Chereads / Kakaibabe / Chapter 18 - 18 Nakaraan

Chapter 18 - 18 Nakaraan

"Akala ko titigil na siya." sabi ni Alopesia habang umiiyak.

"Tama na. Hindi mo kasalanan kung siya itong nanloko sa'yo. Deserve niya ang masaktan habang kayo,ikaw, hindi nyo deserve ang paghigantihan." pagtatahan ni Kimmy kay Alopesia. Tama. Bakit sila ang kailangan umiyak kung hindi naman sila ang may kasalanan. Bakit ang mga niloko ang iiyak kung hindi naman nila deserve ang mga iyon?

Pinadakip ng kanilang Ama si Waldo at nahuli naman agad ito sa tulong ng mga sanduguan at ng mga kalalakihan sa baryo.

Sa bahay pagamutan. Dumating ng maaga doon si Enzo at marami na ang nagpakunsulta sa kanya ngunit wala parin si Kimmy.

"Kiko." tinawag ni Enzo ang isa sa mga alalay niyang naka sibilyan.

"Boss" sagot ni Kiko na lumapit sa kanya na parang isang binatang napadaan lamang sa bahay pagamutan ngunit kanina pa ito pabalik balik doon.

"Ipagtanong mo kung saan pumunta ang binibining manggagamot. Magmadali ka." utos ni Enzo.

Sa pag alis ng alalay nito ay kasabay din na umalis ang isang bantay sa labas ng pagamutan upang lihim na magbalita sa Pinuno.

"Panginoon." bati ng bantay na lihim na naghahatid ng balita sa bahay pagamutan kay Ramses.

"Tuloy." sagot ni Ramses.

"Maagang nakarating si Ginoong Lorenzo sa bahay pagamutan. Ngunit hindi po dumating ang ginang." balita ng lihim na bantay.

"Hmn. Bumalik kana." utos ng Pinuno.

Nag utos ng isa pang bantay si Ramses upang hanapin at ipagtanong kung saan pumunta si Kimmy. Hindi naman nagtagal ay nalaman niyang kasama nito ang isa sa mga babae niya na lumabas ng baryo.

Dinala ng mga kalalakihan si Waldo sa Ama ni Alopesia para litisin habang nakatali ito.

"Ano po ang nangyari?" malumanay at malungkot na tanong ni Waldo sa kanila.

"Bakit mo nagawa sa amin ito?!" sinampal ni Alopesia ang dating kasintahan habang umiiyak. "Wala kang kwentang lalaki!"

"Pesya... Bakit? Anong kasalanan ko?" pagpapanggap ni Waldo sa harapan ng pamilya ni Alopesia at Kimmy.

"Sabihin mo. Bakit mo binarang ang kapatid ni Alopesia?" diretsong tanong ni Kimmy.

Napatigil at napayuko si Waldo sa tanong ni Kimmy. Nagulat ito at nanlaki ang mata. Pinigil nito ang sarili sa pagwawala kaya humarap muli ito sa kanila ng may inosenteng pagmumukha. "Anong ibig mong sabihin binibini?"

Kinuha ni Kimmy ang mga uod na nakuha nito sa mga sugat batang lalaki. Binigay nito sa isang lalaki na nandakip kay Waldo. "Ipakain mo sa kanya ng isa isa." utos nito.

Nakita ni Waldo ang nakakadiring itsura ng mga uod ngunit hindi ito natakot. "Pesya. Tignan mo ako. Mukha ba akong mambabarang para sa iyo?"

Tinalikuran siya ni Pesya. "Hindi."

Napangiti si Waldo sa sagot ni Alopesia.

"Isa kang manloloko at ikaw ang mukha ng isang taong walang isang salita. Hindi ka lalaki!" sigaw ni Alopesia habang nakatalikod sa kanya.

"Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?" seryosong tanong ni Waldo, wala itong pakialam sa lalaking papalapit sa kanya na balak magpakain ng uod sa kanya.

"Matagal na kayong tapos." Sabat ni Kimmy.

Napatingin si Waldo ng masama kay Kimmy.

"Pangahas!" nagpupumiglas si Waldo sa mga lubid na nakatali sa kanya. Yumuko ito ng nagsalita ng mga salitang hindi nila maintindihan.

