HINDI ko na nagawang kausapin si Lorenzo ngayong himbing na himbing ang tulog nito. Bukas ko na lang siguro ito kakausapin.
Naisipan kong kumuha na lamang ng kumot at hayaang dito na lang ito matulog dahil hindi ko kayang buhatin ito sa sariling kwarto.
Inayos ko ang pagkakalagay ko ng kumot at siniguradong hindi ito lalamigin. Akmang tatayo na ako ng biglang magmulat ang mga mata ni Lorenzo at titigan ako. Nagulat ako ng bigla na lamang akong hinila nito pahiga at yakapin. Pansamantalang hindi ako nakahinga sa ikinilos nito.
Napaka-higpit ng yakap nito na para bang mawawala ako pag bumitiw ito. Ilang sandaling hindi muna ako gumalaw. Hinintay ko munang maging steady na ang paghinga nito at dahan-dahang inangat ang braso nito na nakadantay sa aking baywang. Pigil ang aking paghinga habang inaangat ko ito pero nagulat ako nang kusang bumalik ang braso nito sa aking baywang. Hindi na ako nakakilos pa lalo na't ramdam na ramdam ko ang paghinga nito nang sumiksik pa ito sa leeg ko.
"Don't move."
Napalunok ako nang malaman na gising pala ito. Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lamang ito sa gusto nito.
"I'm sorry." Huminga ng malalim si Lorenzo bago ito nagpatuloy.
"I'm sorry for being a jerk. I'm sorry for ignoring you." Dagdag pa nito.
Unti-unting bumigat ang pakiramdam ko nang magbalik sa mga alaala ko ang mga pag-iwas nito sa akin. Kung paanong hindi ako nito pinapansin na parang invisible sa bahay na ito. Nangingilid na ang mga luha ko pero pilit ko itong pinigilan.
Hindi ko alam kung na nanaginip ba ito at ako ang laman ng panaginip nito kaya ito humihingi ng tawad o baka naman sa ibang tao siya nagso-sorry, kay Cristine.
"I'm sorry for hurting you, Kara." Pero nang marinig ko ang pagbigkas nito sa aking pangalan ay tuluyan na nga akong napaluha. I bit my lower lip to stop myself from crying.
Ako pala ang tinutukoy nito at hindi ang ibang babae.
Ito na siguro ang chance ko para linawin ang tungkol sa aming dalawa.
Hindi ko na napigilan pa ang pag-yugyog ng aking balikat sa kakapigil ko sa pag-iyak. Dahan-dahang inilayo ni Lorenzo ang sarili upang tingnan ako.
"K-Kara... I'm really sorry.. shh.. don't cry." Pinahid nito ang takas kong luha.
"If you want, you can hurt me too.. punch me if you want." Hinawakan nito ang aking kamay at inaktong susuntukin ko.
Nagpumiglas ako sa hawak nito at sinuntok ito ng paulit-ulit sa dibdib.
"N-Nakakainis k-ka.. pinaiyak mo ko L-Lorenzo." Ngayon ko nailabas ang lahat ng mga hinanakit ko dito.
"Sabi m-mo hindi mo ako paiiyakin.. p-pero..pero pinaiyak mo ko." Alam kong wala namang silbi ang pagsuntok ko dito dahil nanghihina na ako kakaiyak.
Muli akong niyakap ni Lorenzo.
"Yeah.. I know. Im sorry..sshh it's okay if you won't forgive me. I will understand."
Nag-angat ko ang tingin dito. "Y-Yun na nga ang nakakainis. Konting sorry mo lang okay na ako. Bakit ba marupok ako?"
Dahil sa naghalo-halong emosyon, hindi sinasadyang naisaboses ko iyon.
Natawa naman ito. "Yes, I know that too."
Napasimangot ako ng sumang-ayon ito.
Pero tinawanan lang ako nito.
Kainis to! Oo na ako na marupok.
"Let's sleep, I'm tired."
Agad akong tumayo para makatayo na rin ito. "O sige pumunta ka na sa kwarto mo."
"No, I prefer to sleep here.. with you."
Agad akong nag-iwas ng tingin nang unti-unti kong maramdaman ang pag-init ng aking pisngi.
"O-Okay.."
"Good night, Kara." Dinampian ako nito ng halik sa noo pagkatapos ay niyakap ng mahigpit.
Pero hindi pa rin maalis sa isipan ko na baka dala lang ito ng pagkalasing ni Lorenzo. Na baka pag gising ko ay bumalik na naman ang Lorenzo na ilang araw akong iniwasan.
Huminga ako ng malalim at nakapagdesisyon na hindi ako matutulog.
Tama! Hindi ako matutulog ngayon.
Naramdaman siguro ni Lorenzo na gising pa din ako kaya sinaway ako nito.
