Chereads / Wedding in Trouble(Tagalog) / Chapter 10 - Chapter 10

Chapter 10 - Chapter 10

HINDI ko mapigilang haplusin ang tela ng aking wedding gown. Napakaganda nito.

Ang sabi ni Mama ay ipinasadyan pa ito sa kakilala niyang wedding gown designer. My gown is a deep V-neckline with organic lace edging and long lace sleeves. Aakalain mong may nakadikit na bulaklak sa braso ko dahil sa hindi mo mahahalata ang tela na talaga namang nagblend sa kulay ng skin ko. Talagang mabusisi ang pagkakagawa nito, mapapathumbs up ka talaga.

Nakakamangha kasi ang ganda nito.

Dati ini-imagine ko lang na ikakasal kami ni Lorenzo sa simbahan. Di halatang-halata na patay na patay ako kay Lorenzo na kahit highschool pa lang kami ay naisip ko na ito. Natawa ako sa mga naisip pero napalitan din agad ito ng lungkot.

Nakakamangha na sa loob lamang ng dalawang linggo ay nagawang maisaayos ang lahat ng kailangan sa kasal. Halos wala akong itinulong sa pag-aayos nito pero maganda pa rin ang kinalabasan.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwartong tinutuluyan ko.

Nilingon ko ang taong pumasok.

"I can't believe na ikakasal ka na talaga. Are you really sure about this?" tanong ni Maricar.

"You look good on your gown." Bati ko, natatawa pa rin ako pagnaalala ko ang reaksyon ni Maricar ng ibigay ko dito ang invitation card dahil ito ang bridesmaid ko. Hindi man halata pero Maricar loves dresses and gowns.

"Oh! come on, I know I'm beautiful just don't change the topic." ani Maricar.

Malungkot akong ngumiti at ibinalik ang tingin sa aking wedding gown. "You know, I have to."

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking magkabilang balikat.

"You'll surely regret this."

Bumuga ako ng hangin. "No. Mabait si Josh kaya alam kung matututunan ko din siyang mahalin saka-" Pinutol nito ang ano mang sasabihin ko.

"What about Lorenzo?"

Marinig ko pa lang ang pangalan niya ay gusto ng mag-unahan ng mga luha ko palabas sa mga mata ko.

"We know he's not mine in the first place." Hinawakan ko ang magkabilang gilid ng aking gown at lumakad pa punta sa may dresser.

"Kainis na Lorenzo 'yun! may pa don't tell her.. don't tell her pa siyang nalalaman!" Inis na bulong nito.

"Ha? Anong binubulong mo d'yan?"

Natigilan naman ito at umiwas ng tingin. "Wala. Pupunta ba si Lorenzo?"

"I already send their invitation card. I just don't know kung a-attend siya." Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Pagkatapos ay kinuha ko ang belo upang ilagay ito sa aking ulo pero hindi ko ito magawa ng maayos.

Napansin ito ni Maricar kaya lumapit ito sa akin.

"Here, let me help you. Nasan na ba yung mga nag ayos sa'yo? hindi man lang nila ito nilagay sa'yo."

"Pinaalis ko na. I told them I want to be alone."

Sabay kaming napalingon sa pinto nang marinig ang katok. Bumukas ito at pumasok ang magulang ko. All are widely smiling.

Tumingin sa akin si Maricar. Umirap pa ito. "Best wishes." Niyakap ako nito bago lumabas.

Hindi ko napigilang matawa sa inasal ng kaibigan. Talagang tutol itong magpakasal ako.

Napatingin ako sa mga magulang ko. Unti-unti namuo ang luha ni Mama.

"Ma, why are you crying?" Agad kong nilapitan si Mamaa at pinahid ang tumulong luha mula dito.

"Nalulungkot lang ako dahil ikakasal ka ng biglaan sa taong hindi mo naman mahal. I-Im sorry anak..." ani Mama.

Ngumiti ako ng bahagya para hindi mahalata ng mga ito na maging ako ay nalulungkot din.

"Ma, don't cry it's okay. Hindi niyo naman po ako pinilit." Niyakap ko ito.

