Chereads / PAANO MAGING TAO? (mga aral, leksyon, biro at sekreto ng buhay) / Chapter 62 - Ang pagsikat ni Huck Finn, Tom Sawyer at Jim... Maging si Indian Joe.

Chapter 62 - Ang pagsikat ni Huck Finn, Tom Sawyer at Jim... Maging si Indian Joe.

*SI KUYA GARY At SI MANG ROSAL*

Sa tuwing humahaba noon ang aking buhok, madalas akong nagpapagupit noon kay mang Rosal at kay kuya Gary. Si kuya Rosal noon ang madalas puntahan sa kanilang bahay ng mga kabataan sa'min at mga kalalakihan. Si papa rin noon ay kay mang Rosal nagpapagupit na kanyang kumpare. Ang singilan pa noon ng gupit kay mang Rosal ay limang piso palang. May papel pa dating limang piso at 'yon ang kalimitang binabayad sa kanya ng mga kabataan noon. May pagkakataon din na kapag nagpapagupit ako kay mang Rosal ay 'di na n'ya ako pinapabayaran. Naaalala ko pa noon na pila-pila ang mga kabataan sa tapat ng kanilang bahay para magpagupit sa kanya.

Sinabihan dati ako ni mama na magpagupit noon kay mang Rosal. Kagagaling ko lang noon sa paglalaro at talagang amoy araw na ako at may kadungisan na din. Habang ginugupitan ni mang Rosal ang malago kong buhok noon ay naglaglagan ang mga kuto ko. At ng matapos akong gupitan ni mang Rosal noon, pinalibutan na ako ng kanyang mga anak na babae. Sila Marilou, Kikay at maging yata ng kanilang ina na si ate Leony ay kinutuhan ako noon. Sinuyod nila ang buhok ko at isa-isang pinagtitiris ang mga kuto ko. Kumuha pa sila noon ng puting tela para doon isahod ang mga kuto na nakukuha sa ulo ko. Sobrang daming nakuha nilang mga kuto sa ulo ko noon at sila'y nagugulantang at napapatawa na lang dahil sa bukal ng mga kuto sa ulo ko. Nakakadiri talaga! Salamat na din sa kanila noon dahil tinanggalan nila ako ng mga kuto. 😁

Madalas din dati akong pumunta sa kanila noon para makinuod sa kanilang t.v at maglaro na rin ng mga nakakalat na mga laruan sa kanilang bahay noong ako'y bata pa lang. Si Tutoy noon na kanilang bunso ay sobrang liit pa lang o para pa lang s'yang ilang taon pa lang noon.

Naging manggugupit din ng buhok noon sa aming lugar ang tatay ni kuya Christopher at si kuya Nonoy Negro. Nakapagpagupit din ako noon ng ilang beses kay kuya Nonoy 'nung medyo nagbibinata na ako.

Sila kuya Christopher, kuya Jun, kuya Gary, kuya Rommel Rosal at ilan pang mga kaedaran nila ay nagpapraktis pa lang noon sa paggugupit o nag-aaral pa lang. Madalas dati akong pagpraktisan noon ni kuya Gary sa kanilang loob ng bakuran. Lagi n'ya akong gustong gupitan noon kapag nakikita n'yang malago na ang buhok ko. May katagalan nga lang maggupit noon si kuya Gary, kaya pagtapos ng gupitan namin ay nananakit ang aking leeg at nangangalay.

Malimit n'ya rin akong tawagin noon para magpadrawing sa'kin sa papel at magpatattoo sa kanyang balat gamit ang ballpen gaya ng rosas sa kanyang braso. Madalas n'ya rin sa'kin noon ipahiram ang kanyang shade na bilog ang bubog o salamin.

Sila kuya Jun at Christopher maging si kuya Rommel ay nagugupitan din ako noon. At ang mga kabataan noon sa'min ang kanilang mga naging praktisan, maging ng mga kaedaran din nila. Nang lumaon naging ganap na mga barbero na sila. Maging si Boknoy noon ay nag-aral din sa paggugupit at ginagawa n'ya rin kaming mga praktisan noon. Si kuya Jojo/Jobox rin na kamag-anak nila kuya Bong ay isa rin sa mga naging manggugupit noon sa aming lugar ng s'yay dumating din noon sa aming lugar. Nauso rin noon ang design na "Batman" sa likod, gamit ang pang-ahit.

