Chereads / Wedding in Trouble(Tagalog) / Chapter 12 - Chapter 12

Chapter 12 - Chapter 12

"CONGRATULATIONS iha.. sabi ko na nga ba't kayo rin magkakatuluyan." Masayang bati nito sa'min ng former teacher namin na si Sir Bryle.

Matapos ang kasal ay nandito naman kami ngayon sa isa sa mga kilalang hotel dito sa Tagaytay. Ito kasi ang napiling lugar ng magulang namin para pagdausan ng reception since wala naman talaga akong itinulong sa preparation.

Pero hindi sa mismong hotel ang reception, doon lamang kami tutuloy pagkatapos ng reception. Outdoor wedding reception kasi ang naisip ng magulang namin kaya naman nandito kami sa likod ng hotel kung saan makikita ang mga nagkikinangang mga ilaw na nakasabit sa mga puno.

May mahahabang table na nakapalibot sa magkabilang gilid, nakapatong dito ang mga puting bulalak. Sa harap naman nakapwesto ang table namin ni Lorenzo. Sa gitna naman ang nagmistulang stage ng reception.

"Salamat Sir Bryle, hindi ko alam na inimbitahan po pala kayo ni Mama. Thank you po at nakadalo kayo." Pasalamat ko dito.

Isa si Sir Bryle sa mga naging paborito naming guro noong highschool. Bukod sa magaling at kakaibang stilo ng pagtuturo, ay talaga namang hindi nakakabored ang kanyang klase. Madalas pang mangyari natapos na ang klase niya samin pero ayaw pa rin namin siya paalisin. Mas gusto pa namin makipagkwentuhan sa kanya ng matagal.

"Syempre palalampasin ko pa ba ang kasal ng paborito kong estudyante." Lumingon ito kay Lorenzo.

"Lorenzo, ingatan mo si Kara. Mag-asawa na kayo kaya dapat lang na damayan nyo ang isa't-isa sa hirap at ginhawa."

Ngumiti naman si Lorenzo at umakbay sa akin. "Syempre! naman po. Hindi ko pababayaan ang asawa ko." Tumingin ito sa akin.

Napangiti ako, ang sarap naman pakinggan ng mga sinabi nito. Hanggang ngayon hindi pa rin nagsisink in sa akin lahat ng nangyayari. Pakiramdam ko na nanaginip lang ako. Pero nawala ang ngiti ko ng maalala ang ginawa nito sa kasal.

Malapit na matapos si father sa kanya pagbasbas, nasa part na kami kung saan kailangan naming iseal ang kasal ng isang halik.

Hindi ko alam ang mararamdaman nu'ng time na iyon. Naeexcite, kinakabahan, natatakot. Lahat naghalo-halo na. Nagkatinginan kaming dalawa ni Lorenzo at unti-unting pinaglapit ang aming mga mukha. Akala ko sa labi ako nito hahalikan pero sa gilid ng labi ko lang ito dumampi. Kung titingnan ito mula sa audience ay para talaga ako nitong hinalikan kahit hindi naman gano'n ang nangyari. Kainis!

Maya-maya ay umalis na rin ang lalaki pero hindi pa rin inaalis ni Lorenzo ang braso nitong nakaakbay sa akin. Tumingin ako sa husband ko, napakaguwapo nito sa suot nitong puting tuxedo.

Husband? as in sa iisang bahay na kami tutuloy? makikita ko na araw-araw si Lorenzo? totoo na ba talaga ito?

Agad kong iniwas ang tingin kay Lorenzo. Pakiramdam ko nag-uumpisa nang uminit ang pisngi ko dahil sa mga pinag-iisip ko.

Kinalabit ako ni Lorenzo. "Bakit di ka na umimik d'yan?"

"Ha? ano.." Iginala ko ang paningin para hindi magtama ang paningin naming dalawa.

Sinilip nito ang mukha ko.

"Bakit di ka tumingin sa'kin?" Napapikit ako ng hawakan ni Lorenzo ang magkabilang balikat ko at pilit hinarap sa kanya.

