Chereads / PINOY HORROR STORIES / Chapter 14 - Ang Masaker sa Isla Escobar

Chapter 14 - Ang Masaker sa Isla Escobar

"Mars! Tara na!" Sigaw ni Ann sa kaibigang si Luisa.

Dali-dali namang bumaba sa hagdan si Luisa na halos madaganan sa laki nang dalang bag.

"Tulungan mo naman ako Patrick!! Nauna ka pa dyan sa sasakyan!" Si Luisa na tuluyang binitawan ang bag na dala at hinayaang magpagulong-gulong pababa nang hagdan.

Pagbagsak sa lupa ng bag ay bumukas ang zipper nito at bumulaga ang mga G-strings na bikini.

"WTF! You're gonna wear that Luisa?!" Sigaw ni Brando na kuya ni Luisa.

"Is there a problem?! Bagay naman sakin to ah!" Sagot naman nito.

"Oh sya! Bilisan nyo na at mahuhuli na tayo sa last trip nang barge!" Pagmamadali ni Mike na syang nagmamaneho nang Xpander na sasakyan nang magbabarkada papunta sa rest house na pag-aari nang pamilya ni Ann.

Ang unang oras ng byahe ay napuno nang kulitan, tawanan at kantahan hanggang sa dinapuan na sila ng antok at isa-isang natulog.

"Ann! Gising!" Si Mike habang inaalog ang natutulog na si Ann sa front seat.

"Oh, bakit Mike? Anong problema?" Sagot ni Ann habang nagpupunas ng laway.

"Nababagot kasi ako, wala akong makausap. Kwentohan mo naman ako para hindi ako antukin." Hiling ni Mike.

"Sumama ako kasi sabi mo haunted ang resthouse nyo, so.. Pano mo nasabi?" Unang tanong ni Mike.

"After kasi ng incident madalas nang nakakarinig ang mga caretaker ng bahay ng mga umuungol daw sa gabi." Sagot ni Luisa.

"Baka ibang klaseng ungol yun, yung masarap na ungol ahahaha" Pagbibiro ni Mike.

"Ulol! Creepy na ungol nga eh! yung parang before mamatay na ungol." Si Luisa habang binibigyan ng malutong na batok si Mike.

Nagpatuloy ang kwentohan ng dalawa hanggang sa marating nila ang pier.

10:30pm na nang dumating sila sa pier. Maswerteng naabutan pa nila ang last trip ng barge papunta sa isla Escobar kung saan naroroon ang rest house nina Ann. Nagising ang mga natutulog nilang kasama sa ingay ng mga tao sa pier.

"Buti umabot pa tayo! Akala ko di na tayo aabot ang bagal kasing kumilos ni Luisa!" Pang-aasar ni Brando sa kapatid.

"Shut Up Kuya! Hindi ka naman talaga dapat kasama sa lakad na to! Napilitan lang kaming isama ka dahil magsusumbong ka sa mga parents namin pag hindi ka isinama!" Sumbat ni Luisa.

"Oi wag nga kayong mag-away! Let's enjoy the trip nalang." Sambit ni Ann para matigil na ang sagutan ng magkapatid.

Nasa laot na sila nang biglang lumakas ang alon. Narinig nila ang usapan nang crew nang barko at nang kasama nito sa Two-way radio.

"Buti at hindi na tayo pinabalik nang coast guard dahil sa bagyong to noh?!"

"Oo nga, malapit na rin kasi tayo sa pier nang isla escobar. Pero mukhang wala nang pinapabyahe ang coast guard simula bukas." Sagot nang crew mula sa two-way radio.

Sa lakas nang alon ay nahilo si Mike, hindi kasi siya sanay sa byahe. Ilang sandali pa'y nagsuka na si Mike. Inabutan siya ni Patrick nang plastic na supot para doon magsuka.

"Ewww Mike!! Dun ka nga sa labas sumuka!! Mangangamoy sa sasakyan!" Reklamo ni Luisa.

"Kung hindi lang sa spooky na kwento tungkol sa rest house nyo Ann, hindi talaga ako sasama sa lakad na to!" Sagot ni Mike na naduduwal pa.

"Ano ba ang kwento tungkol sa rest house nyo Ann?" Curious na tanong ni Brando.

"May minasaker daw dun!" Sagot ni Luisa.

Biglang nag seryoso ang mukha ni Ann at humarap sa mga kasama.

"Tatlong taon na ang nakalilipas nang mangyari ang karumaldumal na krimen sa rest house na noon ay pag-aari nang pamilya Abiera." Umpisa ni Ann.

"Apat... Hindi, Lima.. Limang tao ang pinatay nang hindi pa nakikilalang tao sa rest house na iyon. Apat na bangkay ang natagpuang may mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan gamit ang butcher knife at scalpel. May mga nawalan ng mata, dila, puso, at iba pang mga bahagi ng katawan. Sabi nila, iisang tao lang daw ang gumawa ng krimen na iyon, at hanggang ngayon nakakalaya parin ito. Ibinenta ng dating may-ari ang rest house sa murang halaga sapagkat walang gustong bumili nito dahil na nga rin sa karumaldumal na pangyayaring naganap sa lugar na iyon. Last month lang binili ni mama ang rest house, sabi nya hindi naman daw totoo ang mga multo, panakot lang daw ito ng mga bata. Ngunit nagbago ang paniniwalang ito ni mama noong una kaming nag bakasyon sa rest house na iyon. May naririnig at nakikita kaming mga paranormal na pangyayari. May umiiyak sa isa sa mga kwarto dun, may dumadaan ding naka puting babae sa hallway tuwing 10:30 ng gabi. At ang pinaka nakakatakot pa sa lahat ay may nakikita rin daw na lalaking pugot ang ulo."

Natigil ang kwento ni Ann ng tumunog ang busina ng barge na naghuhudyat na padaong na ito sa pier. Pinalitan muna ni Brando sa pagmamaneho si Mike dahil nasusuka pa rin ito.

"Ann, san tayo, left or right?" Tanong ni Brando.

"Let's go left." Sagot nito.

Mag aalas tres na nang madaling araw ng makarating sila sa rest house. Nasa tabing dagat ito at maaamoy mo talaga ang preskong hangin mula sa dagat. Nakabukas ang ilaw sa main gate kaya kitang-kita ng mga bisita ang magarbong gate na pa arko ang disenyo. Bumaba si Ann upang buksan ang gate at nagpatuloy papasok ng bahay para buksan ang ilaw ng buong bahay. Tumambad sa mga bisita ang lawak nang bakuran at ang laki ng bahay.

"Langya, akala ko rest house lang, MANSYON TO ANN!! MANSYON!!" Sigaw ni Brando.

"Pasok kayo, may walong kwarto para sa bisita dito bahala na kayong pumili sa kwarto nyo."

"Woooow!!! May swimming pool pa sa loob!!!" Tuwang-tuwang tugon ni Luisa.

"Magpahinga na muna tayo ngayon, mamaya pag gising nyo ipapasyal ko kayo sa buong lugar." Si Ann na pumasok na sa Masters Bedroom.

