Chereads / Wedding in Trouble(Tagalog) / Chapter 17 - Chapter 17

Chapter 17 - Chapter 17

PAGKTAPOS kumain ay napagdesisyunan muna namin na mag stay sa bahay nila. Alam ko kasing namiss din ni Lorenzo ang bahay kung saan siya lumaki.

"Mommy, pinalawakan n'yo pala ang garden? Maganda."

"Yes. Recently kasi may mga nadiscovered kasi akong mga flowers na talaga naman ang ganda sa paningin. So I told your dad about this."

Napangiti ako sa mag-ina. Ang sarap nilang tingnan. They are catching up.

"Oh, wait your dad is calling." Sinagot agad nito ang tawag.

"Oh, hello Hon! Your son is here together with his wife." Lumingon naman ito sa kanila at masayang nagkwento.

Lumingon sa akin si Lorenzo.

"Are you bored?" Tumabi ito sa akin.

"No. Actually namiss ko din 'tong house n'yo." Nakangiting sagot ko.

"My house is your house too." Saglit itong napaisip. "Come on let's go upstairs."

Hinila ako nito para tumayo.

"I'll show you my room."

Nagulat ako sa sinabi nito. Kahit kasi na magbest friend kami ay hindi kami pumapasok sa kanya kanyang room for privacy.

"Wait! are you sure?" Tanong ko.

Tumigil naman ito sa paghila sa akin.

"Yes, I'm sure." Ngumisi ito bago lumingon kay Mommy Karen.

"Mom, sa taas lang kami." Tumango lang ito dahil kausap pa ang daddy ni Lorenzo. Hinila na ako ni Lorenzo paakyat.

Sa second floor makikita ang mga kwarto ng mga Villareal.

Ang unang kwarto ay para sa parents ni Lorenzo, ang pangalawa naman ay para kila Ate Carla at nasa dulong parte ay kay Lorenzo. Nalaman ko ang mga ito dahil madalas ako dito sa kwarto ni Ate Carla.

Pagwala pa si Lorenzo, sa kwarto kami ni Ate Carla nagpupunta. Ginagawa akong modelo nito para sa mga bagong designs niya na siyang ipapasa niya sa kanyang professor nu'ng nag aaral pa ito.

"Here we are.." Napalingon ako kay Lorenzo ng buksan nito ang huling pintuan. His room.

Pagbukas nito, ang una kong napansin ay ang color nito. ang kulay na makikita mo lang ay black, white and gray.

Then she remembered the time when they were arranging their room. Ito yung room namin if ever na bumisita ang parents namin at magtaka kung bakit magkahiwalay kami ng kwarto. So para hindi sila maghinala, ginamit namin 'yung isang kwarto at inayos ang gamit doon. Ito 'yung time na galit pa sa akin si Lorenzo dahil sa mga nangyari. Nung mga panahon na 'yun hindi pa ako pinapansin ni Lorenzo kaya ang pinili kong theme ng room namin ay white and violet, pero nang magkaayos kami ay pinabago nito ang kulay. He thinks that color is so gay. Bigla naman akong natawa sa mga naalala.

"What's so funny?" Nakakunot ang noo ni Lorenzo ng tingnan ko ito.

"Nothing.. it's just that I remembered our bedroom's color." Pagpipigil ko ng tawa.

He rolled his eyes, na lalong nakapagpatawa sa akin. "Yeah, I hate those colors."

"Hey! it's my favorite color."

"Yeah, yeah.. I know." Natawa na rin ito.

Simple lang naman ang kwarto ni Lorenzo, mahahalata mo agad na lalaki ang natutulog dito. Nasa right side ang bed at nasa left side ang study table and computer. Nakahilera din doon ang kanyang closet and bathroom.

Katabi naman ng bed nito ang mga libro na madalas ko din hinihiram. Ito ang madalas na pampalipas oras namin noon. Magdadala sa sala si Lorenzo ng mga libro at sabay namin itong babasahin.

