Chereads / PAANO MAGING TAO? (mga aral, leksyon, biro at sekreto ng buhay) / Chapter 59 - There's a natural mystic blowing through the air.

Chapter 59 - There's a natural mystic blowing through the air.

*Things are not the way they used to be*

Noong musmos pa lang ako, sa tuwing balita na may namatay sa aming lugar. Sa totoo lang hindi ako nakakadama ng lungkot o pagkakalungkot mula sa pagiging bata. Bagkus, nagkakaroon ako ng kuryusidad kung bakit namamatay ang mga tao. May pagkakataong minsan natatanong ko si papa noon "kung bakit namamatay ang mga tao." Simple lang noon ang kanyang sagot sa akin mula sa limitadong kong kaisipan noon.

"Namamatay ang tao dahil kinuha na ng Diyos."

"O, di kaya'y napunta na sila sa langit."

[Sagot n'ya sa akin]

"At siyempre andoon na naman ang pangalawang kuryusidad mo o ang curiosity."

Sa mata ng mga bata, laging may mga tanong o napakaraming katanungan pagkatpos mong marinig ang mga sagot. At minsan sasabihan ka na lang ng, "tama na nga at makulit ka na."

Madalas ko din noong marinig kay ate Judy o kapatid ko na, "Kapag hindi ka mabait, hindi ka mapupunta sa langit." Anu nga ba ang langit? At anung meron 'don? Ang pagiging curious mo sa mga bagay-bagay sa paligid ay nagtutulak sa'yo sa maraming katanungan sa buhay. Sasabihin na lang ni ate sa'kin kapag namatay ka mapupunta ang kaluluwa mo sa langit at makakapiling mo si Hesus. Isa lang ang tumatakbo sa isipan ko noon na ang tanging paraan lang para makapunta sa langit ay ang kamatayan. Ibig sabihin kailangan ko munang mamatay para makapunta sa langit. May nagsasabi din sa'kin noon na maganda sa langit maraming mga bulaklak at maganda ang paligid nito na para bang isang paraiso. Sa ganong mga salita ay mabibighani kang makapuntang langit.

Sa mata ng pagiging bata, wala kang takot na mararamdaman kapag napapag-usapan ang langit at ang kamatayan. Minsan nga nabibighani ka pa sa imahinasyon na tumatakbo sa utak mo. At para bang gusto mo itong puntahan.

Mga late 80's noon, tandang-tanda ko pa si lola na ina o nanay ng aking ama. Nasa Fairview kaming lahat 'non sa bahay ng aking mga tiyahin. Iyon na rin marahil ang una kong pagkakatanda bilang isang bata. Naabutan ko pa noong buhay pa ang aking lola. Hinding-hindi ko makakalimutan ang umagang iyon. Nagising na lang ako at kanya akong binigyan ng isang pirasong pandesal. Tinanggap ko 'yon mula sa kanya, ngunit sa mga panahong iyon mahina na si lola. Nakaratay na lang s'ya madalas sa sahig na may banig, at kung babangon s'ya tanging pag-upo na lang ang kaya n'yang gawin.

May isang umaga na nakita ko na lang s'ya sa kabaong. Ang mga bagay na sumunod pa ay malabo na mula sa mga alaala ko. Tanging naging ebidensya n'ya na lang noon ay sa tuwing kinukuha ko ang mga naitabi naming mga litrato noon. May mga litrato 'don ng kanyang paglilibing o paghahatid sa kanyang huling hantungan. Sinabi sa'min noon ni papa na ayan ang libing ng inyong lola o ng aking magulang. Doon ko lang din naalala ang panahon na s'yay buhay pa.

Sa lugar namin sa Labas-Bakod, marami na akong nasaksihan ng mga lamayan o mga burol sa mga naunang namaalam sa aming lugar. Una kong naalala noon ng mamatay ang sanggol na anak ni kuya Loven at kanyang dating asawa. Sila pa ang gumawa noon ng munting kabaong nito katulong sila kuya Jummy. Sinabi sa'kin noon ni papa na magiging anghel na ang kanilang baby sa langit.

