Chereads / Wedding in Trouble(Tagalog) / Chapter 14 - Chapter 14

Chapter 14 - Chapter 14

KINABUKASAN maaga akong nagising para ayusin ang mga gamit namin. Excited akong i-arrange ang lahat ng gamit na niregalo at binili nila Mama at Mommy Karen para samin.

Kumain muna ako ng breakfast. Buti na lang pala may malapit na convenient store dito. Binilhan ko na din si Lorenzo at siguradong gutom na ito.

Pagkatapos kumain ay inumpisahan ko na ang pagbukas ng mga box. Meron kaming Microwave, Blender, Plate with spoon and fork, Oven and iba pang kitchen utensils.

Lumipat naman ako ng pwesto kung saan nakalagay ang iba pang box.

Ang dami pala nito.

Napalingon ako ng marinig ko ang yabag na nanggaling sa hagdan. Gising na si Lorenzo.

Nang magising kasi ito kaninang madaling araw ay pinalipat ko ito sa kwarto para mas makatulog siya ng maayos. Hindi kami tabi natulog dahil alam kung hindi yon magugustuhan ni Lorenzo. Kahit na mas gusto ko iyon.

"Lorenzo, gising ka na pala. Bumili ako ng pagkain sa convenient store. Gusto mo na bang kuma- " Pinutol ako nito.

"Okay." Dumiretso ito sa kusina nang hindi man lang ako nililingon.

Nabigla ako sa inasal nito. Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Napansin ko na lang nang tumulo ang luha ko. Agad ko itong pinahid at nag-umpisa na muling mag-ayos ng gamit.

Pansin kong naging mailap sa akin si Lorenzo. Pagkatapos ni Lorenzo kumain ay tumulong na rin ito sa'kin sa pag-aayos ng gamit pero tahimik pa rin ito.

Hindi ko na namalayan ang oras, inabot na kami ng tanghali sa pag-aayos ng gamit. Naisip kong ipagluto ito pero past 12 na baka nagugutom na rin si Lorenzo.

Magpapa-deliver na lang ako.

Nakangiting humarap ako kay Lorenzo na kasalukuyang busy sa pagbubuhat ng mga appliances.

"Lorenzo hindi pa pala tayo kumakain.. what do you want? mag-order na lang tayo." tanong ko dito.

Mukang hindi ata siya nito narinig kaya tinanong ko ulit ito.

"Lorenzo, ayos lang ba sa'yo na mag-order na lang tayo? hindi na kasi ako nakapagluto. Do want adobo? or-" Pinutol nito ang anumang sasabihin ko.

"Anything will do." Natigilan ako sa naging sagot nito. Hindi man lang ako nito nilingon. Usually agad itong nagsa-suggest ng maraming putahe na parang may fiesta kahit na dalawa lang naman kaming kakain.

Bumuntong hininga ako.

"Hmmn.. do you want drinks or water na lang?" tanong ko pa pero hindi na ako sinagot pa nito.

"R-Right.. water na lang siguro." I bit my lower lip to stop myself from crying because of his coldness.

Ayos lang yan Kara! wala lang siya sa mood kaya ganyan.

After eating ay pinagpatuloy na namin ang pag-aayos sa bahay. Kinalimutan ko na lang ang mga naging kilos nito at masaya kong pinagmasdan si Lorenzo habang patuloy ito sa ginagawa. I'm so happy na kahit na parang cold sa kanya si Lorenzo ay hindi ako hinayaan nitong mag-isang mag-asikaso ng lahat ng ito.

Pasimple kong kinuhanan ito ng picture gamit ang aking phone. Ang guwapo ng asawa ko. Kinikilig kong wika sa sarili.

Maya-maya ay nagring ang phone ko kaya naman napatingin sa kanya si Lorenzo.

Sa sobrang taranta ko muntik ko pang mabitawan ang phone dahil nakatutok sa direksyon ni Lorenzo ang camera ng phone ko baka makahalata ito na kanina ko pa siya kinukuhanan ng litrato. Lumayo muna ako para sagutin ang tawag.

"Ma!" sagot ko sa tawag nang makita ko ang name ni Mama sa phone ko.

(How are you iha? Gusto ko sanang pumunta dyan pero alam kung nag-aayos pa kayo.. so maybe next time.)

Sinulyapan ko muna si Lorenzo bago nagsalita.