Nakitulog si Luisa sa kwarto nang kapatid na si Brando dala na rin ng takot sa mga narinig na kwento tungkol sa resthouse na iyon. Mag-isa naman sa kwarto si Mike na medyo nahihilo pa rin. Pinili nya ang kwarto na nakaharap sa dalampasigan at binuksan ang bintana kahit na bumabagyo para malayang makapasok sa loob ang preskong hangin at ang amoy nang malinis na dagat sa kanyang kwarto. Si Patrick naman ay sa katabing kwarto ni Mike natulog.

Tanghali na nang magising sila. Paglabas ni Brando sa kwarto ay naamoy nya agad ang mabangong ulam. Halos magkasabay din sila ni Mike sa paglabas ng kwarto at nagkatinginan ang dalawa. "Naaamoy mo ba ang naaamoy ko B1?" Si Brando na ginaya ang boses ng karakter na Bananas N Pajamas "Palagay ko nga B2!" Sagot naman ni Mike na nag boses Bananas n Pajamas rin.

Sinundan ng dalawa ang pinangagalingan ng masarap na amoy hanggang makarating sila sa kitchen area. Isang magandang dalaga ang nakita nila habang nagluluto ito ng hotdog. Dali-daling lumapit si Brando sa babae at nagpakilala.

"Hi! I'm Brando, what's yours?"

Napatingin lang ang babae at napangiti, ibinaling ang tingin sa niluluto at nagpatuloy sa ginagawa. Hindi nasiraan ng loob si Brando sa hindi pagpansin nito sa kanya. Kinuha niya ang sandok at kumuha ng sabaw ng niluluto ng babae at tinikman ito. Pumikit ito habang ngumingiti at humarap sa babae habang dahan-dahang binubukas ang mata upang tingnan ang babae at sabihing.

"Mmmmm!! Ang sarap!!!"

Kumunot ang noo ng babae at nagsalita.

"Hotdog ang niluluto ko... Mantika ang tinikman mo... Tapos sasabihin mo masarap?! Adik ka ba?!"

Walang pag lagyan ng kahihiyan si Brando at nanliit ang kawawang lalaki. Ngunit nagawa pa rin nitong sumagot.

"Hindi mantika ang tinikman ko.... Kwan, uhhmmm... Katas ng hotdog." Hilaw na napangiti si Brando ng maisip na pwedeng may ibang kahulugan ang nasabi.

Para sagipin sa kahihiyan si Brando, nag change topic si Mike. "Binibini, ikaw ba ang tagaluto rito?"

Tinitigan lang ng babae si Mike ng ilang segundo tapos muling ibinaling ang tingin sa ginagawa.

Mula sa kanilang likuran biglang sumulpot si Ann.

"Sinong nagluluto ng breakfast?! Ang sarap ng amoy in fairness." Tanong ni Ann.

"Masarap ang amoy? Eh hotdog lang tong niluluto ko... Mga adik yata tong mga magkakaibigan na to." Sa Isip ng dalagang nag luluto.

Napatingin si Ann sa babaeng nagluluto at sa di maipaliwanag na dahilan ay bigla nalang siyang namutla at napaatras.

"Joan? B..Bakit.. Pano ka napunta rito?" Nanginginig na boses ni Ann.

Napangiti si Joan at sumagot.

"Wala kasi si nanay ngayon, may pinuntahan sa presinto kaya ako nalang muna ang gagawa ng trabaho nya rito."

"Bakit parang nakakita ka ng multo dyan Ann?" Tanong ni Patrick na kararating lang mula sa kanyang pag jogging kahit na bumabagyo sa labas.

"Hindi ka ba natulog Patrick?" Tanong ni Mike.

"Nakatulog naman, mga dalawang oras. Hahaha di kasi ako sanay matulog sa hindi ko bahay." Sagot nito.

"Ihahanda ko muna ang mesa para sa breakfast nyo, tatawagin ko nalang kayo pag ready na ang table." Si Joan na tapos na sa pagluluto ng hotdog.

Dali-daling pumasok si Ann sa Kwarto ni Mike at sumunod naman ang ibang mga kaibigan.

"Guys!!! OMG!!! That girl, Joan.. She isn't supposed to be here! May sayad sa utak yan, as in baliw ang babaeng yan. Violent sya pagtinutopak!" Bulong ni Ann sa mga kaibigan sa kwarto.

"Kaya pala hindi tinatablan nag karisma ko, baliw pala." Patango-tangong tugon ni Brando.

"Sis!!! What if.. sya ang killer? OMG! We need to get out of here! Natatakot ako!" Takot na si Luisa.

Niyakap ni Mike si Luisa para kumalma, hinagod ang buhok at hinagkan sa noo.

"Nandito ako Luisa, I won't let anything bad happen to you."

"Corny nyo! Hahahaha" Kantyaw ni Brando sa dalawa.

Ilang sandali pa'y tinawag na ni Joan ang mga bisita. Nakahanda na ang mesa, maayos ang pagkaka arrange nito, parang pang 5 star hotel. Namangha ang mga bisita at agad na tiningnan ang hinandang ulam.

"Woo!! Akala ko hotdog lang ang niluto mo Joan, may pa fried rice ka pa pala at lumpia. Meron pang corn soup na pampagana!" Tuwang-tuwa na pagkakasabi ni Brando.

"May panghimagas pang mga prutas, dun ko nilagay sa tabi ng pool para maganda ang view habang nag d-dessert kayo." Nakangiting sambit ni Joan.

"She isn't that bad naman pala eh, maayos kausap at magaling sa trabaho." Sa isip ni Patrick habang nakatitig sa dalaga.

Pagkatapos mag agahan, sa tabi ng pool naka tambay ang magkakaibigan. Masayang nag uusap habang nilalantakan ang mga masasarap na mga prutas na handa ni Joan.

Kapansinpansin ang panay na pagsulyap ni Brando kay Joan, ngunit matatalim na tingin lang ang isinusukli nito sa lalake. Si Patrick naman ay sekretong pinagtatawanan ang dalawa. Biglang nagulat si Patrick ng sa pagtingin nyang muli kay Joan ay sa kanya naman ito nakatingin. Mabilis na iniwas niya ang kanyang mga mata at nagkunwaring tumitingin sa kanyang cellphone.

"Guys! tonight pupunta ang dating guard ng resthouse na ito to tell us the gruesome events na naganap dito. Are you in for a scary night?!" Anunsyo ni Ann sa kanyang mga kaibigan.

"Hell Yeah!!! yan ang pinunta ko dito ang kakatakutan!" Excited na sagot ni Mike.

Napuno nang kasiyahan ang buong araw ng magkakaibigan, nilibot nila ang buong resthouse. May pinuntahan silang yungib sa may dalampasigan na may lawa sa loob at doon sila nagtampisaw buong araw dahil hindi umaabot ang malakas na hangin ng bagyo. Nagdala sila ng isang cooler na puno ng beer at inutusan din nila si Joan na mag-ihaw ng ng karneng baboy para ipulutan.