"Bakit namumula ka? may sakit ka ba?" Nag-aalalang tanong nito.

Hinawakan nito ang aking noo pero tinabig ko ito.

"Wala to. Ano.. mainit lang. Hoo! ang init sa Pinas." Tinitigan ako nito na parang inaalam kung nagsasabi ba ako ng totoo.

Please, maniwala ka na lang.

"May iniisip ka na namang kalokohan ano?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito.

"Ha! wala 'no!" tanggi ko dito.

Nakangisi na ngayon si Lorenzo.

Oo na. Iniisip ko siya, nag-iimagine na naman ako ng kung anu-ano na kasama siya.

"Eh bakit lalo kang namumula?" Pang-aasar naman nito.

"Hindi ahh. Mainit lang talaga." Pero tinawanan lang ako nito.

"Ehem.." Napalingon kami ni Lorenzo sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Maricar!" Agad kong nilapitan at niyakap ang kaibigan.

"Mukang ang saya-saya naman ni Mrs. Villareal." bulong nito sakin.

"Maiwan ko muna kayo para makapag-usap." Paalam ni Lorenzo.

Tumango kaming dalawa pagkatapos ay pumunta si Lorenzo sa mga kakilala niya.

"I'm so happy for you. Finally!" Sabik na wika nito.

"Me too." Lumawak ang ngiti ko nang tingnan ko si Lorenzo ay nakatingin rin pala ito sa akin.

"Naku! ang sarap nyo kantahan ng 'Pasulyap-sulyap ka kunwari, patingin-tingin sa akin di maintindihan ang ibig mong sabihin' 'yan bagay na bagay sa inyo 'yan."

Napahalakhak naman ako kay Maricar.

"I'm just so happy Maricar. Hindi ko akalain na mapupunta sa ganito ang lahat. Although kasalanan ko naman talaga ang nangyari kasi nadamay si Lorenzo."

"Pero pa'no na nga pala ang business nyo?"

"Ang sabi ni Papa, tutulungan kami ni Tito Kevin na makumbinsi ang ibang mga investors na hindi i-pull out ang mga ininvest nila sa kumpanya."

Napatango-tango ito. "Eh 'yung utang n'yo sa CM Corp.?"

"Binayaran ni Tito Kevin lahat 'yun."

"Wow! ang yaman naman pala talaga nila Lorenzo." Manghang-mangha ito.

"Kaya nga ang laki ng utang na loob namin sa kanila Maricar. Kung hindi dahil sa kanila baka nalugi na ng husto ang kumpanya namin."

"Wag mo ng isipin 'yun ang mahalaga, naisalba n'yo agad ang business n'yo. Bonus pa na kasal ka kay Lorenzo." Tukso pa nito.

Natigil ang pag-uusap namin ng marinig namin ang boses ng kinuha naming host.

"Mic test.. Okay! mukhang nagkakasayahan na ang lahat." Inayos nito ang pagkakahawak sa mikropono.

"May we call on our newly wedded Mr. and Mrs. Villareal. Please come to the stage for your first dance, let's give them around of applause."

Nagsimulang tumugtog ang musika.

Nagpalakpakan ang mga tao at biglang tumapat sakin ang spotlight. Hinanap ng mga mata ko si Lorenzo. Nakita ko ito nang tapatan din ito ng spotlight.

Nakangiting lumapit ito sa akin. Yumuko ito na parang prinsipe.

"May I have this dance?" aya nito sa akin.

"Sure," inabot ko ang nakaabang nitong kamay at naglakad na kami papunta sa stage.

🎶Heart beats fast

Colors and promises

How to be brave

How can I love when I'm afraid to fall

But watching you stand alone

All of my doubt, suddenly goes away somehow🎶

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sobrang lapit ni Lorenzo sakin.

"Lorenzo, okay na ba tayo? hindi ka na galit sa'kin dahil sa nangyari?"

One step closer🎶

Nawala ang ngiti nito. Tinitigan ako nitong mabuti.

