Chereads / Anxious Heart / Chapter 9 - Kabanata 7

Chapter 9 - Kabanata 7

Pag-alis ng mga nakakatandang Hermosa sa aming bahay ay parang wala ng nangyari.

Ang mga nakababatang Hermosa ay nagpatuloy lang noon sa pag-uusap ng mga nakakatawang bagay.

Mabilis na lumipas ang mga araw. We treasure every moment na kasama si Daddy. After we celebrate my 19th birthday, ay kami naman ni Aryesa ang nagcelebrate dahil finally nalagpasan na namin ang aming unang taon sa kolehiyo! Mahirap pero kakayanin!

Nasa school kami ni Aryesa, kakagaling lang namin sa Hepa lane kung tawagin ng mga istudyante, ang fishball-an sa labas ng aming university. Kumain kami ng madami doon ng ibat ibang street foods dahil sa pagkapasa namin ni Aryesa sa taong ito. Nagenroll na din kami para sa panibagong taon namin sa kolehiyo at umuwi na din kami pagkatapos.

Pagka-uwi namin ay nasa bahay ang mga apo ni Daddy at ang anak nitong si Antonio, ang daddy ni Yuan. Naguusap lang sila tungkol sa Carpentry Business nila Daddy na sa pagkakaalam ko na si Yuan ang magtetake-over. Graduate na kasi si Yuan sa kursong Architectural

Engineering at sa pagkakaalam ko sa BGC pa ang main branch ng business nila, kung kaya't sigurado ako na hindi ko na madalas makikita si Yuan.

Nalulungkot ako oo, pero masaya ako para sa kanya. nakakalungkot lang dahil hindi na ako makakapasyal pero okay lang, pakiramdam ko naman ay magiging busy na ako sa pag-aaral. Lalo na ngayon na 2nd year na ako, ang sabi-sabi ay ang ikalawang taon sa kolehiyo ang pinakamahirap na parte ng college life.

Pinagmasdan ko ang daddy ni Yuan at si Daddy. Halatang halata kay Daddy ang panghihina, dahil sa matanda na din ito. Nung bata ako, tandang tanda ko kung paano ko tanungin si mama kung hanggang ilan taon ang buhay na itatagal ng isang tao, dahil ang gusto ko ay humaba pa ang buhay ni Daddy. Pero kagaya ng sinabi ni mama sa akin noon, ay diyos lamang ang may alam kung hanggang kailan ang itatagal ng buhay ng isang tao.

Napatingin sa akin si Daddy at nginitian niya ako. Kausap niya pa din ang daddy ni Yuan. Napatigil lang kami nung may kumatok sa bukas na pintuan. Pagtingin namin ay si Yuan iyon! Naka three piece suit ito, halatang galing sa office.

"Dad, lolo." pagbati sa kanila ni Yuan. Pero sa akin, ay nakatingin lang siya. ngingitian ko na sana siya pero kinausap na agad siya ni Daddy.

"Tapos na ang meeting apo?" tumango naman si Yuan bilang sagot.

"Lo, isasama ko lang si Agatha mamasyal." paalam nito. Nagulat ako! pero sa kabila ng pagkagulat ko ay natuwa ako!

Tumingin naman ako kay daddy at nginitian niya ako. Hudyat na pinayagan ako! Napangiti ako ng malaki doon at umakyat na sa taas para ilagay ang bag ko na pang iskwela at kunin ang sling bag ko na paglalagyan ko ng wallet at cellphone. Pagbaba ko, nagpaalam na ako kay Daddy at Mama. Nasa labas na si Yuan, nakasandal sa kotse niya.

Naka longsleeves na lang siya ngayon, tinanggal niya ang coat niya. Nang makarating na ako sa harapan niya ay agad niya akong iginaya patungo sa shot gun seat ng kotse niya. Hindi na ako nagdala ng jacket dahil naka red longsleeves naman ako, ripped jeans at white converse shoes.

"Saan tayo pupunta Yuan?" tanong ko dito.

"Manila. Saan mo gusto? name it." sagot nito.

"Talaga? Sa manila tayo pupunta? Gusto ko sa MOA! kasi hindi pa ko nakakapunta doon eh." Ang lawak ng pagkakangiti ko habang nakaharap sa labas ng bintana ng kotse niya.

"Yuan." tawag kong muli sa kanya. Tumingin lang siya saglit sakin bago binalik ang mga mata sa daanan. "Pag nagwowork ka na sa BGC, hindi kana masyadong uuwi dito sa tagaytay ano?" pero hindi ako nakakuha ng tugon sa kanya kung kaya binusog ko na lang ulit ang mga mata ko sa mga nakikita ko sa paligid.

"Hindi ako sa BGC magtatrabaho." napatingin muli ako sa kanya. Nakatigil na ang kotse dahil sa red ang stoplight, pero si Yuan, ay prenteng nakatingin lang ng diretso.