Alas kwatro na ng hapon, tuloy pa rin ang sayahan nag magbarkada. Tipsy na ang lahat sa ininom na beer at konti nalang ang natitirang boteng may laman sa cooler. Masaya silang nagkakantahan habang nakalublob sa tubig.

"Ma'am Ann! Nandito na po si Mang Jose!" Sigaw ni Joan na nakatayo sa malakas na ulan..

"This girl really gives me the creeps!!" Bulong ni Ann.

"Well guys! lets head back to the resthouse na, mahirap na pag nagabihan tayo dito mahirap ang daan pabalik, lalo na't lasing tayo at bumabagyo pa ahaha." Si Ann habang hinihila si Luisa patayo.

Habang naglalakad sila pabalik ng rest house, nagulantang sila ng marinig nila ang sigaw ng isang lalake mula mismo sa rest house. Nahimasmasan bigla ang mga lalake mula sa kanilang kalasingan at mabilis na tumakbo papasok sa bahay.

"Anong nangyari dito?!" Sigaw ni Brando.

"Its a prank!!! Ahahahaha" Halakhak ni Mang Jose habang katabi si Joan.

"What a freak!!! Aatakihin ako sa puso sa pinaggagawa nyo Mang Jose!" Si Ann habang hinihingal.

"Gusto ko lang i set ang mood nyo sa kwentohan natin mamaya." Sagot ni Mang Jose.

Naghapunan muna sila bago pumwesto sa living room para sa kwentohan. At ng nasa living room na ang lahat, nag umpisa nang mag kwento si Mang Jose.

"Ikukwento ko sa inyo ang ditalye sa krimen na nangyari dito mismo sa bahay na ito, at dyan mismo sa couch na inuupoan nyo." Sabay turo sa couch na inuupuan ni Luisa at Mike.

Napasigaw si Luisa at dali-daling tumayo at lumipat ng upuan, sa tabi ni Ann.

"Biyernes iyon, pauwi na ako kasi dumating na ang kapalitan kong guard. Narinig kong sumigaw mula sa loob si Maam Erika ang asawa ng may-ari ng bahay. Agad naming pinuntahan ng kasama kong gwardya ang bahay at nakita namin na naliligo na sa sariling dugo si Maam Erika, wakwak ang lalamunan, laslas ang pulso sa kamay at nawawala ang mga mata nito. Inutusan ko ang kasama kong gwardya na tumawag ng ambulansya, tumakbo ito pabalik sa aming guard house kasi naiwan doon ang logbook na listahan ng mga emergency numbers. Ako nama'y iniwan si Maam Erika at hinanap si Sir Greg sa kwarto, ngunit wala ito doon. Narinig kong may sumigaw sa may pool kaya mabilis akong tumakbo doon. Pagdating ko sa pool nakita ko si Sir Greg na nakataob sa tubig habang nangingisay. Namula ang tubig sa pool dahil sa dugo na galing sa mga saksak sa katawan ni Sir Greg. Agad ko siyang inahon sa pool, at kitang-kita ko ang mga natamong saksak sa kanyang katawan, Isa sa puso, dalawa sa tagiliran, at putol ang dila nito. May mga sugat din ito sa kamay na tanda ng panlalaban nito sa taong pumatay sa kanya. Bago siya nalagutan ng hininga nasambit pa nya sa akin ang katagang Hu at An. Tapos nakita ko sa gilid ng aking mata na may tumakbo papunta sa Maid's Quarter kung saan nandun si Aling Letty ang kusinera sa bahay at nanay ni Joan. Agad kong pinuntahan si Aling Letty na sa mga oras na iyon ay nagluluto ng kanilang hapunan. Nakita ko rin si Joan na nakaupo sa silya na pawis na pawis. Tinanong ko kung bakit siya pinagpapawisan, ang sabi naman ni Aling Letty ay masama daw ang pakiramdam. Ilang sandali pay narinig ko na ang tunog ng ambulansya at mga pulis kaya pinuntahan ko na sila. Nasa bandang pool na ako ng marinig ko si Aling Letty na sumigaw ng WAG at SAKLOLO. Binalikan ko siya agad ngunit tanging nadatnan ko ay ang nangingisay nitong katawan na may malaking sugat sa leeg, halos maputol ang leeg nito sa laki ng sugat. Si Joan naman ay nasa tabi lang ng kanyang ina at umiiyak. Hindi makapagsalita ang kawawang bata, nangingig lang ito habang umiiyak." Uminom muna ng tubig si Mang Jose bago nagpatuloy.

"Pinuntahan ko ang mga pulis na nasa labas pa ng gate, nagtaka ako bakit hindi papinapapasok ng kasama kong gwardya ang mga pulis, hanggang sa makita kong nakahandusay na ito sa gitna ng walkway sa pagitan ng guardhouse at ng bahay. May taga ito sa balikat na sa sobrang lalim ay halos umabot na ito sa gitna ng kanyang dibdib. Kitang-kita ko ang nahiwang puso at baga nito na nakawakwak dahil sa malaking sugat na yun. May malaking taga rin ito sa mukha na abot sa magkabilang tenga, mula sa natagang bahagi nakita ko ang mga parte ng utak na kasama ng dugong dumadaloy palabas sa kanyang ulo." Pagpapatuloy ni Mang Jose.

Natigil ang kanilang kwentohan ng biglang nagsususuka si Luisa.

"Uuurrrkk! Ano ba yan manong! Uurrrk! Naiimagine ko lang ang kwento mo pero nasusuka parin ako." Si Luisa na tumakbo sa labas.

Sinundan ni Mike si Luisa at hinagod ang likod upang maibsan pagsusuka nito.

"Luisa okay ka lang? Is there something I can do?" Pag-aalala ni Mike.

Samantala sa loob naman ng bahay.

"Oh sya, itigil na muna natin ang ating kwentohan, bukas naman uli kapag mabuti na ang lagay ng kasama nyong mahina ang sikmura." Natatawang tugon ni Mang Jose habang naglalakad palabas ng bahay.

"Matulog na rin kayo ng maaga halatang mga lasing na kayo, bukas itutuloy ko ang kwento." Sigaw ni Mang Jose na nasa labas na ng gate.

Sa kwarto ni Ann nakitulog si Luisa dala narin ng takot sa narinig na kwento. Samantalang ang tatlong mga lalake naman at sa kwarto ni Mike tinuloy ang kwentohan.

"Guys, may suspect ako base sa kwento ni Mang Jose." Umpisa ni Brando.

"Talaga? Sige nga sino ang suspect mo, at sasabihin ko rin ang naiisip kong suspect." Tanong ni Mike.

"I think it's Joan, isipin nyo lahat ng sinabi ni Mang Jose sa kwento at ang sinabi ni Ann tungkol sa kanya. Diba sabi ni Ann may topak ang babaeng yan? na bayulente yan pag sinasayad? Tapos nandun siya nung nangyari ang krimen, sa tabi mismo ng isang biktima, bakit hindi pinatay?" Sagot ni Brando

"Sige nga sabihin mo kung paano nagawa ng isang bata ang pagpatay ng apat na tao at nanay pa nya ang isa? I mean, pano mo nasabe?" Tanong naman ni Patrick.