Nauso dati ang hair style na Kempee noong 90's. Halos lahat ng karamihan sa mga kabataan noon, maging mga binata ay puro ganon ang gupit. Si Kempee de Leon daw ang nagpauso 'non kaya Kempee na gupit ang naging tawag sa ganong gupit o hair style. 'Yung buhok na sa gilid lang ang gupit at malago ang tuktok, maging ang bangs ay mahaba din. May hati din 'yon sa gitna at malimit laging sinusuklay namin o hinahawi ng kamay.

Usong-uso talaga dati ang ganong buhok at gupit! Maging ang mga "D' Gwapings", "Street Boyz", "U.M.D" at ilan pa. Sila Patrick Garcia, John Prats, Carlo Aquino at marami pang artistang kabataan noon ay ganon din ang mga hair style. Si Aga Mulach noon, malimit ko din na makita sa kanyang mga palabas noon na ganon din ang kanyang hair style.

Nauso rin noon ang under cut, mushroom na malago din ang buhok sa tuktok. Kung hindi man nakahati sa gitna ay nakabrush-up naman ang ayos ng buhok. At 'yung iba ay tinatalian ng goma. Sila Kuting, Bugoy, Rommel Guevara noon ang malimit kong nakikitang laging undercut ang gupit. At maging si Raffy din. Si Nunoy Ida noon ay laging Kempee ang kanyang hair style at marami pa sa lugar namin. Maging ako man ay nakapagpaunder-cut rin noon.

Simula noong grade four ako hanggang grade six ay Kempee ang naging hair style ko. At karamihan din sa mga lalaking kaklase ko noon ay puro ganon din ang mga naging hair style.

*MAKABULUHAN SA IKALIMANG BAITANG*

Nag-aral ako bilang grade 5 student, muli kami pa rin nila Kimburt ang naging magkakaklase noon, maging nila Rochelle din. Ang naging adviser naman namin noon ay si Mrs. Cataquiz na taga Anastacia Village. Bilang teacher noon si mam, masasabi kong mabait s'ya. At simple lang din ang kanyang itsura na may salamin sa mukha. Medyo may edad na din si mam noong mga panahong iyon. Siguro, mga fourty plus nadin ang edad noon ni mam sa pagkakaalala ko. Kilalang kilala n'ya rin ang aking ate na naging estudyante n'ya din.

Sa lahat na yata ng naging teacher ko isa si Mrs. Cataquiz ang hindi noon namamalo. Malumanay din s'ya magsalita at mahaba rin ang kanyang pasensya sa mga hinawakan n'ya noon mga mag-aaral. Ngunit kahit ganon pa man, may punto rin na paminsan-minsan s'yang nagagalit sa'min, at 'yun eh bihira lang. Andon din ang aming respeto sa kanya noon dahil sa pagiging mabait n'ya sa'min ngunit responsable pagdating sa pagtuturo. Wala din akong maalala na minsan n'ya akong napalo o napingot noon.

Noong mga panahon ding iyon, nagtitinda din ako ng pandesal sa umaga. Kapag dumadaan ako sa kanilang Street noon ay nabebentahan ko din s'ya ng pandesal. Maraming beses ko din noon nabentahan si mam ng pandesal sa umaga. At sa tuwing bumibili s'ya ng pandesal sa'kin ay lagi n'yang binabanggit ang pangalan ko.

Ang kanyang asawa noon ay namamasada ng kanilang trycle sa pilahan sa N.G.I. Patungo sa lugar namin. Malimit din noon si mam na hatid sundo ng kanyang asawa sa aming paaralan. Hindi ko na din matandaan kung English subject ba ang tinuturo n'ya sa amin, pero parang 'yun na nga.

Naging panghapon kami noon. At sa kauna-unahang pagkakataon ay napapunta na kami noon sa second floor, sa unahang silid malapit sa library naming may kaliitan. Iyon palang din noon ang second floor sa St. Mary. Naaalala ko pa noon na kapag wala kaming teacher pa o kapag absent ang magtuturo sa'min. Madalas akong pumunta noon sa library na gilid lang ng pintuan namin. Mahilig akong mangalkal 'don ng mga libro para basahin. At minsan naman para tingnan lang ang mga litrato nito. Nakahiligan ko noong bulatlatin ang mga history books na may magagandang mga pictures o drawing sa mga nilalaman nito. Madalas din ako noon utusan ni mam para magdrawing sa pisara.

Medyo dumadaan na kami noon sa pagiging adolescence, kaya ang mga classmate namin noong mga babae ay mga nakababy bra na at may suot na ding mga sando o puting t-shirt sa loob ng kanilang pang ilabas na polo. Ang iba ko noong mga kaklase ay medyo naglalakihan na din, samantalang ako ay nananatili pa ring maliit.