"We're fine Ma. I will inform you na lang po if ayos na ang bahay."

(Oh! Yung 3 days vacation sa Baguio na regalo ko sa inyo, nagamit niyo na ba?)

Napangiwi naman ako dahil hindi ko pa ito masabi sa asawa lalo na't wala ito sa mood.

"Maybe next time Ma. Medyo busy pa po kasi kami dahil nag-aadjust pa po kami." pagdadahilan ko na lang dito.

(Well it's okay. Puwede niyo pa rin naman magamit yun. Just call me my dear if you need help, bye love you 'nak.)

"Thanks Ma. Love you too."

Bumuntong hininga ako ng maalala ang three days vacation na niregalo sa amin ni Mama. Excited pa naman akong mamasyal doon kasama si Lorenzo pero mukhang malabo yun.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik sa dati si Lorenzo simula ng lumayo sa kanya si Cristine.

Hindi ko alam kung alam na ba ni Cristine kung sino ang pinakasalan ni Lorenzo dahil simula ng magkalabuan silang dalawa ay hindi na rin ako kinontak pa nito.

Lumipas pa ng dalawang linggo pero ganon parin si Lorenzo. Sabay kaming kakain pero hindi nag-iimikan at nag papakiramdaman.

Napapagod na akong intindihin si Lorenzo pero hindi ko magawang sumuko dahil mahal ko si Lorenzo at hindi ko ito susukuan.

Sa ngayon binabalak ko ng bumalik sa trabaho para maibalik namin agad ang perang nilabas ng pamilya ni Lorenzo. Nakakahiya sa mga magulang ni Lorenzo kaya kahit hindi pa nito pinapabayaran ang nilabas nilang pera, pipilitin kong unti-untiin ito.

- - -

Papunta ako ngayon kay Maricar. Namimiss ko na ang bruha. Nagdala rin ako ng baked cookies. Pabaon ko sana ito sa kay Lorenzo pero busog pa daw siya kaya ibibigay ko na lang sa kaibigan ko para hindi masayang.

Hindi pa rin okay si Lorenzo. Hindi pa rin ito nag-oopen up sa akin. Ayoko naman siyang pangunahan. Hahayaan ko muna siyang makapag-isip isip.

Nakita kong bukas na ang Restobar.

"Maricar!" Agad ko itong nilapitan ng makita ko itong lumabas ng Restobar.

"Oh! bakit andito ka? Nagsawa ka na ba sa mukha ng asawa mo kaya mukha ko naman ang hinahanap mo?" Pagtataray nito.

Kahit kailan talaga ang taray nito.

"Hindi 'no! ang guwapo kaya ng asawa ko para pagsawaan ko." Iling ko dito.

Natawa ako nang mapa-rolled eyes na lang ito. Napatingin ito sa hawak ko, saka ko naman naalala ang cookies na hawak ko.

"Tara kain tayo nagbake ako ng cookies." Aya ko dito. "Bakit ka nga pala nasa labas?"

"Wala dumaan lang ako, day off ko ngayon kaya let's go kainin natin 'yan. You know it's my favorite." Ngiting-ngiti ito.

Sabi na eh! cookies lang katapat nito.

"ALAM mo may sapak talaga sa ulo 'yan si Lorenzo eh. Naku neng pigilan mo ko masasapok ko na 'yang asawa mo." Napangiwi ako sa naging reaksyon ni Maricar matapos kong ikwento dito ang tungkol sa kanila ni Lorenzo.

Kumuha pa ito ng cookies. Pagkatapos ay kinain.

"Ano ka ba! confused lang si Lorenzo ngayon dahil mahal na mahal niya si Cristine."

Lalong nagdugtong ang kilay nito. Mas nagagalit pa ito kesa sakin.

"So tanggap mo na mas mahal niya si Cristine kesa sa'yo?"

Hindi ako nakasagot. Iniwas ko ang tingin dito at kumuha na lang din ng cookies.

"Tigilan mo yang pagka-martir mo, binabaril sa Luneta ang mga ganyan."

"Maricar naman puro biro."

Hindi naman ako martir. Alam ko someday mamahalin din ako ni Lorenzo, kailangan ko lang maghintay.

"Paano pa kaya pag nalaman niyang umalis ng bansa si Cristine." Agad naman akong napalingon dito.

"What?" gulat kong tanong kay Maricar.