"Well, first hindi na maliit na bata si Joan non, cguro nasa 16 oh 17 na siya nung nangyari ang krimen, at ang ginamit sa pagpatay sa tatlong biktima ay malamang kutsilyo. Isang sandata na kayang gamitin ng isang babae dahil magaan lang ito at marunong gumamit ng kutsilyo si Joan, nagluluto siya diba? Meaning marunong siyang mag hiwa gamit ang kutsilyo. So now that you learned about the suspects abilities, sasabihin ko naman sa inyo kung paano nya ginawa ang krimen. Una nyang pinatay ang lalakeng nasa pool, malamang nakahiga ito sa tabi ng pool habang nagpapahinga. Madali nyang nasaksak sa dibdib at tagiliran ang nakahigang lalake tapos iniwan nalang sa pag-aakalang napatay na nya ito. Diba tinanggalan pa nga siya ng dila pero nakapagsalita pa ito ng katagang Hu-an? Hu-an diba sounds like Joan?" Paliwanag ni Brando.

"Aba, oo nga ano? Hu-an ang nasabi instead of Joan kasi nga putol na ang dila nya." Sambat ni Mike.

"Tapos, after nya napatay ang lalake sa tabi ng pool malamang gumapang ito at nahulog sa pool kung saan nakita siya ni Mang Jose na nangingisay na at malapit ng bawian ng buhay." Dagdag ni Brando.

Patango-tango si Mike habang nakikinig kay Brando. Si Patrick naman ay halatang may malalim na iniisip.

"So nang napatay na niya ang lalake, pumasok siya sa bahay kung saan nakita nyang nagpapahinga sa couch at nakahiga ang babae. Madali niyang nahiwa ang leeg at kamay nito dahil nga sanay siya sa paghiwa kasi nga madalas siyang maghiwa ng karne kapag nagluluto." Pagpapatuloy ni Brando.

Natatawa si Patrick sa narinig habang seryosong-seryoso naman si Mike sa pakikinig.

"Eh yung mata ng babae? Diba dinukot yun? Matinding galit sa biktima malamang ang dahilan nun, may galit kaya si Joan sa babaeng amo?" Tanong uli ni Mike.

"Diba nakasigaw pa ang babae kaya narinig ni Mang Jose at ng kasama niyang gwardya? Dahil sumigaw ang babae, nagalit ng husto si Joan kaya dala ng galit nya tinanggal niya ang mata ng biktima. Very typical na ugali ng mga Psychopath, ayaw na ayaw nila na may mangyaring wala sa plano nila, at ang pagsigaw nga nang babae ay wala sa plano niya kaya nagalit siya ng husto." Sagot ni Brando.

"Eh yung gwardya, hindi kutsilyo ang gamit sa pagpatay dun diba? Sabi ni Mang Jose palakol, o di kaya'y samurai ang gamit ng killer." Tanong uli ni Mike habang nakaupo na sa harap na mismo ni Brando.

"Itak, itak ang ginamit dun. Kayang tumaga ng itak nang ganun kalalim kahit babae ang gumagamit kapag umatake ito mula sa taas habang tumatalon pababa. Malamang nung makuha na nya ang mata ng babae saka naman dumating si Mang Jose at ang kasamang gwardya kaya napilitang magtago ni Joan sa ikalawang palapag sa may veranda. At nang makita nyang nakatalikod at tumatawag ang gwardya sa telepono agad siyang tumalon mula sa veranda papunta sa gwardya at tinaga ito sa balikat kasabay ng pagbagsak nya pababa. Patihayang bumagsak sa lupa ang gwardya at muling tinaga ni Joan ang mukha nito." Si Brando na napapangiwi ng mailarawan nya sa kanyang isip ang kanyang sinabi.

"Pero nang pumunta si Mang Jose sa Maid's quarters nandun si Joan diba? kaya imposibleng siya ang pumatay sa gwardya." Kunot noong pagtutol ni Mike sa sinabi ni Brando.

"Diba sabi ni Mang Jose na may nakita siya sa gilid ng kanyang mata na parang may tumakbo papunta sa Maid's quarters kaya pinuntahan niya ito? At sabi din nya na pawis na pawis si Joan nang makita nya sa loob? Hindi totoong masama ang pakiramdam ni Joan sa mga oras na iyon, pinagtakpan lang siya ng kanyang ina dahil alam nyang tinopak nanaman ang kanyang anak." Paliwanag ni Brando.

"Magaling ang mga naiisip mo Brando, pero ang tanong ko sayo, bakit papatayin ni Joan ang sarili nitong ina? Kahit may sayad siya hindi nya naman siguro magagawang patayin ang sariling ina diba?" Si Mike.

"Diba sabi ko sayo na mas lalong nagiging bayulente at nawawala sa sarili ang mga psychopath kapag nagagalit? Malamang nakita ng ina ni Joan ang ginawa niya sa lalake na dugoan sa pool at pinagalitan niya si Joan ng husto. Siguro nawala sa sarili si Joan at napatay din nya ang kanyang ina. Sa apat na biktima ang ina ni Joan ang nakatanggap ng pinakamatinding galit na makikita sa malaking sugat nito sa leeg na sabi pa nga ni Mang Jose ay muntik nang maputol."

Sa pagkakataong iyon, si Mike naman ang nag-umpisang mag ala-detective.

"Sa aking palagay, hindi magagawa ng isang batang babae ang pumatay ng ganun ka bayulente kahit pa sabihin nating psychopath pa ito. Hindi kaya ng batang babae physically na humiwa at tumaga nang ganun ka grabe at katindi. Walang ibang tao ang pwedeng gumawa ng krimen na ito kundi si Mang Jose mismo." Umpisa ni Mike.

"Sige nga subukan natin yang teyorya mo." Si Brando naman ngayon ang curious na nakikinig kay Mike.

"Simple, he can do all the killings and blame it to an imaginary person since wala namang nakakita sa kanya habang ginagawa ang krimen. And while i was listening to you kanina, naisip ko na sinasadya ni Mang Jose na itanim sa subconscious mind natin na pagbintangan si Joan dahil nga alam ng karamihan na bayulente pagtinutopak si Joan. Mas kapanipaniwalang si Mang Jose ang may gawa ng krimen, Inuna nyang patayin ang gwardya para less threat sa kanya. Tapos pumasok siya sa sala and killed the woman sa couch, and proceed to kill the husband sa pool at ang natitirang pwedeng maging witness, ang kusinerang nasa Maid's quarters. Hindi nya pinatay si Joan kasi nga plano niyang ilipat dito ang bintang. Alam nyang mag fi-flip ang utak ni Joan kapag nakitang pinatay ang kanyang ina sa kanya mismong harapan. Kaya nga hindi makapagsalita ang bata after sa incident diba? Very well planned, and perfectly executed ni Mang Jose ang krimen." Mahabang teyorya ni Mike.

