Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Kakaibabe

🇵🇭Lukresya
--
chs / week
--
NOT RATINGS
123.1k
Views
Synopsis
Anong gagawin mo kung sa panahong kinabibilangan mo ay wala naring nagmamahal sayo ngunit sa panahon namang napuntahan mo ay wala namang internet? Babalik ka ba? Makita kaya ni Kimmy ang true love niya sa nakaraan? O nasa kasalukuyan?
VIEW MORE

Chapter 1 - 1 - Kimmy

"Sige lang! order pa kayo ng beer! sagot ko!" lasing na alok ni Katarina habang naglalakad ng pasuray suray papuntang banyo sa loob ng beerhouse na pinag iinuman nila.

Habang hinahanap nito ang CR at bulong ng bulong ng kung anu ano hindi nito napansin na may babaeng nakasunod sa kanya.

'Bang!' tunog ng pintuan ng CR pagkatapos nyang buksan at pumasok sa loob at isara.

"T*ng ina nyo lahat! Magsama sama kayo! mga hayoppp.. huh huh huh.." Sigaw ni Katarina sa CR ng napaupo sa sahig at may mga labas pasok ding ibang customer ng bar pero walang may pakialam sa pag iyak nya dahil abala silang lahat sa kanilang ginagawang kanya kanyang kababalaghan.

"Di na bale Kimmy" panunuyo nya sa sarili habang tinatapik ng dahan dahan ang kanyang dibdib. Dahil isa rin syang K-drama adik. Pinagpilitan nya sa mga kaibigan at mga ka trabaho niya na tawagin nalang nila syang Kimmy sa halip na Kat o Katarina.

"Kaya mo yan. ikaw pa!? Strong ka. Fighting!"

Sabi nya sa sarili na may kasama pang gestures ng mga kamay na 'fighting!'

Lumaking wala ng magulang si Katarina at sa bahay ng Lola na siya tumanda. 25 years old na sya ngayon at may sariling bahay na inuupahan, may magandang trabaho at malaki na sana ang kaniyang naipon kung hindi lang sana siya niloko ng boyfriend at bestfriend niya. Tinangay nila ang kanyang mga naipong pera na pambili sana niya ng sariling bahay at lupa, at ang pinakamasakit, ang bestfriend niya na tanging pinagkakatiwalaan ay kakuntsaba ng boyfriend nya.

Habang iyak-tawa siya sa CR ng nakaupo sa sahig. Pinagmamasdan naman siya ng babaeng kanina pa sumusunod sa kanya.

3am sa gilid ng daan, naglalakad si Kimmy ng walang patutunguhan. Nang tatawid na siya daan tsaka naman biglang humarurot ang sasakyang naka park sa gilid.

'Bang!'

Pilipinas, Year 1564.

Sa isang liblib na bario, sa isang probinsya sa Pilipinas. May kumakalat na balita tungkol sa isang anak na babae ng pamilyang Donaire na sinasapian daw ng masamang espiritu mula ng magtangka itong magpakamatay dahil sa

pagtanggi sa kanya ng anak ng maimpluwensyang maharlikang pamilyang Marapao sa kasunduan na ipakasal nalamang silang dalawa. At dahil sa balitang kumalat, minabuti nalamang ng pamilyang Donaire na ipaalbularyo ang kanilang ka awa awang anak na babae.

"Ano ba?!" naiiritang saway ni Kimmy sa albularyong nagwawasiwas ng dahon sa kanya.

"Masamang nilalaaanggg! lumayas ka sa katawan ng babaeng yaan!" 'Pssh! Pssh!'

inkantasyon ng matandang mangagamot gamit ang mga tangkay ng dahon ng atis.

"Tama na manong! hindi nga ako sinasapian. ako to!. Pakawalan ninyo ako dito kung hindi tatawag ako ng mga Pulis!" pilit na nagpipiglas sa lubid na nakatali sa kanya sa inuupuan.

"Pulis??" nagtatakang tanong ng mga kamag anak na nakikinig sa paligid nya.

" Anong Pulis?"

"Ha?"

"Mahabaging Panginoon!" napaluhod nalamang ang isang ginang na nakasuot ng isang bagong filipiniana. Siya at iilang batang babae palang ang nakasuot nito ang iba ay mga naka tribal outfit ngunit balot na balot.

"May historical movie po ba? Sinong in-charge!? Di po ako kasali sa casting ninyo?! Nasan ang camera? Cut! Direk!" nagtataka na si kimmy 'nagiging seryoso na'to. nakidnap ba'ko? sang sibilisasyon ba ko napadpad?'

"Kat.. Katarina... anak.." umiiyak na lumapit sa kanya ang isang ginang na nagrorosaryo mula pa nong umagang pagkagising niya.

"Si.." 'sino po kayo?' naputol na tanong nya nang nakaramdam siya ng matinding kalungkutan ng makita nyang umiiyak ang ginang,sa di malamang dahilan napaiyak din siya. "Ouch!" biglang sumakit ang kanyang ulo

at parang sasabog ito dahil sa parang may mga alaalang pilit pumapasok sa isipan nya.

