Chereads / Kakaibabe / Chapter 8 - 8 - Aswang

Chapter 8 - 8 - Aswang

'tuktok tutoktok tok' paunang tugtog nya sa baso at plywood.

"Minsan isang araw

Puso'y napasigaw

Nahulog sa iyo,

Di ko na matanaw

Pangangatwiran ko'y

Di na mapagkatiwalaan,"

Yumuko ito at tinignan ang baso,

biglang pumasok sa alaala ang mga malungkot nangyari sa kanya bago ito nakarating sa nakaraan.

"Umasa sa iyong

Di na mabibitawan,

Nagbaka sakali lang

Di na masasaktan,

Ngunit pangangatwiran

mo'y di mapagkatiwalaan,"

Napapapikit ito habang kumakanta ng

may malamig na boses habang natahimik lalo ang paligid ng makaramdam sila ng pangungulila sa kanyang boses .

"Kaya't pipikit nalang...

Tagu-Taguan,

maliwanag ang buwan,

masarap magmahal

pag hindi iniwan

pagbilang mong tatlo

nakatago na ako

ibalik ako sa nakaraan."

Biglang naalala ni Kimmy nang mahuli ang panloloko ng dating nobyo at kaibigan.

Tumingala ito sa langit na kulay rosas

parang dugo, dugo ng puso niya.

"Langit ang natanaw,

pangarap ay ikaw

Lupa ang nabigay

Di nakapaghintay

sana nagpatintero

at naiwasan ang impyerno."

Yumuko ulit ito sa baso at nginitian ng matabang. at pumikit muli.

"Kaya't pipikit nalang

at baka sakali lang..

Tagu-Taguan,

maliwanag ang buwan,

masarap magmahal

pag hindi iniwan

pagbilang mong tatlo

nakatago na ako

ibalik ako sa nakaraan."

Nagmulat ito ng mata at may kislap ang mga ito dulot ng nangingilid nyang mga luha.

Pero hindi niya pinapatulo.

"Pagdating sa dulo

ako'y nasaktan mo,

sinubukang ipaglaban

sigaw ng puso ko,

ngunit ba't pipilitin

ang di naman para sa akin."

Tumulo ang luha ni Kimmy sa mata ng hindi nya namamalayan.

"Tagu-Taguan,

maliwanag ang buwan,

masarap magmahal

pag hindi iniwan

pagbilang mong tatlo

nakatago na ako

ibalik ako sa nakaraan...

Tagu-Taguan,

maliwanag ang buwan,

masarap magmahal

pag hindi iniwan

pagbilang mong tatlo

nakatago na ako

ibalik ako sa nakaraan...

nung di pa naiwan...

nung di pa naiwan...

nung di mo iniwan...

hmmmmn mnnnn mnnn."

Nagmulat ito ng mata at yumuko.

"Maraming Salamat" at bumalik ito sa tabi ni Sol. Nakangiti ito dahil sawakas natakasan niya si Ramses at siguradong hindi na niya ulit ito papaupuin sa tabi niya dahil magmumukha siyang 'walang hiyang lalaki na nagpipilit sa babae' sa harapan ng maraming tao.

Nagpalakpakan ang lahat at nagsimulang magsiga sa gitna ang mga bantay. Nagsayaw naman ng katutubong sayaw ang mga nais sumayaw.

Naisip ni Kimmy na habang abala sa panonood sa pagsasayaw ang mga tao.

Magandang pagkakataon na yon para sumibat. Uminom muna ito ng alak sa naiwang baso kanina at nagmasid sa paligid ng di halata. Tumingin ito sa pwesto ng mga bantay hanggang sa pwesto ni Ramses.

Nagulat ito ng wala ito sa kinauupuan kanina.

Pero heto na yon. Makakatakas na siya.

"Huwag mo nang balakin pang tumakas."

Kanina pa ito sa likuran niya pero ng mapansin nito ang kakaibang kinikilos nya ay hindi agad ito nagsalita hanggang sa nakuha nya ang gusto nitong gawin.

Nagulat si Kimmy, hindi sya kaagad lumingon pero dahil boses yun ng Pinunong Manyak nila nag isip sya ng ibang paraan.

"Pinuno" malambing na tawag nito, "maupo ka sa aking tabi at saluhan ako." pinagpag ang upuan sa tabi niya na inupuan kanina ni Tino.

Nagulat ang mga nakarinig sa sinabi niya,

Nagbulungan sila dahil sa lantaran nitong pang aakit sa Pinuno.

