Chereads / PINOY HORROR STORIES / Chapter 20 - Si Aling Maya

Chapter 20 - Si Aling Maya

Ang kwentong ito ay hango sa salaysay ng aking bayaw. Totoo po ang kwentong ito, at ibabahagi ko ito sa inyo ng walang labis at walang kulang kaya wag magtaka kung magiging maikli ang kwentong ito.

Galing si Niño sa kabilang baragay, kapistahan kasi doon at inimbita siya ng kanyang kakilala. Ala Una na ng madaling araw ng siya ay nakauwi, nag inuman pa kasi sila at nag videoke.

Ayaw sana ni Niño na umuwi ng ganung oras kasi madadaanan niya pauwi ang kakahuyan na sinasabing may nagpapakita umanong multo. Naikwento kasi ng ate niyang si Mary na nakita niya ang white lady nang minsang napadaan siya rito ala saiz ng gabi.

Noong nasa loob na si Niño sa kakahuyan, mas lalong dumilim. Bukod sa wala nang poste ng ilaw at malayo na ang mga kabahayan, natatabuna din ng mga puno ang liwanag na galing sa buwan at mga bituwin. Kung hindi lang sa dala niyang selpon ay hindi nya makikita ang kanyang dinadaanan.

May daanan ng tao at motorsiklo sa kakahuyan, iyon ang binaybay ni Niño pauwi. Ilang minuto ang dumaan, nasanay na sa dilim ang mata ni Niño at naaaninag na niya ang mga puno malapit sa daanan.

Tumitindig na ang balahibo ni Niño sa batok dahil sa takot. Ipinagdasal niya na sana'y may makasabay siyang kakilala sa paglalakad.

Laking tuwa niya nang makita niya sa unahan ang kapitbahay niyang si Aling Maya. Nakatalikod ito sa gilid ng kalsada at parang may inaantay. Tinawag niya ito ngunit hindi ito kumibo. Tinawag niya ito uli nang nakalapit na siya, mga dalawang hakbang mula kay Aling Maya. Nabalot ng takot si Niño ng biglang lumutang sa ere si Aling Maya, sabay harap sa kanya habang umuungol ng;

"🎶OOOOooooooohhhhhhhh🎶". (Hindi ko alam paano isulat ang paraan nga pagkakasabi ni Aling Maya. Isipin nyo nalang ang boses ng isang matandang naghihingalo habang umiiyak.)

Nang nakaharap na si Aling Maya kay Niño, nakita ni Niño ma kusang gumagalaw ang mga buhok nito. Nakaangat ito sa hangin at parang kumakaway.

Sa takot ay kumaripas ng takbo si Niño, hindi na nya mabilang kung ilang beses siya nadapa sa mga sandaling iyon. Habang tumakbo siya'y nararamdaman niyang may mga buhok na pumupulupot sa kanyang leeg. Hindi na lumingon si Niño at dumeretso na sa pagtakbo palabas ng kakahuyan.

Nang makalabas na si Niño sa kakahuyan tinungo nya agad ang pinakamalapit na bahay na madadaanan niya. Ngunit naalala niya na ang pinakamalapit na bahay doon ay ang mismong bahay ni Aling Maya. Kaya umiwas sa daanan na iyon si Niño, sa may taniman ng mais siya sumuot at tumakbo sa dereksyon ng bahay ng kanyang lola na nasa kabilang bahagi ng maisan.

Hindi alintana ni Niño ang mga sugat sa mukha, paa at kamay dahil sa mga matatalas na dahin ng mais.

Nag sisisigaw siya ng marating niya ang bahay ng kanyang Lola Lotty. Pinilit niyang buksan ang pinto ngunit naka kadena ito at may padlock na nagla-lock sa pinto. Inabot niya ang padlock, ipinasok ni Niño ang kamay sa butas ng pinto para maabot ang padlock ngunit hinampas ito ni Lola Lotty niya sa pag aakalang magnanakaw ito. Napaiyak nalang si Niño habang nakikiusap na buksan ang pinto, na agad naman ginawa ng kanyang Lola ng makilala siya nito.

Laging na kukwento ni Niño ang karansang iyon sa mga inuman.

Hanggang ngayon ay nakatira pa rin bahay nila si Aling Maya kasama ang kanyang asawa, mga anak at apo. Nakainuman pa nga namin ang asawa ni Aling Maya minsan. At masasabi kong weird ang pamilya nila. I kukwento ko sa inyo next chapter kung bakit nawiwerdohan ako sa pamilya nila.

---Wakas---