"Narinig ko lang sa katrabaho ko ng minsan itong tumambay sa Coffee shop kung saan n'yo siya unang nakita. Hindi pala siya staff doon, siya pala ang may-ari." ani Maricar.

"Nagtataka daw kasi yung mga staff kung bakit biglang 'yung pinsan ni Cristine ang naghahandle nung business."

Napaisip naman ako. Alam na kaya ni Lorenzo ang tungkol dito.

Ginabi na ako ng uwi matapos ang pag-uusap namin ni Maricar. Gusto ko nang kausapin si Lorenzo tungkol sa kanilang dalawa ni Cristine. Hindi ko na kaya ang ganitong situwasyon. Magkasama nga kami sa iisang bahay pero pakiramdam ko, ako lang mag-isa ang nakatira sa bahay. Kaya naman desidido na akong kausapin ito.

Naalala ko pa ang payo sa akin ni Maricar.

"Kara, alam kung mahal na mahal mo si Lorenzo. Pero kung alam mong hindi ka na masaya o hindi na tama. Mas mabuting bitawan mo na. Minsan kasi kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao pero kung alam mong hindi siya sa'yo sasaya, mas mabuting bumitaw na lang."

Hinawakan nito ang kamay ko.

"Ayaw kitang makitang nasasaktan. Sa nakikita ko kasi parang hindi ka masaya." Malungkot nitong pahayag.

Bumuga ako ng hangin. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Nang marinig ko 'yun mula sa kay Maricar, biglang nag-flashback lahat ng mga memories naming dalawa ni Lorenzo. Hindi ko mapigilang maluha. Ayaw kong sumuko dahil umaasa pa rin ako na balang araw ay matutunan din ako nitong mahalin.

Nalulunod na ako sa pagmamahal ko para kay Lorenzo at hindi ko alam kung makakaahon pa ako.

Nagpahinga muna ako saglit pagkatapos ay nag-shower. Maya-maya ay narinig ko ang pamilyar na ugong ng sasakyan. Bumaba ako upang salubungin ito.

Pero nagtaka ako ng marinig kong nag-doorbell ito. Alam na alam ko ang tunog ng sasakyan ni Lorenzo at sasakyan ni Lorenzo iyon, kaya bakit ito magdodoorbell.

Agad kong binuksan ang pinto.

Sinalubong ako ng Secretary ni Lorenzo na si Ricky.

Nakilala ko ito ng minsang dumalaw ako sa office ni Lorenzo at ito ang nag asikaso sa akin habang hinihintay ko si Lorenzo. Mabait at masipag si Ricky lalo na't ngayon na malapit ng manganak ang asawa nito kaya naman madalas itong nag-oovertime dahil pinag-iipunan nito ang panganganak ng asawa.

Pasan-pasan nito sa likod si Lorenzo. Lumapit ako dito upang tumulong pero napatigil ako ng maamoy ko ang alak dito.

"Pasensya na Ma'am, hindi ko po napigilang uminom si Sir. Kaya sinamahan ko na lang baka mapaano pa sa daan kung wala siyang kasama pauwi." Pagpapaliwanag nito.

"Naku! ayos lang. Thank you Ricky at hindi mo iniwan si Lorenzo."

Pinapasok niya muna ito at dumiretso sa may sofa. Dahan-dahan nitong inihiga ang asawa.

"Pasensya ka na at naabala ka pa namin." Tinignan ko ang asawa ko na ngayon ay mahimbing na natutulog.

"Naku, hindi po. Ayos lang naman po." Sabi ni Ricky.

Hindi ko na ito naayang kumain dahil nagmamadali na itong umuwi dahil hinihintay daw siya ng kanyang asawa.

Matapos kong mapagasalamat ay umalis na ito. Sinigurado ko munang naisara ko na ang gate at ang pinto bago bumalik sa loob.

Pagbalik ko ay payapa pa rin itong natutulog sa sofa. Pinagmasdan ko itong mabuti. Halata sa mukha nito ang pagod, may mga tumutubo na ring buhok sa baba nito, hindi na ito nakakapagshave.

Hindi ko na pigilang haplusin ang mukha nito.

Bakit mo naman pinapabayaan ang sarili mo Lorenzo?

-------

Author's Note: Hi guys! Thank you for reading my story I really appreciate it. Please do understand that I have other things to do such as work and this is just my hobby but I do love writing it gives me freedom so thank you for waiting. God bless us all.