🎶I have died everyday, waiting for you

Darling, don't be afraid, I have loved you for a thousand years

I'll love you for a thousand more🎶

"Wala naman mangyayari kung magagalit ako sa'yo," napayuko ako sa narinig.

Bumuntong hinga ito. "Just don't tell Cristine about this. Ang alam niya nasa ibang bansa ako at inaasikaso ang business namin."

🎶Time stands still

Beauty in all she is

I will be brave

I will not let anything, take away

What's standing in front of me

Every breath, every hour has come to this🎶

"I don't want her to think that I cheated on her." malungkot na pahayag nito.

Napalunok ako. "I'm sorry, Lorenzo."

One step closer🎶

🎶I have died everyday, waiting for you

Darling, don't be afraid, I have loved you for a thousand years

I'll love you for a thousand more🎶

Ngumiti si Lorenzo pero alam kong pilit ito.

🎶And all along I believed, I would find you

Time has brought your heart to me, I have loved you for a thousand years

I'll love you for a thousand more🎶

"Don't be sad. Kasal natin to, pero para tayong nagluluksa sa itsura natin. Cheer up!"

Alam kong napilitan lang si Lorenzo na pakasalan ako.

Pinilit kong ngumiti dito. "Don't worry, pagkatapos ng 6 months... I will let you go."

Kahit ayoko gagawin ko, kung iyon ang makakapagpasaya sa'yo. Gagawin ko.

- - -

"THANK YOU for coming Sabel, ikamusta mo na lang ako sa inaanak ko. Sayang at hindi siya nakapunta."

"Hay nako ang batang iyon. Nandoon sa States, naglalagi sa kanyang Lola at Lolo."

Niyakap ni Mama ang kaibigan nito.

Unti-unting nang nagsisi-uwian ang mga bisita pero hindi pa rin nakakabalik si Lorenzo. Umalis ito kanina para sagutin ang tawag sa phone niya, pero hanggang ngayon hindi pa rin ito nakakabalik.

Kanina pa rin ito hinahanap nila Mama at Papa pero idinahilan ko na lang na masama ang pakiramdam nito.

Dahil nga wala ito ay hindi umalis sa tabi ko si Maricar. Mabuti na lang ay nandito ang kaibigan ko dahil hindi ko alam ang gagawin kung maiwan akong mag-isa.

"Kara, bakit hindi mo kaya puntahan ang asawa mo at baka kung na paano na 'yun. Kanina pa ba masama pakiramdam niya?" nag-aalalang tanong ni Mama.

Balak ko pa lang sagutin ito pero inunahan na ako ni Maricar.

"Kanina pa nga po nag-aalala itong si Kara para sa asawa."

Nilingon naman ako ni Mama. "Ganun ba? siya sige na't puntahan mo na siya. Bakit naman kung kelan araw ng kasal pa masama ang pakiramdam niya, pa'no ang honeymoon niyo-" Agad na akong nagpaalam sa aking ina at baka mag-suggest pa ito ng apo ngayong kakakasal pa lamang nila at matatapos rin after 6 months.

Nagpa-iwan na rin doon si Maricar para tumulong kila mama at papa.

Ngayon naman hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Lorenzo.

Para akong ewan na tumatakbo na naka white gown. Baka isipin ng mga tao dito sa hotel na tinutuluyan ko ay iniwan ako ng groom ko. Well, parang ganu'n naman ang nangyari. Iniwan ako ng asawa ko.

"Are you lost Miss?" Nagulat naman ako ng may lumapit sa akin.

"No, I'm fine. Thank you." Agad ko itong tinalikuran at pumunta na sa aming room.

Nilibot ko ang bawat sulok ng kwarto. Nagbabasakaling nandito lang pala ang taong hinahanap ko pero wala ito doon.

Bumuga ako ng hangin at tinanggal ang heels na suot ko. Naglakad ako ng nakayapak hanggang makarating sa aking kama. Agad kong ibinagsak ang sarili sa higaan.

Nasa'n ka na ba Lorenzo?

Hindi ko namalayang tumulo ang aking luha.

Nag-aalala ako para dito. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako sa kakahintay.