Humiga naman si Lorenzo sa kama nito. "Oh. How I missed my bed!"

Hinayaan ko lang ito.

Patuloy lang ako sa paglibot sa kwarto nito. Napatigil lang ako ng tawagin ako ni Lorenzo.

"Kara, come here.."

Nagtatakang napalingon ako dito. "Why?"

Sinenyasan ako nitong lumapit. Naglakad ako hanggang sa harap nito.

Bumangon ito. Akala ko ay uupo na ito, pero napasigaw ako sa gulat ng hilahin ako nito pahiga at idinantay ang kaliwang binti sa mga hita ko.

"Let's sleep."

Bigla ata akong nahirapan huminga sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.

Dahil nakadantay sa akin ang binti ni Lorenzo, hindi ko magawang lumayo dito. Napatingin ako kay Lorenzo nang yakapin ako nito. Naramdaman ko ang unti-unting pamumula ng aking pisngi.

"Lorenzo.." Pagtawag ko dito.

"Hmm.." Nakatitig lang ito sa akin kaya naman lalo akong nailang pero hindi ko magawang iiwas ang tingin. Pakiramdam ko para akong nahi-hypnotized ng mga mata niya.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero unti-unting nawala ang distansya namin sa isa't-isa hanggang sa maramdaman ko ang pagdampi ng labi nito sa labi ko. Nakabukas pa rin ang aking mata dahil sa gulat.

Sa una ay hindi ito gumalaw pero maya-maya ay naramdaman ko ang dahan-dahang paggalaw nito. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. Para akong naupos na kandila ng sandaling iyon.

May narinig akong parating na yabag. Sa pagkataranta ay agad kong itinulak si Lorenzo. Sa sobrang gulat ni Lorenzo ay na-out balance ito at nalaglag sa kama. Sakto namang bukas ng pinto.

"Aw! why did you- "

"Lorenzo your dad's want to talk to you- What are you doing on the floor?" Nagtatakang tanong nito.

Lumingon ako kay Lorenzo. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o kakabahan dahil sa sama ng tingin nito sa akin..

"I-Im just looking for.. my old stuff under my bed." Tumingin pa ito kunwari sa ilalim ng kama para pangatawanan ang pagsisinungaling niya.

"Okay, take this your dad is on the line."

Tinanggap ni Lorenzo ang phone at lumayo ng kaunti para makausap ang ama nito. Pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang masamang tingin nito sakin. Muntik na akong matawa kung wala lang dito si Mommy Karen.

Tumayo na rin ako pagkatapos ay inayos ang unan at kumot ng kama na nalukot sa paghiga naming dalawa.

Tumingin sakin si Mommy Karen na puno ng pagtataka pero maya-maya ay sumilay sa labi nito ang mapang-asar na ngiti bago umalis.

Para bang sinasabi ng ngiti nito na may alam siya sa nangyari kanina.

Nakagat ko ang ibabang labi ko.

Masyado ba kaming halata o guilty lang talaga ako?

Shet!

Nahawak ako sa labi ko. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman. Biglang nawalan ng lakas ang tuhod ko kaya napaupo ako sa kama.

Ang first kiss ko, nakuha na ni Lorenzo.

Bumalik sa isip ko ang eksena kanina. Kung paano kami nagkatitigan, ang paglalapit ng mukha naming dalawa at ang pagdampi ng malambot nitong labi.

Napayakap ako sa unan at doon nagsisigaw. Ganito pala ang pakiramdam, para akong kinikiliti sa tyan. Hanggang sa humiga ako at tulalang nakatingin sa kisame.

Shet! mapagkakamalan akong baliw nito dahil di ko mapigilang ngumiti. Ang sakit pala sa panga.

Tumayo na ako at this inayos ko na talaga ang unan at kumot. Sa baba ko na lang hinhintayin si Lorenzo.

Paalis na sana ako nang mapansin ko ang isang picture frame na nakataob sa table katabi ng kama.

Lumapit ako dito at tiningnan ito.