"Matulog ka na Kara. We'll talk tomorrow."
Napalabi na lang ako dito.
- - -
NAGISING ako na nasa kwarto na natutulog. Umupo ako at iginala ang paningin. Napabuntong hininga ako.
Sabi na eh! panaginip lang yun.
Naiinis na bumalik ako sa aking pagtulog. Sa sobrang inis ay hindi ko mapigilang sumigaw at guluhin ang magulo ko na talagang buhok.
"AHHHH! kainis!" Sigaw ko.
Bakit pa kasi ako gumising agad? Ang ganda na nang panaginip ko eh!
Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang nagmamadaling asawa.
"What happened?!"
Napanganga ako nang makitang suot nito ang aking Apron na kulay pink. I blink my eyes to see if this is true.
"Kara, bakit ka sumigaw? may masakit ba sa'yo?" Akmang lalapitan siya nito ng magbalik ang diwa ko sa pagkakatulala. Totoo nga nandito si Lorenzo.
"W-Wag!" Agad akong nagtalukbong ng kumot upang itago ang sarili. Nahiya ako bigla.
Shet! hindi pa ako naliligo. May laway at muta pa ata ako.
"Bakit?" Kunot noo'ng itong nakatingin sa akin.
Binaba ko ng bahagya ang kumot sapat lang para makita ang mata ko.
"Ahh.. m-may nakita kasi akong ipis kanina kaya n-napasigaw ako... pero ayos na. Wala na yung ipis. Nagulat din ata sa sigaw ko k-kaya umalis na he-he-he." Pilit kong tawa. May pakumpas-kumpas pa ako ng kamay habang mahigpit pa rin ang kapit ko sa kumot.
"Okay..giniginaw ka ba? gusto mo bang i-turn off ko na lang ang aircon-" Lumapit ito sa table kung saan nakapatong ang remote ng aircon.
"No. It's okay. I'm okay."
Lumapit ako dito at pilit itong pinatalikod. Dahan-dahan ko ito tinulak hanggang sa pinto.
"See you later. Ahhmm.. mag-aayos lang ako. Bye."
Pagkatapos ay sinarado ko na ang pinto. Sumandal muna ako saglit dito bago dumiretso sa salamin. Sinuri ko ang itsura ko.
Naku naman! Ang panget ko. Baka ma-turn off sakin si Lorenzo.
Dali-dali akong nagbanyo para maligo pero napatigil ako ng may mapagtanto.
Teka.. ano naman kung makita niya akong ganto. Mas balahura pa nga ako nong bata pa ako at nakita niya lahat yun.
Ngayon pa ba ako mahihiya?
Pero shet..
Nakakahiya pa rin.
Kung anu-ano na lang ang naiisip ko. Minabuti ko na lang na umpisahan na ang pagpapaganda. Baka sakaling mabura sa isipan ni Lorenzo ang itsura ko kanina.
PAGKATAPOS mag-ayos ay pumasok ako sa dining area at nakita ko si Lorenzo na nakatalikod sa akin habang hinuhugasan ang mga utensils na ginamit nito sa pagluluto.
Likod pa lang.. Alam mo na agad na guwapo.
Shet! ang swerte ko.
Agad kong inayos ang sarili at tumikhim para makuha ko ang atensyon nito.
Agad naman itong napalingon sa akin.
"Oh, your here. I already cook our breakfast. Come on let's eat." Nakangiti ito hindi katulad ng mga nagdaang araw.
Ipinaghila ako nito ng upuan pagkatapos ay naupo sa tabi ko. Napansin kong napaka-aliwalas ng mukha nito ngayon. Mukhang nakapagshave na rin ito.
Napansin nitong nakatingin ako dito.
"May dumi ba ako sa mukha?" tanong nito. Hinawakan pa ni Lorenzo ang kanyang mukha para icheck kung may dumi nga.
Agad akong nag-iwas ng tingin.
"W-Wala. Hindi lang ako sanay na sabay tayong kakain ngayon." Malungkot akong ngumiti dito at kumuha ng hotdog.
Simula kasi nang umalis si Cristine ay parang sinama na rin nito si Lorenzo. Isang beses lang ang natatandaan ko na sabay kaming kumain, 'yun ay 'nung bagong lipat pa lang kami dito sa bahay.
Bumuntong hininga ito. "I'm sorry Kara. Alam kong sarili ko lang ang iniintindi ko 'nung time na 'yun." Malungkot na wika nito at hinawakan ang aking kamay.
Ngumiti ako dito. "Naiintindihan ko naman Lorenzo. Ako ang nagpasok sa'yo sa sitwasyon na ito kaya ayos lang." Pinatong ko ang kamay ko sa kamay nitong nakahawak sakin.
