Sa tahanan ng mga Marapao,
"Imbitahin ang pamilya ni Katarina ngayon na" utos ni Ramses sa isang aliping bantay ng bakuran.
"Opo Panginoon." pagkasagot nito kay Ramses ay nagtungo agad ito sa bahay kubo nina Kimmy.
Pumasok ang dalawa sa salas nina Ramses kasunod ang kuya nitong si Salvador at iba pang mga alipin.
"Maupo ka" imbita ni Ramses kay Kimmy habang siya ay nakatayo bilang isang maginoo ang babae ang kanyang pinapaupo sa kanyang upuan.
"Salamat." masayang umupo si Katarina. Sa wakas! magkakaroon na siya ng sariling bahay at lupa sa panahong ito. Hindi na niya kakailanganing magpigil ng sarili. Gustong gusto na niyang matulog ng naka shorts at naka bra lang. Gusto niyang gawin ulit ang mga bagay na ginagawa niya dati sa modernong panahon. Matulog ng disoras ng gabi at gumising ng tanghali. At dahil wala siyang trabaho ngayon, magiging busy lang ito kapag may pasyente. "Yiiiihhh" kinikilig si Kimmy sa magiging pamumuhay niya sa sariling bahay.
Napangiti ng kaunti si Ramses sa kinikilos ni Kimmy, excited na ito na makita ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang lokasyon ng kanyang bagong bahay.
Isang lalaki ang bagong dating ang nakahilera sa mga alipin ang nakatitig kay Kimmy mula pa kanina sa labas. Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa. "Kimmy" bulong niya.
Di nagtagal dumating ang mga magulang ni Kimmy.
"Maraming salamat po sa paunlak Mang Mario at Aleng Teresa." pasasalamat ni Ramses sa mga bagong dating.
"Sa amin ang karangalan, Pinuno." bati namang ng mag asawa kay Ramses.
"Siguro'y nabalitaan na ninyo ang pinakitang katalinuhan ng inyo pong anak kanina sa imbestigasyon, di na po ako magpapaligoyligoy pa." sabi ni Ramses.
"Patawad po sa kapangahasang ginawa ng aming anak.!" sabay yuko ng mag asawa kay Ramses.
Nagtaka si Ramses sa mga reaksyon ng dalawa. Madalas nga siyang sundan noon ni Katarina at istorbohin. Ngunit ang Katarina ngayon ay iwas ng iwas sa kanya pagkatapos siya nitong pagsamantalahan. Anong akala niya, na libre lang siya? nagkakamali siya!
"Huwag po kayong mag alala, Ang anak po ninyo ang tumulong sa akin na malutas ang problemang kinaharap ko kanina, kung hindi po dahil sa kanya ay kabi kabilang diskusyon nanaman ang aking kakaharapin, Kaya't sa pagpapalaki ng isang mabuting dalaga sa baryo natin ay Marami pong salamat." yumuko siya sa magulang ni Kimmy ngunit dali dali naman nila itong pinigilan.
"Hindi po kami nararapat. Iyon ay amin pong kagalakan." sagot ng dalawa ng may kapakumbabaan.
"Ganito mag usap ang mga Pilipino noon, sobrang galang, sobrang hinahon, samantalang ako? sobrang garapal." bulong ni Kimmy sa sarili.
"May nais lamang po akong idulog sainyo, sapagka't nangako ako sa inyong anak na tutuparin ko ang anumang kahilingan dahil sa magaling nitong pang iimbestiga." paliwanag ni Ramses sa mga magulang ni Kimmy.
"Ano po iyon Pinuno?" tanong ng Ama pagkatapos tignan ang anak na nakaupo ng kumportable sa upuan ni Ramses.
"Nais niya ng isang sariling residente niya, bibigyan ko po siya dito sa pang pitong bahay dito sa kaliwa, kung inyo pong mamarapatin ay dito na po siya manirahan dahil hinirang ko siyang bagong pansamantalang manggagamot ng baryo. Dito po siya sa malapit upang maiwasan ang naunang pagkakamali. Personal ko po siyang babantayan at ang anumang pagkakamali niya'y kung di makamamatay ay hindi ko po siya parurusahan." Paliwanag ni Ramses sa dalawa.
