Chereads / PINOY HORROR STORIES / Chapter 17 - 3 real spooky experiences ni Jokan at ng mga kasama nya

Chapter 17 - 3 real spooky experiences ni Jokan at ng mga kasama nya

Dahil malapit na ang Halloween, ibabahagi ko sa inyo ang mga karanasan ko at ng mga taong nag share sa akin ng mga karanasan nila. Mas madali sana kung ina-narrate ko diretso pero para sa mga tagasubaybay natin na naka freedata ay isusulat ko nalang. Siguro ang ibang kwento na maaalala ko after sa post na ito ang ina-narrate ko. Gusto ko rin kasing ma practice ang narrating skills ko dahil may YT channel po akong pinalalago. Sana'y mabisita nyo rin po ito. Ilalagay ko ang link sa dulo ng post na ito. Maraming Salamat po sa supporta nyo, dahil po sa inyo kaya patuloy kong nilalabanan ang katamaran para makapagsulat ahahaha.

Mag Umpisa na tayo.....

Ikukwento ko sa inyo ang mga karanasan namin simula ng paglipat namin nag tirahan dito sa Negros.

1st Story: Nasa Cebu pa kami noon nung pinagawa ni papa ang bahay namin sa Negros. Sa Negros kasi nadestino si papa kaya naisipan nila ni mama na lumipat na dito. Dahil hindi pa tapos ang bahay noon, si papa lang muna ang tumira. Kulang nalang noon ang CR at dirty kitchen, tapos nang gawin ang dalawang kwarto at living room.

Isang gabi, galing si papa sa work nun tapos umuulan kaya basa si papa nang dumating sa bahay. Una niyang ginawa ay nagtimpla ng kape, sa living room siya nagtimpla kasi hindi pa gawa ang kusina. Pagakatapos niyang magtimpla hindi muna niya ininom ang kape dahil masyadong mainit pa ito. Pumunta muna siya sa banyo at binuksan ang tubig para mapuno ang balde na gagamitin niya para maligo. Pagkatapos binalikan niya ang kanyang kape sa living room. Nagulat nalang siya ng wala na sa pinaglagyan niya ang kape, hinanap niya pati sa kwarto pero hindi niya ito nakita. Habang naghahanap si papa sa kanyang kape bigla nalang may malakas na kalabog sa banyo, parang may bumagsak na balde na puno ng tubig. Pinuntahan ni papa ang banyo at nakitang ang balde na sinaluran niya ng tubig ay wala ng laman at nakataob na sa sahig. Inakala niyang may nag titrip sa kanya kaya sinabi niya na hindi nakakatawa ang biro nila. Inutusan niya itong magpakita ngunit walang lumabas, laking gulat nalang niya ng parang may nabasag na baso sa living room. Pagpunta niya sa living room nakita niya ang basag na baso ng kape sa sahig malapit sa mesa na sa pagkakatanda niya'y doon niya nilagay ang kape. Ngunit wala doon ang kape nung hinanap niya ito kanina. Sa takot, pumunta si papa sa opisina niya at doon na nagpalipas ng gabi.

2nd story: Umuwi si papa sa Cebu para sunduin kami at dito na sa Negros tumira. Iniwan niya para magbantay ng bahay ang kapit bahay namin ngayon na si Jojo. Binata pa siya nung mga panahong yun.

3 Days pa bago kami dumating sa Negros kaya 3 days and 2 nights siyang magbabantay sa bahay.

Unang gabi palang niya sa bahay, may naramdaman na agad siya. Parang may nagmamasid lagi sa kanya at may sumisitsit sa kanya mula sa labas. Pero pag tinitingnan niya sa bintana wala namang tao. Hindi makatulog ng maayos si Jojo sa gabing iyon dahil sa mga sumisitsit sa kanya. Dagdag mo pa ang init ng panahon dahil walang aircon o bentilador man lamang. Mag aalas tres na ng madaling araw ngunit palagi siyang nagigising mula sa kanyang pagtulog. Kumuha siya ng karton para gawing pamaypay at nagpaypay hanggang sa makatulog siya uli. Nagtaka nalamang siya ng mapansing parang may nagpapaypay sa kanya. Titingnan nya sana kung saan galing ang malamig na hangin ngunit sa sobrang dilim wala siyang makita. Tumayo siya mula sa kanyang pagkakahiga nang biglang may humampas sa kanyang mukha ng pamaypay na ginamit nya kani-kanina lang. Sa takot niya'y nagtago siya sa kumot hanggang sa makatulog siya.

