Chereads / Kakaibabe / Chapter 4 - 4 - Hokey

Chapter 4 - 4 - Hokey

"Ate may sakit kaba?" nag aalalang tanong ni Sol.

Nagtaka si Kimmy sa biglang natanong ng kapatid sakanya. Nang mag suot na ito ng balabal sa balikat ay napansin niya ang mga kiss mark ni Ramses sa kanya. "Langyang Lalaki!"

"Ano ho?" pagtataka ni Sol.

"Wala akong sakit Sol, na higad lang ako kanina sa puno, Walang hiyang higad na yon, Hindi nag iisip. Gusto nya bang ipaaalam sa buong baryo na higad siya!?" nanggigigil na sabi niya. "Paano ba to iipitin?" Sabay yuko sa dalawang magkadulong bahagi ng balabal. "Sol patulong naman, masyado akong nangangati at di ko maayos." palusot ni Kimmy dahil wala naman talaga siyang ideya kung pano isuot ang balabal.

"Hay. Halika nga dito ate" pabuntong hininga ni Sol sa kakaibang pag uugali ng ate niya ngayon at inayos ang suot nito tsaka inipitan ang buhok. "Aanhin mo yang mga dahon ate?"

"Isang buwan!" Sabay taas ng hintuturo niya sa ere. "Sa isang buwan makikita nating dalawa ang magiging resulta! hihi" tawang ngiti nito sa bata.

Buti nalang ay nag aral ito ng extra class sa Home Economics noong nasa modernong panahon pa siya. Sisiw nalang ang paggawa ng shampoo, sabon at lotion para sa kanya. Gagamit nalang siya ng alternatibong baking soda o susubukang gumawa nito. 'Di bat galing lang naman ito sa asin?' Isa't kalahating araw siyang hindi natulog kahit umidlip man para lang makuha ang tamang formula para sa pag gawa ng baking soda.

Isang buwan naging abala si Kimmy sa ginagawang shampoo sabon at lotion gamit ang mga dahon ng narra, coconut oil at beeswax. Kasabay non ay ginagamit na nila ito sa paliligo sa isang batisan kasama ang kapatid nitong si Sol. Sa kabutihang palad ay wala namang mamboboso sa baryo nila. Walang gustong mabugbog ng buong kalalakihan sa baryo.

Nagbunga naman ang isang buwan nitong pagpipiga sa utak. Naging malambot at makinang ang mahaba't itim nitong buhok at naging mas morena ang kulay ng balat nito. Hindi man sila kulay puti gaya ng mga Tsino na paminsan minsang nadadayo sa lugar nila upang makipag kalakal, ay parang kasimputi narin nila sila kaso di katulad nila, di naman sila nagmumukhang anemic sa kaputian.

Napapansin na ito ng mga Kapitbahay. Sa tuwing lumalabas si Sol di maiwasan mapalingon ang mga kalalakihan sa kanya at hangaan ang angkin nitong kagandahan.

Hindi katulad ni Sol. Madalang nalamang lumabas si Kimmy dahil sa mga ginagawang kung anu ano sa sarili. Nagbubunot din ito ng kilay,bagay na hinindian ni Sol, Naiyak ito sa sakit sa unang bunot palang, nagtataka ang kapatid noon kung bakit tinotorture ng ate niya ang sarili nya sa ganong paraan pero di kalaunan ay naintindihan na nito ang mga kinikilos niya. 'Nagpapaganda si Ate, pero para kanino?'.

Sa batis ng labahan, naglalaba si Sol ng mga maruruming damit nila kasama ang iba pang babae sa baryo na naglalaba din.

"Nalaman niyo na ba ang bagong usapin?" sabi ng isang ginang sa iba pang ginang na naglalaba din.

"Ano naman yon ale?" Tanong ng isa.

"Isang buwan na daw ang lumilipas noong pinasukan ang bahay ng mga Marapao ng isang babae at pinagsamantalahan si Pinunong Ramses." sagot ng ginang.

"Pinagsamantalahan? Isang babae? Napakalanding babae naman yon!" Sabi ng isa pa at tumango ang iba maliban kay Sol na nakikinig lamang sa mga nakakatanda.

"At Dahil hindi pa nahuhuli ang babae, magbibigay daw ng malaking pabuya ang Pinuno sa makapagbibigay ng balita." Tuluy pa ng nagkukwentong ginang.

"pero paano naman natin siya makikilala?" tanong ng isang nasilaw sa pabuya.

"May malalaki daw itong dibdib" sagot niya at nagtinginan ng dibdib ng mga ginang ngunit dahil di kalakihan mga dibdib nila ay bumalik sila ng tingin sa nagkukwento.

"Mahirap yun." Panghihinayang ng ginang na nasilaw sa pabuya kanina

"Oo mahirap! kaya nagdesisyon ang batang panginoon na sa pista ay magkakaroon ng pagtitipon sa bahay ng marapao at lahat ng kadalagahan sa baryo ay dapat magpunta, ang hindi daw dumalo ay paparusahan." paglilinaw ng ginang.

Habang nagkukwentuhan ay napansin nilang bumubula ang mga damit na nilalabhan ni Sol.

"Aba't bumubula ng mabango ang nilalabhan mo, ano yan Sol?" tanong ng ginang na nagkukwento kanina.

"Gumawa po ng sabong panlaba ang ate." maikling sagot ng bata na nagbabanlaw na ng damit. Isang babae ang nagbanlaw ng damit sa dinaluyan ng tubig ng pinagbanlaw ni Sol para makakuha ng bango ang damit nila.

