Chereads / PAANO MAGING TAO? (mga aral, leksyon, biro at sekreto ng buhay) / Chapter 57 - Nadagdagan pa ang mga tao sa amin... Ang pagdating ng ilang pamilya sa Labas-Bakod!

Chapter 57 - Nadagdagan pa ang mga tao sa amin... Ang pagdating ng ilang pamilya sa Labas-Bakod!

Hindi nagtagal, nabahayan na noon ang katabi naming bahay. Tumira doon ang pamilya ni ate Amy at kuya Pake. Pinaayos din nila ang bahay na 'yon at naging magkapitbahay kami noon. At si Andong na kanilang anak na panganay ay naging kalaro ko na rin noon. Maliit pa 'non si Zoren o sanggol pa lang, maging si Zander ay ilang taon pa lang din noon. Hindi pa rin dati up and down ang kanilang bahay, may silong din katulad ng sa'min.

Naging madalas din dati ako sa kanilang bahay! As usual, nakikinuod din ako ng t.v sa kanila. Madalas din kami noong magkalaro ni Andong sa labas bahay, at naging magkumpare din noon si papa at kuya Pake. Kapag nandadala sa ilog o nanghuhuli ng isda si kuya Pake, madalas binibigyan n'ya kami ng kanyang mga nahuling isda. Natatandaan ko pa noon na kapag umuuwi na ng bahay sila kuya Pake galing sa pandadala, ang dami nilang mga bitbit na iba't-ibang klaseng isda. Nakikita ko din noon ang mga gabinting mga dalag, hito at karpa, pati na ring mga naglalakihan mga tilapia na kanilang mga nahuli. Kung tutuusin sagana pa noon ang ilog sa amin, talagang maraming mga isdang naglipana sa bawat parte ng ilog.

Nabakante rin noon ang bahay nila ate Maritess at ate Marivic. Sila ate Maritess, lumipat katabi ng bahay nila aling Santa at ate Lydia. At sila ate Marivic noon nagpatayo ng bahay malapit sa kawayan.

Madalas noon kaming maglaro ni Mandy sa kanilang bahay na inalisan o sa bahay dati nila ate Maritess. Hindi ko makakalimutan ang isang pangyayari doon sa abandonadong bahay na 'yon. Nang makapasok kami ni Mandy 'don para maglaro, nakakita s'ya ng bote ng coke. May konti pang laman 'yon at kanyang naisipang inumin. Habang ako'y nakakita rin ng bote ng 7up at ininom din ang konti nitong laman. Nalunok ko na ang laman 'non sa bigla kong pag-inom, at naramdaman ko na lang na gumuhit na ito sa aking lalamunan. Lintik! Gas pala 'yon! Masuka-suka ako noon habang si Mandy ay tinatawanan ako.

Nagdaan ang mga linggo at buwan, giniba na ang bahay na 'yon at tinayuan na muli ng panibagong bahay. Habang ginagawa noon 'yon, malimit din akong pumunta 'don. Bumababa ako sa ginagawa noon nilang hukay para sa poso negro ng bahay na iyon. Madali akong nakakababa 'don dahil may lubid sa hukay na 'yon. Nagpabalik-balik ako doon kapag walang mga taong gumagawa para bumaba sa hukay. At ng matapos ang bahay na 'yon tinirhan 'yon ng magkapatid na Osal o ang pamilya ni 'te Nene at ang pamilya ni ate Glenda. Nakapagpatayo na rin noon ng bahay sa harap ng bahay ni ate Nine na naging bahay naman nila ate Nora Osal.

