Chereads / Kakaibabe / Chapter 6 - 6 - pagtitipon

Chapter 6 - 6 - pagtitipon

"aww. bakit ba!? anong masama sa biro ko."

nagtatakang tanong ni Kimmy kung bakit takot na takot ito.

"Kuya." tumingin ito sa kuya niya na may mukhang humihingi ng tawad.

"Hayaan mo na Sol, Hindi naman maaaring mangyari yon ngayon sa atin." pagpapasensya ng kuya.

'may something akong na missed na impormasyon kay kuya,what is it kaya?' pag iisip ni Kimmy.

"Ihanda nyo na mga sarili ninyo sa pagtitipon." tumayo ito at lumabas ng bahay iniwan sa sala ang mag ate. Tumingin ito sa itaas ng bundok. "Gabriela."

Sa Bahay ng mga Marapao.

Maagang nagsidatingan ang mga bisita at karamihan dito ay mga kababaihan sa buong baryo. Sa pagpasok palang ay may ginawa na silang pagsusuri. Pinapahawak nila sa isang yantok ang bawat babaeng papasok ng bakuran. Para hindi maalarma ang salarin sinabing may kakayahan ang yantok na pumili ng magmamay ari pero ang totoo. Sino man ang humawak sa yantok ng nakataas ang hinliliit ay dadalhin sa kulungan para mahusgahan.

Ngunit makalipas ng isang oras ay malapit ng maubos ang mga babaeng inimbitahan ay wala paring senyales ng babae.

"Panginoon, Nakahawak na po sila lahat

pero wala parin." balita ng alipin sa amo.

"Nandito na ba lahat?" pagtataka ni Ramses.

"Nandito na po lahat bukod sa dalawang anak na babae ng mga Donaire." tugon ng aliping bantay.

'Di ako nagkamali, ang paghawak nya sa akin ay parang apat na daliri lng ang nakahawak sa magkabilang kamay. Hindi kaya....' nag isip muna ito ng malalim. 'Hindi kaya putol ang mga hinliliit niya?'

"Imposible naman na ang babaeng hinahanap mo ay isa sa magkapatid na Donaire." sabi ni Maria na pumasok sa isang silungan na kinauupuan ni Ramses kasama ang dalawang kanang kamay nito. Ang isa sa kanan ang pinaka tapat kay Ramses at ang isa naman ay ang nagbigay sa kanya ng inumin noon na sa kasamaang palad ay nakuha ng iba ang pagkakataon, hawak ni Maria ang katapatan ng aliping ito.

"Ito'y usaping hindi nararapat punahin ng isang mabuting babae." paalala ni Ramses na may panlalamig ng kalooban. Si Maria ang nagsumbong sa kanya patungkol sa inumin ngunit ang hindi niya nalalalaman ay napansin na ni Ramses na hindi si Antonia ang nakasiping nito dahil bukod sa noong muli niya itong nakasiping at napansin ang pagkakaiba ay nakita niya ang mga bahid ng dugo sa kanyang higaan. Pinatingin nya ito sa mga kumadrona at sinabi nilang ang dugo ay galing sa isang birhen.

Alam niyang may mas malalim pang naganap noon pero kailangan nya munang mahanap ang babae, hindi lang dahil nakakainsulto ang hindi nito paghingi ng responsibilidad sakanya kundi dahil hinahanap hanap siya ng kanyang pandigmaang pag aari.

"Nais ko lamang makasalo ang aking Panginoon, ngunit nakikita kong abala ka sa ibang bagay,Paumanhin." yumuko ito sa harapan ni Ramses.

"makakaalis kana." sabay kampay ng kaliwang kamay nito sa ere para paalisin siya. Alam niyang may kinalaman ito pero ano. Sabay lagok ng isang inuming alak. Tumayo na ito para pasimulan na ang pagtitipon. " Simulan

na.." napahinto ito ng makita ang pinagkakaguluhan ng madla. Ang dalawang maladiyosang babaeng papasok sa bakuran nila, napa nganga sila dito lalo na sa mas nakakatandang nakasuot ng filipiana pero may telang habi itong nakasabit sa balikat nya hanggang kabilang baywang na ka istilo ng mga damit pang tribo. Ang buhok nito ay may tirintas sa magkabilang itaas ng patilya patalikod hanggang magdugtong ang dalawa. parang nagsisilbing magandang tali ito para sa nakalugay na magandang buhok na lumalangoy sa hangin. Ang kutis nito ay mas malinis ang pagkamorena sa nakababatang kapatid, para silang pares ng isang dalagita at isang ganap na dalaga. Ang kaputian nito sa mukha ay natural na balat hindi katulad ng iba na nagpahid lng ng pulbos na galing sa ibang bayan.

Ang mga kamay nito ay makikinis kasama pati ang mga mahahaba nitong daliri na lalong pinahaba ng mga kuko nitong paoblong ang hugis.

Naka hugis din ang mga mala ilusyon nitong mga kilay at pilik mata. pula parin ang mga labi nito kahit matapos nitong maligo kaya't di man siya nagpahid ng katas ng nakakalasong prutas. May kulay parin itong nagmumukhang natural.