"We're really sorry Kara." Humigpit ang yakap ko sa kanyang ina ng tuluyan na itong umiyak. Nasasaktan ako dahil wala akong magawa para matulungan ang mga ito sa problema ng kumpanya. Sa ngayon ito lang ang magagawa ko para sa mga magulang ko.

Naramdaman kong niyakap na rin ako ni papa.

"I'm sorry anak." Pinahid nito ang takas na luha.

"Pati ba naman kayo pa iiyak?" Naiiyak ko na rin tanong kay papa.

"Iiyak na lang ba tayo? It's my Wedding day. We should be happy! finally hindi na tatandang dalaga ang unica iha niyo." Pinilit kong pasayahin ang aking boses para gumaan ang pakiramdam ng mga ito.

"Ma, ang make-up mo masisira 'yan. Stop crying na. Ang ganda at guwapo n'yo pa naman ngayon."

Hinaplos ni Mama ang aking mukha. "You're beautiful my dear."

Napangiti ako nang tumahan na ang kanyang ina. "Of course! sa'n pa po ba ako magmamana?" Biro ko pa.

"Syempre sa guwapo mong ama!" Pagsakay pa ni Papa.

"Aba! magtigil ka Oscar sa'kin siya nagmana dahil maganda ang kanyang ina!" Pagsalungat nito kay Papa.

Natawa ako sa mga ito. "Don't worry about me Ma, Pa. I can handle myself. Ako pa ba!"

Niyakap kong muli ang mga magulang. "I love you Ma, Pa."

"We love you too, Anak."

Maya-maya ay umalis na din ang mga ito at nagtungo sa simbahan na katabi lamang ng hotel na tinutuluyan nila.

Humarap ako sa salamin at muling nag-ayos ng sarili. Pagkatapos ng ilang minuto ay may kumatok sa pintoa kaya naman napalingon ako dito. Bumukas ito at iniluwa ang Wedding Coordinator.

"Hi Mam Kara, malapit na po ang turn niyo so prepare na lang po tayo."

"Okay." Nakangiting tugon ko.

"By the way, you look so beautiful Mam." Namamanghang dagdag pa nito.

"Binola mo pa ako pero thank you. Sige, I will wait for your signal."

"Alright."

Akala ko may nakalimutan ang coordinator nang bumukas muli ang pinto sa aking silid, pero iba ang pumasok kun'di ang naka-sumbrero na lalaki. Sisigaw na dapat ako dahil sa takot na baka saktan ako nito.

Paano nakapasok ang kung sino man na ito. Akmang tatakbuhan ko ito ng tanggalin nito ang sombrero. Hindi siya maaring magkamali dahil kilalang kilala niya ito.

"L-Lorenzo?" Lumingon sa akin ang lalaki. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa dahil nagbabakasakali ako na a-attend ito sa kasal ko pero nakasimpleng maong na pantalon lamang ito na may pangtaas na Black V-neck shirt at Jacket.

"Bakit ganyan ang suot mo?"

Lumapit ito sa akin. "Kailangan mong umalis. I know na napipilitan ka lang sa kasal na ito kaya I will help you." Nagulat ako ng hawakan nito ang aking kamay at hilahin palabas.

Sa sobrang gulat ay hindi ko namalayan na nakalabas na kami ng hotel.

"W-Wait.. Lorenzo I need to marry him."

Tumigil ito sa paglalakad at hinarap siya. "Do you love him?"

Umawang ang bibig ko sa biglaang tanong nito.

"No! He's just a friend to me."

"That's it! I don't want you marry someone you don't love. Alam kong iyon din ang gusto mo pero hindi mo lang magawa. Then I'll be the one to do it." Nagmamadaling hinila ako nito sa may parking lot.

"I don't want you to suffer on that marriage."

Napatitig ako kay Lorenzo. Hindi ko maiwasang maantig sa sinabi nito. He's worried for me.

Bakit ka ba ganyan Lorenzo? I'm trying to move-on here.

"Lor-"

"KARA!" Nagulat ako ng marinig ang sigaw ni Papa. May hawak itong phone. Mukhang naiwan nito ang phone sa kotse.

