Chereads / PINOY HORROR STORIES / Chapter 21 - Paano Buksan ang Ikatlong Mata

Chapter 21 - Paano Buksan ang Ikatlong Mata

Isang avid reader ng mga horror stories si Miguel. Hindi lang siya nagbabasa, swempre mahilig din siyang manood ng mga horror movies at minsan nakikinig sa mga horror stories sa youtube at sa iba't ibang social media platforms. Interesado siyang magsaliksik tungkol sa mga paranormal, pero ang pinakapaborito niya ay ang paksa ukol sa mga multo. Malawak ang kaisipan ni Miguel, gusto niyang malaman kung ano ang mangyayari pagkatapos mamatay ang isang tao. Gusto niyang malaman kung ano ang nasa kabilang buhay.

Katatapos lang ni Miguel sa kanyang assignment ng gabing iyon, naisipan niyang magbasa sa webnovel ng horror stories bago matulog. Agad niyang hinanap ang paborito niyang kwento at binuksan ang chapter na huli niyang binasa. Napansin niyang may bagong chapter ang kwento kaya binasa niya ito agad. Nagtaka siya ng ang nabasa ay hindi kwento kundi ito'y isang guideline para mabuksan ang 3rd eye. Binasa nya ang guidelines at ito ang nabasa niya:

"Mga Pamamaraan sa Pagpapabukas ng Iyong Ikatlong Mata"

Ang ikatlong mata o 3rd eye ng isang tao ay kadalasang nakapikit, magbubukas lamang ito kapag handa na ang tao sa pagbukas nito.

Babala!!! Huwag magpadalosdalos sa pagbukas ng ikatlong mata, isiping mabuti kung kailang mo ito o hindi.

Para sa unang bahagi ng pagbukas ng ikatlong mata, kailangan mong mag fasting ng isang araw. Walang pagkain at tubig, kailangan ito upang malaman ng katawan mo na may pagbabagong darating.

Sa ikalawang araw, tubig lang ang pwedeng inumin. Sa panahong ito, mag uumpisang mag survival mode ang iyong katawan. Dahil walang pagkain na pumasok sa katawan mo, ang iyong mga kalamnan ay magsisimulang mag-imbak ng enerhiya, hindi nito gagamitin ang isang daang pursyento ng kanyang lakas, bagkus kalahati lang ng lakas ang kanyang gagamitin at iiimbak ang kalahati sa loob ng kalamnan. Kaya mararamdaman mong manghihina ang iyong kalamnan. Sa panahon ding ito maguumpisang sumakit ang ulo mo.

Sa ikatlong araw pwede ka nang kumain ng mga gulay, mas mainam kung hilaw ang gulay, pero kung hindi mo kaya pwede namang lutoin. Huwag munang kumain ng karne ng hayop, isda o ibon. Huwag din kumain ng mani at ng mga katulad nito. Pwede ka nang uminom ng kahit na ano maliban sa kape at alak.

Sa pagtulog kinagabihan, mag meditate ka muna. Mag visualize na ikaw ay nasa isang lugar na walang ilaw. Kadiliman lang ang naroroon sa lugar na iyon pero hindi ka dapat matakot sapagkat ikaw ay ligtas at malayo sa panganib. Gawin ito hanggang sa ikaw ay makatulog.

Pagkagising mo, muli kang mag meditate, ngayon naman mag visualize ka na ikaw ay nasa lugar na puro liwanag lang ang makikita. Maputing-maputi ang palagid, presko ang hangin ay magaan ang iyong pakiramdam. Panatilihing nakapikit ang iyong mga ay sambatin ang ma katagang ito:

"Sit veritas in fronte nudo oculo. Tolle velum et vide! Velum tolle, et testem nudo mundo absconditam oculis."

Buksan ang mata ng dahan-dahan at magpatuloy sa iyong buhay.

Ikinatuwa ni Miguel ang kanyang nabasa, hindi man siya naniniwala dito pero sinubukan pa rin niya ito. Dahil na rin siguro sa kanyang kuryosidad at sa kagustohang malaman kung totoo ngang may multo at kabilang buhay.

Pinaghandaan muna ni Miguel ang gagawing fasting at seremonyas para mabuksan ang ikatlong mata.

