Chereads / PINOY HORROR STORIES / Chapter 19 - Pangil sa Pangil

Chapter 19 - Pangil sa Pangil

Wakwak at tadtad ng sugat at kagat ang katawan ng isang babae na natagpuan sa may talahiban. Hindi maipaliwanag ng mga residente dito kung ano ang totoong nangyari sa babae, pero unang naisip nila ay ginahasa ito bago pinatay. Hindi na nakikilala ang mukha nito sa sobrang dami ng sugat at kagat. Nakatanaw lang sa malayo si Tessa habang nagkakagulo ang mga residente sa natagpuang patay sa kanilang lugar, ito kasi ang unang beses na nangyari ito kaya nababahala sila

"Ahahaha mga taong walang alam! Simula pa lang yan at may marami pang kasunod"

Sa isip2x niya habang gumuhit sa kaniyang mga labi ang ngiti na parang may binabalak na masama. Nang sumapit ang gabi pagala gala lang si Tessa sa lugar, dayo lang kasi siya doon, wala siyang matutuluyan kaya inuubos niya ang kanyang oras sa paglilibot. Palipat lipat siya ng lugar at bawat napuntahan niya ay may binibiktima siya.

"Ang sarap ng pakiramdam ko, hindi pa ata natunaw ang nakain ko kagabi, sobrang daming dugo ang aking nainom at ang tamis ng laman ng aking nabiktima!" Si Tessa na kinakausap ang sarili..

"Wetwew..wetwew"

Sipol ng isang lalaki na nakatambay sa may tindahan na nadaanan niya, napakaganda kasi ni Tessa, mahaba na kulot ang kanyang buhok, morena at balingkinitan ang katawan. Bakat na bakat ang katawan nito ang suot niyang bestida na kulay asul. Mala Lovi Poe ang hitsura kaya sino ba naman ang di mahuhumaling sa kanya? Ang di lang nila alam ay may itinatago pala itong malahalimaw na anyo.

"Miss! Wala ka atang kasama at parang bagong salta ka dito sa lugar namin baka gusto mong samahan kita sa paglalakad, mahirap na't baka mapagsamantalahan ka, may gumagalang rapist at killer dito."

Sigaw ng lalaki na halatang manyakis ang hitsura.

"Busog pa ako pero parang makakakain na naman ako nito ngayong gabi."

Sa isip ni Tessa.

Lumapit si Tessa sa mga nakatambay na mga binata

"Bagong salta nga ako dito at di ko pa kabisado ang lugar, sa katunayan naliligaw na ako di ko na alam ang daan pabalik sa aking tinutuluyan"

Pagsisinungaling nito.

"Pwede mo ba akong samahan?"

"Sige na samahan mo na! Kawawa naman si miss baka makatagpo pa yan ng iba sa unahan"

Kombinse ng mga kaibigan nito.

Agad na tumalima si Isko excited na excited siya na samahan ang babae at tumingin pa siya sa mga kasama niya na may ibig ipahiwatig at napansin iyon ni Tessa. Malayo layo na rin ang kanilang nalakad. Nang napadaan sila sa may talahiban sa isang bakanteng lote ay biglang hinawakan ng binata ang kanyang beywang.

"Baka gusto mo munang huminto dito at magpainit, alam mo bang sabik ako sa mga tulad mong magaganda?" Si Isko na tila naglalaway na nakatingin kay Tessa. Wala lang imik si Tessa alam na kasi niya na mangyayari ito kaya di na siya nagulat pa. Mahigpit ang pagkahawak ni Isko sa kanyang beywang at hinalikan siya nito. Sadyang malikot ang mga kamay at nguso ni Isko na kung saan-saan umaabot. Maya maya pa ay biglang nag iba ang anyo ni Tessa, dahilan ng daliang pag atras ni Isko. Mapupula at nanlilisik ang mga mata ni Tessa, nakalabas ang matutulis na pangil sa kanyang bibig at itoy naglalaway, humaba ang mga braso nito at may mahahabang kuko na pagnasakmal ka ay siguradong tataob sa iyong katawan.

"Oo gusto ko ngang magpainit ngayong gabi, gusto kong tikman ang dugo mo na mainit init pa!"

Hindi makapagsalita si Isko sa takot pinipilit niyang sumigaw ngunit parang may nagpipigil sa kanya.

Dinilaan ni Tessa ang kanyang mukha

"Uhmmm! ang bango, sariwang sariwa! Ano kaya ang uunahin ko?"