2nd night ni Jojo sa bahay namin. Natatakot na siyang matulog mag-isa sa bahay dahil sa naramdaman niya sa unang gabi kaya sinama niyang matulog sa bahay ang pinsan niyang si Jingle. Kilalang tigasin si Jingle sa amin, madalas siyang nasasangkot sa basag ulo. Kilalang walang kinatatakutan kaya siya ang sinama ni Jojo sa bahay.

12am ng magising nanaman si Jojo dahil sa init, ngunit hindi bumangon si Jojo sa takot na baka may mangyari nanaman katatakutan. Bahagyang binuksan ni Jojo ang kanyang mga mata at nakita si Jingle na nakaupo habang nakaharap sa kanya at nakatingala sa ibabaw ng kinahihigaan ni Jojo. Dahil sa kuryusidad pasimpleng tumingin si Jojo sa ibabaw ng kanyang kinahihigaan at halos iwanan ng kanyang kaluluwa ang kanyang katawan sa takot dahil nakalutang sa ibabaw nya ang isang nakaputing babae na may mahaba at itim na buhok. Dugoan ang bibig nito at may malaking sugat sa leeg. Nakalutang ito sa hangin habang nakatitig sa kanya. Sa takot ay tumakbo si Jojo sa labas na umiiyak. Pupunta sana siya sa bahay nila ng makasalubong niya sa taniman ng kalabasa ang isang napakalaking aso na kulay itim at nanlilisik ang mga pulang mata nito. Dahil sa takot ay natumba si Jojo bago tumakbo pabalik sa bahay. Nakasalubong niya si Jingle na tumatakbo rin galing sa bahay. Nagtungo ang dalawa sa bahay ng kanilang tiyahin at doon nagpalipas ng gabi. Kinabukasan tinanong ni Jojo si Jingle kung ano ang nakita nito at nagtatakbo rin ito palabas ng bahay. Sinabi ni Jingle na hindi siya natatakot sa puting babae dahil hindi naman daw ito nananakit, ang ginawa lang daw ng white lady ay ang titigan si Jojo habang natutulog. Ang kinatakutan niya sa bahay ay nang lumutang ang kama at parang ibinalibag ito papunta sa kanya, buti nalang daw at mabilis siyang nakailag at tumakbo na siya sa labas.

3rd story: Nangyari to sa akin nung ako ay walo o siyam na taong gulang. Kaka open palang ng 3rd eye ko noon, noong una ay takot na takot ako sa mga nakikita ko hanggang sa masanay ako sa mga biglang sumusulpot na ibat-ibang nilalang.

Noong gabing iyon sa kwarto nila mama at papa ako natulog dahil natatakot ako sa mga naririnig ko sa kwarto. Nasa gitna ako nina mama at papa natutulog ng bigla akong nagising sa malakas na dabog sa pinto. Nagising din si papa noon at tinanong kung sino at anong kailangan nila. Ngunit imbes na sagot ay mas malakas na dabog na katok ang umalingasaw. Sinabi ko kay papa na baka bettle lang yun na bumabangga sa pinto namin. Pagkatapos na pagkatos kong banggitin yon ay mas lalong lumakas ang pagkatok sa pinto. Hindi namin ito binuksan hanggat hindi nagsalita at nagpakilala ang kumakatok. Kinuha ni papa ang kanyang shotgun at ikinasa ito para marinig ng kumakatok sa pinto. Sinigawan ni papa ang kumakatok na kapag hindi siya tumigil ay papuputukan siya ni papa.

Kinabukasan, pagkabukas ko ng pinto nagulat ako ng makitang puno ng uling ang aming main door. Nagtanong kami sa mga kapitbahay namin at sinabi nila na ang nilalang na iyon ay mga sigbin. Dapat huwag lang namin silang pansinin dahil hindi naman magtatagal sa isang lugar ang mga sigbin at silay aalis din.

Habang ginagawa ko ito ay inabutan ako ng antok. Kaya hanggang dito nalang muna tayo, baka inarrate ko na ang mga kasunod.