Chereads / Kakaibabe / Chapter 13 - 13 Enzo

Chapter 13 - 13 Enzo

Pagkatapos magkaroon ng kasunduan ang dalawang panig ay sumama muna si Kimmy sa magulang nito para maihanda ang mga gamit na dadalhin niya sa bago niyang bahay.

Ngunit sa paglabas nito ay may napansin siyang bagong mukha, makinis ang kayumanggi nitong balat na parang inaalagaan katulad ng balat ni Ramses, Matipuno at Gwapo. Tinitigan ito ni Kimmy at nanlaki ang mga mata niya habang naglalakad ito ng palapit sa lalaking yon. Nakatitig din ito sa kanya at lumabas pa sa mga nakaharang na ibang alipin para mas makita sya nito.

Seryoso ang mukha nito.

"Enzo" bulong ni Kimmy sa sarili. Biglang naging malungkot ang expressions nito at umalis sa pagkatitig. 'Imposible, bakit sa dinami dami ng magiging kamukha nito sa hinaharap ay si Enzo pa, Ang walang hiyang iyon, kahit siya pa yan hinding hindi ko siya mapapatawad.' Mula sa pagiging malungkot ay Naging galit na naman ang expressions nito.

Nakita ni Enzo ang lahat ng naging expressions nito ng makita siya nito. "Kimmy" tinawag siya nito noong dumaan na ito sa harapan niya.Napatigil si Kimmy ng ilang segundo sa paglakad pero hindi siya nito hinarap, sa halip ay tumuloy ito sa paglakad ng hindi na magsalita si Enzo. 'Ikaw na nga iyan. Binigyan muli ako ng pagkakataon ng Diyos para makita ka, hindi ko ito sasayangin.'

Sinakmal nito ang sariling kamao.

Nakumpirma ni Kimmy ang pagdududa nito. Hindi lang siya kamukha ni Enzo, ang ex niya na nanloko sa kanya kasama ng bestfriend niya noon. Siya din ay napunta sa nakaraan.

'Hindi kana dapat magpakita pa sakin, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko sa susunod na makita pa kita.' banta ni Kimmy kay Enzo sa isip nito.

Naalala ni Kimmy ang araw na nahuli niya ang dalawa nakapatong ang bestfriend niya dito habang umuungol siya at hindi pa sila nakuntento, inubos pa ng dalawa ang pera nito sa Bank Card niya dahil alam nito ang code nito. Lahat ng inipon niya para sa future nilang dalawa ay nawala. "Walang kwenta! Wala kang bayag!" napapalakas ang pagkasabi nito.

"Huh?" Napatingin ang magulang ni Kimmy sa kanya. Nagtataka sila sa biglang pagsasalita nito pagkatapos nitong manahimik sa paglalakad pauwi sa kanilang bahay kubo.

"Wala lang po Ina, Ama. Malapit na po tayo." Palusot ni Kimmy. Nagmadali na ito sa paglalakad ng masilayan ang kanilang bahay kubo.

Sa Bahay ng mga Marapao. Pinalapit ni Ramses si Enzo. Naging lalong matipuno ito sa ilang taong pamamalagi nito sa bayan dahil sa pinaimbestiga nitong epidemyang kumakalat sa mga tauhan niya. Isa itong kakaibang sakit at walang nakakilala ng sakit na ito kundi siya lamang. At siya din ang nagprisintang gawan ito ng lunas.

"Pinuno." Sumaludo si Enzo kay Ramses.

Tumango lamang si Ramses sa kanya bilang hudyat na sabihin ang pakay nito.

"Magaling na po ang mga aliping bantay sa bayan.Ngunit tulad po ng inyong hinala, Sinadya po silang hinawaan ng epidemya." pagbabalita nito sa Pinuno sa ilang taon nitong pang iimbestiga at panggagamot sa mga tauhan nito sa bayan at iba pang lugar.

"Mahabang panahon ang iyong tiniis Lorenzo. At malaki ang iyong naging kontribusyon sa bayan. Ano ang iyong nais?" Dahil sa malaki ang utang na loob nito dito ay bibigyan niya ito ng parangal at pabuya ng anoman ang kaniyang naisin.

