Chereads / Kakaibabe / Chapter 20 - 20 Walang modo

Chapter 20 - 20 Walang modo

Naging parang mabilis lang ang paglalakbay nila. Agad agad na dumiretso sila sa bahay pagamutan. Nasa gitnang bahagi ito ng baryo at dadaanan mo muna ang kalahating mamamayan bago ka makarating doon. Sa daan pa lang ay marami ng bumabati sa kanila at nag iimbita na tumuloy sa kanya kanya nilang tahanan. May mga taong nagbibigay pa ng pabitbit na miryenda, ulam o handog na pagkain. At Siyempre! mas marami ang binibigay kay Ramses.

"Isang inahing baka ang ipinahatid po namin sa inyong tahanan." sabi ng isa na nakangiti kay Kimmy ngunit tumingin din ito sa tatlo.

"Isang baka?" narinig iyon ni Kimmy at namiss ang karne ng baka. "Bulalo. Hmmmn." na imagine nito ang bulalo sa modernong panahon.

"Salama.." magpapasalamat na sana si Kimmy ngunit.

"Pinuno, sana po ay magustuhan ninyo." dagdag ng lalaki.

"mga sipsip." bulong na naiinis ni Kimmy.

"Sipsip agad?" natawa si Enzo sa reaksyon ni Kimmy. Naalala nito ang pagkabugnutin nito kapag pinapaasa siya sa pagkain.

"Kimmy" tinawag ni Ramses si Kimmy.

Automatic na napaharap si Kimmy dito at nagulat ang dalawa sa pagtawag sa kanya.

Hindi kaya? Hindi kaya galing din sa hinaharap ang Pinuno?.

"Nalaman ko kay Sol na gusto mo ang tinatawag kang Kimmy." paliwanag ni Ramses. Nalaman niya kay Enzo noong nalasing ito na taga ibang panahon sila. Ngunit hindi parin ito naniniwala kaya't ipinaimbistiga ni Ramses ang pangalang Kimmy ngunit kay Sol lang ito narinig ng minsang tawagin siya nito.

"Ah Eh opo Pinuno." pag amin ni Kimmy.

"Pumunta ka sa bahay ko bukas at ikaw ang magluluto ng mga pagkaing gusto mo. Nais kong matikman." utos ni Ramses.

'kapal mo ha. ano ako? cook? yaya? yaya moko kuya?' reklamo ni Kimmy sa sarili.

"Opo."

Na satisfied si Ramses sa sagot nito at medyo gumanda ang mood nito.

"Maaari po ba akong dumalo sa inyo bukas?" tanong ni Enzo.

Biglang nagdilim at lumamig ang paligid ng Pinuno sa tanong ni Enzo. "Bakit?" tanong ni Ramses.

"Nais ko po sanang... tungkol po ito sa bayan." sagot ni Enzo.

"Maaari." walang magawa si Ramses kundi pumayag dahil kung tatanggi ito ay magmumukhang inilalayo niya si Kimmy kay Enzo.

Pagdating nila sa bakuran ng pagamutan ay nakita na nila ang mga pasyenteng naghihintay. Agad na umupo si Kimmy sa loob at nagumpisa ng magkonsulta sa mga pasyente habang nasa likuran nito si Enzo at Adlaw.

Si Enzo ang gumagamot sa mga taong may tatlo o limang sakit sa katawan. Ang mga mahirap na kaso ay mas mabilis niyang natutukoy.

Si Adlaw namang ang gumagamot sa mga kinulam, binarang at sinumpa. Siya ang nagpapagaling sa mga nagkakasakit dahil sa itim na mahika.

Si Kimmy ang nasa unahan nila at sakanya muna dumadaan ang mga pasyente.

Si Ramses naman ay nakamasid lang sa kanila. Nakita niya ang mabilis at organisadong pagtatrabaho ni Kimmy sa pagamutan. Naging seryoso ang itsura ni Kimmy at nakakaakit ang pisngi nitong namumula dahil sa init.

Naging maalinsangan na sa loob dahil sa dumami ang mga nagpapakunsulta. Marami pa ang dumarating lalo na ng malaman nilang may manggagamot ng sumpa.May mga nagsasabing nasumpa sila at kahit sabihin ni Kimmy na hindi sila nasumpa ay pinipili parin nilang magpakunsulta kay Adlaw, saka lamang sila maniniwala kay Kimmy kapag sinabi ni Adlaw na hindi sila nakulam o nasumpa.