"Oo nga ano? Pwedeng si Mang Jose rin ang suspect." Pagsang-ayon ni Brando.

Patuloy lang sa pag-iisip si Patrick, nakatingin siya sa bintana kung saan makikita ng dalampasigan. Tinanong siya ni Brando kung may teyorya din ba siya tungkol sa krimen ngunit parang wala itong naririnig.

Tinapik ni Brando ang nakatulalang si Patrick at ito'y nabigla.

"Unang pinatay sa loob ang babae, diba sumigaw pa ang lalake sa pool kaya tumakbo si Mang Jose sa pool area? Naalala nyo ba ang kwento sa atin ni Ann nung nasa barge tayo? Lima ang sinabi nyang pinatay sa massacre na yun, ngunit apat lang ang binanggit ni Mang Jose." Si Patrick na tumingin nanaman sa bintana.

"Ay oo nga! Sumigaw nga ang lalake sa pool kaya pinuntahan ni Mang Jose ito. At tama rin na lima ang sinabi ni Ann na pinatay sa bahay na ito." Si Mike na doon lang naalala ang naikwento ni Ann.

"Tapos, nung nakita ni Ann si Joan, nagulat siya ng husto na parang nakakita ng multo, parang hindi nya inaasahan na makita si Joan." Patuloy ni Patrick.

"Naalala nyo ba ang sagot ni Joan nung tanongin siya ni Ann kung bakit siya nandito?" Tanong ni Patrick sa dalawang kasama.

Ilang segundo ring natigilan ang dalawa, parang computer na nag lo-loading ang mga utak nito. Ilang sandali pa'y nanlaki ang mata ni Mike at Brando, tinakpan ni Mike ang kanyang bibig na parang pinipigil ang sarili sa pagsigaw.

"Puting Inang naka gluta!!! Sabi ni Joan may pinuntahan sa presinto ang nanay nya!!! Pero sabi ni Mang Jose, pat...patay na ang nanay ni Joan.... What is happening here mga bro?!! It's freaking creepy!!" Gulat na gulat na si Mike.

"Kaya nga, imposible namang hindi malaman ni Mang Jose na lima pala ang biktima sa massacre kahit hindi pa nya nakita ang ika limang biktima, syempre nasa balita yan. Imposible ring naisama sa listahan ng mga namatay ang ina ni Joan kung hindi pala talaga ito namatay. At imposible ring hindi alam ni Ann na buhay pa ang kanilang kusinera kasi nga nagtatrabaho pa rin ito sa kanila." Maraming katanungan si Patrick na naghahanap ng kasagutan.

"Something is not right here mga bro." Seryosong tugon ni Brando.

"Sa ngayon let's consider Joan, Mang Jose and Ann as a suspect kasi nasa tatlong yan umiikot ang descripancies sa estorya. Maghanap tayo ng mga impormasyon na makakasagot sa ating mga katanungan." Determinado si Patrick na malaman ang katotohanan.

Kinabukasan nagising ang magkakaibigan sa wangwang ng mga sasakyan ng pulis. Nakiusyoso naman agad ang mga ito at lumabas sa may kalsada kung saan may mga nag uumpukang mga tao. Tiningnan nila ang nasa loob ng police line at nakitang may nakahandusay na dugoang lalake.

Pilit na sumiksik si Mike para makalapit sa police line para makita ang bangkay. Nagulat siya nang makitang si Mang Jose pala ang nakahandusay at may malaking sugat ito sa batok, parang tinaga ito ng matalim na itak. Napaupo si Mike sa pagkakabigla habang tinatabunan ang kanyang nakangangang bibig.

"Pucha!!! Guys si Mang Jose pala to!!!" Sigaw ni Brando na sumiksik din pala para makalapit.

Nanlumo ang lahat ng dumating sa bahay. Nanginginig pa ang kamay ng ilan, at ang iba nama'y nanghihina ang tuhod.

Mula sa kusina sumigaw si Joan.

"Breakfast is ready!!!"

Nakangiti ito ngpagkatamis-tamis habang hawak-hawak ang isang kutsilyo na ginamit sa paghahanda ng lulotuin.

"Ikaw ang killer!! Pinatay mo ang mga dating may-ari ng bahay na to! Pinatay mo pati ang sarili mong ina! At ngayon pinatay mo rin si Mang Jose para tuluyan ng manahimik!! Killer!!!! Psychopath!!!!!" Sigaw ni Brando habang dinuduro si Joan.

Ngunit hindi kumibo ang dalaga, nabura ang ngiti sa kanyang mukha. Bahagyang sumimangot ang mukha nito, tumalikod at naglakad papunta sa mesa kung saan nakahanda ang kanilang agahan.

"Breakfast is ready!!!" Muling sigaw ni Joan.

"I told you this girl is crazy! Tumawag tayo ng pulis at paimbestigahan natin ang babaeng yan, malamang siya nga ang pumatay sa mga dating may-ari ng bahay na ito." Galit na sigaw ni Ann.

Nabigla ang lahat ng umupo si Patrick sa mesa at nagumpisang kumain ng agahan na nakahanda doon. Tinitigan niya si Joan at ngumiti ito sa dalaga. Sinuklian naman ng dalaga ang ngiting iyon.

"For God's Sake Patrick! are you flirting with that killer?!" Sigaw ni Ann.

"Oh, shut up Ann! I am only eating my breakfast kasi gutom ako. Wala akong pake kung sinong naghanda basta alam ko gutom ako kaya kakain ako." Si Patrick habang nilalantakan ang mga pagkain.

"You trust her? pano kung may lason yan?! Eh di paglalamayan ka na?!" May halong pag-aalala sa boses ni Luisa.

"Kung may balak siyang lasunin tayo eh di ginawa na sana nya kahapon diba?" Sagot ni Patrick.

"I am calling the police! Dapat makulong yang babaeng yan!" Sambat ni Ann.

"Ann, alam ko rin na may tinatago kang sekreto, kaya kung gusto mong tumawag ng police, sige tumawag ka." May pagbabanta sa boses ni Patrick.

"Secret? Ako may sekreto?! Are you crazy?! Pinagbibintangan mo ba ako Patrick?"

Tinitigan ni Patrick si Ann ng ilang segundo bago magsalita.

"Alam mong kasama sa namatay ang nanay ni Joan sa nangyari, pero bakit hindi ka nagulat ng sabihin ni Joan na nag punta ng presinto ang nanay nya? Bakit sinabi mo na lima ang namatay sa massacre ngunit ayon kay Mang Jose apat lang ang biktima ng massacre na yun."

"Joan is crazy, nasaisip ng baliw na yan na buhay pa ang kanyang ina kaya hindi ko nalang kinontra ang sinabi nya. Apat ang nasa kwento ni Mang Jose kasi hindi tapos ang storya nya, may pinatay din kasing..." Hindi natapos sa pagsasalita si Ann kasi muling sumigaw si Joan.