"P-Papa.."

Napako ako sa kanyang kinatatayuan. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha ng aking ama.

"Saan kayo pupunta? Your wedding is about to start." tanong nito.

"Tito, hindi niyo po pwedeng ituloy ang kasal. Hindi niya mahal ang lalaking iyon!"

Nagulat ang kanyang ama sa pagsigaw nito pero kalmado nitong sinagot si Lorenzo. "I know you are concern, but we already talk about this with Kara and it settled. She's going to marry him."

Lumapit si papa sa akin.

"Let's go. Kara." Hinawakan ng aking ama ang aking kamay at hinila papuntang simbahan.

"P-Pa.."

Sumunod sa'min si Lorenzo.

"But Tito?" Napatigil sa paglalakad si papa dahil pumunta sa harapan nila si Lorenzo.

"Is this all about business? this marriage?" Nanlalaki ang matang tiningnan niya ang kanyang ama. Nakita niyang napatiim bagang ito. Kaya bago pa man ito magalit ay inawat ko na si Lorenzo.

"Lorenzo, I'm okay. Hindi nila ako pinilit kaya-" Pinutol ako nito

"Because you don't have a choice!"

"LORENZO!" Agad silang napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"What's happening here?"

Si Tita Karen, ang mama ni Lorenzo at nakikita kong sa likod nito ay unti-unti na ring naglalabasan ang iba pang bisita especially the groom's parents and her family.

Hindi ko na nasundan ang pag-uusap ng mga tao sa paligid ko. Naramdaman ko na lang na may humawak sa magkabilang braso ko at hinihila ako.

Nag-aaway na rin ang mga magulang ko at ni Lorenzo.

Hindi ko alam kung paano aawatin ang mga ito. Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari.

"Ma.. Pa.. stop it!" Hindi ako pinansin ng mga ito, parang walang naririnig ang mga ito.

"Stop it!.. guys!" Sigaw ko.

Napapikit ako sa sobrang inis ng wala man lang nakarinig sa akin. Kaya sumigaw na ako.

"TUMIGIL KAYONG LAHAT! hindi ako pwedeng magpakasal d-dahil may nangyari na sa'min.. ni Lorenzo."

Nawala ang ingay at parang nag-eecho pa ang boses ko sa pagsigaw.

Shit! kara, bakit sa lahat naman ng naisip mong dahilan 'yun pa.

Gulat na napatingin sa akin ang lahat lalong-lalo na si Lorenzo.

"Ano?!"

Shit na malagkit! mukang lalong lang gugulo.

Lalong tumalim ang tingin ng aking ama ng marinig iyon.

"YOU! kaya ba ayaw mong makasal ang anak ko sa iba dahil ginalaw mo siya behind my back! YOU ASSHOLE!" Galit na galit na sinugod ni Papa si Lorenzo. Agad akong tumakbo palapit rito at humarang sa harap ni Lorenzo.

"Pa! it's not his fault.. Please, let's talk about this." Pagmamakaawa ko rito.

Unti-unti namang kumalma ang aking ama at tinalikuran ako nito.

Ano bang ginawa mo Kara? mas lalo mo lang ata ginulo ang sitwasyon. Hindi ko maiwasang kausapin ang sarili.

Nilingon ko si Lorenzo na ngayon ay matalim na nakatingin sa akin.

Bumuntong hininga ako. "I know.. I know. I will explain."

Gigil na napasabunot sa sariling buhok si Lorenzo. Mas lalo akong nakonsensya. Bakit ba kasi 'yun ang naisip niya?

"You know that I never touch you that way!" Sigaw nito sa kanya.

"I know I'm sorry. Yun lang kasi ang naisip kong paraan para tumigil na sila-" Napatigil ako sa pagsasalita ng pinaningkitan ako nito ng mata.

"Seriously?!"

"I'm sorry.." Nakagat ko ang ibabang labi ko sa kaba.

---

Author's Note:

Sorry guys. Ang tagal ko atang nag update. Medyo busy lang. Hope you like it guys.