"Sorry kung nagdrama ako kagabi. Alam mo naman minsan talaga may pagkadrama queen ang asawa- I mean ang k-kaibigan mo." Itinama ko agad ito. Baka kasi magalit ito.
Masyado mo naman kasing feel na feel ang term na asawa Kara. Saway ko sa sarili ko.
Tinitigan lang ako ni Lorenzo.
Hala! Sabi ko na eh.. di ko dapat binanggit yung pagiging asawa eh. Baka galit na to.
Huminga ito ng malalim. "Okay let's try it."
Napakunot noo naman ako. "Ang ano?"
Anong itatry namin? itong pagkain?
Napatingin naman ako sa ulam. "Ito bang mga ulam ang itatry natin?"
Binitawan ko ang kutsara para abutin ang ulam, pero bago ko pa man ito maabot ay hinawakan ni Lorenzo ang kamay ko and this time dalawang kamay ko na ang hinawakan nito.
Namilog ang mata ko sa ginawa nito.
"What I mean is, let's give it a try. This marriage." Pagtatama nito.
Totoo ba ito? Hindi ba ako nananaginip. Tulala pa rin akong nakatitig dito.
I mean for real pumayag si Lorenzo na i-try magwork ang relationship na ito?
Pero bakit bigla atang nagbago ihip ng hangin at pumayag ito?
Baka gagawin ako nitong rebound.
Ang sayang na nangibabaw sa akin kanina ay napalitan ng pangamba.
Tinaggal ko ang pagkakahawak nito sa kamay ko.
"Lorenzo, ayokong maging rebound mo." Matigas kong pahayag.
Alam kong nagtaka ang lalaki sa sinabi ko pero hindi ko gusto ang maging rebound.
"Ha? anong sinasabi mo?" Sabi ni Lorenzo.
Napatingin ako sa kanya, tinatantya kung totoo ba ang ikinikilos nito.
Napalunok ako at umiwas ng tingin sa mata nitong mariing nakatingin sa kanya.
"Look, I know na hanggang ngayon ay nasasaktan ka pa rin sa paglayo ni Cristine." Pag-uumpisa ko,
"pero hindi ako papayag na maging rebound mo dahil lang sa hindi mo makalimutan si Cristine."
Nagkatitigan lang kaming dalawa. This time hindi ko ibinaba ang tingin dito. Gusto kong malaman niya na seryoso ako sa sinabi ko.
Pero nagulat ako ng ngumiti ito.
"Actually, 'yun talaga ang plano ko in the first place. Ang maghanap ng rebound."
Hindi ko mapigilang malungkot sa sinabi nito.
"Pero Kara hindi ko 'yun magagawa sa'yo. You're my best friend.. and now my wife."
"Maybe, sa ibang babae. But not to you. Saka takot ko lang sa'yo 'no." Tumawa ito sa huling sinabi.
"Ang ibig kong sabihin. Let's try, kung madevelop tayo sa isa't-isa. Edi tuloy na natin to."
"Pero pa'no kung hindi?" Kinakabahan kong tanong.
"Well, at least we try being together."
Lumapit ito at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Don't worry, wala namang magbabago. Kung ano tayo nong magkaibigan tayo, 'yun pa rin tayo. Ang pinagkaiba lang ay nasa iisang bahay tayo."
Lalo pa itong lumapit sa akin kaya hindi ko maiwasang maamoy ang pabango nito.
He smells very manly.
Agad kong tinakpan ang aking mukha ng maramdaman ang pamumula nito.
Shet! bakit ang bango nitong lalaking ito.
Alam kong nakita ito ng lalaki kaya tinalikuran ko na ito.
"Teka.. kinikilig ka ba?" Tukso nito.
"Hindi ahh!" tanggi ko.
Tumawa naman ito. "Eh bakit ayaw mong humarap sakin?"
Agad naman akong nag-isip ng idadahilan. Pero lalo pa nitong inilapit ang mukha kaya mas lalong namula ang aking mukha.
"A-Ano ka ba.. syempre kakain na ako kaya hindi ako humaharap s-sa'yo." Tumingin ako saglit dito pero binalik ko din agad sa pagkain nang makitang nakatingin pa rin ito sa akin. Mas lumawak pa ang ngiti nito.
Hinayaan ko siya at nag-umpisa nang isubo ang kanin.
"Okay, Let's eat! I cooked this with love."
Agad kong inabot ang katabing tubig nang malulun ko bigla ang kanin dahil sa mga narinig.
Pinanlisikan ko ito ng mata ng marinig na tawang-tawa pa rin ito sa akin.
Kinuha ko ang tinapay at isinalpak ito sa bibig nito para mapatigil ito sa kakatawa.
Tsk.. ang saya-saya niya eh 'no.
Now naniniwala na talaga akong bumalik na ang Lorenzo ko.