Lumipas ang dalawang linggo, handa na si Miguel. Ginawa ni Miguel ang sinabi ng author. At sa huling bahagi ng seremonya, sa Ika apat na araw, matapos siyang mag meditate binuksan niya ang kanyang mga mata. Nasaisip niya na makakkita na agad siya ng mga multo at mga bagay na hindi nakikita ng karaniwang mata. Ngunit siya ay nabigo, walang kakaiba sa kanyang paningin.

Napangiti nalang si Miguel at nasabi sa sarili na hindi na bale kung bigo siyang makakita ng multo, hindi naman talaga siya umasa na totoo ang sinabi sa nabasa niya.

Lumipas ang isang linggo, nasa paaralan si Miguel ng mapansin niyang parang may nakikita siyang usok sa gilid ng kanyang mata. Ngunit nawawala ito kapag tinitingnan na niya ito ng deretso. Hindi ito pinansin ni Miguel, inakala niyang kulang lamang siya sa tulog.

Nagdaan pa ang ilang araw, ang mga usok na dati sa gilid lamang ng kanyang mata nakikita ay dumadaan na mismo sa kanyang harapan. Ikinatuwa ito ni Miguel, sa unang pagkakataon nakakakita na siya ng mga multo at mga bagay na hindi nakikita ng pangkaraniwang tao. Pinagmalaki naman agad niya ito sa kanyang mga kaklase. Ngunit, imbes na mamangha, pinagtawanan siya ng mga ito at tinawag pang baliw. Ipinagmalaki din niya ito sa kanyang mga kaibigan ngunit wala ring naniwala sa kanya. Pinagtawanan lang siya ng tinuro niya ang balete kung saan nakikita niyang pumasok ang usok.

Mabilis na kumalat sa kanilang lugar ang tsismis na si Miguel ay nababaliw na dahil sa droga. Ikinagalit ito ng kanyang ina na dahilan kung bakit ipina drugtest siya nito. Negatibo naman ang resulta ng drugtest, kaya ipinasuri naman siya sa isang psychiatrist. Wala namang makitang problema ang psychiatrist kay Miguel maliban lamang sa pagiging bobo nito hahaha.

Dumaan ang isang linggo, ang dating usok na nakikita ni Miguel ay may hubog nang kawangis ng tao. Parang mga anino ang mga ito ngunit may mga mapupulang mata.

Dahil sa ayaw na ni Miguel na pagtawanan ng mga kaklase, pilit niyang hindi pinapansin ang mga nakikita niya ngunit hindi niya maiwasang magulat. At kapag nagugulat siya at walang nakikitang dahilan ang kanyang mga kaklase ay pinagtatawanan siya ng mga ito.

Lubhang nalungkot si Miguel sa nangyari, gusto lang niyang malaman kung totoo ngang may multo. Ngunit ngayon ay pinagtatawanan siya ng kanyang mga kaklase at tinawag pang baliw. Wala na nga siyang ganang mag-aral dahil madalas siyang napagtatawanan doon.

Eksaktong isang buwan simula nung ginawa ni Miguel ang seremonyas para buksan ang ikatlong mata. Papunta sa paaralan si Miguel ng makita ang isang lalake na nakadamit ng uniporme ng sundalong hapon. Duguan ito sa tagiliran, gumagapang ito sa kalsada at sumisigaw ng salitang hapon. Napaatras si Miguel ng makitang nakatingin ito sa kanya at gumagapang ito patungo sa kanya. Mabilis na nakalipat sa kabilang bahagi ng kalsada si Miguel. Ngunit nangilabot siya nang nagbago rin ng dereksyon ang gumagapang na Hapon, papunta ito sa kanya. Sa takot, ay tumakbo si Miguel at dumeretso sa kanilang silid aralan upang makausap ang kanilang guro.

Pagkadating na pagkadating ni Miguel sa silid ay hinanap agad ng kanyang mata ang kanyang guro na si Mrs. Torres. Nakita niya ito na nakaupo sa kanyang mesa. Nung nasa pinto pa lang si Miguel, napansin niyang may babae na tila kausap ng guro niya. Nakaupo ito mismo sa harap ng mesa ni Mrs. Torres. Nang makalapit na si Miguel sa kanyang guro, laking gulat niya ng ang akala niyang kausap ng guro niya ay isa palang multo ng babae na wasak ang mukha, nagpabitinbitin ang mata nito sa dating lagayan ng mata na ngayon ay wasak na. May butas din ito sa dibdib at makikita ang mga nagkawasak-wasak na bahagi ng kanyang internal organs. Napaatras si Miguel sa nakita ngunit napansin ito ng kanyang guro at tinanong siya nito kung bakit siya napaatras.