Nangigigil sa kainggitan naman ang mga babae nito sa malayong mesa na nagmamasid sa kanila.

"shu! shu! Napakalanding aso" bulyaw ng isang malditang babae sa kalapitan nila na nambubulyaw ng aso sa tabi.

Alam ni Kimmy na siya ang pinatatamaan nito kaya't inasar na lang siya nito lalo, alam naman niyang kahit anong ganda ng intensyon meron siya, sa taong inggit, lahat ng ganda ay pangit.

Uupo na sana si Ramses sa pinagpag niyang upuan pero biglang tumayo si Kimmy.

"Pinuno!" sabay yakap dito.

"Anong nangyari?" nag aalalang tanong nito.

"Natatakot ako." hinigpitan pa nito ang yakap at inamoy ang katawan ito. May konting amoy ito pabango.

"Saan? Kanino?" Nagtatakang tanong ni Ramses.

"Ate" tawag bulong ni Sol sa ate. Naloko na.

"May balibalita sa baryo na may aswang na gumagala tuwing gabi, natatakot ako." dinukdok nito ang mukha sa dibdib ni Ramses.

"Sinong nagkakalat ng maling balita!?" tumingin ito sa mga bantay. Nagtataka din ang mga bantay dahil ngaun lang nila ito nabalitaan, sa kanya lang.

Natakot din ang mga babae na nakikinig sa kanila mula pa kanina.

"Sabi nila, ang aswang daw ay nagpapanggap na tao, pero makikilala mo daw sila kung sila ay aswang." tumingala ito sa kanya na mukhang tuta na nanghihingi ng kalinga.

"Paano? sabihin mo." pag aalala nito sa kanya.

"Ang mga aswang daw ay MAINGGITIN sa kung anuman," diin nya sa mainggitin at pinaparinig sa iba pa. "At takot daw sila sa mga ASO." umakap ulit ito kay Ramses.

Napatingin ang lahat sa malditang babaeng nambulyaw ng aso kanina. Nagulat siya kung

panong napasa sa kanya ang masamang atensyon. Nagsalita lamang ito kanina para kamuhian pa ng iba si Kimmy ngayon ay bumalik sa kanya ang masamang atensyon.

"Ipatawag ang kanyang pamilya! igapos at dalhin sa babaylan." pag uutos ni Ramses.

Niyakap si Kimmy at tinapik ng bahagya ang pwetan nito.

Namula si Kimmy sa ginawa nito. Tinitigan nya ito at di siya makapagsalita.

"Huwag kang mag alala, iimbestigahan ko ang balitang ito ng personal." tinitigan niya ito.

Napanatag ang kalooban ng mga nakarinig sa Panginoon nila. Alam nilang kapag siya ang nagtrabaho ay walang pagkakamali.

Napanganga si Kimmy sa na realized nya. Umaacting din pala ito para sakanya. At pati siya ay naloko nya sa galing niyang mag acting na talagang naniniwala siya sa kanya.

Nakalimutan nya na napakataas pala ng tingin nito sa sarili at hindi niya ito tutulungan ng walang kabayaran. Ang titig nito sakanya ang nagsasabi ng 'Kailangan mo akong bayaran'.

"Pinuno, maaari mo na ba akong pakawalan?" mahinang tanong ni Kimmy.

Lumapit ito sa tenga nya at sinabing "Hindi maaari." hiningahan nya rin ito.

Nakaramdam ng init si Kimmy sa tenga at leeg na hiningahan ni Ramses. "Pinuno,

pag usapan natin ng maayos." kinurot nya ito sa likuran.

"ugh." napaungol ito. Hindi alam ni Kimmy na ang likuran nito ang pinakasensitive sa katawan niya. Binuhat nya ito na parang prinsesa.

"Ate!" tumayo si Sol para sundan sila.

"Dadalhin ko sya sa loob ng bahay para ipatingin sa aming manggagamot, kapag ayos na siya ay ihahatid ko siya sa inyo, hwag kang mag alala." pagpapahinto ni Ramses sa pagsunod ni Soledad sa kanila.

Habang naglalakad ang mga ito ay kinindatan ni Kimmy si Sol tsaka nginitian.

Alam ni Sol ang ibig sabihin ng Ate. Ayos lang siya at makakatakas sya ng ligtas. " mag ingat ka ate." Tinignan ni Sol ang Kapatid na kasalukuyang inaalalayan si Tino na nakatulog sa kalasingan. Sinamahan nya nalamang ang mga ito at nagpaalam na sa naka kwentuhan sa mesa.