Chapter 22 - 21

"OR that you might discover the feelings that you might already have for me?"

Umiling-iling si Myla upang alisin sa isipan ang mga salitang iyon. Ilang araw na siyang hindi pinatatahimik ng mga salitang binitawan ni Darwin.

Nitong mga nakaraang araw ay civil sila ni Darwin sa isa't isa at kibuin-dili siya nito kung hindi rin lamang tungkol sa trabaho. Oo, pagkatapos nitong guluhin ang isipan niya dahil sa halik nito at sa mga huling sinabi nito ay hindi na siya nito kinibo. And she was more than thankful it turned out that way. Dahil hindi niya alam kung paano itong pakikiharapan oras na gumawa na naman ito ng bagay na ikagugulo ng buong pagkatao niya.

Oo, hindi na siya sigurado kung paano na siyang magri-react kung biglang lalapit na naman ito sa kanya at hahalikan siya. Parang wala na sa choices niya ang saktan ito ng pisikal dahil nitong mga nakaraang araw ay nanghihina siya sa tuwing malapit ito. And she does not want another word fight with him. Maging doon ay alam niyang matatalo siya nito. Dahil aaminin niyang hindi niya kayang ipaliwanag ang mga epekto nito sa kanya.

"Hey, Myla. Are you okay?"

Agad na napaangat ang tingin ni Myla sa lalaking nakaupo sa harap niya. Oo nga pala. Kasama niya nang mga oras na iyon si Christopher. He didn't waste much time after the dance. Isang araw pagkatapos ng gabing nagkita silang muli nito ay tumawag ito sa hacienda. Hindi niya alam kung saan nito nakuha ang numero sa hacienda ngunit hindi na siya nagtanong pa. And she was glad he asked her out that day. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya ngunit hindi lang dahil sa trabaho kundi dahil na rin sa tensiyon sa pagitan nila ni Darwin. They called for a cease fire, yes, ngunit para naman silang may cold war. At ayaw man niyang aminin sa sarili ay bahagya siyang napu-frustrate sa sitwasyon. Ayaw niya ng komprontasyon ngunit napapraning din naman siya sa katahimikan sa pagitan nila.

Ngunit kung akala niya ay makakahinga na siya nang maluwag dahil nasa bayan sila ni Christopher at wala sa hacienda ay nagkamali siya. Because, there she was, spacing out, still because of Darwin.

"Sorry. May naalala lang kasi akong bigla." Hinging paumanhin niya saka ito nginitian.

Dapat ay hindi niya dinadamay si Christopher sa kaguluhan sa isipan niya. At isa pa, dapat na ine-enjoy niya ang oras na kasama niya ito. Ano na nga iyong sinabi niya sa sarili niya? Na baka habang nakakasama niya ito ay maalala ng sistema niya ang nararamdaman niya noon para rito.

And yes, she thought Christopher was the solution. Sa tingin niya ay ito ang makakatulong sa kanyang malinawan sa mga kaguluhan sa sistema niya. Ito kasi ang lalaking gustong gusto niya noong mga panahong inis lamang ang nararamdaman niya para kay Darwin.

At ano na nga ba ang nararamdaman mo para kay Darwin ngayon?

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Isa pa iyon sa tanong sa isip niya na hindi niya alam ang sagot. Na hindi niya alam kung magugustuhan niya ang magiging sagot. Kaya nga nagbabakasakali siyang ngayon susubukan niyang mapalapit muli kay Christopher ay babalik ang lahat sa dati. Mawawala ang lahat ng kaguluhan. At babalik sa inis ang nararamdaman niya para kay Darwin.

"You look bothered. May problema ba?" tanong pa ni Christopher, bakas ang pag-aalala sa mukha nito.

"Wala. Pagod lang ako. Marami lang kasing kinailangang ayusin sa hacienda."nakangiting sabi niya rito.

"Balita ko, sa hacienda din tumutuloy si Darwin." Biglang naging seryoso ang anyo nito. "Is he bothering you?"

You have no idea.

"Hindi naman. Kasosyo na kasi siya sa hacienda kaya doon na rin siya tumutuloy." Sagot niya saka sumubo sa pagkaing nasa harap. Kasalukuyan silang nanananghalian nito sa isang restaurant sa bayan.

"Naaalala ko kasing paborito kang asarin ng isang 'yon. If he's bothering you, I should probably talk to him." Sabi nito.

Dapat ay tumataba na ang puso niya dahil inaalala siya nito ngunit natagpuan na lamang niya ang sariling dinedepensahan si Darwin.

"No, really. He is nice now. He grew up afterall. And he is a good businessman."tuloy-tuloy na sabi niya.

Nakita naman niya ang bahagyang pagkagulat sa mukha nito. Maya maya pa ay bahagya na itong natawa.

"You really changed." Pagkuwa'y sabi nito.

"W-what?"

"Noon halos isumpa mo na si Darwin. Now you're defending him. It seems I came a bit late." Nakangiti pa ring sabi nito.

"I don't understand." Naguguluhang sabi niya.

Bumuntong-hininga naman ito.

"Do you like Darwin?" seryosong tanong nito.

"W-what?" gulat na tanong niya na parang nasukol na gumagawa ng krimen. "Of course not! I just told you the truth. Kahit papaano ay nagbago na siya. But that doesn't mean that I l-like him right?"

Matagal siya nitong pinakatitigan bago humugot ng malalim na hininga at saka ngumiting muli.

"That's a relief then." Tila nabunutan ng tinik na sabi nito. "Kung ganoon pwede pa akong pumasok sa buhay mo ngayon."

Saglit siyang natigilan sa huling sinabi nito. Tama ba ang dinig niya?

"What do you---"

Naputol ang sasabihin pa sana niya nang bigla na lamang nitong hawakan ang kamay niya. Tinitigan siya nito sa mga mata.

"I lost you before because of Darwin. At hindi ko hahayaang sa pagkakataong ito ay mawawala ka muli sa akin." Seryosong sabi nito. "Ngayon ay hindi na ako tatalikod sa'yo kahit pa anong gawin ni Darwin. I still like you, Myla. And I intend to keep you this time."