Hindi agad nakasagot ang dalawa at sinilip mula sa bintana ang pampitong bahay. Yun ay ang pinaka dulong bahay sa kaliwa. Isang bahay na pinakamaganda ang pagkakagawa sa lahat ng pitong bahay sa kaliwa.
"Ngunit Pinuno, ang mga bahay na iyon ay para lamang sa inyong mga babae." sagot ng Ina ni Kimmy. Nag aalala ito sa reputasyon nito bilang isang dalaga na hihiwalay na agad sa pamilya ng hindi nag aasawa.
Nagulat si Kimmy sa sagot ng Ina. Dumungaw ito sa bintana at tinignan ang mga unang bahay. Ang apat ay may ilaw ng bombilya sa loob. dalawang bahay lang ang pagitan niya sa mga babae nito. Bakit kasali siya sa kanila?
Hindi pwede!
"Huwag po kayong mag alala kung inyong papayagan ay maaari ko po siyang pakasalan."
sagot ni Ramses na parang walang issue ang ikasal siya sa kanya.
"Wait!" biglang sigaw ni Kimmy.
Napatingin ang lahat sa kanya at hindi nila alam kung anong sinigaw nyang salita.
"Hindi po iyon ang hiniling ko Pinuno. Ayos lang kahit hindi tayo ikasal." sagot ni Kimmy kay Ramses.
Nagtaas ng kilay si Ramses na parang nakarinig ito ng pang iinsulto. "Ayos lang sa iyo ang ganoong relasyon?" tanong nito.
Nagulat ang mga magulang nito. "Katarina!"
Sa kabilang banda, Nang marining ng alipin nagmamasid kay Kimmy ang tunay na pangalan nito ay bigla itong nagulat.
"Kimmy, Katarina Donaire." bulong ulit nito.
"Anong relasyon? wala po kaming relasyon nay, tay! hindi ko alam pinagsasabi ng lalaking ito." paliwanag ni Kimmy.
"Hmn?" tinitigan ni Ramses si Kimmy. Nakita nito sa mga mata niya na hindi ito nagpapanggap. Hindi na siya mahal nito. Hindi na ito ang dating katarina na habol ng habol sakanya. Hindi nya alam kung matutuwa siya na sa wakas ay hindi na siya nito iistorbohin o maiinis ito dahil ginamit lang siya nito.
"Katarina, ano't bakit ikaw ang nagsasalita? Tumahimik ka muna at pag uusapan namin ito." saway ng Ama kay Kimmy.
"Ama. Patawad po pero wala pa po akong balak mag asawa, nais ko po munang mag aral ng panggagamot, upang makapaglingkod sa baryo at upang sa darating na panahon na kayo ay matanda na ni Ina, Ako naman po ang mag aalaga sainyo" Pambibilog ni Kimmy sa magulang ng unang Kimmy. Alam niya na ang kahinaan ng mga magulang noon ay mapagmahal na anak sa magulang.
"Katarina anak.." maluha luhang hinagkan ng Ina ang anak. "Ganoon pala ang iyong mithiin sa buhay, Anak ko, napakabuti ng panginoon Diyos at binigyan ako ng anak na mapagmahal sa magulang." sabi ni Tere.
Napabuntong hininga na lamang si Ramses, mukhang di gagana ang Plan A nito kaya sa Plan b na siya. "Kung ganoon kabuti ang iyong mithiin Katarina, malaya kang pumili sa mga bahay na iyon." tinuro niya ang tatlo.
Tinignan ni Kimmy ang tatlong bahay sa dulo. mukhang sa pampito parin ang mapipili nito. Bukod sa mas maganda ito sa lahat. Mas malayo naman ito sa mga bahay ng babae niya. "Pwede nako sa Pampito." sagot ni Kimmy. "Ina mahal na mahal ko po kayo ni Ama. Kailangan ko pong gawin ito para sa kinabukasan nating lahat. Maaari naman po kayong dumalo sa akin at walang makapipigil po sainyo." sabay yakap nito sa Ina na luhang luha na sa pambobola ni Kimmy.
Lumambot ang puso ni Kimmy sa Ina ng unang Kimmy ngayon lamang nito naramdaman ang pagmamahal ng isang ina at naalala ang kapatid. "Ina maaari po ba ninyong hayaan si Sol na magpunta sa akin araw araw?" tanong ni Kimmy sa magulang. Kahit hindi siya nito tunay na kapatid ay napamahal narin ito sa kanya.