Simula grade one ako noon ay laging nasa unang pila ako, kung hindi naman pangalawa o pangatlo sa unahan. Naging kasabayan ko noon sa pagiging maliliit ay sila Aries, Andres, Felix, Joey, Jerry So, Jay-r, Albert John (may talento din sa pagdodrawing) at ilan pa. Habang sila Kimburt naman noon ay nasa bahaging laging padulong pila na dahil may katangkaran na s'ya noon.

Sa panghapon na klase namin noon ay masasabi kong naging masuwerte kami! Dahil naging kasabayan namin noon sa pagpasok ang sikat na sikat noong cartoons na "The Adventure Of Huck Finn" ni Mark Twain sa channel two. Tandang-tanda ko pa noon na 'nung grade five kami, bago kami pumasok nila Cazandro noon ay nanunuod muna kami ng palabas na Huck Finn.

Tumatak noon sa isipan ko ang palabas na iyon. At naging halos paborito ng mga kabataan noon ang palabas na 'yon. Sa pagkakatanda ko ang naging time slot n'yon ay naglalaro sa 10:00 or 10:30 am ng umaga, tuwing lunes hanggang biyernes o weekdays.

Naging malaking bahagi talaga 'yon ng mga kabataan namin noon dahil sa naging kaedaran namin noon ang mga bida sa palabas at para bang nakakarelate kami sa mga naging kalokohan nila Huck, Tom at Jim.

Wala rin akong pinalampas na episode 'non, magmula ng first hanggang last episode nito. Ang paglalakbay nila noon sa ilog ng Mississippi at pakikipagsapalaran nila sa mga iba't-ibang taong nakikilala nila sa kanilang paglalakbay ang isa sa mga naging hi-lights ng palabas na 'yon. At ng huli ay makita nila ang baul ng mga ginto na tanging laging hinahanap ni Indian Joe.

Si Indian Joe noon ay sumikat din! Sa katunayan nga, madalas s'yang gawing pang-asar noon sa aming lugar. At parang may tinawag o naging bansag noon ang mga kabataan sa amin na ang naging tawag o bansag sa isang taga sa amin ay si "Indian Joe" (Hindi ko na lang matandaan kung sino 'yon).) 🤣

Dahil sa pakikipagsapalaran nila Huck at Jim noon sa ilog ng "Mississippi" gamit ang kanilang ginawang balsa. At kasama na din 'don ang alaga nilang aso na si Luck ay talagang nakakabilib at nakakamanghang talaga, lalo na sa mata ng pagiging isang bata noon!

Dahil na rin sa ganda ng palabas na 'yon at sobrang laki ng naging impact sa'min 'non noon. Kami-kaming mga magbabarkada noon ay gumawa din ng balsa at naglakbay sa ilog ng "Marrikkinna". Ha! Ha! Ha!

Dati pa man ay gumagawa na kami ng mga balsa o bangka, kaya noong napalabas 'yon ay napalimit noon ang paggawa namin ng mga balsa at pagbababad din sa ilog namin noon. Ako, sila Raffy at ilan pang mga kabataan noon ay nagtutulong-tulong gumawa ng balsa. Si Mandy/Erwin noon ang aming masigasig na taga putol ng mga puno ng saging na aming pinagtagpi-tagpi. Maraming nagkalat noon na mga punong saging sa tabing ilog. Puputulin lang namin ang mga 'yon at itutulak pababa sa ilog. Tatanggalan din namin ng mga dahon at lilinisan ng mga sobrang balat. Tapos maghahanap pa kami ng mga kawayan at mga sanga din ng mga puno at papatulisin ang mga dulo para ito itusok sa mga puno ng saging na parang b.b.q, at pupukpukin ng bato. Ayon may balsa na kami!

Masipag noon si Mandy sa paggawa ng mga ganong bagay. Lahat ng iutos namin sa kanya ay madali n'yang nagagawa! At noon ay may katangkaran na s'ya at kaligsihan din sa pagkilos.

Madalas noon sa'kin magalit si papa dahil malimit ko noong tinatakas ang kanyang may kalakihan at matalas na kutsilyo. Tanda ko pa noon na paulit-ulit n'ya akong pinagbabawalan na kunin 'yon sa pingganan namin o kusina. Madalas kasi kapag binabalik ko 'yon ay lagi ng bungi-bungi. Kaya sa tuwing kinukuha ko at ibabalik sa bahay ang kutsilyo ay paulit-ulit n'ya rin itong hahasain para muling tumalim.