Nag aalinlangan si Miguel na sabihin sa kanyang guro ang kanyang nakita sa takot na pagtawanan na naman siya. Ngunit nanaig kay Miguel ang kagustohang malaman kung bakit nandoon ang multo na iyon.

Sinabi ni Miguel ang kanyang nakita sa guro niya, napatigil saglit si Mrs. Torres at nanginginig na nagsalita.

Nasangkot pala si Mrs. Torres sa isang malaking traffic accident. Nagbanggan sa highway ang bus at truck na sinusundan ni Mrs. Torres. Dahil mabilis ang kanyang takbo hindi na nagawa ng guro na umapak sa preno at iniliko nalang niya ito sa gilid ng daan para hindi bumangga sa truck na nasa unahan. Sumalpok ang USV na dala ni Mrs. Torres sa isang kubo na sa mga oras na iyon natutulog sa loob ang isang kapapanganak pa lamang na babae.

Sabay na pumanaw sa araw na iyon ang babae at ang kanyang sanggol.

Doon napagtanto ni Miguel ang dahilan kung bakit nakita niya doon ang multo. Hindi pa ito matahimik at sinisisi nito si Mrs. Torres sa kanyang pagkamatay.

Ikinatuwa ni Miguel na dahil sa kanyang ikatlong mata nalaman niya ang dahilan kung bakit may mga lugar, bagay at tao na haunted. Napatunayan din ng kanyang ikatlong mata na meron talagang kabilang buhay. Ang kamatayan ng pisikal na katawan ay hindi ang katapusan.

Ngunit ang kasiyahan niya ay mabilis na napalitan ng takot sa araw na iyon. Dahil sa tuluyang pagbukas ng kanyang ikatlong mata, nakikita na niya ang lahat ng mga bagay na hindi nakikita ng normal na mata. Habang nasa paaralan nakikita nya ang mga multo na palakad-lakad sa mga pasilyo, at ang iba ay dumadaan pa mismo sa harap niya. Mga multo na ang mga mukha ay wasak, mga ulo na halos matanggal na sa laki ng sugat sa leeg. May mga multo ring sunog ang buong katawan, mga batang naliligo sa sariling dugo at marami pang iba na kahindikhindik ang sinapit ng kanilang kamatayan.

Parang mababaliw si Miguel sa kanyang nakikita. Napasigaw ito nang mula sa kanyang likuran nahulog ang pugot na ulo ng isang pari, pinulot ito ng pari at ibinalik sa kanyang katawan ngunit nahulog uli ito at muling pinulot. Nagpaulit-ulit lang ang pari sa pagdampot at pagbalik ng kanyang ulo sa kanyang katawan.

Mas lalong nanginig sa takot si Miguel ng may pumasok mula sa pinto na babae na napapalibutan ng maitim na tubig. Sumusunod ang maitim na tubig kung saan man pumupunta ang babae. Nakatitig lang si Miguel sa babae ng bigla itong napatingin kay Miguel. Nang makita nitong nakikita siya ni Miguel ay sumigaw ito ng napakalakas habang tinuturo ang takot na takot na si Miguel.

Sa takot ay napatayo si Miguel at napatakbo sa sulok ng silid aralan. Umiiyak ito habang nanginginig sa takot. Nagtawanan ang mga kaklase niya habang ang guro naman ay napailing at tila nadidismaya sa inaasal ng kanyang estudyante.

Hindi alam ng kanyang guro at mga kaklase na sa paningin ni Miguel lubog na sa maitim na tubig ang buong silid. At dahil dito hindi makahinga si Miguel, napupuno ng itim na tubig ang kanyang baga sa tuwing pinipilit niyang huminga. Wala naman kaalam-alam ang kanyang guro sa kung ano ang nangyayari sa kanyang estudyante. Agad na nagpatawag ng ambulansya ang guro.

Nangingitim na ang mukha ni Miguel at mawawalan na sana ng malay ng biglang pumasok sa silid ang isang lalake. Pagkapasok na pagkapasok ng lalake ay nawala naman bigla ang maitim na tubig pati na ang mga multo sa paligid. Tila nakakita ang mga ito ng multo ahaha.