"Ang lahat ay aking kusang kontribusyon sa paglilingkod sa bayan Pinuno, ito po ay aking karangalan."Pagtanggi nito ng kabayaran sa pagtulong nito. "Ang nais ko lamang ay tahanang muli ang aking bahay sa may kagubatan."

"Hmn." Nagtaka si Ramses sa desisyon nito. Dati ay nagpumilit ito na magpalipat lipat ng destinasyon kahit hindi naman kailangan. Ang sabi pa niya noong nakainuman niya ito at ito'y nalasing. 'hahanapin ko siya kahit nasaang lupalot man siya,hindi ako titigil'.

Alam ni Ramses kung sino ang tinutukoy nito. Sa ilang beses na nitong nakasaluhan ng alak. Nakwento na nito na mayroon siyang hinahanap na babae, ang babaeng minahal niya ngunit nagkaroon sila ng di pagkakaunawaan. Ang nakakapagtaka ay nadulas ito noon at sinabing ang babae ay kasama niyang nabangga sa aksidente ngunit noong maaksidente ito na mabangga ng nagwawalang kalabaw ay nag iisa lamang siya kaya't ang akala niya ay nahihibang lamang ito dala ng pagkauntog ng ulo nito sa may puno.

"Nakita ko na po siya, Ang babaeng hinahanap ko Pinuno, kaya't kung bibigyan niyo po kami ng basbas sa araw na iharap ko siya sa inyo ay siyang pinakamalaking pabuyang matatanggap ko." Hindi na nag atubili si Enzo na kunin ang pagkakataong makasamang muli ang babaeng minahal noon. Nagsisisi ito sa mga nangyari sa kanilang relasyon.

"Mangyari ang iyong nais" pagpayag ni Ramses. Hindi maintindihan nito ang nararamdaman dahil bigla itong kinutuban ng hindi maganda. "Kung ikaw at ang iyong iniibig ay may iisang nais, Ibibigay ko ang aking basbas. Ang iyong tahanan ay aming napanatiling mahusay ng aking mga alipin. Maaari mo itong tirhan sa kahit kailan mo gustuhin." Dagdag pa ni Ramses sa magiting nitong tagapaglingkod.

Isang maharlika si Enzo tulad nina Salvador. Siya si Lorenzo, nagiisang anak ng mga Martinez. Maaga itong naulila sa magulang ngunit pinalaki itong maayos ng kaniyang mga Lolo't Lola. Bago pa man sila nagsipanaw ay nakita nila ang naging kakayahan ng kanilang apo sa panggagamot at pang militar na taktika. Naging mataas ang tingin dito ng mga tao sa baryo bago paman ito nagpasyang maglakbay sa labas.

"Nabalitaan ko po ang ginawang panloloko sa inyo ng matandang manggagamot, para pagtibayin pa ang mga ginawang pahayag ni Katarina ay nais ko pong tulungan siya sa pansamantalang panggagamot sa baryo. Kung inyo pong mamarapatin." magalang na hiling ni Enzo kay Ramses.

Alam ni Ramses na makakatulong si Enzo sa pagpapatibay ng mga pahayag ni Katarina sa imbestigasyon dahil subok at kilala na ito sa mga katandaan ng baryo at sa bayan. Kaya kahit ayaw nitong may ibang makasama si Katarina ay naisip nitong makakatulong din ito ng malaki sa kanya upang maiwasan pa ang iba pang panganib na nagbabadyang magpahamak sa kanya. "Bukas ay sasamahan ko siyang magtungo sa tahanan mo."

"Maraming Salamat Pinuno" yumuko itong muli para sumaludo sa Pinuno. Makikita ang determinasyon nito sa mga mata. Gagawin niya lahat ng kaniyang makakaya upang mapatawad siya nito at bukas ay pagkakataon na niya.

Walang kaalam alam si Ramses na inilalapit niya sa karibal ang kaniyang target.