Dahil sa kakulitan ko noon at katigasan ng ulo. Wala noong nagawa si papa para kunin ko palagi 'yon at muling mabungi. May pagkakataon din noon na lagi na 'yon tinatago ni mama para hindi ko makita. Madalas din noon sa tuwing pumupunta akong ilog ay lagi akong may bitbit na kutsilyo. Hehehe! 🔪

Si papa noon, iginawa ako ng maliit na palakol na may maikli ding kahoy. 'Yon na lang daw ang gamitin ko kapag mamumutol kami ng mga saging at mga kahoy at kawayan. At 'wag ko na daw gagalawin o kukunin ang kawawa naming kutsilyo. Sa tuwing pumupunta kaming ilog nila Mandy noon para gumawa ng balsa, madalas lagi nilang pinapaalala sa'kin na dalhin ko ang aking palakol.

Ang "SARAP" ng pakiramdam noon sa tuwing sumasakay kami sa ginawa namin noong mga balsa. Dinadala namin 'yon sa malalim na bahagi ng ilog at doon ay nagpapatangay kami sa agos. Mga tatlo hanggang apat na bata ang pwedeng isakay 'non lalo na't kung may kalakihan ang aming gagawin. Si Mandy at Raffy noon ang aming tagasagwan, habang ako'y nasa gitna lang at sumisigaw. Masayang-masaya kami noon. Nagsisisigaw at piling namin kami sila Huck noon! 😂🛶

May mga nakukuha din kami noong mga sirang refrigarator. Maging mga ayon din ay ginagamit namin bilang balsa. Madalas din tumataob 'yon lalo na kung marami kaming mga sakay. At sa tuwing ito'y tumataob kanya-kanya na ng talunan. Malas mo na lang noon kapag matauban ka ng ref. dahil ito'y may kabigatan din at tiyak sakit ng katawan ang aabutin mo kapag nadaganan ka 'non at maipit sa loob. [Hehehe] Sigawan kami noon sa tuwing ito'y tataob. Si Mandy rin noon ang aming masipag na tagasagwan gamit ang mahabang kawayan.

May nakuha din kami noong malaking plangganang gawa sa fiber na ipunan noon ng tubig na pandilig ni mang Rosal na nakatambak sa kanyang lumang kubo. Binaba namin 'yon ng ilog at pinagsasakyan din namin na para bang balsa. Ang sarap 'non sakyan dahil malimit 'yon umikot kapag nasa tubig na at sa agusan ng ilog.

Gumawa rin kami nila Raffy, Mandy at mga kababata namin ng tree house noon sa baba ng garden ni mang Rosal sa tabing ilog din sa puno yata ng acascia. At sa tapatan din 'yon ng plaza namin noong pinalabas din ang "The Adventure Of Tom Sawyer" pagkatapos ng " Huck Finn". Nagtulong-tulong kami noon sa paghahanap ng mga materyales para mabuo 'yon. Sa mga sunugan noon o lutuan gamit ang mga kahoy, maging sa bawat bahay namin ay nangunguha kami ng mga pako para pagpakuan ang mga nakuha naming mga kahoy at fly wood sa taas ng puno. Gaya ng dati, si Mandy, Raffy ang ginawa namin noong taga pukpok ng mga pako at taga putol o lagare ng mga kahoy. (Habang ako'y nagmamando lang 🤣)

Nabuo namin 'yon ng ilang araw at madalas kaming tumambay 'don lalo na kapag pahapon na noong bakasyon. Nagagawa din naming magpiknik sa tree house na iyon. Natatandaan ko din na noong ginagawa pa lang namin 'yon o malapit ng matapos. Napagtripan noon ni Leonel na asarin si Mandy. Sa galit ni Mandy noon hinabol n'ya si Leonel sa ilog at hanggang sa daanan ng Boystown. At inabot sila noon ng kadiliman sa kanilang habulan. 🤣

Nagtagal ang kubo naming iyon. May pagkakataon pa nga ng isang umaga, nadatnan namin doon si kuya Daniel na anak ni kuya Boy Anghel na natulog 'don. Kinasawaan namin ang kubong iyon o tree house naming iyon hanggang sa isang araw nakita nalang namin itong may tae sa loob. May nagwalang hiya 'non. At ng tumagal ay naisipan na lang naming sirain ang kubong iyon.

Bakit nga ba tumatak sa isipan ng mga kabataan noon ang "The Adventure Of Huck Finn" ??? Itanong n'yo na lang 'yan sa mga 90's kid. 🤣 At tiyak mamangha kayo! 😜