"Breakfast is ready!!".

Tinitigan ni Ann si Joan ng may panggigigil at puot. Dinuro niya ito sabay walk out. Tahimik ang lahat at walang umimik ng biglang sumigaw nanaman si Joan.

"Breakfast is ready!!!"

sa pagkakataong yun nag walk out din si Brando, Mike at Luisa, tanging si Patrick lang ang natira at kumain sa handa ni Joan.

"Joan, sabihin mo nga ang totoong nangyari." Si Patrick habang nakatingin kay Joan.

"Bakit? maniniwala ka ba sa baliw? Sagot ni Joan.

Naglakad si Joan palabas sa kusina at nagtungo sa pool area. Sinundan naman siya ni Patrick habang dala2x ang plato na kinakainan.

"Dito natagpuang naghihingalo si Sir Greg, nakalutang ito at nalulunod. Hindi nya magawang umakyat sa gutter dahil sa mga natamong sugat." Si Joan habang tinuturo ang isang parte ng pool.

Patuloy na naglakad si Joan papasok sa Maids quarter. Nilingon niya si Patrick na patuloy na kumakain sa pool.

"Dito naman sa loob pinatay si inay." Ngunit hindi na natapos ang kwento ni Joan ng marinig nilang sumisigaw si Luisa mula sa loob ng bahay.

Agad na tumakbo sa bahay si Patrick at Joan at naabutang nagkakagulo ang kanilang mga kasama. May nakita kasing dugoang kutsilyo si Luisa sa drawer ng cabinet sa kwarto ni Ann.

"Bakit may dugoang kutsilyo sa drawer mo Ann?" Pasigaw na tanong ni Mike.

"Aba'y ewan! Hindi ko alam yan! Siguro may naglagay nyan sa drawer!" Sagot ni Ann na naiiyak na.

"Paparating na ba ang mga pulis na tinawagan mo Ann?" May ngiti sa labi ni Joan nang tanungin si Ann.

"Ikaw! Ikaw Joan ang naglagay nito dito noh?! Bruha ka bakit hindi ka pa namatay!" Sigaw ni Ann kay Joan.

Tinigil ng mga lalake ang sagutan ng dalawa at tumawag na ng pulis. Ilang minuto pay dumating na ang mga pulis. Kinuha nila ang kutsilyo ay dinala sa laboratory para malaman kung dugo ng tao ba ang nasa kutsilyo at kung sa tao man ay makilala kung kaninong dugo iyon.

Sa takot, gusto nang umuwi ni Luisa ngunit tinigilan siya ni Mike.

"Walang byahe ang barge ngayon Luisa, may bagyo pa kasi. Kung gusto nyo dun nalang tayo sa hotel tumuloy, delikado tayo rito, baka isa sa atin dito ang killer." Si Mike na tinitigan si Joan.

Umiling lang si Joan at lumabas ng bahay. Nag impake naman ang magkakaibigan para sa hotel muna manuluyan.

Nasa living room na sina Mike at Luisa na handa na ang mga gamit at naghihintay sa iba nilang mga kasama. Ilang sandali pa'y bumaba na rin si Patrick na sinundan ni Ann.

"Nasan na ba si kuya?" Tanong ni Luisa.

"Teka puntahan ko sa kwarto." Tinungo ni Mike ang kwarto ni Brando.

"BRANDO!!! PARE!!!" Sigaw ni Mike ng makita si Brando na nakahandusay sa sahig at dugoan.

"Kuya!!! What happened to you?! Guys tumawag kayo ng ambulansya!! Tulungan nyo si Kuya!!" Iyak ni Luisa.

Nagtamo ng sugat sa leeg si Brando, tinamaan ang malaking ugat nito kaya ganun na lamang kalakas ang pagdurugo. Sinubukan nilang pigilin ang pagdurugo ngunit naubusan na ng dugo si Brando at tuluyang nawalan ng buhay.

"KUYA!!!" Paghihinagpis ni Luisa.

"Nandito ang killer! Wag tayong maghiwahiwalay! Bantayan natin ang isa't-isa!" Tugon ni Mike.

Dumating ang mga pulis at ambulansya. Lahat sila'y dinala sa presinto at hiningan ng impormasyon ng mga pulis maliban kay Joan na sa mga oras na iyon ay hindi na nila mahanap.

"Sinasabi ko na sa inyo, walang ibang killer dito kundi si Joan! Siya rin ang naglagay ng dugoang kutsilyo sa drawer!" Sigaw ni Ann.

"Malamang siya nga ang killer, tumakas na nga diba?" Dagdag ni Mike.

"Pagbabayaran niya ang pagpatay niya kay kuya!" Umiiyak ngunit galit na si Luisa.

Si Patrick nama'y tahimik lang at madalas natutulala na parang may iniisip.

Pagkagaling sa presinto dumeretso sila sa hotel para doon na magpalipas ng gabi. Minabuti nilang lahat na magsamasama sa iisang kwarto para narin mabantayan ang isa't-isa.

Hindi makatulog ang apat dahil sa nangyari sa kanila ng araw na iyon. Si Luisa ay iyak pa rin ng iyak at nagpupumilit puntahan ang kuya nya sa crime lab ngunit pinipigilan siya ni Mike para na rin sa kanyang proteksyon.

"What if makasalubong mo sa lobby ang killer? What if naghihintay lang siya sa labas?" Pagpipigil ni Mike.

"Killer? That killer has a name! Si Joan ang pumatay kay Brando!" Sambat ni Ann.

"Ikaw Patrick?! Do you believe me now? Sabi ko naman sa inyo Joan is Crazy!" Dagdag ni Ann.

Tumango lang si Patrick at umupo sa sahig habang kinakalikot ang selpon.

Hating gabi na ngunit hindi pa rin makatulog si Luisa, iniisip niya ang alaala ng kanyang kuya, at sa tuwing naiisip niya ito hindi niya mapigilang mapaluha at mapahagulgol.

Siniguro muna niyang tulog na ang kanyang mga kasama bago lumabas ng kwarto para puntahan ang bangkay ng kanyang kuya sa crime lab. Bumabagyo sa labas ng Hotel at wala ng bumabyaheng traysikel dahil wala nang bukas na mga establisimento sa mga oras na iyon at idagdag mo pa ang bagyo.

Ngunit pursigido si Luisa na pumunta sa crime lab at nag umpisa itong maglakad matapos ituro ng gwardya ng hotel ang daan patungo sa police station. Magkahalong luha at ulan ang dumadaloy sa mga pisngi ng dalaga habang umiiyak sa ilalim ng ulan.

Napadaan siya sa mahabang kalsada na may nag-iisang poste ng ilaw. Nang papalapit na siya sa poste, naaninag niya ang isang babae na nakatayo sa tabi mismo nito.