Mga early 90's din dumating ang pamilya nila ate Pilar o sila Melvin. Naging unang bahay nila noon ang naging bahay nila Chester o Teng-teng. Madalas kaming pumunta noon at umakyat sa bahay nilang iyon para tumambay at sama-samang manuod ng mga pambatang palabas noon. Sila kimburt, Andong, Buboy Botor at ilan pang kabataan noon ay naging mga kabarkada rin ni Melvin ng sila'y bago pa lang noon sa Labas-Bakod. Hindi naglaaon, lumipat sila noon sa bukana ng Labas-Bakod. Nakapagpatayo sila ng bahay doon at naging kapit bahay nila sila Dennis o ang pamilya ni kuya Jun. Madalas pa rin namin s'yang puntahan sa kanilang bagong bahay noon.

Andon na rin noon ang pamilya nila Nhugs o Tawe. O, ang pamilya naman nila aling Sion at kanyang asawa. Naging kabarkada din namin noon sila Tawe lalo na si Joey na kanyang kapatid na kaedaran naman namin. Naging madalas din kami noon sa bahay nila Joey para tumambay. Sila ang unang naging bahay sa bukana ng Labas-Bakod except na lang kila mang Popoy. Mga nag-aaral na rin kami ng elementary noon.

Sa mga lumipas na taon, marami rin ang nagsipagdatingan sa Labas-Bakod at nawala. And'yan na ang dumating ang pamilya nila Mai-mai o ang pamilya nila Jong-jong. Pamilya nila Allan na kamag-anak rin nila Tawe. Pamilya nila Bing-Bong o nila ate Purit. At ilan pang mga pamilya ng mga taga Masbate o mga bisaya. Lumipas pa ang mga taon, ilan pa ring mga pamilya ang dumating at nanirahan na din sa Labas-Bakod.

Nawala noon o umalis na ang pamilya nila kuya Boy Anghel. Ang pamilya nila Boknoy o ni Alex ay nawala na rin. Nawala na rin ang pamilya nila Kimburt Begornia na aking kababata. Ang pamilya rin nila Eleazer o nila Itsoy ay nawala rin. Maging ng pamilya rin Joel o Tatang ay nawala na rin sa Labas-Bakod. Sila Boneng o Nino ay lumipat na rin noon sa Daang Bakal. Maging din ng pamilya nila Joker ay nawala na rin. Sa paglipas ng panahon may ilang mga pamilya din ang mga nawala na.

Si Boknoy o Alex ay nanatili sa Labas-Bakod ng kalaunan. Maging si pareng Joel din o si Tatang ay nanatili noon sa Labas-Bakod. At sila Itsoy at Kimburt ay paminsan-minsan pumapasyal pa din noon sa Labas-Bakod o nag pabalik-balik din. At ilan pang mga nawala na. Sa paglipas muli ng taon may patuloy pa ring lumilikas at dumadating.

*NAG-ARAL AKO BILANG GRADE ONE*

Dumating ang panahon, panahong mag-uumpisa na ako ng pag-aaral bilang elementary. Nagsama-sama noon ang aming mga magulang para kami eenrol sa St. Mary Elementary School. Sila papa noon kasama sila ate Lydia, ate Rosy at ilang mga mga magulang sa'min ay sabay-sabay kaming enenroll. Naging mga kasabayan ko noon sila, Kimburt Begornia, Cazandro Galupe, Raffy Rapsing, Micheal de Andres, Nino Tare, Rochelle Enopia, Carla Mariano, Eillen Mabute, Ma. Christina Guevara, Marry Anne Rosal at ilan pa. Bago pa man ako pumasok ng grade sa St. Mary, naisama na din ako ni ate Judy doon ng sila'y mag-Christmas Party. Nalungkot lang ako noon ng iwanan n'ya ako sa isang sulok at nakatanga lang sa kanila.

Magpapasukan pa lang noon ng umpisahan na nila mama akong turuan ng pagsususulat ko ng aking pangalan. Binilhan din nila ako noon ng "ABAKADA". At tinuruan din nila akong magbilang ng mga numbers.