"Ah, Si Katarina! Hula ko'y galit na galit ngayon ang ate mo sa babaeng iyon?" Pagtatanong ng ginang dahil kalat na kalat sa baryo ang pagpapakamatay nito noong tanggihan siya nito ni Ramses.

Sa edad na 22 wala pa itong asawa kahit marami ng babae ang nakatira sa bahay nila.

Mga aliping babae dahil nagmula sila sa tribo na normal lang ang magkaroon ng maraming babae ang isang lalaki pero sa abot parin ng makakaya nitong buhayin. Sa ngayon ay mayroon na siyang apat na babae pero walang asawa. Kaya't noong napili siya ng mga magulang nito ay tuwang tuwa siya. Sino ba si Ramses? Siya ang panginoon ng baryo. Sa murang idad ay napatakbo nya ng maayos ang kalakaran ng baryo. Dahil sakanya nagkakaroon ng kalayaan ang mga nakatira sa baryo sa kabila ng mga nagbabadyang kaguluhan sa labas.

Sinasabing si Ramses ay ampon ng mag asawang Marapao. Sa kabila noon ay tinuring parin nila itong tunay na panganay na anak, dahil sa angkin nitong talento mula pa nong musmos palang ito ay pinakamagaling na ito sa mga magagagaling.

Pagdating sa paghawak ng tabak, ng yantok at iba't ibang uri pa ng armas panlaban siya ang nangunguna sa lahat.

Maging sa pangangalakal,

Sa edad na kinse ay nakuha niya ang monopolyo sa palayan.

Hanggang sa ipadala ito ng ama sa isang lugar na pangungunahan at poprotektahan niya gamit lang ang sariling kakayahan.

Kahit ang mga babae sa mahaharlikang pamilyang tulad ni Kimmy ay willing maging kahit babae nalamang niya.

Ngunit tinanggihan parin si Kimmy sa di malamang dahilan ng batang panginoon.

"Hindi na po, ale. Tinanggap na po ng maluwag ng ate ko na hindi siya nito magugustuhan."Sabay tumayo nito sa kinauupuan at binuhat ang mga natapos na labahin para magsampay na sakanila.

Sa bahay ng mga Donaire.

"Makipagpalit ka ng panggapas sa mga inahing baboy ni Mang Esteban para makatay natin bukas at maihain sa Pista." wika ng ina sa asawa. Sa baryong ito ay wala pang salapi,

palitan parin ang kalakalan.

"Makikipagpalit na ako mamaya, handa na ba lahat para bukas? natapos mo bang kiskisin ang mga palay kanina?" Tanong ng Ama ng Tahanan.

"Handa na lahat Mario pero nag aalala ako kay Katarina, bukas ng hapon na ang pagtitipon pero hindi parin siya lumalabas ng bahay." pag aalala ng ina nila Kimmy.

"Huwag kang mag alala Tere, mabuti parin naman ang pakikitungo ng mga Marapao sa atin. Alam kong palalagpasin parin nila ang anuman magagawang pagkakamali ni Katarina sa pagkatitipon gaya ng dati." sabay haplos sa balikat ng asawa.

Sa loob ng kwarto ni Kimmy.

"Ate, hindi ka ba talaga dadalo ng pagtitipon?" tanong ni Sol sa Ate nitong nag iimbak ng shampoo at lotion sa kanyang kabinet.

"Para saan pa? Hindi rin naman ako hahapin non." binilang nya ulit ang mga ito. " Kayo din naman nagsabi na iwasan ko na siya, ngayong umiiwas ako kayo naman nagpipilit sa akin dumalo ako doon." pagkatapos bilangin ay isinara na nito ang kabinet at hinarap ang kapatid nitong nangungulit.

"Hindi naman po sa ganon, Hayy, Ate naaalala mo pa ba si Constantino?"

"Constantino?" nag isip ng malalim at hinalukat sa mga ibinigay na alaala ng unang Katarina sa kanya. "Ah si Tinong Mestiso? Napano naman siya?" Siya ay anak ng isang Tsino at Malay pero dahil iniwan ito ng Amang Tsino at naipit sa kaguluhan ang Ina nitong Malay ay inampon ito ng kaibigan nitong taga baryo. Namuhay ito na gaya ng mga pilipino kaya naging kayumanggi din ang kulay ng balat niya. Ang mapupungay nyang mga mata ang nagpapaalala sakanya ng kanyang Ama. Hindi sya katatanggap tanggap noon at tanging si Katarina lamang ang kumaibigan sakanya. Dahil don ay nagsikap itong maging karapat dapat. Nag aral ng pangingisda, paghawak ng mga sandata, at naging isa sa magagaling na alagad ng Marapao na ipinadala sa ibang bayan kasama nito doon si Salvador, ang kuya nina Kimmy.

"Nagpaaabot po siya ng mensahe para sa iyo na dadaluhan po daw niya ang pagtitipon." Paliwanag ng kapatid. Hinahangaan din ito ni Sol pero dahil sa ate lang nya kaya siya kinakausap nito,kaya todo ang pakiusap nito sa ate.

"Ok sige, dadaluhan ko na." na curious si Kimmy sa kung ano talaga itsura ng mga mestiso, Tinatawag na mestiso ang mga taong may magkaibang lahi na magulang noon. Sa mga alaala naman kasi nya ay mga blurred lang ang mga itsura nila. Ang paguusap lang nila noon ng dating Katarina ang malinaw.

"Ano pong 'hokey'? " Nalilitong tanong ni Sol

"Ibig sabihin ng OK ay 'walang problema'" panghuhulang sagot ni Kimmy sa kapatid. "Patingin nga ng isusuot mo?" Dahil wala itong ideya kung ano isinusuot ng mga tao sa baryo tuwing pista sakanila ay kokopya nalamang sya sa kapatid.