Palapit siya ng palapit sa poste at sa bawat hakbang nya mas lumilinaw ang mukha ng babae na nakatayo sa tabi nito.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng makilala ang babae, si Joan ito na may hawak na Karambit! Tumakbo pabalik ng hotel si Luisa, paglingon niya'y hinahabol siya ni Joan na napakatulin ng takbo. Naisip ni Luisa na maaabotan siya ni Joan at iyon na ang kanyang kataposan. Naghahabol na siya ng hininga pagkat hindi siya sana'y sa takbuhan ngunit pinilit pa rin nya ang kanyang sarili na huwag huminto at tumakbo para sa kanyang buhay.

Laking tuwa niya ng sumalubong sa kanya si Ann na tumatakbo sa kanyang dereksyon. Pabagsak na sana ang katawan ni Luisa dahil sa pagod ngunit sinalo ito ni Ann.

"WAG!!" Sigaw ni Joan.

May naramdaman si Luisa na matalas na bagay na tumarak sa kanyang puso. Tiningnan niya ito at nakita ang isang kutsilyo na nakabaon sa kanyang dibdib at hawak-hawak ni Ann.

"Ann... B..Ba...kit?!" Tanong ni Luisa bago bumagsak sa basang kalsada.

"Sabihin mo sakin, paano ka nabuhay?" Pangiting tanong ni Ann.

"Pano ako nabuhay? Bobo ka kasi, hindi ka marunong pumatay." Sagot ni Joan.

"Hali ka, tuturoan kita paano pumatay, yung siguradong patay talaga." Dagdag ni Joan habang iniwawasiwas ang karambit na hawak.

"Game on!! Bwahahahaha!!" Hinugot ni Ann ang kutsilyong nakatarak sa dibdib ni Luisa at hiniwa pa nito ang mukha ng naghihingalong babae.

Sumugod si Joan kay Ann na sa mga sandaling iyon ay nakahanda nang itarak ang dalang kutsilyo sa kalaban.

Nang nasa tamang distansya na si Joan, itinusok ni Ann ang dala-dalang kutsilyo ngunit naiwasan ito ng babae. Gumanti naman si Joan at mabilis na nahiwa ang braso ni Ann. Napasigaw si Ann sa sakit, ngunit mabilis ding naitarak ang kutsilyo sa binti ni Joan. Tumalon palayo si Joan ngunit sinundan siya ni Ann at akmang itatarak ang kutsilyo sa kanyang dibdib. Mabilis na isinangga ni Joan ang kanyang kamay sa kutsilyo para mapigilan itong maabot ang kanyang dibdib. Natusok ng kutsilyo ang palad ni Joan ngunit imbes na alisin ang kamay sa pagkakatusok, mas lalong idiniin nito ang kutsilyo hanggang sa mahawakan nito ang kamay ni Ann.

Gulat na gulat si Ann dahil parang hindi nasasaktan ang kalaban.

"Oh, bakit parang nagulat ka?! Hahahaha!!" Hiniwa ni Joan ang mukhan ni Ann.

"AAAHHHH!!! Mamatay ka baliw!!!" Sigaw ni Ann na nahiwa ang noo at nabingot ang labi.

Sinubukan ni Ann na tusukin ang mga mata ni Joan gamit ang kaliwang kamay ngunit mabilis na naputol ni Joan ang mga daliri nito gamit ang kanyang karambit. Muling napasigaw sa sakit si Ann.

"Masakit bang maputulan ng daliri? Mas masakit pa dyan ang ginawa mo sa ina ko!!!" Sigaw ni Joan.

Pinilit ni Ann makawala ngunit mahigpit ang pagkakakapit ni Joan sa kamay nito kahit na tumagos sa mga palad nito ang kutsilyong hawak ni Ann.

"Mas masakit pa dyan ang naramdaman ko ng pinatay mo si inay at itinarak sa dibdib ko ang kutsilyo kahit nagmakaawa ako!" Sigaw ni Joan na muling hiniwa ang mukha ni Ann.

"Itinapon nyo pa ako sa yungib para hindi makita at ako ang mapagbintangan! Mga wala kayong kaluluwa!" Hiniwa ni Joan ang tagiliran ni Ann gamit ang kanyang karambit.

"Masakit ang pakiramdam ng pinapatay diba? Ganyan ang naramdaman namin ni ina, ma'am Erika at Sir Greg!! Ngayon nama'y itinusok ni Joan ang karambit sa balikat ni Ann.

Nahihimatay na sa sakit si Ann ngunit sinampal siya ni Joan para dinhi mawalan ng malay.

"Maswerte ako't pinapunta mo si Mang Jose, hindi na ako nahirapang hanapin ang demonyong yun!! Dahan-dahang ibinabaon ni Joan ang karambit sa dibdib ni Ann.

Napapangiwi nalang si Ann sa sakit habang dinadaganan ni Joan at unti-unting bumabaon sa kanyang dibdib ang karambit.

"Patawad...Maawa ka.." Mahinang boses ni Ann.

"Maawa?! Ahahahaha sa ina ko ba naawa ka? Nakinig ka ba nung nagmakaawa ako sayo?! Mamatay kang puta ka!!!" Ibabaon na sana ni Joan ang karambit ng tuluyan nang biglang tumilapon ang kanyang katawan.

Biglang dumating si Mike at sinipa si Joan na nakadagan sa katawan ni Ann.

"Mike!!! Mike!! Help me!! Pinatay ng babaeng yan si Luisa! at papatayin nya rin sana ako!"

Walang paglagyan ang galit ni Mike ng makitang wala nang buhay ang kanyang mahal at may hiwa pa ito sa mukha. Sinugod niya si Joan na hindi pa nakakatayo sa mga sandaling iyon. Sinipa niya ito sa sikmura at napasuka ang dalaga. Pilit bumabangon si Joan ngunit tuwing sinusubukan niyang tumayo ay sinisipa siya ni Mike. Pagulong-gulong sa kalsada si Joan habang pinagsisipa ni Mike.

Nakakita ng malaking bato si Mike sa tabi ng daan at kinuha niya ito at akmang ibabagsak sa ulo ni Joan ng sumigaw si Patrick.

"Mike wag!!"

Lumingon lang si Mike at inihampas sa ulo ni Joan ang malaking bato. Sumirit mula sa ulo ni Joan ang dugo at dumaloy ito sa kanyang mukha. Napaupo ang babae na nakangiti pa rin sa kabila ng mga natamong pinsala.

Sinipa ni Mike sa mukha si Joan at malakas na bumagsak sa semento ang ulo't katawan nito. Tuluyang nawalan ng malay si Joan.

"Mike! Tumigil ka! hindi si Joan ang mamamatay tao!!" Sigaw ni Patrick.

"Siya ang pumatay kay Luisa!! At balak nya akong patayin!! Tingnan mo ang ginawa niya sa akin!!" Sigaw ni Ann.

"Tumahimik ka sinungaling! Bakit ka may kutsilyo?! Tanong ni Patrick.

"Naagaw ko ito sa killer na yan!" Sagot ni Ann.

"Nakita kitang itinago ang kutsilyo na yan sa bag mo nung kumakain tayo sa hotel, kutsilyo yan na ginamit sa paghiwa ng lechon." Nilapitan ni Patrick ang bangkay ni Luisa.