Lumapit ang lalake kay Miquel at tinulungan siyang makaupo. Medyo malabo pa ang mga mata ni Miguel sa mga oras na iyon pero alam kilalang kilala niya ang lalake tumulong sa kanya. Isa ito sa iniidulo niya sa larangan ng paranormal, kilala ito sa buong Pilipinas si Ted Caluagan!

"Hindi ako nagpunta rito para makipag-away."

Magiting na tugon ni Ted sa mga multo sa paligid.

Nang nagbalik na ang lakas sa mga paa ni Miguel, tumayo siya at niyakap ang kanyang idulo. Napansin niyang walang ni isang multo oh elemento ang makikita sa paligid. Lahat sila ay takot sa kapangyarihan ni Ted, ang pinakamalakas na Espiritista sa Pinas.

Wala namang kaalam-alam ang mga estudyante at guro sa nangyari, ang alam lang nila ay nasa paaralan nila ang isang sikat na paranormal expert. Nagkagulo ang lahat, lahat ay gustong magpa picture at mag selfie katabi ni Ted. Pinaunlakan naman ni Ted ang mga ito.

Nang nakapagselfie at picture na ang lahat, lumapit si Ted kay Miguel.

"Alam mo bang napaka delekado ng ginawa mo? Hindi mo pwedeng madaliin o piliting mabuksan ang iyang ikatlong mata. Magbubulas lamang ito kapag handa na ang katawan mo. Kaya maraming nababaliw kasi pinilit nilang buksan ang kaning ikatlong mata na hindi handa ang katawan nila, lalong-lalo na ang kanilang isip."

Hindi pa natatapos ang sermon ni Ted kay Miguel nang biglang bumalot sa kanila ang napakalamig na hangin. Umuga ang buong gusali na tila may lindol.

Nagsaliksik ang mga mata ni Ted sa paligid, tila hinahanap ang dahilan ng pag-uga ng gusali.

Mula sa hagdan ay paakyat ang sundalong hapon na nakita ni Miguel sa daan. Hindi na ito gumagapang bagkus matikas itong naglalakad paakyat ng hagdan habang hawak sa kamay ang katana sa tagiliran.

"Hindi maiiwasang mapalaban sa isang to. Miguel, manood ka. Ganito makipag-away ang isang Ted Caluagan."

Sumabog mula sa sundalong hapon ang negatibong enerhiya na nakakapanghina sa mga taong may mahinang depensa laban dito. Nilingon ni Ted si Miguel at nakitang hindi ito naapektohan ng negatibong enerhiya. Napangiti si Ted sa nasaksihan, malakas si Miguel at kaya nitong labanan ang negatibong enerhiya mula sa sundalo. Naisip ni Ted na hindi nya kailangang magpigil sa laban.

Umatake bigla ang sundalo, mabilis itong humakbang patungo kay Ted at gamit ang kanyang katana ay hahatiin sana sa dalawa ang katawan ni Ted. Mabilis na nakaiwas si Ted at mula sa kanyang belt bag ay inilabas niya ang metal na mangkok at pinatunog ito. Napaluhod ang sundalo ng marinig ang tunog nang metal na mangkok. Inilabas naman ni Ted mula sa kanyang belt bag ang isang supot ng asin, itinapon niya ito sa sundalo at sumabog ang supot ng asin sa mukha ng sundalo. Naglupasay sa sakit ang sundalo at nagpagulong2x sa sahig. Inilabas naman ngayon ni Ted ang isang punyal na kris. Tumalon siya papunta sa sundalo at itinarak angf kris sa dibdib nito. Nagliwanag ang katawan ng sundalo at sa sobrang liwanag ay sumabog ito. Kasabay ng pagsabog ay ang pagkawala ng negatibong enerhiya sa paligid.

Nakangiti habang naka "thumbs up" si Ted nang tingnan ito ni Miguel.

"Ayos ba?" Tanong ni Ted kay Miguel.

Mula noon, sumasama na sa mga lakad ni Ted si Miguel kapag wala itong pasok. Natutunan niya ang mga paraan at kaalaman kung paano labanan ang mga masasamang multo at elemento. Kalaunan, naging magaling na paranormal expert si Miguel at siya ang nagpatuloy sa laban ni Ted nung siyay humina na sa katan-daan.

--WAKAS---