si Adlaw sa mga paalala ng dalawa na parang sila ang nagsusumbatan.
Sasagot pa sana si Kimmy ng may ibang sumingit sa usapan nila.
"Maging responsable ka Adlaw. Kung mayroon kang naging biktima kahit pa ayaw mo dito, dahil ikaw parin at ang mga kamay mo parin ang gumawa, bilang isang tunay na lalaki,panagutin mo ito." sabad ni Ramses.
"Tama po Pinuno." pag sang ayon ni Adlaw na parang nabuksan ang isang lihim na karunungan sa kanya.
Tumingin si Ramses kay Kimmy at nagkatinginan silang dalawa.
Tinignan niya ng masama si Ramses. "May mga bagay sa mundo, na malalaman mo lang ang halaga nito kapag wala na siya sayo."
Nalungkot si Enzo sa narinig. Ang akala niya ay siya ang pinaparinggan nito.
"Narinig mo ba yon, Lorenzo? makinig ka ng madalas sa mga payo ni Katarina. Isa siyang responsable sa lahat ng ginagawa niya." sabi ni Ramses kay Enzo habang pinaparinggan si Kimmy.
"May problema ba tayo pinuno?" naasar na si Kimmy. Dumiretso na ito kay Ramses at bumulong sa tenga nito. "Huwag kang pa victim, nagustuhan mo rin."
Namula si Ramses sa kaprangkahan ni Kimmy. Hindi ba ito nahihiya? Sa unang beses nito ay gumalaw ito sa ibabaw niya na parang isang experto sa sining ng pagtatalik.