"At base sa sugat na ikinamatay ni Luisa, yang kutsilyo na yan ang ginamit mo. Imposibleng gawa ang sugat na ito sa karambit na gamit ni Joan, pabaluktot ang karambit at maiksi lang ito." Paliwanag ni Patrick.

Niyakap ni Mike ang walang buhay na katawan ni Luisa habang umiiyak. Punong-puno ng paghihinagpis si Mike sa nangyari sa kanyang minamahal na buntis na sana.

Dumating ang mga pulis at ambulansya. Diniretso sa ospital si Ann at Joan habang dinala sa presinto si Mike at Patrick. Si Luisa naman ay inihiga sa tabi ng kanyang kuya sa morgue ng crime lab.

"Anong problema nyo? Ilang araw lang kayo dumating dito puro patayan na ang naganap sa tahimik na lugar namin." Umpisa ng imbestigador.

"Sana nga po hindi nalang kami pumunta dito, buhay pa sana si Brando at Luisa." Umiiyak na si Mike.

"Pero ang patayan po ngayon ay konektado sa patayan na naganap ilang taon na ang nakalilipas sa resthouse na pinuntahan namin dito." Sambat ni Patrick.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ng imbestigador.

"Si Mang Jose at Ann ang pumatay sa mga dating may-ari ng resthouse na iyon, at isinama pa nilang patayin ang kusinera at ang anak nitong babae. Si Ann ang nag-isip ng plano at si Mang Jose naman ang kanyang kasabwat. Silang dalawa ay may matinding galit sa mag-asawa, si Ann ay anak ng gwardyang binangga at sinagasaan ng walang hiyang anak ng mayaman negosyante. Dahil mayaman ang negosyante at maraming koneksyon, hindi nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ama ni Ann. Binayaran nila ang hepe ng kapulisan pati na ang mga saksi na sina Greg at Erika Abiera. Ang parte ng perang natanggap nila ang ibinili nila ng resthouse na iyon. Nakatanggap din naman ng malaking halaga ang ina ni Ann at nakaahon ang mag-ina sa hirap. Ngunit hindi mawala sa isip ni Ann ang paghihiganti, kaya hinanap niya ang sumagasa sa kanyang ama at sinagasaan din nya ito. Pagkatapos hinanap din nya ang mga witness na tumahimik sa kaso matapos mabayaran ng malaking halaga. Sinabi pa ng mag-asawa na wala silang sasabihin dahil wala daw silang nakita. Kaya nung mahanap ni Ann ang mag-asawa, nilapitan niya ang gwardyang si Mang Jose na may galit din sa mag-asawa dahil tinanggal siya sa pagiging gwardya ng mahuling umiinom sa oras ng duty. Inutusan niya si Mang Jose na patayin ang mag-asawa at tanggalan ng dila at mata dahil sa sinabi nila sa korte na wala silang sasabihin dahil wala silang nakita. Nadamay lang ang isang gwardya at ang kusinera. Pinatay din nila ang anak ng kusinera na si Joan at itinapon sa yungib upang hindi makita at para siya ang mapagbintangan sa patayan. Ngunit nagkamali sila at nabuhay si Joan. Kaya ganun nalang ang gulat ni Ann nang makitang buhay si Joan, ngunit hindi nya naman pwedeng sabihin sa amin na pinatay nila si Joan kaya ipinalabas nalang ni Ann na baliw si Joan para pag nagsalita siya ay hindi namin paniwalaan. Noong narinig ko ang kwento ni Mang Jose tungkol sa naganap na patayan sa resthouse na yun napansin ko ang mga hindi pagtutugma sa estorya niya at sa sinabi ni Ann kaya nag research ako tungkol sa nangyaring iyon, tiningnan ko ang record ng mga dating may-ari ng resthouse at nakita ko nga ang tungkol sa pagkamatay ng ama ni Ann at ang kuneksyon nito sa may-ari ng resthouse na sina Greg at Erika. Tinawagan ko rin ang security agency ni Mang Jose at kinumpermang tinanggal nga siya sa security agency dahil sa sumbong ng mag-asawa na umiinom ito sa oras ng duty. Tinawagan ko rin ang Makati pulis station tungkol sa hit and run case ng sumagasa sa ama ni Ann. Si Joan po ang makakasagot sa lahat ng katanungan nyo. May mga camera po sa hotel ireview nyo nalang po kung saan nakuha ni Ann ang kutsilyo na ginamit nya sa pagpatay kay Luisa." Mahilig sa detective works si Patrick, madalas din siyang nanonood ng mga investigative documentaries at plano niyang maging private investigator, isa iyon sa dahilan kung bakit sumama siya sa resthouse nina Ann kung saan may krimen na nangyari.

Nang makarecover na sa natamong mga sugat si Ann at Joan ay sila naman ang inimbestigahan at napatunayang tama ang mga sinabi ni Patrick. Lumabas din ang resulta sa DNA Test ng laboratory sa kutsilyong nakita sa drawer ni Ann at ang dugong nasa kutsilyo ay galing kay Mang Jose. Malamang Pinatay ni Ann si Mang Jose para patahimikin.

Ilang buwan ang nakalipas, sa resthouse na pinangyarihan ng krimen..

"Jo, natanggap na ako bilang private investigator. Sa wakas natupad na rin ang aking pangarap." Si Patrick habang yakap-yakap ang nakatalikod na si Joan.

"Mabuti naman kung ganun, so ngayon patas na tayo ha." Sagot ni Joan habang nakangiting humaharap kay Patrick.

"Sumama ka na sa akin sa Dumaguete, dun na tayo manirahan kaya na kitang buhayin sa sahod ko." Anyaya ni Patrick.

"Alam kong kaya mo akong buhayin, matalino ka kasi."

"Pano mo naman nasabing matalino ako?"

"Nagawa mo ngang ipasa ang bintang sa pagpatay mo kay Brando at ang pagpatay ko kay Mang Jose sa Ann na yun." Nakangiting si Joan.

"Patas lang, ipinasa nga nila ang pagpatay nila sa ina mo at sa tatlong tao sayo diba?"

"Eh bakit mo pa pinatay si Brando?"

"Nainis ako eh, pinopormahan ka ba naman tapos nang hindi mo pinansin naniwala agad na baliw ka at pinagbintangan ka pang mamamatay tao, ahahah."

"Eh totoo naman ah, mamamatay tao tayong dalawa, diba?"

"Pinapatay lang naman natin eh yung mga sagabal sa mga kagustuhan natin at ang mga nanakit at balak pumatay sa atin, hindi tayo ganun ka sama."

Author's Note:

Si Joan at Patrick ay namuhay sa Dumaguete kung saan makikilala at makakaharap nila ang mga karakter sa ibang mga kwento ko. Maiging basahin nyo rin po ang ibang kwento ko para mas maexperience nyo ang Universe na ginagawa ko. Maraming salamat sa paghihintay mga mahal kong readers.