Naging mahigpit noon ang pagtuturo sa'kin ni mama. Kung tutuusin ayaw ko na s'ya ang nagtuturo sa'kin dahil maigsi ang kanyang pasensya at palagi n'ya akong napapagalitan. Mas gusto ko pa kung si papa ang magtuturo sa'kin dahil malumanay s'ya o mahinahon sa pagtuturo.

Pumupunta rin ako noon kila Andong para sabay kaming nagsususlat ng pangalan sa papel. Maging kila ate Ersing din ay pumupunta ako para magpaturo ako noon kay Nunoy. Maging kay ate Judy rin ay nagpapaturo din ako na estudyante na noon sa St. Mary Elementary School.

Dumating ang unang araw namin ng pasukan. Naging adviser namin ang dalaga pa noong si Ms. Mercy Santos. Naging matindi s'ya noon sa'min! ✌️Nakaranas kami ng mga palo, pingot, iskwat, kurot sa singit. Maging ang paghila ng aming mga patilya. PUTA! SOBRANG SAKIT 'NON! Hahaha.

Hindi ko rin makakalimutan na piso lang ang baon ko noon. O, Sadyang piso lang ang binigay sa'king pera ni mama. Kung tutuusin, malaki pa ang kupit ko sa kanya kesa sa bigay n'yang baon sa akin. Naging kaklase ko noon si Kimburt/Nonoy, Cazandro/Andong, Nino/Boneng, Rochelle/Oche, Ma. Christina/Barang, Eillen/Aileen, at si Marry Anne/Lean. Si Carla noon naging section One, habang si Raffy at Micheal naman ay naging section three. Ang naging oras ng aming pasok noon ay mula alas siete ng umaga hanggang alas onse ng bago magtanghali.

Hindi na rin kami nagpapahatid noon sa aming mga magulang. Naging lagi kaming magkakasabay tatlo nila Kimburt at Cazandro noon sa pagpasok. Minsan, sila ang nauunang pumunta sa bahay namin habang ako'y naghahanda palang. At minsan naman kami ni Andong ay sinusundo si Kimburt sa dati nila noong bahay sa gilid nila aling Luding.

Naging mga pilyo kami noon bago pa lang pumasok sa eskwela. May pagdaang namamato kami ng mga bunga ng mangga at madaanan naming mga punong may bunga na hindi kataasan. Maging sa pag-uwi rin namin minsan ay nangunguha rin kami ng mga prutas. Ang tsesang parang tae ang laman ay hindi rin namin noon pinalampas tuwing uwian na. Sila Raffy din ay nakakasabay namin sa pag-uwi kung minsan.

Hindi ko rin noon makakalimutan ng mag-exam kami sa pilipino subject., kaming tatlo ni Cazandro at Christian ay nakakuha noon ng perfect score na 30. Talagang nagkopyahan kaming tatlo noon at matiyaga naming binasa at masusing pinili ang tamang sagot. Ako rin noon ang isa sa naging takbuhan nila pagdating sa pagpapadrowing. Nabubusog ako noon sa mga binibigay nilang mga pagkain sa'kin kapalit ng mga drawing ko sa kanila. Napasama rin kami noon nila Kimburt sa top 10. Doon ko rin unang nakita si Sta. Claus ng personal ng buwan ng Desyembre. Pinapila kaming mga mag-aaral papuntang stage kung saan doon nakaupo si Santa Claus at nag-aabot isa-isa sa'min ng mga regalo. Noon, maniniwala ka na sa nakikita ng mga mata mo na tunay ang mga bagay-bagay o totoo.

Madalas din namin noong ihatid sa Kanilang bahay sa Tierra Vista ang kaeskwela naming babae na si Aiza Combo. Halos sa mga naging kaklase namin noon ay mga taga Marikina Village, Daang Bakal, 'yung lugar malapit sa P.H.S o kila Jonas Molina. May mga naging kaklase din kaming mga taga Tierra Vista na sila Christopher Aquino, Christopher Mirano, Aiza Combo. Maging si Dexter Vesinica din ay naging kaklase ko noong grade one.