"Sino siya?"

"Isang Diyosa sa Lupa!"

"Ang Babaylan ng karagatan!"

"Bakit kasama siya ni Soledad?"

"Si Soledad nga!"

Nagdiskusyon ang mga bisita at kababaihan sa madla kung sino ang napakagandang babaeng kasama ni Sol. Nang mapansin nila ang grupo ng mga lalaking nakasunod sakanila.

"Si Salvador at Tino! At ang mga bagong bantay!" turo ng isang bantay na nakakilala sakanila.

Napalingon si Kimmy sa likuran nila, Hindi nila kasabay pumunta ang kuya dahil dinaanan pa nito ang mga bagong recruit nilang bantay.

Sobrang natuwa si Kimmy sa mga gintong ibinigay ng kuya sa kanya kanina kaya ng makita niya ulit ito ay napangiti siya napakasaya. Dahil sa pag ngiti nito ay lahat ng kalalakihan sa pagtitipon noon ay napalunok tulad din ng kanilang Panginoon.

"Kyahhh!" patakbo itong lumapit sa kuya at hinagkan ang isang braso nito. Ang kaliwang kamay nito ay nakasakbit sa kanang kamay ng kuya habang ang kanang kamay nito ay nakataas at nakapatong sa braso ng kuya na nakataas ang hinliliit nito ng bahagya. Hindi ito napansin ng mga bantay pero nakita ito ni Ramses.

"Kyah?"

"Kuya?"

"Kuya nya si Salvador?"

"Si Soledad ang isa,ibig sabihin Siya si.."

"KATARINA!!??"

Na shookt ang buong madla ng makilala kung sino ang mala Diyosa sa kagandahan ang napadpad sakanila. Siya pala ang version ni Katarina kapag nakaligo.

Napanganga ang mga bagong bantay sa tabi nila sa sobrang ganda ng kapatid ni Salvador at ang awra nito ay parang isang perlas habang ang kuya ay parang isang tabak.

Ngunit sa harapan ng kapatid ngayon ay isa siyang kuyang puno ng pangluluho at pangungunsinti.

Papasok na sana si Sol ng harangan siya ng dalawang bantay. "Anong ibig sabihin nito?"

"Huwag kang matakot Sol, isang pagsusuri lamang ito para sa mga kababaihan, ang yantok na ito ay may kakayahang pumili ng magmamay ari. Hawakan mo lang ito at malalaman namin." paliwanag ng isang bantay.

"Ganito lang po ba?" hinawakan nya ito ngbisang kamay sa gitna ng matabang yantok.

"Yantok na ganyang kataba? at ganyan lang kahaba. Siyam na pulgada?" mahinang tanong ni Kimmy, nagtataka ito sa kakaibang paraan.

"Isang pagsusuri lamang yan, walang kakayahang pumili ang mga walang buhay." paalala ng kuya kay Kimmy.

"Isang normal lang naman na yantok yan bukod sa hawig itong..." biglang naalala ni Kimmy ang sukat ng yantok at sukat ni Ramses noong nagkantahan sila. Namula siya. Hahawakan na niya sana ito ng napatingin siya kay Ramses na nakatitig din sa kanya. Pinaikot ni Kimmy ang mga mata nito sa kanya. "Manyakis" mahinang paratang nito. 'Sinong mag iisip ng ganitong paraan para lang mahuli siya?? Siya lang!' hinawakan nya ito nong una ay nakataas ang hinliliit nito at na alarma agad ang mga bantay ngunit agad din nya itong inilapat kaya't napanatag ang kalooban nila.

"Maaari na ba akong pumasok?" tanong ni Kimmy sa mga bantay na magiliw makitungo sa kanya.

"Maaari po, Kapatid na Salvador, Kapatid na Tino, pumasok na rin po kayo." pagkapasok ng lahat ay isinara na nila ang bakuran.

Nanggigigil sa inggit ang ilan sa kababaihan sa magiliw na pakikitungo sakanya ng mga bantay ng Marapao dahil hindi sila ganito sa lahat.

Hindi inalis ni Ramses ang tingin niya dito.

Kung nakamamatay lang ang tingin nito ay ilang beses na sanang namatay si Kimmy ngayon.

"Simulan na ang Pagtitipon!" sigaw ni Ramses. atsaka nilagok ang baso nitong may alak.

Inilapag ang mga inihanda nilang pgkain sa isang mahabang kawayang mesa. sa loob ng mga paso na may dahon ng saging ang mga ulam at kanin. Ang magiging plato ng mga bisita ay ang mga iniayos na maliliit na bilao na may nakapatong na dahon ng saging.

Habang kumakain ang mga ito ay sinimulan na ang pagtatanghal ng mga ilang katutubo.

Ang unang pagtatanghal ay tinikling. Isang katutubong sayaw na ginagamitan ng mga dalawang pares ng kawayan at patutugtugin ito na sasayawan naman ng isang babae na may hawak na pamaypay at isang babae na may hawak na payong ay isang lalaking may sandata't kalasag.

Pagkatapos ng pagtatanghal ay pumalakpak ang lahat.

"Ang galing!" tuwang tuwang sabi Kimmy.