Chereads / Kakaibabe / Chapter 9 - 9 Uling ka ba

Chapter 9 - 9 Uling ka ba

"Pinuno" biglang naging malambing ulit ang boses at parang gumuguhit ng bilog sa likuran ni Ramses ang daliri ni Kimmy.

Tinitigan ni Ramses ito ng seryoso.

"Uling kaba?" pag pipick up lines ni Kimmy naka akap ito sa Pinuno habang buhat siya nito. "Itanong mo sakin kung bakit." dugtong nya.

Tinitigan lang ito ni Ramses. 'Ano naman ang ibig sabihin niya? mas maputi lang siya ng kaunti sa akin.' "Marapat lang na sa mga tunay na Lalaki ang maging mas maitiman ang kulay ng balat."

"Nge." 'kaya pala ganon nalang siya tumingin, na misunderstood niya ang pick up line ko' Pano to? Ipaligpit niya kaya ako.?'

"Anong laman ng iniisip mo ngayon?" matalim na tanong niya na parang papatay siya ng tao kapag hindi niya sinagot ito. Pero masyado nyang minamaliit ang ating bida.

"Iniisip ko kung bakit sobrang nakakaakit mo Pinuno. Kapag nakikita kita para akong malulusaw sa init. Para kang nagbabagang uling." Pambobola nito sa Pinuno.

"Nais mo bang matikman, masaya akong ibibigay sa'yo." sabay kalabit nito sa legs na hawak nya ng tatlong beses. Tinitigan nya ito nh kanyang mapungay na mata at nginitian ng nakakaloko.

"Lagott.!" sinampal ni Kimmy ang sarili niyang bibig. Tinitigan nya ito at nginitian ng mukhang napipilitan. Tinignan niya ang kanyang dibdib sinilip kung nandon pa ang pampatulog na ginawa niya 'sana maging effective'.

Nakita ni Ramses ang maliit na papel na nakaipit sa kakaibang damit na panloob niya at sa dibdib nito. Ngumiti ito ng malalim at nag isip. Alam niyang di nauubos ng kalokohan ang babaeng ito at hangga't di siya nasasapawan ay hindi siya magtitigil.

Subalit ang masarap at masayang panaginip nito ay hindi mangyayari.

"Panginoon!" Pang iistorbo ng isang alipin na sumunod sa kanila. Inutusan nya ang mga alipin na huwag muna sila mang iistorbo kung hindi naman importante dahil may tuturuan siyang leksyon. Ngunit dahil hinarap ng aliping ito ang maaaring maging wakas ng kanyang buhay, malamang importanteng bagay ang iuulat nito sa kanya.

"Panginoon, bumalik na ang mga nangaso sa kagubatan pero..." tumingin ang alipin kay Kimmy. Hindi alam nito kung ipaprinig niya ba ito.

"tuloy" binaba ni Ramses si Kimmy para tumayo.

"Yes!" bulong nito. Bakas sa mukha niya ang saya na makakatakas ito ng walang kahirap hirap.

"Bumalik po sila na inaalihan ng masasamang engkanto. Dinala na po namin sila sa manggagamot pero wala daw po siyang magagawa. Isa raw po itong pangitain na nagagalit ang Bathala sa atin dahil sa pamumuno ng.. " hindi maituloy ng alipin ang paninira sa kanilang panginoon.

"Pamumuno ng..?" tanong ni Kimmy na na curious sa Kalokohang nagaganap. 'Mga sinasaniban? di kaya galing din sila sa kasalukuyan tulad ko?'.

"Ipunin ang mga bantay sa likuran. Iimbestigahan natin ang nangyari." utos nito sa alipin na agad namang sumunod sa utos nito.

"Mukhang may naaakit sa posisyon mo." pagpaaalala ni Kimmy kay Ramses.

Tinitigan niya ito. Bakit malayo ang katangian nito sa naunang Katarina. Nalaman agad nito ang motibo ng kalaban sa pangyayaring ito.

Sino si Katarina sa dalawa? Ang babaeng walang pakialam sa mundo at habol ng habol sa kanya noon o ang magandang babae na matalino at umiiwas sa kanya? Kung siya din ang Katarina noon. Anong motibo niya't itinago niya ang kanyang kakayahan sakanila?