Pero sana pala hindi ko na lang ginawa. Sana hindi ko na lang tiningnan...

Ang picture nilang dalawa.

Ni Lorenzo at Cristine.

Natapos ang tawag ni Lorenzo saktong paglabas ko ng pinto.

Tumingin ako dito saglit pagkatapos ay isinara ang pinto.

"Ahm.. inayos ko na 'yung kama, tara baba na tayo." Pagkatapos nauna na akong bumaba dito.

Hanggang sa pag-uwi ay tahimik lang kami. Walang gustong bumasag sa katahimikan. Bubuksan ko sana ang radio para magkaroon ng konting ingay, pero pinigilan ito ng kamay ni Lorenzo.

Pinagsalikop nito ang kamay naming dalawa.

Napatingin ako dito.

"Kara, galit ka ba sakin? dahil ba sa ginawa ko kanina?" Tanong nito.

Hindi ako sumagot.

Hindi ako makasagot kasi alam ko naman na hindi iyon ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

"Hindi." Pilit kong inalis ang kamay nitong nakahawak sakin pero hindi ako nito binitawan.

"Galit ka eh," papupumilit nito at lalo pang hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

Hinayaan ko na lang ito, tumingin na lang ako sa bintana. Binuksan ko ito.

Ang lakas ng hangin.

Kanina noong makita ko ang picture nilang dalawa, bigla akong nakaramdam ng takot.

Mukha silang masaya sa picture. Nasa likod ni Cristine si Lorenzo at nakayakap sa kanya.

Naisip ko paano pag bumalik si Cristine, paano pagbinawi niya sakin si Lorenzo? Paano pagpinaglaban na nila ang pagmamahalan nilang dalawa. Punong-puno ng what ifs ang utak ko.

Paano kung dumating sa punto na kailangan ng pumili ni Lorenzo sa aming dalawa. Sino ang pipiliin niya?

Hindi ko napansin na may tumulong luha galing sa mata ko. Pasimple kong itong pinahid para hindi makahalata si Lorenzo.

Tumingin ako dito.

Nakatingin ito sa daan. Naramdaman siguro nitong nakatingin ako kaya lumingin ito sa akin.

Nginitian ako nito.

"Sorry na.." Ibinalik nito ang tingin sa daan.

Huminga ito ng malalim.

"Honestly, hindi ko alam kung anong pumasok sakin at nagawa ko iyon."

Lumingon ito saglit sa akin.

"Sorry Kara kung naoffend kita ng dahil doon." Ngumiti ito, "akala ko kasi pareho natin gusto yun." Tumawa nito.

Nakatitig lang ako dito. I loved how he laughs it always made my day.

Kaya nakapagdesisyon na ako. Hindi ako aalis sa tabi ni Lorenzo. Mamahalin ko pa rin siya kahit walang kapalit.

Hanggang sa siya na ang kusang umalis. Hanggang sa magsawa na siya sa akin.

"Hindi naman ako galit."

Namilog ang mata nito.

"Nabigla lang ako, kasi nawala na 'yung first kiss ko. Nung kasal natin sa gilid lang ng labi mo ako hinalikan kaya hindi counted 'yong kasal." Paliwanag ko.

"So 'yung kanina counted na?" Tumawa ito.

Hindi ako nakasagot.

Pero ang loko abot tenga ang ngiti.

"Hindi ko alam Kara na binibilang mo pala ang halik ko." Pang-asar nito.

Nakarating kami ng bahay na puro asaran ang nangyari.

Dumiretso na ako sa kwarto ko, habang si Lorenzo ay inayos ang pagpark ng sasakyan. Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama. Kinuha ko ang phone sa bag nadala-dala ko. May message pala, 5 minutes ago.

Nanlaki ang mata ko ng mabasa ko ang message.

Sender: Ate Carla

Hi Kara its Carla, I forgot to tell you na may reunion kasi ako with my highschool classmates. I want to ask you a favor. Can you babysit Dylan for me tomorrow. Please 🥺