Hindi pa sana papansinin ni Kimmy si Enzo ngunit kinakailangan ng pagkakataon. Lalo na sa tuwing mahirap ang kaso ng may sakit. Pero kailangan niyang maging kasundo muna ngayon ang Ex niya. Trabaho muna bago personal.

Nang nabawasan na ang mga nagpapakunsulta ay napansin nilang pawis na pawis na si Kimmy. At nang may umagos na pawis sa mukha nito. Dali dali silang tatlo na aakmang magpupunas sa mukha nito ngunit may biglang pumasok at kaagad na umupo sa upuan ng nagpapakunsulta. Nakita niya ang pawis ni Kimmy at naghubad ito ng damit tsaka pinunas sa mukha nito.

"Pinapawisan ka Katarina" sabi ni Tina kay Kimmy.

"Salamat" sagot ni Kimmy kay Tino.

Masama ang tingin ng tatlo sa kanya.

"Sana maraming sakit ang meron ka ngayon" bulong ni Enzo ng nakangiti kay Tino.

"Gusto niyang barangin." bulong ni Adlaw na nakatitig dito. Basta basta nalang pumasok si Tino at naghubad sa harapan ng bago niyang kasamahan, samahan ng nabigo sa pag ibig.

"Saang lupalop ko kaya siya ipapadala?" tanong ni Ramses sa aliping bantay sa tabi niya habang nakaturo kay Tino.

Hindi alam ni Tino ang mga pinagsasabi nito at nakangiti lang ito kay Kimmy.

"Anong maipaglilingkod ko sa iyo?" tanong ni Kimmy sa kanya.

"Ah wala naman." sagot ni Tino habang nakangiti kay Kimmy.

"Oh.." sagot ni Kimmy.Nagbreathing exercise muna ito bago sumagot. "Bahay Pagamutan ito Tino, hindi pasyalan." sagot ni Kimmy

"Ah eh. Yayayain sana kita magminindal sa bahay ko. Tapos na ba trabaho mo?" tanong ni Tino kay Kimmy na parang walang ibang tao sa paligid niya. "Aray!" bigla itong napa aray sa sakit ng biglang may bumunot ng hibla ng buhok sa kanya.

Tumingin si Adlaw kay Enzo at nakita ang senyas nito na parang naglalagay ng butlig butlig sa mukha.

"Bakit parang lumamig ang hangin no?" tanong ni Tino kay Kimmy.

"Naghubad ka kasi." binato ni Kimmy ang damit na pinampunas niya sa pawis niya sa mukha at sa likod niya. "Oh magdamit ka!".

"Oo nga pala." muntik ko ng makalimutan. Tumayo ito sa kinauupuan at nagpakita ng katawan kay Kimmy.

"Hanep sa Abs ah. Batak ang katawan!" papuri ni Kimmy sa katawan ni Tino.

"Ahh?" biglang namula si Tino sa sinabi ni Kimmy.

Mabilis na tinali ni Adlaw ang buhok na nabunot nito kay Tino sa isang gawa gawa niyang manika. Tumingin ito kay Ramses at nakita ang senyales nito ng pag hiwa sa leeg.

"Sana All" dagdag pa ni Kimmy sa papuri nito.

Dahil sa narinig ng tatlo. Naghubad isa isa ang tatlo ng damit pang ibabaw.

"Hu! ang inet" sabay tayo ni Enzo sa kinauupuan at pinaypay ang damit sa katawan.

Nagulat si Kimmy dito at napatingin sa kanya.

Tinignan nito ang katawan niya at tumango tango lang ito. "Pwede" sabay thumbs up nito.

"Hmn.mainit nga." sabay punas ni Adlaw ng damit niya sa katawan nito habang nag po poise.

"uhum. Yami!" tumango tango ulit si Kimmy kay Adlaw at nag thumbs up.

"Ugh!" sabay pikit ng mga mata ni Ramses na parang nag aakit. Wala narin itong damit pang ibabaw.

Biglang naalala ni Kimmy ang nangyari sa kanila noong isang gabi. Ilang beses niya itong ginawa sa kanya at sa bawat rounds ay ganyang ganyan ang ungol niya.

"Mga walang modo! May babae dito!" sabay takbo ni Kimmy palabas ng pagamutan ng nakatakip ang mukha.

Nakangiti ang Pinuno at sinundan ng tingin si Kimmy na parang hinahabol ng aso kung tumakbo.