"Aaahhhhhhh!!!!!!" malakas na sigaw ng batang lalaki sa loob ng kwarto nila.

Dali dali itong pinuntahan ng Ina at Ama nila.

"Anak." niyakap ng ina ang anak na nagsusuka ng dugong maputik na may kasamang uod.

Sa galit ni Kimmy kumuha ito ng punyal at pinutulan ngbisang daliri si Waldo.

"Waaaaaa!!!!!!!" sigaw ni Waldo. "Ho! Ho! Ho!" pagkontrol ni Waldo sa paghinga niya. "Papatayin kita!"

Pinutol naman ulit ni Kimmy ang isa sa mga daliri nito kabilang kamay habang nakatali ito.

"Hhhhmmmmmpp! Waaaa!!!" sigaw ulit ni Waldo. "Papatayin ko kayong lahat!"

Biglang tinutok ni Kimmy ang punyal na napupuno ng dugo sa leeg ni Waldo. "Alisin mo ang sumpa." utos ni Kimmy.

Nagsalita ulit ng kakaibang salita si Waldo.

"Ahhhh! Ang sakit!!! Ahhh!" nagsisisigaw muli ang bata sa loob ng kwarto nila.

Lumabas ang ama nito sa loob ng kwarto at sinuntok si Waldo na nakatali sa kanilang bakuran. "Anong kailangan mo?!!!" Sabay suntok ulit dito. Pupugutan na sana niya ito ng ulo ng pigilan siya ni Kimmy. Tinapon nito ang hinugot nyang tabak sa tabi.

"Ano kailangan mo?" lumuhod si Alopesia sa harapan ni Waldo na umiiyak.

"Kailangan kita." sagot ni Waldo na parang nababaliw. " Kailangan kita." Pag uulit nito.

"Bakit ba hindi mo ako mapatawad?!" tanong nito kay Alopesia.

"Niloko moko! Niloko niyo ako! Tapos na tayo!" paliwanag na sigaw ni Alopesia.

Narinig ito ng mga taong paparating sa kanila.

"Hindi kita niloko." padiin na sagot ni Waldo.

"Bakit ba hindi mo ako pinapaniwalaan!?" tanong nito na may halong panunumbat sa itsura. "Hindi ko iyon ginusto! ilang beses ko bang sasabihin sayo!? Nagpanggap siya sakin na ikaw siya, Anong magagawa ko Pesya!? Lasing ako!? Anong magagawa ko!?" nanggigigil na sagot ni Waldo kay Alopesia.

"Ngunit may nangyari na sa inyo ng babae. Kung tunay kang lalaki ay dapat pinanagutan mo na siya at hindi na ako dalaga Waldo bakit mo dinamay ang kapatid ko!?" sagot ni Alopesia na bahagyang may pait na nararamdaman.

"Patay na siya." biglang napatawa si Waldo na parang may kinalaman ito sa pagkamatay ng babae. "Dahil sa kanya kaya mo ako pinandirihan,inayawan at tinakasan kaya't pinatay ko siya, pero bakit hindi kapa masaya!?" tanong ni Waldo na parang tinakasan na ng katinuan. "Ayaw sakin ng kapatid mo kaya't patatahimikin ko siya." pangiting sabi niya.

"Duwag. Hindi mo siya mahal,naging napakamakasarili mo. Hindi ka karapat dapat mahalin." singit ni Kimmy pagkatapos madinig ang nakaraan sa kanila.

Natahimik si Waldo sa sinabi ni Kimmy. "Hindi mo iyon alam. Mahirap lang kami ngunit ginawa ko ang lahat makuha lang lahat ng kakailanganin namin sa plano naming pagpapakasal. Buong buhay ko itinuon ko sa pag iipon at pambili ng matatahanan para sa kanya. Nakisalamuha ako sa mga dayuhang mangangalakal. Natuwa ako noong binigyan ako ng pagkakataon ng isang dayuhang Tsino makipagkalakalan at si Pesya ang unang unang pumasok sa isipan ko. Maayos na ang lahat, ang bahay,ang trabaho, Si Pesya nalang ang kulang. Nagyaya ako ng mga kaibigang magiging saksi sa atin. Ngunit... " naalala bigla ni Waldo ang sumira sa mga pangarap nila.