Nasaksisan ko rin noon kung paano unti-unting nawalan ng hininga noon ang nanay ni 'te Roda na si ate Chileng/Chideng. Nakadungaw kami noon ni ate sa bintana ng buhatin nila Rommel Rosal para isugod sa ospital ang kanilang nanay. Ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon kinuha na s'ya ng Poong May Kapal.

Si kuya Jon-jon na anak ni aling Teri na kumare ni mama ay matagal na rin namaalam. Nakipaglibing pa kami noon ni mama sa kaniya. Tandang-tanda ko pa na sa Boystown noon dumaan ang karo ng patay para sa kanyang libing. Masayahin 'yon si kuya na minsan ay pumupunta din sa aming bahay at nakikipag-usap kay mama.

Ang kalaro ko noong si Nunoy na anak ni ate Ersing. Nabalitaan ko na lang din kay ate mula sa St. Mary na wala na s'ya. Mula sa eskwela dumeretso ako sa kanilang bahay at sinilip ang kanya noong natutulog na katawan.

Habang lumilipas ang panahon kasabay ng unti-unti kong pagkamulat sa paligid, nadagdagan pa ang mga lumilisan. Nasaksihan ko rin noon ang pagkawala ni lola Paong, pumunta kami noon sa taas para makiisyuso. Nakita namin noon ang kanyang katawan na nakahiga sa kanyang higaan na hindi na gumagalaw. Sila Argie noon at kanyang kapatid na babae ay walang tigil sa pagluha o pag-iyak. Maging ng ilang taga doon.

Nasaksihan ko din noon ng mawala rin si Kuatog na kapatid ni kuya Rommel o kamaganak nila Tawe. Ang imbalsamador ang pumunta sa kanilang munting bahay noon sa taas para serbisyuhan ang bata. Mula sa kanilang bintana nakita namin kung paano sinaayos ng imbalsamador ang katawan nito. Nakita ko noon na naglabas ito ng malaking panusok na bakal at tinusok ito sa pagitan ng hinlalaki ng daliri ng mga paa ang kawawang bata. At doon n'ya hinigop ang mga dugo nito. Nasaksihan ko din kung papaano umiyak noon ang kanyang mga ate at kuya. 'Yung mga panahon na 'yon nagkakaedad na ako noon o dumadaan na sa pagigigng adolescence. Nakakaramdam na ako noon ng pagkalungkot at awa mula sa mga taong nawawala noon sa aming lugar.

Ang ama ni Nino o Boneng ay namaalam din noong maliit pa lang ako. Si ate Nube at si kuya Nunoy na mga kapatid din nila ate Roda ay namaalam na din dati sa amin. Ang erpat ni pareng Rommel na si kuya Guevara ay namaalam na din sa aming lugar. Si kuya Tony/ Bogrong na ninong ni Dandie ay namaalam na din. Nakipaglibing din kami sa kanya noon sa Paraiso. Si Manang Hika ay lumisan na din. Ang ermat ni pareng Kuting ay namaalam na din nu'ng ako'y bata pa.

Ang ama ni Sherwin Tutay na dati kong ginugupitan ay namaalam na din. Ang ina ni Roana at Onel ay namaalam na din noong kami'y mga bata pa lang din. Si kuya Biloy na dati akong sinasama sa ilog ay namaalam na din sa'min ng kami'y mga musmos pa lang. Si ate Ersing ay namaalam na din. Ang kuya noon ni kuya Christopher na si kuya Nonoy ay namaalam na din. Ang tatay ni Tuteng na si kuya Islao ay namaalam na din. Si Iway ay lumisan na din. Si Rogelio ay lumisan na din.

Ang kapatid noon ni pareng Nestor na si Dudoy ay namaalam na din. Nakita ko noon kung paano umiyak si Dandie mula sa loob ng bahay namin ng mabalitaan n'yang wala na si Dudoy. Halos mabutas noon ang aming Ding-ding sa kanyang pagsuntok dito. Alam kong masakit para sa kanya dahil si Dudoy ay kanyang kaedaran at mga kaedaran din nila Charlie at Dodong na tanging mga kadikit nila. Wala akong nagawa noon kundi tingnan lang s'ya mula sa kanyang pagdangos. Wala rin akong maisip na sasabihin sa kanya kung hindi manahimik na lang.