Ibinaon ni Tessa ang kanyang matatalim na kuko sa leeg nito upang itoy dumugo. Sinipsip ni Tessa ang dugo, at nang nabitin ito sa daloy ng dugo ay kinagat niya ang leeg ni Isko na halos natanggal ang kalahati ng leeg nito. Binuksan niya ang dibdib ng binata at hinugot mula dito ang pusong pumipitik pa at buong isinubo sa kanyang bibig habang nakatingin ang nawawalan nang malay na i Isko. Matapos ubusin ang puso ay hinila naman nito ang mga lamang loob at nagpatuloy na kumain.

Nang mabusog na siya ay pinaglaruan niya ang katawan ng biktima. Pinagkakalmot at pinagkakagat niya ang katawan ng binata at huminto lamang nong may narinig siyang ingay. Dali dali siyang nagtago at tiningnan kung sino ang mga dumating. Mga kaibigan pala ni Isko at hinahanap siya, gusto din nilang makisali sa binabalak sana ni Isko na masama kay Tessa. Agad na bumalik sa pag aanyong tao si Tessa at tahimik na lumayo sa lugar. Dugoan pa siya ng mga sandaling iyon at hindi siya pwedeng makita ng kahit na sino. May nakita siyang bahay sa di kalayuan at maswerte siya kasi may mga nakasampay na mga damit sa labas, nagmamadali siyang naglakad papunta sa bahay at kumuha ng pares na damit at nagbihis. Pagkatapos ay dali dali siyang umalis.

Kinaumagahan nagulantang na naman ang mga tao sa lugar na iyon. Natagpuan ng mga kaibigan ni Isko ang bangkay nito na may malaking sugat sa leeg at nawawala ang mga lamang loob nito. May mga hakahaka ang mga tao na nakiki-osyoso, ayon sa kanila, maaaring si Isko ang gumahasa at pumatay sa babaeng natagpuang kumakailan lang. At ipinghiganti ng pamilya ng babae ang nangyari sa kanya kaya pinatay nila si Isko. Halatang galit na galit daw ang pumatay kay Isko sa kanya batay sa mga natamong sugat nito.

Dahil sa mga patayan, bumuo task force ang kapulisan na nag roronda sa lugar tuwing gabi. Kaya nagpasya si Tessa na lumipat sa siudad, para makaiwas sa mga nagroronda. Siyang-siya siya si Tessa sa kanyang mga nakikita, ang daming tao, may mga bata, mga dalaga't binata. Ang ganda nilang tingnan, sa kanyang mga mata kahit may mga suot itong mga damit ay nakikita niya ang mga lamang loob ng mga ito. Bigla siyang naglaway pero pinipigil niya ang kanyang sarili, hindi pa ito ang tamang panahon.

Dumaan ang ilang araw, muling nagutom si Tessa. Lumabas ito mula sa madilim na esterong pinagtataguan niya. Malapit sa estero ay ang lumang gusali ng isang motel. Inakyat niya ito, gamit ang matatalas niyang kuko ay madali lang ito naakyat. Nagtungo siya sa isang bakanteng kwarto at binuksan ang nakalock na pinto. Naligo siya para mawala ang amoy ng estero sa kanyang katawan. Kailangang malinis at mabango siya para muling makaakit ng biktima. Habang naliligo siya, napansin ng matandang tagalinis na may nakapasok ng walang pahintulot sa kwarto. Tumawag siya ng guard para sitahin kung sino man ang pumasok sa kwarto na iyon.

Laking gulat ng dalawa ng tumambad sa kanila ang hubo't hubad na babae na lumabas galing sa shower.

"Sino ka?! bakit ka pumasok dito ng walang paalam?! At saan ka dumaan?!" Sunod-sunod na tanong ng guard.

Hindi sumagot si Tessa, ngumiti lamang ito at naglakad sa gitna ng guard at ng tagalinis papunta sa pinto. Agad na hinablot ng guard ang kamay ni Tessa sa pag-aakalang tatakas ito. Laking pagtataka nito ng isinara ni Tessa ang pinto.

"Wag kang mag-alala, hindi pa ako aalis sa kwartong ito. May gagawin pa ako sa inyong dalawa." Maharot na pagkakasabi ni Tessa habang hinimas ang pisngi ng guard.