"Eh san ka magtatrabaho? eh di ba, sa bgc nakatayo ang main ng company niyo?" pag-uusisa ko. Nagsalubong ng kilay nito.

"Sa makati ang main branch." Sa Makati pala? Pero kahit na! Malayo pa din!

"Gaano kalayo iyon dito sa tagaytay?" malayo din kaya iyon kagaya nung sa BGC? oh baka parehas lang?

"Two hours drive." Ay! malayo din. Nalungkot pa din ako. Kasi, ibig sabihin hindi na nga siya masyadong uuwi. Kasi di ba, pag-galing sa work pagod na siya tapos magdadrive pa. "Why, Agatha?" tanong nito.

"Ah..wala naman." ngumiti ako ng peke sa kanya. Pero hindi naman halata na peke iyon. Siguro?

-

Pagkadating namin sa MOA ay kumain na agad kami, bago mamasyal. Kumain kami sa isang restaurant na dito ko lang nakita sa manila at hindi din pamilyar ang pangalan nito. Masarap ang pagkain kung kaya naman ay napadami ang kain ko. Pagkatapos namin, ay niyaya niya akong mamili ng mga damit na gusto ko.

"Wala ka pa bang nagugustuhan?" tanong nito.

"Ahm..wala eh? Mamasyal na lang tayo dun sa may dagat? Gusto ko dun!" sagot ko dito, ngunit parang hindi kumbinsido.

"Pupunta tayo doon pagkatapos mo bumili ng mga damit." wala na akong nagawa kundi pumili ng damit. Isa lang dapat ang bibilhin ko pero nagulat ako nang dagdagan ni Yuan ang damit na dapat ay dadalhin ko sa fitting room! Sa huli, siya din ang nanalo. Andami niyang pinilit sakin na damit kaya ang ending, ayun! Binili niya lahat sakin iyon!

-

"You hungry?" Naglalakad na kami dito sa may SM by the Bay patungo sa dulo nito na kung tawagin ay seaside boulevard, kung saan kita ang mga building na nagtataasan pagkatapos ng Dagat, Pier at iba't ibang klase ng barko at yate.

"Kakakain lang natin ah!" sagot ko dito. Ang mga pinamili namin ay dinala na muna namin sa kotse niya bago kami nagtungo dito. Nagkibit balikat lang ito at ng makarating na kami sa dulo ay umakyat ito sa breakwater para umupo. Naiwan naman ako sa ibaba dahil may kataasan ito at kahit five foot five inches ang height ko nahihirapan pa din akong umakyat sa ganyan dahil di naman ako athletic. Compare to Yuan na 5'11 ang height. kayang kaya niya talagang umakyat ng walang kahirap hirap.

Napansin niya na nag-iisip ako kung paano umakyat kung kaya't bumaba muli siya. Akala ko ay tatayo na lang kami dito pero biglang hinawakan niya ang dalawang bewang ko at walang kahirap na inangat ako paupo sa breakwater. Napahawak naman ako sa mga braso niya! Ang tigas, mamuscles!

Hindi niya pa din tinatanggal ang mga kamay niya sa bewang ko, ganun din naman ako. Nanatili ang mga kamay ko sa mga braso niya. Nakatingin din siya ng diretso sakin ako naman ay prenteng nakatingin sa mga braso niya na hawak ko.

"Agatha" tawag nito sakin. Napatingin naman ako sa mga mata niyang tila nangungusap. "Who is your real father?" tanong sakin nito. Para akong binuhusan ng mainit na tubig sa gulat ko! Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kasi naman..hindi ko alam kung sino ang totoo kong tatay! Napatungo ako dahil doon.

"I'm sorry. It's just....I just..wanna make sure that...hindi ka talaga anak ni lolo." napatunghay ako dahil doon! Anong gustong palabasin nitong si Yuan? "Don't get me wrong, Agatha. It's just...gusto kong lang makasiguro na hindi tayo magkadugo." lalo akong nagulat sa sinabi nito. Magsasalita na sana ako pero biglang tumunog ang cellphone ni Yuan. Agad niya din naman itong sinagot sa harapan ko.

Ang isang kamay niya ay nakahawak sa cellphone na nasa tenga niya at ang isa naman ay nanatili sa bewang ko.

"Duke?" si Duke ang tumawag sa kanya! Bakit kaya? "Okay, pabalik na ko." sagot nito sabay baba ng cellphone niya pero ang mata ay di pa din inaalis ang pagkakatitig sa akin.

"I have an emergency sa Nasugbu branch, ipapasyal na lang ulit kita sa susunod." anito tsaka ako muling binuhat pababa. "You sure that you're not hungry?" umiling ako bilang sagot ay tsaka kami naglakad papunta sa pinagparkingan niya ng kotse para umuwi.