Dumating noon ang libing ni Dudoy, isa ako sa nagbuhat sa kanyang kabaong mula sa sementeryo ng Barangka. Nanghihinayang ako sa pagkawala noon ni Dudoy dahil napakabata pa n'ya ngunit inisip ko na lang din na baka hanggang doon na lang din ang kanyang buhay.

Si Teteng noon na aking kabarkada at kaedaran ay sobra akong hindi makapaniwala ng namaalam na din s'ya sa'min. Nabalitaan ko na lang 'yon ng isang umaga na wala na daw s'ya. Makailang beses ko din noong sinilip ang natutulog n'ya noong katawan. Hindi ko na nagawang makipaglibing noon dahil nasa ibang lugar ako nu'ng s'yay ilibing na. Mula sa aming inuman noon sa taas, napag-usapan namin nila pareng Eking at Leonel na dalawin ang kanyang puntod kinabukasan. Nakapagtirik kami noon ng kandila sa kanyang puntod.

Si Nhugs o Tawe na dati kong naging kaklase noong grade four ay namaalam na din sa Labas-Bakod. Naging kadikit ko rin noon si Tawe at masasabi kong mabuti rin s'yang tao. Si Pipeng o si Edwin ay lumisan na din. Pumunta kami noon sa Bulacan para makadalo sa kanyang huling burol at makipaglibing kinabukasan. Si ate Ida ay namaalam na din. Nakapunta rin kami noon sa San Jose Del Monte, Bulacan. Nakipaglibing din kami noon sa pamilya ni Nunoy o si Rene.

Ang asawa noon ni aling Lilia ay nawala raw sa ilog at hindi na nakita pa ang katawan at matagal na panahon na 'yon. Si kuya Boy na dati ko rin ginugupitan na asawa ni ate Purit, na ama naman nila Bingbong at Rodel ay namaalam na din. Ang tatay ni Raffy na si kuya Taloy ay lumisan na din. Si Rosemarie o si Bane ay namaalam na din. Si Payangyang ay lumisan na din. Ang ama ni kuya Ferdinand. Ang asawa ni aling Rosa na si kuya Berning ay mga namaalam na din.

Si Bing-Beng na anak nila ate Nora at kuya Bot na halos kababata ko rin ay namaalam na din. Nakakasakay ko s'ya sa trycle noon nu'ng nagtatrabaho na ako at nakakakwentuhan din. Sinabi n'ya sa'kin noon na swerte daw ang mapapangasawa ko at ako'y napatawa na lang.

Nababalitan ko na lang ang ilang mga balitang hindi maganda sa pandinig o kaaya-aya sa mga taong kalugar ko noon o kapamilya ko mula sa kung saan ako nandito ngayon.

Si kuya Victor na dating makisig sa Labas-Bakod ay namaalam na din maging ng kanyang ama na si kuya Atoy na kumpare din ni papa ay namaalam na din. Si Bongbong na kapatid ni Micheal ay lumisan na din. Ang ina ni Lindol na si aling Perla ay lumisan na din nu'ng ako'y nasa Labas-Bakod pa. Ang nanay ni pareng Nestor ay namaalam na din, ibinalita n'ya 'yon sa akin. Si ate Leony na nanay nila Marilou ay namaalam na din, maging si kuya Rosal na kanilang tatay ay lumisan na din. Si aling Aning na dati kong inuutangan ay namaalam na din. Ang nanay nila Toybox o Tutoy ay namaalam na din. Si Raymond/Tano, Edren/Biboy, Rochelle/Oche ay mga namaalam na din sa amin. Si aling Percy na may magandang tindahan dati sa Labas-Bakod ay namaalam na din. Si kuya Junior na asawa ni aling Auring na tatay naman nila kuya Eddie boy at nila pareng Charlie ay namaalam na din. Maging si kuya Paloyloy o Dennis ay lumisan na din. At ng iba pang lumisan o namaalam na rin na minsan ay mga nanggaling sa Labas-Bakod.