"Ma'am, hindi mo ako matutukso, may pamilya po ako. Magbihis po kayo at dun tayo sa Managers office mag usap." Sagot ng guard.

"Ahahaha mali ang iniisip mo." Sabi ni Tessa at inakbayan ang dalawang lalake.

Napansin ng guard na unti-unting bumibigat ang kamay ng babae sa kanyang balikat at unti-unting bumabaon ang mga kuko nito. Laking gulat niya ng sa kanyang paglingon ay nagbago ang itsura ng babae. Ang kaninay magandang mukha'y napalitan ng kahindikhindik na halimaw. Binunot niya ang kanyang baril at agad pinaputokan ang halimaw. Derekta itong tumama sa ulo nito at ito'y natumba sa sahig. Hihilahin nya sana ang tagalinis palabas ng kwarto ngunit nang hilahin nya ito'y katawan nalang ito at wala nang ulo.

Kumaripas ng takbo ang guard palabas ng kwarto ngunit biglang may humila sa kanyang paa. Buhay pa ang halimaw na sa mga oras na iyon ay naghilom na ang sugat mula sa tama ng baril.

"San ka pupunta?! Hindi pa ako tapos sayo!" Sigaw ng halimaw sabay hatak sa guard.

Muling nagpaputok ang guard sa mukha mismo ng halimaw. Natigilan ang halimaw at kumawalanito sa pagkakakapit sa paa ng guard. Tumayo ang guard at tumakbo palabas ng kwarto, isinara ang pinto at nagtungo sa elevator. Bumaba siya sa unang palapag at dumiretso sa kasamang guard.

Matapos marinig ang pangyayari mula sa bibig ng kasama, tumawag ito kapulisan na siya agad namang nagtungo sa hotel.

Hindi naniwala nung una ang mga pulis tungkol sa halimaw. Pinagtawanan nila ang guard at inutusan itong dalhin sila sa kwarto kung saan naroroon ang halimaw. Nag aalangan man ay sinamahan nya ang mga pulis sa kwarto.

Pagkabukas nila ng pinto sa kwarto tumambad sa kanila ang bangkay ng tagalinis na kulang-kulang na ang mga bahagi. Wala na itong lamang loob, biniyak din ang ulo nito at makikitang wala nang utak sa loob.

Hinalughug nila ang buong kwarto pati ang mga karatig kwarto ngunit wala silang nakitang halimaw. Napansin ng isa sa mga pulis na bukas ang pinta ng kwarto, at nang silipin niya ito, nakita nya ang dambuhalang paniki na lumipad mula sa gilid ng hotel patungo sa kakahuyan na malapit sa ilog.

Bago makalapag sa lupa, sumabit sa puno ang pakpak ni Tessa. Nawalan ito ng balanse at imbes na lumapag sa lupa, bumagsak ito sa malalim na parte ng ilog. Bumalik sa anyong tao si Tessa at lumangoy sa gilid ng ilog. Umupo siya doon habang hinimas-himas ang unti-unting naghihilom na sugat sa mukha.

Palibhasay busog, inantok si Tessa at humiga ito sa may damuhan na malapit lang sa ilog. Saglit lang at nakatulog na si Tessa.

Sa gitna ng kanyang pagtulog, nagising si Tessa. Naramdaman niya na may panganib sa malapit kaya mabilis itong nakatayo at inikot ang paningin sa paligid. Laking gulat nya ng makita ang isang dambuhalang buwaya na malapit na pala sa kanya. Kung nahuli siya ng pag gising malamang nilamon na siya nito.

Napaatras si Tessa, iyon ang kauna-unahang pagkakataon na makaharap ang ganung klaseng kalaban. Kalaban na sing bangis niya at malamang sing lakas din.

Sumugod ang buwaya habang nakabuka ang bibig. Hindi naman nagpatinag si Tessa, nag anyong halimaw din ito at inilabas ang kanyang pangil. Sa isip nya'y hindi siya magpapatalo sa buwaya na iyon. Ano nga ba ang buwaya iyong kung ikukumpara sa lakas niya na kayang kumitil ng buhay ng tao sa isang kisap-mata lang?

Sabay na sumugod sa isa't-isa ang halimaw at ang buwaya, kapwa nakalabas ang mga pangil.

Matapos ang gabing iyon, nagbalik ang katahimikan sa lugar. Natigil ang serye ng patayan.

Sapagkat ang laban na naganap sa gabing iyon, wagi ang may mas maraming pangil.

--WAKAS--