"Ao!" at nahimatay ang ka awaawa nating bida.

Kinagabihan.

Nalingat si Kimmy at sa pagkakataong ito mahinahon siyang umupo mula sa kinahihigaan.

"Ako si Katarina Donaire mula sa 21st century sa modernong panahon pagkatapos kong mabangga ng isang sasakyan nagising nalang ako sa katawan ng isa pang Katarina Donaire ngunit sa sinaunang panahon. Sa ngayon,mabubuhay ako bilang siya."

pinagmasdan nya ang buong kwarto.

Isang kubo, walang yero, walang konkretong pader, may kandila, wala pang bombilya at higit sa lahat! walang WiFi!

Tumayo siya at hinawakan ang 'sawali' ng kubo,ang nagsisilbing pader ng kubo.

sinipat niya ang pagkapantay pantay nito na walang maliit na butas ang makikita.

"Ang galing. Ang ganda nilang gumawa. Ganito pala ang mga bahay noon." inamoy nya ang buong bahay. "Amoy tuyong kahoy pero amoy natural. Di nakakasakal." Binuksan nya ang bintana,tinaas nya ito gamit ang kahoy na nakasabit.

"Wow! Parang paraiso." dahil nagdidilim na. Ang mga kandila sa bawat bahay ay kumikislap kislap na parang mga alitaptap.

at sa dami ng bahay kubo na magkakatulad.

kasama ang mga halaman at puno na mga nakapaligid. May mga insektong umiiyak.

At ang nakakamangha ay walang lamok

siguro dahil sa pinausukan nilang dahon ng neem tree sa may di kalayuang bahay.

Ang dulong bahay naman ay ang pinaka malaki sa lahat. May second floor at parang terrace sa second floor. Ang dingding ay parang mga plywood na may barnis at nag iisang bahay na may bombilyang nakailaw sa labas at bawat sulok.

"Hanep! konting panahon nalang pala magkaka WiFi na." napalagay ang loob nya at nakalimutan nya na malayo pa sa panahon ng bombilya ang panahon na magkakaroon ng wifi. o hindi siya pumasok noon sa klase noong ituro ng guro ang tungkol sa pagdating ng bombilya sa pilipinas.

"Hinahanap mo ba siya ate?" tanong ng isang batang babae na biglang sumulpot sa likuran niya.

"Oh my Gosh! Sino?" nagulat sya sa cute na batang babae na iyon at ayon sa ala-alang pumasok sa kanya ay nakababata nya itong kapatid. "Soledad?"

"Tama ako, nagpapanggap ka lang na hindi mo kami naaalala dahil nahihiya ka sa amin. di ba?" maiiyak na tanong ni Soledad.

"Tama ka." sabay patong ng kamay nya sa ulo ng bata. Yun ang laging ginagawa sa kanya ng ate nya kapag ito ay umiiyak.

"Ate. huhu" niyakap nya bigla ang ate sa binti dahil di nito abot ang baywang. "Huwag mo na po ulit gagawin iyon ate. Marami pa naman pong nagkakagusto sa inyo. Sila nalang po piliin ninyo ate. huhuhu" walang tigil na iyak ni Soledad.

"Hindi na mangyayari yon Soledad. pinapangako ko sa iyo na pipiliin ko silang lahat" nakangiting pagpapatahan nya sa kapatid.

"umpf!. hahaha! ate naman po eh, pumili ka lang po ng isa." natatawang narealize ng bata ang unang sinabi nya sa ate nya at sinang ayunan niya ito na silang lahat.

"Ah. Pano yun Sol? gusto ko marami eh" pagbibiro pa nito.

"Eeee. ate... Sol?" pagtataka sa pagtawag sa kanya ng ate nya dahil pinutol nito ang pangalan niya.

"Mula ngayon, dahil binigyan ako ng Panginoon ng isa pang pagkakataon, wala n ang ate mong mahina ang loob. Ako na ngayon ang ate mong Malakas! tawagin mo na ako sa pangalang Kimmy. At ikaw tatawagin kitang Sol." 'para naman di ka magmukhang matanda para sakin.hihi'

lihim na dahilan kung bakit pinutol nya ang pangalan.

"Maaari po ba yun? Hindi po ba tayo mapagagalitan ni Ina?"

"Hindi Sol. palayaw lang natin yun sa isa't isa. parang Call Sign nating dalawa."

"huh? Ano pong Kol Sain?"

"ay! ang call sign ay tawagan nating dalawa.

tayong dalawa lang." napakamot si Kimmy nakalimutan nya na di na dapat siya mgbabanggit ng mga bagay na super advance pa sa panahon nila at baka mapa albularyo nanaman siya.

"Maari po."

napabuntong hininga si Kimmy buti nalang hindi ito pinagdudahan.

"Pero ano po ibig kahulugan ng Oh may Gashh?" pagtataka ulit ni Sol.

"Patay!" sabay pukpok ng kamay nya sa sarili nyang noo.