Kung tutuusin wala naman akong karapatan sa ganitong mga pangyayari. Para sa'kin kasi, maselan ang ganitong mga usapain kaya humihingi ako ng paumanhin sa mga pamilya ng nawalan ng mga minamahal sa buhay. Kung napasama ko man sa nobela ko.

Ang buhay at kamatayan ay bahagi na ng buhay sa mundo. May hangganan ang lahat ng mga bagay at buhay sa mundo. At ang kamatayan ay hindi matatakasan ninuman sa atin. Darating at darating tayo d'yan. Sabi nga ng iba, "una-una lang 'yan!" At "kapag oras mo na ay oras mo na." O, finish contract ka na sa mundong ibabaw.

May mga panahon din sa lahat ng bagay. May panahong maging malungkot, magdalamhati, magpighati. May panahon din para sa muling pagbangon, pagpapatuloy at muling pagiging malakas para sa mga darating pang hamon ng buhay.

Sa Labas-Bakod kung saan ko sila dating nakikitang naglalakad, gumagalaw, nagtatrabaho, tumatakbo, naglalaro. O, kung anu pa man ang kanilang mga ginagawa noon sa lugar naming iyon. Tanging nananatili sa aking gunita ang mga panahong iyon, kung saan sila ay mga buhay na buhay sa mga alaala ko at nanatiling sariwa sa tuwing naiisip ko sila na naging malaking bahagi ng pinakamamahal kong Labas-Bakod.

Alam kong hindi natatapos ang kamatayan sa pagiging tao. Bagkus, simula palang ito ng ating bagong paglalakbay patungo sa kabilang buhay o sa tinatawag nating "LANGIT!". Maaring mawala ang katawan nating mortal ngunit sa isipan ko bilang musmos noon ay nandon lagi ang kuryusidad na makakapunta tayo sa paraisong langit kapiling ang May Kapal.

Ayoko rin iwaglit sa isipan ko simula ng paniniwala ko noong musmos pa lang ako ang napakaganda noong naririnig ko na lugar. O, ang salitang LANGIT na pinapangarap na mapuntahan ng bawat batang malinis at puro ang kalooban noon.

"Totoong may Diyos at totoong may Langit, dahil minsan ko na din nadaya ang kamatayan!" At balang araw, magkikita-kita din tayo doon sa ibang dimension ng mundong iyon. 🙏

Natural Mystic

"Bob Marley"

There's a natural mystic

Blowing through the air

If you listen carefully now you will hear

This could be the first trumpet

Might as well be the last

Many more will have to suffer

Many more will have to die

Don't ask me why

Things are not the way they used to be

I won't tell no lie

One and all got to face reality now

Though I try to find answer

To all questions they ask

Though I know it's imposible

To go living through the past

Don't tell no lie

There's a natural mystic

Blowing through the air

Can't keep down

If you listen carefully now, you will hear

Such a natural mystic

Blowing through the air

This could be the first trumpet

Might as well be the last

Many more will have to suffer

Many more will have to die

Don't ask me why

There's a natural mystic

Blowing through the air

I won't tell no lie

There's a natural mystic

Blowing through the air

When you're gone

"Cranberries"

Hold on to love, that is what i do

Now that I've found you

And from above, everything's stinking

They're not around you

And in the night I could be helpless

I could be lonely, sleeping without you

And in the day, everything's complex

There's nothing simple when I'm not around you

And I miss you, when you're gone

That is what I knew, bay-, bay-, babe

And it's going to carry on

That is what I knew, bay-, bay-, baby

Hold on to my hands

I feel I'm sinking, sinking without you

And to my mind, everything's stinking

Stinking without you

And in the night I could be helpless

I could be lonely, slipping without you

And in the day, everything's complex

There' nothing simple when I'm not around you

And I miss you, when you're gone

That it was I knew, bay-, bay-, babe

And it's going to carry on

That is what I knew, bat-, bay-, baby

Bay-, bay-, baby

Bay-, bay-, babe