'Hindi kaya't nagpanggap lang ito para bawiin nito ang kasunduang kasal dahil mas gusto nitong makasama si Tino?' Biglang nagdilim ang awra nito na parang may bagyong mananalasa.

Naramdaman ni Kimmy ang biglang pagbabago nito. 'Ano nanaman nagawa ko?' tanong nito sa sarili. "Pinuno, maaari po na pñ akong sumama sa pagsusuri ninyo sa mga sinasaniban?"

"Hmp. Akala ko ba takot ka sa aswang?" malamig na tanong nito.

"Aiya. Naranasan ko na po kasing mapagbintangan na sinasaniban ng masamang nilalang. Gusto kong makita kung katulad ko lamang sila." pagpapalusot nito. Gusto lamang niyang magbaka sakali na sila ay galing din sa kasalukuyan at kung hindi man ay makita nito kung anong gagawin ng kalaban niya para makuha ang posisyon niya.

Napaka exciting na nito kaysa magmukmok sa loob ng bahay.

"Katulad na ano?" tanong ng Pinuno.

"Katulad kong walang nagmamahal." biglang naging malungkot ang mukha nito at parang maiiyak na.

Biglang naawa si Ramses at yayakapin na sana niya ito at sasabihing narito lamang siya nang magsalita pa ang ating tangang bida.

"Hugot!" biglang sumayaw ito sa harapan ni Ramses ng masayang masaya.

Napatigil ang mga kamay nito sa pagyakap sa kanya. Pinagduduro na lamang niya ito ngbkanyang hintuturo. Hindi siya makapaniwala sa kalokohan nito.Hindi siya makapagsalita dahil wala talaga itong masasabi sakanya. Walang kayumi yumi! Walang ugaling dalagang filipina!

Sa Bahay kubo ng isang matandang manggagamot.

May labing tatlong lalaki ang nakatali sa loob.

Ang iba ay kung anu ano ang sinasabi, Ang iba ay kung anu ano ang tinuturo, Ang iba ay galit na nakikipag usap ng problema sa hangin. At ang isa ay nagsisisigaw " Galit ang Bathala sa pinuno! Nagalit ang Bathala sa Pinuno! uubusin niya tayong lahat! Aaahhhh! Galit ang Bathala sa atin!"

"Katulad mo ba siya?" tanong ni Ramses kay Kimmy na may halong pagkadisgusto sa mukha.

"Eh Sira ulo yan eh!" prangkang sagot nito sa kanya.

"Katarina! Ang pananalita mo!" saway ni Salvador sa kapatid nitong walang pagpipigil sa pananalita. Kaagad itong nagpunta dito pagkatapos ihatid si Tino at nabalitaan ang mga nanguari sa mga mangangaso ng baryo.

"Aiya! kuya naman, nagulat mo ako." sabay lapit nito para hagkan ang kamay ng kuya pero iniwasan ito ni Salvador. "Tch!"

tinignan niya si Ramses at siya nalang ang niyakap niya sa braso.

Hinayaan nito ni Ramses kaysa naman maghanap pa ito ng ibang yayakapin.

"Katarina, Hindi ka dapat nang aakap ng braso ng iba ng basta basta!" hihilahin sana ito ni Salvador pero pinigilan siya ni Ramses.

"Hindi naman siya iba kuya!" pangangatwiran ni Kimmy. 'Bakit ba ang mean ng mga tao dito. masama bang maging clingy?'.

"Hayaan mo na." Pang aawat ni Ramses sa magkapatid na may halong tingin ng pagmamahal kay Kimmy dahil sa sinabi nitong hindi siya iba. Kung ganoon, gano kalapit ang relasyon nila?.

"Pagpasensyahan nyo nalamang po siya Pinuno, bunga ito ng pagkukulang ko sa pagbabantay sa aking kapatid." Sinserong paghingi nito ng pasensya sa Pinuno.

"Kuya, hindi na iiba ang turingan namin ng Pinuno, sa katunayan, parang kuya ko narin siya!" paliwanag pa ni Kimmy sa kuya.

Biglang inalis ni Ramses ang kamay nitong nakayakap sa braso niya. "Hindi mo ako kapatid at lalong hindi mo ako kuya" sabi niya kay Kimmy na may halong tunog ng pagngingitngit ng kanyang mga ngipin.